6 Five- Representative

Chast's POV

= Room =

"Good morning class, I'm Sir Ahnton and I will be your Professor in your Physical Education." Rinig kong bati ng professor namin.

Nasa kabilang section pala si Jasper at 'di ko alam kung bakit. Kaklase din nito ang tinataguriang Reyna ng SA.

"Sir!! I nominate Chast po!" Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko.

Kumunot ang noo ko. What the hell is happening?? Bakit nagsisigawan ang mga kaklase ko at dinadawit pa ang napaka ganda kong pangalan?

"Yes, sir si Chast na lang po!"

"Opo sir!

"Payag kami sir!

"'Wag na mag nominate nominate sir! Si Chast na po!"

"Opo Prof! Final na Sir! Si Chast na po!"

Sigaw nanaman ng mga kaklase ko. Na-siyang pinagtaka ko. Anong ako? Saan sila pumapayag? Ako ang alin?? Anong Final??

"Class be quiet!! Okay, majority wins. Ms. Andrada will represent our Class." Sa sinabi ni Prof nagsimula nang magsigawan ang mga kaklase ko sa tuwa.

"PO?!!" Sigaw ko habang nanlalaki ang mata ng magsink in sa'kin ang sinabi ni Prof.

Agad na tumahimik ang buong klase at napatingin Sa'kin. Agad din naman akong nailang.

"Any Problem Ms. Chast?" Tanong ni Prof.

"Ahh, Prof Ano po, Ayoko po maging representative." Nahihiyang sambit ko rito.

"Sorry Ms. Chast but you can't do anything about that. Ikaw na ang pinili ng buong Klase" Sambit ni Prof.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Prof. Hindi na lang ako kumibo. Bakit ako?! Pwede naman si Akira na lang dahil tinagurian naman siyang prinsesa dito diba?!

With that, nawalan ako ng gana makinig sa klase. Nilabas ko na lang ang Ipod ko at nagsuot ng headset. Sa pagkairita ko ay tinodo ko ang volume nito.

Tss. Fuck that Representative thing.

--

Napa angat ang tingin ko ng magsitayuan na ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa unahan at may inaayos si Prof sa kanyang lamesa.

Ano nga ulit pangalan ng Professor namin na ito? Sir Ton ba? Kanton? 'yun ba 'yon? Aish.

Tinago ko na muli sa bag ang ipod ko bago lumabas ng classroom. Wala na ang katabi kong si Blue. Saan na kaya 'yon napunta?

"Ms. Andrada, Please come here for a sec" Tawag sa'kin ni Prof bago pa ako makalabas ng Room. Tsk, Uwing Uwi na ako. I want to sleep.

Kahit labag sa loob ko ay lumapit na ako rito. "Since Ikaw ang Representative ng Section niyo, Please be prepared for our upcoming event next next month" sambit nito.

"What kind of a Event Sir?" Nagtataka kong tanong rito.

"Ohh, Transferee ka pala" Rinig kong Bulong nito sa kanyang sarili. Lihim akong napairap. 'di ba obvious?

"Every School year may magaganap na Event para sa papalit sa Queen and King of Serendi." Tumigil bigla si Sir sa pagsasalita at tumitig sakin. 'yun pala ang ibig sabihin ni Akira kanina.

"Are you Familiar with the King and Queen in here??" Tanong ni Prof. Tumango na lang ako bilang sagot. King and Queen my Foot.

"That King and Queen is our school's representative. The upcoming event next next month is the SA Pageant kung saan maglalaban laban ang lahat ng representative ng bawat section para pumalit sa posisyon"

Nanlaki ang mata ko. Ano daw?! PAGEANT?!

Hindi pa nagsisink in sa'kin ang sinabi ni Prof ng muli nanaman itong magsalita.

"The Previous King and Queen is required to join the Pageant, At sinabi ko ito sa'yo Ms. Andrada dahil alam kong hindi ka nakikinig kanina"

Lihim nanaman akong napairap. Nice, pa'no niya nalaman 'yon?

"That's all Ms Andrada you may go." sabi nito kaya agad na akong nag paalam para lumabas na ng Classroom at nagtungo papuntang parking lot.

Habang naglalakad, napaisip ako. Totoo ba talaga 'yon?! Sure ba na sasali talaga ako sa Pageant?! Sure na talaga 'yon?! Wala nang bawian?!

"Huy Zai!"

Takte! Pwede naman si Akira eh! Bakit ako?! Are they insane?! Bakit ako din ang tinuro ng mga kaklase ko? Close ba kami? Tch.

