20 Kapitulo 19: Alindog

"Sis, dapat ba talaga, dito tayo mag-good time?" pagdududa niya.

Kasama niya ang matalik na kaibigan na limang taon ng nanirahan na sa Earth. Nakitira muna siya rito habang wala pa siyang matutuluyan. Inaya siya nitong aliwin ang kanilang mga sarili nang mapansin na malungkot pa rin si Alfa.

"Oo naman. Minsan-minsan lang ito. I-enjoy natin ang show. Matutuwa ka, I swear!"

Mga ilang segundo lang ay namatay na ang ilaw. Isang mapang-akit na musika ang dumagundong sa buong gusali. Umilaw ang entablado ngunit walang mananayaw na nakita.

"Boo! Ano ba yan?" naiinis na sinigaw ng isang momshie barbie. "Nasaan na ang maskels?"

Mga ilang sandali lang ay namatay ulit ang ilaw. Sa pagbukas muli nito ay tatlong matatangkad at mala-modelong mga lalaki na nakamaskara ang nagpakita sa gitna ng spotlight.

Sa unang indayog pa lang nila ay nasilaw na ang mga manonood sa kanilang sex appeal. Nagsilaglagan ang mga underwear ng mga kababaihan at mga momshies na naroon. Yumuko na si Alfa dahil pakiramdam niya ay nagkakasala na siya kung panonoorin pa niya ang mga performer.

Maya't-maya ay bumaba mula sa entablado ang moreno na mananayaw. Katulad ng backup dancers niya ay maalindog din ang pangangatawan nito. Nagtungo ito sa harapan ni Alfa at gumiling-giling na may panunukso.

"Eeek! Lumayo ka!" nangingilabot na napatili siya ngunit aminado na na-excite siya dahil sa ka-sexyhan ng anyo nito kahit na nakatago pa ang mukha. Sa malapitan ay tanaw na tanaw ang lean muscles nito na natural, hindi resulta ng steroid at sandamakmak na protein shakes. Halatang athletic ang taong nasa likod ng maskara kaya mas lalo siyang naakit dito.

Tinanggal nito ang suot na tuwalya at tinapon sa tuktok ng ulo niya. Lumantad ang underwear na may disenyong agila, kaya mas lalo siyang na-shook.

"Ang bango! Nakakatakam." bulong niya sa sarili habang tinatanggal ang tela sa kanyang mukha. "Pati singit, flawless! Pero bakit may heart? Tattoo ba 'yan?"

"Woot! Woot!" pagkantyaw sa kaniya ng kaibigan. "Iuwi mo na iyan!"

"Excuse me, hindi ako pumapatol sa macho dancer!" pagtataray niya. Mas lalong lumapit ang lalaki at umupo pa sa tabi nito upang maakbayan siya.

"Teka, aalis na ako!" natatarantang pamamaalam niya. Namamawis na ang kili-kili niya dahil sa super hotness ng katabi. Halos hindi siya makatitig sa mala-Adonis na katawan nito na tila ba handang-handang ialay ang buong sarili sa kanya.

Ayaw niyang magpadala sa tawag ng tukso dahil kahit anong gawin niyang pag-aliw sa sarili, naaalala pa rin niya si Uno.

Nami-miss niya na ang kakaibang mga banat niyo at pasumpong-sumpong na kasungitan na imbis na kainisan ay kinatutuwaan pa niya. Alam naman kasi niya kung papaano huliin ang kiliti nito at parang nagliliwanag ang kanyang mundo sa oras na masilayan ang ngiti nito. Siya rin naman ay pinagtitiyagaan nito kapag may drama queen moments. Batid ng puso niya na magkakasundo sana sila kahit na marami silang pagkakaiba.

Ngunit pinaglalaruan yata sila ng tadhana dahil malabong ipaglaban pa ang relasyon nila. Malayo ang kanilang mga mundo at baka ikapahamak pa ni Uno kung ipagpipilitan pa ang kanilang pag-iibigan.

