10 Nine- Interaction

Chast's POV

"GOODBYE CLASS!" paalam ni Prof at lumabas na ng room. Napairap ako. Kailangan ba pati sa pagpapaalam kailangan nakasigaw? Masakit sa tenga sa totoo lang.

Maya maya lang dumating na rin ang sunod naming Prof. Argh! Inaatok nanaman ako!!

"Good afternoon class.. So today.."

*yawns*

*Lecture*

*Lecture*

*Lecture*

*Lecture*

*KRING!!* *KRINGGG!!*

Nang tumunog na ang bell ay malalim akong Napabuntong hininga.

Napatingin ako kung ano ang ginagawa ng mga kaklase ko. Ano pa ba ang gagawin nila? Malamang nag aayos sila ng gamit. Tch.

Bakit nga ba 'di ako magayos ng gamit? Ahh alam ko na nakakatamad. Maya maya na lang ako mag aayos ng gamit ko. Tanging ballpen ko lang naman ang nagkalat at ang isa kong notebook.

Nang umalis ang taong nasa unahan ko, sumandal ako sa upuan, pinikit ang mga mata at itinaas ang paa sa upuang nasa unahan.

"Chast, Akira. Una na ako ah! May gagawin pa ako sa SCO eh. Bye-Bye! Ingat kayo sa paguwi" Rinig kong paalam ni Blue sa'min ni Akira.

"Ingat!" Tanging sambit ko at kinawayan ito. Still in my position.

"'Di ka pa magaayos Chast?" Rinig ko ding tanong ni Akira.

"Maybe later, tinatamad pa ako at ang sakit ng mata ko" sambit ko kay Akira nang 'di gumagalaw sa pwesto.

"Ohw.. okayy.. una na muna ako ha? May kukuhain pa kasi ako sa locker ko, intayin kita sa parking" inangat ko ang ulo ko at agad na dumilat.

Nakita ko naman na ready na ding umalis si Akira. Isang linggo na palang may pasok, at 'Di ko parin nachecheck ang locker number ko sa Principals Office.

"Okay, ingat!" Nginitian lang ako nito at kumaway ng maraming beses. Natatawang napailing na lang ako ng mawala na sa paningin ko si Akira.

Bumalik na lang ako sa dati kong posisyon. Ang sakit talaga ng mata ko kakatitig sa nakasulat sa board na 'di ko naman maintindihan. Tsk.

Maya-maya lang may kumalabit nanaman sakin. At Sino nanaman 'to?

Inangat ko ang ulo ko at bumungad sa'kin ang tatlong unfamiliar na mukha. Tinaasan ko ito ng kilay. Who the heck are they? Alam ko na Hindi ko ito kaklase dahil ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nila.

"Ayy hello! Sabay ka na sa'kin umuwi!! Pwede?" Tanong sa'kin ng isang babae na shoulder length ang haba ng buhok at napaka kapal ng make up. 'Di ba siya nangangati?

"Sayo lang? Baka sa'tin? Napaka ano talaga neto!" Singit naman ng nag iisang lalaki sa kanilang tatlo. Matangkad naman ito, maitsura, moreno at may piercing sa tenga.

So anong trip nila? Para lang mapanood ko silang magtalo? Tsk.

"Aish! Tumigil nga kayong dalawa" singit ng isa pang babae na may mas makapal na make up. Mahaba naman ang buhok nito na halata na bagong rebond. How did i say so? Dahil amoy na amoy ko ang matapang na gamot nito. And i must say. It smells awful. Ang sakit sa ilong.

"So anyways, gusto mo sumabay? Yes or yes? We don't consider "No" as an answer" sambit ng babaeng naka-rebond. Lihim akong napairap. Grabeng choices naman 'yan, napakahirap pumili. Oh please note the sarcasm.

"Look's like i don't have a choice huh, Wait aayusin ko lang ang gamit ko" Sambit ko sakanila at inayos ang nakalabas kong gamit.

Honestly, Naiinis ako sakanila at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa ginulo nila ang pagkakapikit ko? O may iba pang dahilan?

Nang maayos ko na ang gamit ko, tumayo na ako at sinukbit ang isang strap ng bag ko sa aking balikat.

"Let's go na!!" Sabi ng babaeng may Shoulder length na buhok. Excited eh?

Pagkalabas na pagkalabas naming apat, nakuha namin ang atensyon ng lahat. At Lahat sila ay nakatingin sa'min---more like sa'kin.

"Uhmm My name is Lizzy pala" sabi ng babae na may shoulder length na buhok. Tinanguan ko lang ito.

"And I'm Lucas po" sabay saludo nito sa'kin. Tipid na nginitian ko lang ito.