"Psst! Chast!"

I hate extracurricular activities. Kung sasali man ako baka sa mga kinahihiligan ko lang! But Fuck, Hindi ko kinahihiligan ang Pageant-Pageant na 'yan! Never.

"Woi Chastlett!!"

Pero matagal tagal pa naman bago maganap ang lecheng pageant na 'yan dahil next next month pa naman daw 'yun. May oras pa para maiba ang Representative ng kla--

"CHASTLETT ZAI ANDRADA!!!!"

"Ayy Klase!!" Sigaw ko ng may kamay na bumatok sa'kin.

"Ano ba 'yan Akira ba't ka nanaman nambabatok?!" Sigaw ko din rito habang hinihimas ang parteng binatukan niya.

"Kanina pa kaya kita tinatawag at 'di ka namamansin! Kailangan talaga Sisigawan at Babatukan ka muna 'no?!" Sigaw parin nito sa'kin.

"May iniisip kasi ako eh" Kalmado kong sambit rito.

"At ano nanaman 'yang iniisip mo na sanhi ng paglipad ng utak mo ha?!" Tanong nito sakin habang nakataas ang isang kilay.

"Nothing. I'm just thinking about that Goddamn Pageant" nakasimangot kong sambit rito.

Bigla itong ngumisi "Alam mo kasi Friend, 'wag mo na pansinin 'yang pageant na 'yan! Kaya mo 'yan! Look at your body!" Sambit ni Akira at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ideal body of a Woman!"

Napairap ako. "Just go straight to the point."

Kumawit ito sa braso ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "You have a nice and beautiful body and Face! Kung sumali ka do'n! Uwian na! May nanalo na! Taasan mo lang ng kilay back out na ang kalaban mo!!"

Malalim akong napabuntong hininga. "But the point is. Ayoko. Hindi nga ako pumayag maging model ng kumpanya namin tapos isasali niyo 'ko?"

Sumimangot ito. "Sabagay, takot ka ata sa Camera eh."

Napairap ako. "Hindi ako takot sa Camera okay? Sadyang ayoko lang. Bakit ba hindi na lang ikaw ang pumalit? Kung tutuusin Campus Princess ka naman diba?"

Bigla itong humagikgik. "Alam mo best friend, yung Prince at Princess na 'yan, gawa gawa lang 'yan ng mga estudyante dito"

Napataas ang kilay ko. "What?"

"Hihihihi! Just Check the website of our School. Nandon yung list ng Prince at Princess ng SA." sabi pa nito at makahulugang ngumiti.

"Sige na Chast nandito na Kotse ko! Bye!!" Paalam nito sa'kin.

Oh, nandito na pala kami sa Parking. 'di ko namalayan 'yon ah.

"Okay! Bye!" Paalam rito at bahagyang kumaway.

"Yeah, Yeah! Bye! See you tomorrow!" Paalam din nito at pumasok na sa kanyang kotse.

Ngunit bigla itong lumabas. "Pero Zai, Ayaw mo talaga maging Queen?"

Inirapan ko ito. "No Akira. Wala akong balak, okay?"

Tumango tango ito at muli nang pumasok sa kanyang kotse.

Dumeretso na lang din ako sa kotse ko para makauwi na. As i wear my seat belt. I instantly hit the Gas pedal.

Binuksan ko ang bintana ng kotse ko ng makitang naka-hazzard si Akira sa tabi ng Gate. Naka bukas din ang bintana nito at halatang may hinihintay.

"Akira, Bakit 'di ka pa umaalis?" Tanong ko rito ng matapatan ng kotse ko ang kotse nito.

"Inaantay kasi kita eh, may nakalimutan pa akong sabihin" sabi nito at ngumiti nang makahulugan.

I raised my eyebrow. "And what is that?"

"Hehehe, Actually Wala lang talaga. Papaalala ko lang na icheck mo yung Website ng school baka magulat ka Princesa ka na! Ayyiieee." mapangasar nitong sambit sa'kin.

"Hey Aki----" 'di ko na natapos ang balak kong sabihin ng bigla na nito pinaandar ang kanyang kotse.

"Bye Zai!!!" Sigaw pa nito ng medyo makalayo ito Sa'kin. Napairap na lang ako sa kalokohan nito.

Bigla akong Napatingin sa cellphone ko ng bigla itong tumunog.

From: Akira

Pero Chast Seryoso Talaga yon, Check mo ahh?? Check mo minsan. HAHAHAHAHA.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Ano nanaman ba ang kalokohang naiisip neto ni Akira?

avataravatar
Next chapter