Tatayo na sana siya upang makatakas mula sa pang-aakit ng misteryosong mananayaw ngunit laking gulat niya nang binuhat siya nito at pinasan sa balikat.

"Bitiwan mo ako!" pagpupumiglas niya.

"Shhh...ako ito." pagbulong nito sa kanya. Natigilan siya nang makilala ang boses ng lalaki. Nagduda pa rin siya dahil wala sa personalidad nito ang maging macho dancer. Dinala siya sa dressing room at doon ay tinanggal na ang suot na maskara.

Kitang-kita niya ang mapupungay at nagsusumamong mga mata nito na punong-puno ng pag-aalala sa kanya.

"U-Uno? I-Ikaw?"Hindi siya makapaniwala na tama nga ang kanyang kutob. Natulala pa siya nang maalala ang mapangahas na pagsayaw nito. "Sabi na nga ba e!"

"Oo. Sinusundo na kita." Niyapos siya nito ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Akala ko ay hindi na kita mahahanap at tuluyan ka ng bumalik sa planeta mo. Sa susunod, huwag ka naman aalis ng walang pasabi."

"OMG!" Naantig ang kanyang puso dahil sa effort ni Uno na mahanap siya kahit na pinagtataguan niya. Yayakap na rin sana siya subalit nakaramdam siya na parang may tumutusok sa tiyan kaya naitulak niya ang kaharap. Medyo may kalakasan siya kaya natumba si Uno sa sahig. "Pwede ba, lumayo ka ng kaunti! Ramdam na ramdam ko! Bakat na bakat!"

"May tuka kasi itong agila. Natigasan ka ba? Sorry na." paghingi ng paumanhin ni Uno habang dahan-dahang tumatayo. Tumalikod siya at inayos ang tuka ng ibon dahil kapag nawala sa lugar iyon, pati ang tunay niyang alaga ay nanganganib na bumuluga at lumipad.

Nanatiling tahimik si Alfa. Ang totoo ay kanina pa halos lumuwa ang mga mata nito dahil sa napaka-daring na suot na pang-ibaba ng kausap. Hindi niya inaasahan ang nakikita dahil nasanay siya na palaging naka-pormal ang binata. Naglakbay ang paningin niya sa kabuuan nito na tanging ulo ng agila ang suot na brief, kung brief man ang maitatawag doon.

Napakagat siya ng labi at na-realize na ang dahilan kung bakit nalalaglag ang panty ng mga babae kung saan siya nananalagi. Mula sa broad shoulders nito, malalakas na braso, tiyan na may six-pack at firm na puwetan, talagang kaakit-akit siya.

Habang nakatalikod ang kasama ay hindi niya maiwasang pagnasaan ang pagkatambok ng mga pisngi ng kanyang likuran.

"Ang puwet ni Uno..." bulong ng kanyang isipan.

"Yummy!"

Natutukso talaga siyang kurutin ang puwet nito sa unang pagkakataon pa lang na nagkita sila. Hinawakan niya ang garter ng kanyang panloob sa pag-aalalang mahulog na rin iyon sa sahig.

"Ayan, maayos na." muling humarap si Uno at ngumiti. "Matatapos na ang dance number ng mga pinsan ko. Sumama ka na sa amin, ha."

"Gusto ko man sumama ngunit natatakot ako..."

"Bakit?"

"Kasi..."

Naudlot ang kanilang pag-uusap ng isang nakabibinging hiyawan ang nagmula sa mga babae nang hinubad na ni Wiz at Francis ang suot na mga tuwalya at tanging mga t-back na may hugis tigre at lobo na lamang ang nagtatakip sa maselang bahagi ng kanilang mga katawan. Sa bawat galaw at indayog ay nafe-flex ang kanilang muscles at tumatalbog ang malulusog na mga alaga nila.

