5 Four- Break Time

Chast's POV

"Goodbye Class!" Napa angat ang tingin ko ng mag paalam na si Prof.

Ano ba 'yan! Ni hindi pa nga nagiinit ang puwit ko sa upuan tapos, tapos na agad ang morning period.

Sabagay ng dumating ako ay patapos na nga ang Morning period ko. What do i Expect?

"Hoy Chast!" Nabalikwas ako sa kinauupuan ko ng bigla akong batukan ni Akira.

"Aww! Ba't ka nambabatok?" Sabi ko rito habang hinahawakan ang parteng binatukan niya.

"Aba bakit ang tagal mo dumating?! Tapos 'di ka pa pumunta ng Field! At bakit ka rin late?! Hindi lang late! Sobrang Late! At Pumasok ka pa eh sampung minuto na lang bago ang break time!" Panenermon pa nito.

Napairap ako. "Alam mo Akira hindi ko alam kung nasaan 'yang Field na 'yan. Ano ineexpect mo? Lilibutin ko itong SA para lang hanapin yung Field? Eh 'di ko nga din alam na may Pasok ako ngayon."

"Zai naman eh!! Ang laki laki ng Field eh! Tapos maingay pa! Kung hinanap mo mahahanap mo 'yon!! Baka naman nag basa ka lang ng pocket book mo?!" Nakapamewang pa nitong sambit sa'kin.

Napalinga ako sa buong Classroom. Kaming tatlo na lang nila Blue ang nandito. Prenteng prenteng nakaupo si Blue sa tabi ko na tila bang tuwang tuwa ito sa pinanonood.

"Aish! Akira 'wag ka nga sumigaw." Reklamo ko dito.

"Aha!! Nagbasa ka lang eh! At wowww..." Dinampot nito ang isang balat ng chichirya na pinagkainan ko. "Kumakain ka pala kaya gusto mo sa likod umupo!"

Natatawang nagkibit balikat ako. Bumaling si Akira kay Blue. "Hindi mo naman sinaway si Chast?!"

"Uhmm.. No. Kumakain din ako eh."

Kumunot ang noo ni Akira."Wahhh!! Papaimpeach kita!! Pag ako kumakain sa Klase binibigyan mo 'ko ng detention slip! Pag si Chast--, Naman eh!!" Pagaalburoto pa nito habang nagpapapadyak.

Nginisian ito ni Blue. "Madamot ka kasi. Ayaw mo mamigay hahahahaha."

Lumapit si Akira kay Blue at pinaghahampas ito. "Madaya ka! Madaya! Madaya!!"

"Ahh!! Akira! Aw--Ouch! Stop it." Daing ni Blue habang todo iwas sa paghampas ni Akira.

"Hey, 'Kira. Stop it." Natatawang saway ko kay Akira dahil naawa na ako kay Blue. Agad naman itong bumaling sa'kin.

"Ngayon naman Zai kinakampihan mo na si Blue! Ako dapat kakampi mo Zai! Best Friends tayo diba??" Madrama nitong sambit sa'kin.

"Whatever Turner. Ang Drama mo." Napanguso ito.

"Heh! Tara na nga!! Nagugutom na ako!! Punta na tayo sa Cafeteria." Sambit nito at hinila na ako papalabas ng room.

Ramdam ko naman na nakasunod si Blue sa likuran namin.

Pambihira. Bababa nanaman ako! Kagagaling ko lang sa Cafeteria eh! Tch.

= Cafeteria =

"What the hell? Bakit sila nakatingin satin? May madumi ba sa mukha ko?" Tanong ko kay Akira ng mapansin na nasa amin ang paningin ng lahat ng tao sa Cafeteria.

Napatingin ako sa isang lalaki na biglang lumapit sa'min ni Akira. "Uhmm...Princess Akira, Can I eat with you?"

Napaangat ang kilay ko. Ano daw? Princess? Kelan pa naging Prinsesa itong si Akira? The Fuck?

"I'm sorry, but I'm with my friend eh. Next time na lang" Ani ni Akira at hinila na ako papalayo sa lalaki.

"What was that?? Bakit Princess tawag nila sa'yo?? Ikaw Prinsesa? My gosh. You must be kidding me." Pigil tawang sambit ko kay Akira.

"Wahhh! Ang Harsh mo sa'kin Zai! Bakit hindi ba ako mukhang Prinsesa haaa?! Ang bad mo huhuhu!" Pagaalburoto nanaman nito at umupo na sa isa sa mga bakanteng lamesa.

