8 Seven- Detention

Akira's POV

I'm so late!

Hindi kasi tumunog ang bad kong alarm. Absent na tuloy ako sa First Subject ko! And I'm pretty sure that My Second Subject is already starting Huhuhu.

After my Morning Routines, I run towards my Car And drive as fast as i can. Sana umabot pa ako sa 2nd Subject!

Pagkadating ko sa school, agad ko nang pinark ang kotse ko at tumakbo na papunta sa classroom. Lalo akong nainis ng maalala na nasa 4th floor pa pala ang Classroom ko. Naman eh!!

Habang tumatakbo chineck ko ang cellphone ko kung nagtext ba si Chast and meron nga, sabi niya may graded recitation daw kami sa 2nd Subject. Waahhh sana talaga umabot pa ako!

*Boogsh*

"Argh!" Daing ko ng may makabunggo sa'kin habang tumatakbo ako. Sa lakas ng impact nito ay agad akong napaupo, dahilan ng pag talsik ng cellphone ko. Wahhh! My phone!

Napatingin naman ako sa kung sinong nilalang na nakabungo sa'kin na hindi man lang ako tulungan tumayo.

"Hoy Pesteng Jasper! 'Di mo ba ako tutulungan tumayo ha?!" Sigaw ko rito dahil nakatingin lang ito sa'kin at mukhang nagpipigil ng tawa. Loko to ah. May nakakatawa ba sa maganda kong mukha?!

"Ohh.. Sorry" Sabi nito at nilahad ang kanang kamay. Agad ko naman itong kinuha at tuluyang tumayo.

Hinanap ko naman sa sahig kung saan tumilapon ang cellphone ko, pero naman eh! wala siya do'n. Asan Phone ko?! Shet! Late na talaga ako! Tsk!

"Is this what you're looking for?" Mapangasar na sabi ni Jasper at inangat ang hawak niyang cellphone.

"Hoy! 'Akin na 'yan!!" Sigaw ko sa Epal at lumapit sakanya para makuha ang cellphone ko.

"Kuhain mo muna!!" Sigaw niya din sa'kin sabay taas ng cellphone ko. At dahil nga sa matangkad siya, hindi ko ito maabot. Napaka Epal talaga ng Epal na 'to, bwiset!

"Ano ba Jasper?!! 'Akin na sabi eh!" Sigaw ko parin dito habang pilit inaabot ang cellphone ko. Ayaw mo bigay ah.

Agad ko namang Sinabunutan si Jasper Gamit ang kaliwang kamay ko at agad ko din na pinulupot ang kaliwa kong paa sa kanan niyang paa para sana maitumba ko ito. Ngunit naging maagap si Jasper at naalis niya ang paang nakapulupot sakanya.

Dahil sa ginawa niyang ito ay na out of balance kaming dalawa. Argh! Ang bigat naman ng hayop na toh!

"Ano ba?! Umalis ka nga sa ibabaw ko! Aware ka naman ata na ang bigat mo!" Sigaw ko at pilit ito tinutulak paalis sa ibabaw ko.

"YOU TWO!!! TO THE DETENTION!! NOW!!" Napatayo naman kami kaagad dahil sa sumigaw.

Nagkatinginan naman kami ni Jasper at sabay na lumingon sa pinanggalingan ng sigaw.

*Gulps*

"Hala si Sungit" Bulong ko.

Si Sungit ay ang Head Professor dito sa SA at ewan ko kung bakit napaka sungit niya, siguro dahil matandang dalaga siya kaya ganon? Hay ewan.

"Huh, Akira and Jasper. Oras ng klase niyo pero naglalampungan pa kayo dito sa hallway?! Sumunod kayo sa'kin!!" Sigaw pa nito sa'min.

Sinamaan ko naman si Jasper ng tingin at inis na hinablot ang cellphone ko mula sa kamay niya. Tsk, Epal na nga Pahamak pa!

