13 Twelve- Commotion

Chast's POV

Pagkaalis ng isang kupal na nangangalang Jasper ay kahit labag sa loob ko ay Nilingon ko na ang tatlong itlog na tumawag sa'kin.

"Hi Chast, ba't nawala ka kanina?" Tanong ng isa sa kanila na Napaka neat and Clean!

Paano ko nasabi? Kasi napaka plantsado ng damit nito. Na sa sobrang pagka straight mahihiya kang mahawakan dahil baka ma-gusot ito. Ang buhok naman nito at napaka ayos din na aakalain mo na ilang oras ito nagtagal sa salamin.

"Tara na Chast, sabay ka na sa'kin papunta sa Field!" Sabi ng naka messy hair na hindi naman ganon kabagay.

Paano ko din nasabi na hindi ganon ka bagay? Dahil may kahabaan ang buhok nito at ginugulo gulo nito na parang 'di uso sakanya ang salitang suklay. Maybe if his hair is not that long, baka bumagay pa sakanya ang gusto niyang messy hair.

"No!! Chastlett will come with me" sabi pa ng isa na mukhang naka gel dahil nakataas ang buhok nito.

Paano ko nalaman na naka gel ang buhok nito? Maliban sa dahilan na nakataas ang buhok nito ay amoy na amoy ko din ang matapang na amoy ng kanyang gel na mahahalata mong sobrang daming nilagay.

"Ahhh... Uhmm... Ano" sabi ko habang tinitignan silang tatlo na mga nakangiting aso.

Napatingin din ako sa paligid ko at nasa'min nanaman ang atensyon ng lahat. Damn it!

"Tsk, let's just go"Napipilitan kong sambit sakanila at nauna nang maglakad papalabas ng Cafeteria, ramdam ko namang sumunod sa'kin ang tatlo.

"Hey Chast! Wait!/ Chastlett! Saglit!/ Tekaaa, teka lang Chast!" Rinig ko pang sigaw ng tatlo mula sa likuran ko.

Sa ginawa nilang pagsigaw ay nakuha din namin ant atensyon ng mga estudyanteng nasa hallway.

"Hayy... Chast ba't ka ba nagmamadali?" Tanong ng lalaking magulo ang buhok nang maabutan ako.

"'Uy Chast!! Nagmamadali ka ba?" Tanong naman nung isa na mukhang malinis.

Umangat ang kilay ko. Bakit dalawa lang ito? 'Asan na yung isa? Nabawasan na ba sila ng isa? Sana sinama na nang isa itong dalawang ito para wala nang sumusunod sa'kin.

"Ahh 'di naman ako nagmamadali hehehe" Alanganin kong Sagot sakanilang dalawa at sumabay na itong maglakad sa'kin.

"Hey! Sorry nahuli ako, may kinuha lang kasi ako saglit" biglang sulpot naman ng lalaking nakagel. Akala ko umalis na ang isang to.

"Ahh ano oka----" Naputol ang sasabihin ko ng may inabot ito na... Bulaklak?

"For you pala Chast"

"Uhmm... Akin?" Nahihiyang tanong ko pa habang nakaturo sa sarili, hindi Ko nahihiya dahil binigyan ako nito ng bulaklak kundi nakakahiya dahil nasa'kin ang tingin ng mga tao sa hallway.

"Ahh okay? Thank you?"Alanganing sagot ko dito at kinuha na ang inaabot niyang bulaklak.

"Uhmm... Tara na" yaya ko sakanila at nagsimula na kaming maglakad.

Napansin ko namang pasimpleng silang nagtutulakan para makatabi ko sa paglalakad. What the fuck is their Problem?

Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan nila. Napansin kong pasimple silang nagsasamaan ng tingin. Tinignan ko silang tatlo. Mga nakabusangot naman ang mga mukha ng dalawa at ang nag abot sa'kin ng bulaklak ang ngiti nito ay abot na ata hanggang Jupiter sa sobrang lapad. Tss.

"Ahh Bakit mo pala ako binigyan ng bulaklak?" Pag puputol ko sa tensyon na namamagitan sa tatlo.

Napatingin sa'kin ang lalaking nagbigay sa'kin ng bulaklak at bahagyang tinuro ang sarili na para bang tinatanong kung siya ba ang kausap ko.

Halos malaglag na ang eyeballs ko sa ginawa niya. Like duh? Sino pa ba ang nagbigay sa'kin ng bulaklak dito?

Lihim akong napairap at tinanguan na lang ito. Bigla nanaman itong ngumiti.

"Napansin ko kasi na, that very beautiful flower deserve a very beautiful owner" sabi nito at talagang kinindatan pa ako. Teka nga. Banat ba 'yon? Pick up line? Hindi lang pala yung school Corny pati pala estudyante. Tss.

Makalipas ang ilang minuto. Hindi ko alam kung bakit dumami na ang kasabay kong maglakad. Binilang ko ang mga Lalaki na kasabay ko maglakad.

Kumunot ang noo ko. ANIM?! WHAT THE FUCK?!

Napansin ko na nakakailang tigil na kami at napakatagal namin makadating sa Field!

Nakagat ko ang pang ibabang labi sa pagkairita. Fuck Jasper masasapak kita pag nagkita tayo.

"Eric!!!" Sigaw ng nanaman ng isang lalaki. Takte.

"Pare! Sabay na tayo!"

"Woi Pare! Ako din sabay na ako sayo!"

"Ivan!" Sigaw naman ng isa at lumapit naman ito do'n sa Ivan.

Ang nakakunot kong noo ay lalong kumunot ng pagitnaan nila akong lahat. Idagdag pang may hawak akong bulaklak.

At mas Lalo din akong nairita sa mga matang nakatingin sa'kin habang naglalakad sa hallway. Fuck. Ano ba kasi ang problema ng...SIYAM na lalaki na 'to?! Tsk.

Malalim akong bumuntong hininga. Nagsimula ang lahat ng ito sa tatlong lalaki.

Marc ang lalaking naka gel.

Eric ang lalaking mukhang malinis.

Ivan ang lalaking magulo ang buhok.

Sila ang dahilan kung bakit naging siyam na lalaki ang kasabay ko.

At ang pinaka mastermind ng kaguluhang ito ay ang walang iba kundi ang magaling na si Jasper.

Jasper Khent. Makakatikim ka talaga sa'kin mamaya. I fucking Swear.

avataravatar
Next chapter