Napalunok siya dahil sa magandang pangitain ng agila, tigre at lobo.

Tunay na makamandag nga ang karisma ng mga Semira.

Animalistic ang dating!

They're fantastic!

Isa pang ikot at giling ay yumuko na ang dalawang magpinsan upang magpaalam. Kumaway-kaway sila at lumisan na sa entablado. Nadismaya ang mga manonood dahil akala nila ay makakasaksi na sila ng "super matured content".

"Ang bastos!" hiyaw ni Miss Elf na nakikiusyoso rin pala. "Akala ko ba all-out ang napag-usapan! Bitin na bitin ako!"

"All out! All out!" pagkantyaw nila.

Dinig pa rin ang sigawan ng mga tao

hanggang makapasok na sa silid sina Wiz at Mike.

"Alfa!" masaya nilang pagbati. Tinanggal na rin nila ang mga maskara at lumapit pa sa kanya upang makumusta.

Hindi maiwasan ni girlalu na maglaway rin dahil sa drop-dead gorgeous bodies ng mga kalahi ni Uno. Napansin nila ang mataimtim na pagtingin sa kanila kaya nahiya sila at napatakip sa kanilang harapan.

"Sorry na. Hahaha! Nakalimutan lang namin mag-bra! Don't mind us." paghingi ng paumanhin ni Wiz. "Francis, bigyan mo nga ako ng band-aid mo! Tatakpan ko ang nipples ko!"

"Ayaw ko nga. Naitapal ko na sa pusod ko."

"Ang damot! Tig-isa naman tayo!"

Tinanggal ni Francis ang isang band-aid at dinikit sa isang nipple ng pinsan.

"Aray ko naman! Pipisatin mo pa utong ko!" pagrereklamo ni Wiz nang mapalakas ang paglagay ng pantapal sa kanan niyang dibdib.

Sa mga mata ni alien girl, kaagad na napalitan ng ka-weirduhan ang kanina lamang na umaapaw na sex appeal ng mga Semira.

"Ang popogi sana pero mukhang may mga tama." nanghihinayang na naisip niya. "Ganito ba talaga ang mga lalaking earthling? O kinulang lang sila sa atensyon ng mga magulang?"

Pumasok na rin si Mike na naka-costume naman ng tamaraw. Dahil mabait daw siya at menor de edad pa, naawa si Miss Elf kaya less daring ang pinasuot at pinayagan na magpantalon.

"Mga kuya! Ate! Nasa likod na ang getaway car natin!" pagbabalita niya. "Tara na bago pa madiskubre na pekeng macho dancers tayo."

"Umalis na kayo." halos pabulong niyang sinabi. "

Nagkatinginan ang magpipinsan dahil sa narinig. Nalungkot sila dahil sa pagtataboy nito.

"Hindi ugali ni Uno ang paglalantad ng katawan ngunit kinaya niya para sa iyo." pangungumbinsi ni Wiz. "Pakiusap, pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo. Kami na mismo ang makapagpapatunay na mahal ka niya. Nais din namin na maging parte ka ng aming pamilya. Ayaw mo na ba kaming makasama?" may tono pa ng pagtatampo na sinambit niya.

"Mapapahamak lang kayo kapag sumama ako sa inyo."

"Hindi ba sinabi mo, walang iwanan?" pagpapaalala ng nobyo. "Bakit nagbago bigla ang isip mo?"

"Kasi...kasi..." Napatakip siya ng mukha at tuluyan ng napaluha dahil sa magkahalu-halong emosyon. "Feeling ko rin kasi, abuso na ako sa pagmamahal mo. I'm so sorry."

"Hindi...huwag ka ng umiyak." Niyakap na ni Uno si Alfa upang tumahan. "Huwag mo ng isipin ang mga ganyang bagay. Team tayo, hindi ba? Tulungan?"