"I'm Resha. Nice to meet you" sambit naman ng isa pang babae na mahaba ang buhok. Resha?? Bakit ang Familiar ng pangalan niya?? Saan ko nga ba 'yon narinig?

Kahit nagtataka kung sa'n ko ito narinig ay Tinanguan ko na lang ito at tipid na nginitian.

I don't know but I Really felt uncomfortable with the presence of these three.

Matapos nila magpakilala, tahimik na kaming naglakad. Nang malapit na kami sa parking ay nagpaalam na ako. Mukha kasing sa waiting area sila papunta.

So I expect may sundo sila? Or Driver? Hmm..

"Uhm.. Una na ako bye!" Sabay liko ko patungo sa parking lot.

"'Di ka sa waiting area pupunta? 'Di ka ba susunduin?" Tanong pa ni Resha.

"Oh, Nope 'di ako pupunta ng waiting area. Bye!" Tipid na Nginitian ko na lang ang mga ito at bahagyang kinawayan.

= Parking lot =

Saan ko nga ba pinark yung kotse ko? Ahh.. Ayun!

Pagkadating ko sa pinagparkan ng kotse ko. Agad kong nakita si Akira na nakasandal sa Kotse ko habang naka halukipkip at napakasama pa ng tingin nito sa'kin.

Did i do something wrong? Bakit ang sama ng tingin neto?

Nang makalapit ako, agad naman itong umayos ng tayo. "Chast!! Did you forgot what i told you last week?!" Bulyaw nito sa'kin.

Napakunot ang noo ko. Last week?? Ano ba sinabi niya Last week?

"Aish! Makakalimutin ka talaga ano?!" Sinamaan niya ako ng tingin at muling nagsalita.

"That girl! The one who's with you earlier, that's the so called queen, got it?!" Naiirita na niyang sambit sa'kin.

"Which one?" Nagtataka kong tanong. Dalawa kaya silang babae kanina.

"The girl named Resha, nakalimutan mo na ba ha?!" Sigaw parin nito sa'kin.

"Ohh... That must be the reason kung bakit familiar ako sa pangalan niya." Sambit ko sa sarili.

"Chast she is really doing her move now, sabi ko sayo target nun yung mga transferee eh!" Pagrereklamo pa nito sa'kin.

"Okay, Chill. I do understand, kumalma ka nga muna, and don't worry okay? I can handle myself" Agad namang kumalma si Akira sa sinabi ko.

"Fine fine! Binalaan na kita Zai ah! Nako pag may nangyari sayo! Ako mismo magbabalibag sa'yo!"

"Hahahaha sure thing, he pleasure is all yours" natatawa kong sambit kay Akira. Ngunit natigilan ako sa pagtawa ng may maalala ako.

"Teka nga pala! Bakit hindi ka pumasok sa 1st and 2nd Subject natin?! At bakit ka din na-detention ha?!" Tanong ko rito. Agad naman itong nataranta.

"Ayyy Zai nag Text na si Mom sa'kin, need ko na umuwi, bye Chast see you tomorrow!!" Mabilis nitong pahayag habang tumitingin pa sa cellphone nito na parang nag text talaga si tita.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng agad na itong sumakay sa kotse niya at bumusina pa bago tuluyang umalis.

Natatawang Napailing na lang ako at sumakay na sa kotse ko para makauwi na.

Pinapauwi daw siya ng mom niya pero nasa ibang bansa ito. Really Akira?

--

Extra Scene.

( Chapter 5 | Representative) Remember nung inaasar ni Akira si Chast Regarding sa Website ng School nila?}

Akira's POV

"3...2..1" pag kacount down ko bago maupload ang picture ni Zai. "Yehey!! Napost na! Hihihihihi."

Tinitigan ko ang tanging Picture ni Zai na pinost ko sa Website ng School. Isinubmit ko ito para maging Princess na din siya!!

I just need to wait within a week. Or more? Depende kung dadami agad ang followers at ang likes ni Zai! Hihihihihi!

I'm 100% Sure na makikilala agad si Zai sa Serendi Acad. Sure ako d'yan!! Unang araw pa nga lang niya madami na siyang nabihag!! Ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko!

Alam ko namang hindi ichecheck ni Chast yung Website ng school eh. Sa katamaran ba naman ng babaeng 'yon.

Pero kung ichecheck niya nga. Then.. SURPRISE!! Hahahaha.

I understand na ayaw ni Chast na maging Queen. Pero I will make sure na magiging isa si Chast sa mga Prinsesa ng SA.

Pag nakilala ka na Zai, madali ka nang gawing Princess!!!

I will surely make you a Princess in here Zai. Promise ko 'yan! Hihihihi

avataravatar
Next chapter