"Mga kabataan nga naman, puro kaharutan ang inaatupag" Rinig pa naming Bulong ni Sungit.

Muli ko nanamang inirapan si Jasper at tsaka na sumunod kay Ms. Sungit. Bwiset ka Jasper! Wala na! Wala na tuloy akong recitation ngayon! Argh!

Chast's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may kumakalabit sa'kin. I'm still here at the garden, sa bench na may table to be exact. Napatingin ako sa kumalabit sa'kin.

"Finally gising ka na, let's go inaantay na tayo nila Akira sa Cafeteria." Rinig kong sambit ni Blue.

Pumasok pala si Akira? Akala ko Absent ang babaitang 'yon, tinext ko pa naman na may graded recitation kami kanina pero 'di parin siya pumasok.

Tumango na lang ako kay Blue at inayos ang sarili. Nang matapos akong magayos ng sarili agad ko na itong niyaya papuntang Cafeteria.

--

Nang malapit na kami sa Pinto ng Cafeteria rinig na rinig ko ang bunganga ni Akira. Kumunot ang noo ko, sino nanaman ang kaaway non?

"Tsk, nagaaway nanaman sila." Bulong ni Blue sa kanyang sarili.

"Hey Blue, sino nanaman ang kaaway ni Akira?"

"Sino pa ba? Malamang si Jasper, lagi naman silang ganyan eh."

"Ahh okay! Tara na baka magsabunutan pa ang dalawang 'yon." sambit ko na lang kay Blue at pumasok na sa Cafeteria.

Pagkapasok namin sa loob lalong nangibabaw ang boses ni Akira.

"Ikaw! Napaka Epal mo talaga! Sa halip na makahabol ako sa 2nd subject na bigyan pa ako ng detention ng dahil sa'yo!" Rinig kong sigaw ni Akira.

"Bakit nanaman ako? Kasalanan ko ba ha??" Angal ni Jasper.

"Oo kasalanan mo! Kasi kung sana binigay mo na agad yung Cellphone ko edi sana hindi tayo nadetention!!" sagot naman ni Akira.

"Bakit sino ba ang nagbalak na ibalibag ako ha?? Ako ba??"

"Bakit?! May sinabi ba akong ikaw?! Sayang nga 'di kita nabalibag eh! At ikaw may kasalanan kung bakit tayo nahuli ni Sungit! Bwiset!"

"Sus! Ako nanaman, ikaw kaya itong may kasalanan kung bakit tayo na detention!" Mapangasar na sabi ni Jasper na lalong kinainis ni Akira.

"Anong ako?! Ikaw! Dahil kinuha mo ang cellphone ko!"

"Eh Bat kasi ayaw mo kuhain?" Hirit pa ni Jasper na may halo pang pangaasar.

"Sira ka ba?! Bakit hindi ko ba kinukuha?! Napaka epal mo talaga! Kung 'di mo ko pinagtripan edi sana nakahabol ako sa recitation namin!"

"At sino naman nag sabi sa'yo na bawal kang pagtripan?"

"At sino din ang nag sabi sa'yo na Pwede mo kong pagtripan?"

"Masama ba manghiram ng Cellphone?"

"HERAM?! Kelan mo hineram ang Cellphone ko?! Hindi mo 'yon hineram! KINUHA MO 'YON!"

Akmang sasagot pa si Jasper ng inawat na sila ni Blue. "Guys! Will you shut your mouths? Ang ingay niyo. 'Di niyo ba alam na pinagtitinginan na kayo?" Panenermon ni Blue.

Agad naman napa linga sa paligid ang dalawa. At nang mapansin na pinapanood nga sila nito napayuko na lang ang mga ito at napaismid.

"Kayong Dalawa!" Baling ni Blue sa dalawang nagaway kanina.

"kayo ang umorder ng pagkain" nang akmang aangal pa sila. Agad na nagsalita si Blue.