"Pfft, But seriously. Bakit Princess tawag sa'yo??"

"Duhh ofcourse! I'm the Campus Princess here" kumunot ang noo ko sa Narinig. Hanggang dito ba naman may ganyang ka kornihan?

"I'm not kidding, Zai." Sabi ni Akira ng mapansing nakakunot ang noo ko.

"And who told you that you're kidding??" Sumimangot ito.

"Joke." Bawi ko. Bigla namang ngumiti si Akira.

"Yeah, Yeah. Whatever. Prince and Princess. corny." Nakasimangot kong sambit rito.

"'Wag ka nga Zai!! 'Pag naging Princess ka dito, they'll look up to you!! Mag kakapower ka din!"

"Okay.." Walang pakialam na sambit ko rito.

"Pero Zai!! Alam mo ba...."

Napakunot nanaman ako ng noo. "Alam ang alin?"

"Alam mo ba na may King and Queen rin dito??"

Napairap ako. "So? Pakialam ko do'n?"

Ngumuso si Akira. "Ehh kasi Zai. Yung panget na Queen may pangit din na ugali."

"What do you mean?"

"Kasi Chast Every School Year may NCA Pageant, para sa magiging bagong Queen and King."

"Then?" Tanong ko pa ulit dito.

"Patapusin mo kasi muna ako!!" Sigaw nanaman nito. Tsk! Sarap tapalan ng Tape ang bibig eh. Sigaw ng sigaw.

"Fine.. Continue." Inirapan lang naman ako nito at muling nag salita.

"Tapos pag nalaman or nakita nung Reshang 'yon na yung kalaban niya ay mukhang may maibubuga sa pageant then, she'll play her games---"

Pinutol ko ito. "Games?" Sinamaan ako nito ng tingin. Napakagat ako ng labi at bahagyang sumenyas rito na ituloy na ang kanyang kinukwento.

"Yes Games, Example. Lalagyan niya ng pasa, blackeye, or Oitment yung mukha ng kalaban niya a week before the Pageant."

Kumunot ang noo ko. What the hell?! She'll do that? 'Di ba siya confident sa ganda niya? Why can't she fight fair? Stupid Queen.

"Weh?? Seryoso?? 'Di nga?? Totoo?" Tanong ko pa rito.

"Yeah, That's True. Desperada maging Queen eh." Sambit ni Akira habang nakatingin sa kuko nito.

"Ano ba meron pag naging Queen ka?" Napatingin sa'kin si Akira.

"Fame and Power." Napaangat ang kilay ko. Just for that? That Stupid must be insane.

"Wazzup people!" Napatingin kami sa isang lalaki na bagong dating at biglang inakbayan si Akira. That must be Jasper.

"Ano ba Jasper?! Pwede ba wag mo kong akbayan?! Close ba tayo?!" Sigaw ni Akira. I'm right. Siya nga si Jasper.

Jasper is much taller than Blue. I think? Maputin din ito at ma-itsura. Madalas din ata itong nakangiti. Halatang may kalokohang laging dala Or maybe he just loves to tease Akira?

Pabalya naman na tinanggal ni Akira ang braso ni Jasper na nakaakbay sakanya. "Ewww.."

"Eto napaka init ng ulo, meron ka noh?" Pangaasar ni Jasper kay Akira.

"Aba't ga---"

"Hoy nagaaway nanaman kayo! Tumahimik nga kayo ang iingay niyo" Awat naman ng bagong dating na si Blue at umupo sa tabi ko. Bakit ngayon lang ito dumating?

"Eh kasi itong si Jasper napaka Pa-epal! Kitang naguusap kami ni Zai eh!" Sumbong ni Akira Kay Blue.

"Woah Wait! I didn't know na na naguusap kayo ah!" Depensa naman ni Jasper.

"Duhh, kung 'di kami naguusap ano sa tingin mo ang ginagawa namin dito? Nagtititigan?!" Hirit pa ni Akira.

"Tumigil na nga kayo, para nanaman kayong aso't pusa eh!" Awat nanaman ni Blue sa dalawa. Akmang magsasalita pa si Jasper pero agaran nang nagsalita si Blue.

"At Jasper ikaw na bumili ng pagkain" nang akmang magsasalita muli si Jasper ay agad nanaman itong inunahan ni Blue.

"'Wag ka nang mag reklamo, sige na bumili ka na do'n" sambit ni Blue at nakasimangot na sumunod si Jasper.

"Hey Chast! Masanay ka na. Ganyan sila lagi maglambingan ni Jasper." Baling sa'kin ni Blue.