"Sige na, balikan mo na si Kuya." ani ni Francis na mangiyak-ngiyak na rin dahil pakiramdam niya ay bilad na bilad ang kanyang katawan. "Kailangan pa ba niyang tanggalin ang brief niya para makumbinsi kang sumama?"

"Jusme!" Nahintakutan si Alfa sa suhol at napaurong bigla ang mga luha niya. "Hmmm...pwede ba?"

"Hindi." mariing sinagot ni Uno habang nakasimangot. "Anong akala mo sa katawan ko, libre? 'Yan ang abuso." pagsusungit niya.

"Che! Ganun pala, ha! Goodbye!"

"Sandali..." Mas hinigpitan na niya ang pagkakayapos sa dalaga upang hindi na umalis pa. Dahan-dahan niya itong dinala sa isang sulok upang makapag-usap ng masinsinan na hindi naririnig ng mga pinsan. "Ikaw naman, masyado kang excited. Huhubarin ko naman sa tamang panahon. Huwag naman ngayon. Hindi pa ako ready."

"Joke lang!" pagbawi niya sa pagbabanta lamang kanina. "Ipapahubad ko lang 'yan sa wedding night natin ano! Ibahin mo ako sa mga naging ex mo na hayok sa iyo! For your information, conservative at respetado ako na prinsesa!"

"Wedding? Game!" walang pagdadalawang-isip na pagsang-ayon ng kausap. "Pagkatapos ng reception, my body is all yours, my princess!"

"Gigiling ka rin ba para sa akin?" touched na touched na naitanong niya nang marinig ang salitang "wedding".

"Oo naman."

"Ayieee! Gusto ko 'yan!" pagpayag niya ng sumama.

Narinig nila ang pagkakagulo sa labas ng silid. Sumilip si Wiz at dumoble ang laki ng singkit niyang mga mata nang makita ang mga tunay na mananayaw na kinulong at pinatulog muna nila sa banyo. May mga kausap itong pulis at siguradong ipapahuli sila ng mga iyon.

Ni-lock niya ang pintuan at hinarangan ng mesa. Binuksan naman ni Francis ang bintana upang makadaan sila.

Nagtaka sila dahil wala na sa parking lot ang sasakyan. Laking gulat nila ng tumapat sa kanila ang kotse ni Luis.

Mas nagitla sila nang makita ang nagmamaneho.

"Ikaw?"

"Ang gaganda ng katawan natin, a!" pang-aasar ni Sean. "Sarap ipakain sa mga alaga kong buwitre!"

"Inggit ka?' tiimbagang na panunuya rin ni Uno. "E di mag-t-back ka rin!"

"Sumakay na kayo!" inutos na ni Luis. "Mamaya na tayo magkuwentuhan!"

"Bakit kasama mo siya?" pagtataka nila.

"Don't worry. Good boy itong si Sean. Trust me." paniniguro nito.

Dahil masikip lamang ang kotse ay nagsumiksik sina Uno, Alfa, Wiz, Francis at Mike sa likod nito. Pinauna nila ang babae na makaupo. Kinandong ni Wiz si Mike habang si Uno naman ay ang kinabubwisitan na pinsan dahil pareho silang may angking kasungitan.

"Aray ko! Ano 'yun matigas?" pagrereklamo ni Francis nang maramdaman niya na may muntikan na naman bumaon sa kanyang puwet. Naka-t-back lang din kasi siya kaya maling galaw, three points!

Mabuti na lang at extra alert na siya sa mga inuupuan dahil sa hindi kaaya-ayang insidente niya sa alambre.

"'Ang arte mo! 'Yun tuka nitong agila." yamot na yamot na tugon ni Uno na kumalong sa kanya. "Umayos ka nga ng upo at baka mangudngod ang mukha mo sa bintana kapag nagpreno!"

Nang masigurong nakasakay na ang lahat, pinaharurot na ni Sean ang kotse palayo sa sosyaling Gay Bar.

avataravatar
Next chapter