"No more buts, Go! bumili na kayo" wala nang nagawa ang dalawa kaya nakabusangot na itong tumayo para umorder.

"Sorry Chast Sabi ko sayo ganon talaga yung dalawang yon eh." mahinahon na sabi ni Blue, tinanguan ko na lang ito.

"Ayos ah? Libre nanaman Lunch natin?" Pabiro kong sambit kay Blue ng makaupo na kami sa Table.

"Yeah, Kaya okay din na nag aaway sila eh, Libre ang lunch hahaha" Natatawang sambit ni Blue.

"Hahahahaha. Nice Strategy! Masubukan Nga minsan." Sa sinabi kong ito ay lalo kami Natawa ni Blue.

I will surely try that Strategy. Hahaha.

Akira's POV

Argh! Nakakainis talaga tong Epal na toh, tsk!

"Hoy Akira, baka gusto mo ko tulungan?" Sa sobrang kainisan ko kay Jasper hindi ko namalayan na naka order na pala ito ng pagkain namin.

Hindi na lang ako kumibo, once kasi na nag salita ako, wala na! Start nanaman ng bangayan namin.

Tinulungan ko na lang itong panget na ito na magbitbit ng tray ng mga pagkain namin.

Si Jasper lang pala ang nagbayad ng pagkain namin? Nice! Nabawasan ang kapangitan niya ng 0.01%

Pagkadating namin sa Table tumabi na lang Ako kay Chast. Ngumisi ako. Ano ba magandang pagganti sa Panget na 'yon?

"Huy Akira, mukha kang sira diyan. Ngumingisi ka mag isa" rinig kong bulong sa'kin ni Chast.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagkibit balikat. Huh! Kala mo Jasper 'di ako gaganti? Pwes! Sabi nga nila lintek lang ang walang ganti!

"Hindi pwede na hindi ako makagamti sa'yo Jasper! Just wait, makakaganti din ako sayong pangit ka!" Sambit ko sa aking isipan habang masama ang tingin kay Jasper. Hmp! Mabulunan ka sanang pangit ka!

*Cough* *Cough*

Napatingin naman ako kung sino ang umubo and it turns out na si Jasper.

Hala nagkatotoo!! Oh my gosh!! Pfttt...

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA"

Nagtatakang tinignan ako ng tatlong kong kasama.

Hahaha Oo nga naman! Isipin nila mukha akong baliw dito na tumatawa magisa, pero kasi eh! Natatawa ako!

Okay kalma Akira, kalma *inhale* *exhale*

Okay kalmado na ako pfft..

"HAHAHAHAHA" Shet! i can't help it hahaha.

"Hey, bakit ka tumatawa magisa dyan?" Tanong ni Blue sa'kin.

"Wala, Wala.. May wish kasi akong natupad HAHAHAHA, Sorry sorry let's eat na ulit" medyo natatawa ko pang sabi kay Blue. Natatawang umiling naman sila sakin, kahit ako natatawa ako sa sarili ko eh hahaha.

Napatingin ako kay Jasper ng mapansin na nakatingin rin ito sa'kin. Natatawang tinaasan ko ito ng kilay. Inirapan lang ako nito. Hahahaha!

Pagkatapos namin kumain nagkwentuhan na lang kami ni Chast, you know girls talk! Hihihihihi!

Tapos ang mga friend namin na kalalakihan ay may mga sarili ding mundo. Talking about their Video games and such.

*Kring!!* *Kringg!!*

Natigil kami sa paguusap ni Chast ng tumunog na ang mahiwagang bell. Aww.. may Klase nanaman. Hayss.

"Let's go na" yaya ni Chast sa'min. Nagpigil ako ng tawa. Nahahawa na sa'kin si Zai sa pagiging Conyo!

Agad na kaming tumayo at dumeretso na sa klase namin. Si Jasper lang naman ang nawalay sa'min dahil sa kabilang section ang mga section ng mga baliw.

avataravatar
Next chapter