"What?! Lambingan?! Eww!!" Reklamo ni Akira habang nakasimangot.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kelan ba kayo magbabati?" Sambit ni Blue na siyang ikinairap ni Akira.

"So Akira, ano nga yung sinasabi mo sa'kin?" Pagiiba ko ng topic.

"Ahh, Binibigyan lang kita ng konting information about her. Transferee is always her main target." Pahayag ni Akira at medyo umayos na ang timpla ng mukha nito.

"Ahh okayy?" Alanganing kong sagot. Me?? target? Go on. Kung kaya niya.

"Wahh Prince Bluee!! Pwede makasali sa Table niyo?!" Napatingin kaming tatlo sa mga babaeng nagsalita sa tapat ng table namin habang may hawak na food tray.

"Bye Girls! Thanks" Sabi naman ni Jasper na bago ding dating at kinindatan pa nito ang mga kasama nitong babae na halatang kinikilig sa ginawa nito. Tss.. Playboy.

Pagkalapit sa'min ni Jasper agad na niyang nilapag ang mga pagkain namin.

"Wahhhhh Prince Jasper!!! Pwede maki join sa Table?!" Sigaw ulit ng mga babae.

"Girls! Pwede ba?! Tignan niyo nga kung kakasya kayo sa pangapat na table?! Are you thinking or what?" Pambabara ni Akira sa mga babae. Napangisi ako ng nawalan ng kulay ang mga mukha ng babaeng sinigawan ni Akira.

"Hahahahaha Sorry Girls, next time na lang!" Sambit ni Jasper sa mga babaeng nasa may table namin.

"Yeah, sa susunod na lang." Sabi naman ni Blue. "Bad mood si Princess Akira niyo eh hahaha" bulong naman ni Blue sa mga babae ngunit sapat lang din ang lakas para marinig din namin.

It's weird. Nawiwirdohan ako sa Prince at Princess na 'yan. So Corny.

"Okay, Bye po! Sa susunod po ah! Bye!!" Nakangiting paalam na ng mga babae. Flirt.

"Alam mo Babe, 'wag ka na mag selos do'n" sambit ni Jasper sabay akbay ulit kay Akira.

"Ano ba! Wag mo nga akong akbayan!! Gusto mo ibalibag kita?! Ha?!" Naiiritang sambit ni Akira at padabog muling tinanggal ang braso ni Jasper.

"Nagsisimula nanaman kayo! Kumain na nga lang tayo" awat nanaman ni Blue sa Dalawa.

"Ayy nga pala!" Napatingin kami kay Jasper ng kuhain nito ang mga pagkain namin.

"Ako pinabili mo ng pagkain natin pero 'di kayo nagbigay ng pera! Napaka daya!!" Reklamo ni Jasper kay Blue.

"Okay na 'yon, libre mo na kay Chast" Sambit ni Blue at kinuha na ang mga pagkain namin kay Jasper. Agad namang napatingin sa'kin si Jasper.

"Edi dapat si Chast lang lilibre ko! Ba't kasama kayo?!" Reklamo niya sa Dalawa.

Natatawang napailing si Blue at napairap naman si Akira.

Napansin ko na biglang natigilan si Jasper. "Chast?" Bulong nito sa hangin.

Napabalikwas kami mula sa kinauupuan ng bigla nitong hinampas ang lamesa. "Ahh!! Chast!! Ikaw na pala 'yon! Finally nakita na rin kita!!"

"Hey, hehe. Nice finally meeting you." Alanganin kong sagot rito.

At Wow ha? Ngayon niya lang ako napansin dito?

"And Akira's Right. You're beautiful!!" Pahabol pa nito.

Biglang binatukan ni Akira si Jasper. "Hoy Jasper! 'Wag mo nga landiin 'yan si Zai! Wala kang pagasa d'yan!!"

"Pero sa'yo meron?" Nakangising sambit ni Jasper.

Muli itong nakatanggap ng batok. "Asa!"

Kinalabit ako ni Blue na siyang dahilan ng pagputol ng paningin ko sa dalawang tao na nagaaway sa harapan namin. Itinuro ni Blue ang pagkain ko.

"Kumain ka na. 'Wag mo nang pansinin 'yang dalawang 'yan." Bulong ni Blue.

Natatawang tinanguan ko na lang ito at sinimulan nang kumain.

Bahala na kayo d'yan Akira. Sayang ang libre kung 'di ko kakainin.

avataravatar
Next chapter