14 Twelve

CHAPTER 12

PHOEBE'S POV

NAKAKAILANG siguro ang tamang word para ma-idescribe ang sitwasyon namin ngayon. Nasa harap namin si Charity na napakalapad ng ngiti habang nakaupo kaming tatlo sa sofa. Magkatabi kami ni Keyden na kataka-takang masama ang bukas ng mukha habang nakatingin kay Charity. Para bang hindi ito masayang makita ang dalaga. Hindi ba dapat ay halos magtatalon ito sa tuwa dahil sa wakas ay nakita niya ulit ang babaeng mahal niya?

"So, how's your honeymoon? Masaya ba?" Masiglang tanong ni Charity. Base sa tono ng boses nito ay para lamang itong kaibigan na excited na magpakwento sa mga nangyari sa amin ni Keyden pero alam kong sarkastiko iyon dahil sa talim ng kaniyang mata na ibinibigay sa akin. Para akong nahiya habang kaharap ang kaibigan ko. Pakiramdam ko ay trinaydor ko siya. Nangako akong ilalakad si Keyden kay Charity kahit na ba parang hindi na kailangan iyon dahil halata namang sila na dahil sa usapang narinig ko noon. Ang tanong, bakit parang hindi naman masaya si Keyden na nandito ang mahal niya?

Nang hindi kami nakaimik ni Keyden sa tanong niya ay bigla itong bumaling sa akin. Napakasarkastiko ng ngiti nito na nagpasikip ng puso ko. Hindi ako sanay na makitang ganyan ang pagkakangiti sa akin ni Charity.

"Ikaw, Phoebe? Nasarapan ka ba? Naikama ka na ba ni Keyden? Kamusta?" Baling nito sa akin at pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa tanong nito. Kung makatingin ito sa akin ay parang nakatingin ito sa pinakamaduming basura na nakita nito.

"Charity, respect my wife or get out of our house." Madilim ang mukha na suway ni Keyden para namang naging isang maamong tupa si Charity at naglalambing na tumayo mula sa pagkakaupo tyaka lumapit kay Keyden at umupo sa kandungan nito. Parang nag-init ang ulo ko sa nakita. Bigla akong nakaramdam ng urge na hilahin si Charity palayo kay Keyden. Sa asawa. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala parin akong karapatan at alam kong mgagalit silang dalawa sa akin kapag ginawa ko iyon. Extra lang naman ako dito eh.

"I'm sorry, honey. I was just irritated na hindi ako pwedeng sumama sa inyo. I mean, sa papel lang naman kayo kasal diba? So bakit kailangan na may honeymoon pa?" Angal ni Charity habang nakapulupot ang mga braso sa leeg ni Keyden. Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin kay Charity na nilalambing si Keyden. 'Yan ang mga bagay na gusto kong gawin kay Keyden pero wala akong karapatan. Ngayong nandito na si Charity, ano nang mangyayari sa kin?

Hindi nagsalita si Keyden bagkus ay hinila niya si Charity papunta sa garden kaya naiwan akong mag-isa dito sa sala. Ngayong mag-isa ako, pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti-unting nauupos. Pakiramdam ko ay napakasama ko dahil alam kong nasaktan ang kaibigan ko na makita kaming magkasama ng mahal niya. Pahiram lang, Charity. Kahit isang taon lang. Tinuyo ko ang luhang hindi ko namalayan na tumulo sa mga mata ko tyaka pumuntang kwarto namin ni Keyden para hayaang makapag-usap ang dalawa. Ngayon ay damang-dama ko na isa talaga akong malaking harang para maging masaya ang dalawa. Ano ba talagang use ng existence ko? Buong buhay ko lagi nalang akong naghahabol. Namamalimos ng atensyon. Kung hindi dahil kay Charity ay baka dati ko pa sinukuan ang buhay ko pero ngayon ay sinisira ko ang buhay ng taong nagpadama sa akin kung gaano kasarap sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid.

I'm so sorry, Charity.

Mabilis kong tinuyo ang luha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at sa pag-aakalang si Keyden ito ay mabilis akong tumayo para sana lumapit sa binata pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Charity na nanlilisik ang mata habang nakatitig sa akin. Kung noon ay pagmamahal bilang isang kapatid ang nakikita ko sa mata ni Charity, panghuhusga at disgusto nalang ang mababanaag dito ngayon. Pakiramdam ko ay kinapos na naman ako ng hininga dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

"Hey, bestfriend. Kamusta?" Tanong nito habang may pilit na ngiti sa labi at lumakad palapit sa kama. Umupo ito doon at hinaplos ang bedsheet namin. "So, iisang kwarto nalang kayo? Feel na feel ang pagiging mag-asawa? Hindi ka ba pwedeng lumipat?" Tanong nito na puno ng selos ang boses at nang hindi ako sumagot ay nanlilisik ang mata na tumingin ito sa akin.

"Ano? Cat got your tongue? Naniwala ako sa'yo, Phoebe. Sabi mo sa akin lang! Sa akin lang si Keyden! Alam mo? Simula palang alam ko na talagang may tinatago kang landi eh. Alam kong nasa loob ang kulo mo. Santa santita." Sigaw nito sa akin habang nananatiling nakaupo habang ako ay tahimik na nakayuko sa harap nito at tinatanggap ang mga paratang sa akin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sobrang nananakit ang puso ko at pakiramdam ko ay any minute ay mag-collapse ako. Ayokong mawalan ng malay sa harap ni Charity. Ayokong kaawaan. Tama na iyong mga sakit na naidulot ko sa kaniya noong ikasal kami ng mahal niya.

"Ano? Wala kang sasabihin? Well, for your information, hindi niyo kailangan magsama ng isang taon. In the Philippines, you can file an annulment once your marriage reached six months. Sa'yo siya sa loob ng anim na buwan pero kailangan mo na siyang ibalik sa akin pagkatapos nun. File an annulment immediately then get out of our lives. I should have known better than be friends with you." Sabi nito tyaka naglakad palabas ng kwarto habang ako ay nanatiling nakapikit at pilit pinapaintindi sa sarili ko ang nangyari. Lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Ng kaibigan kong itinuring na kapatid. Iyong taong palaging nandyan para sa akin noon pero sinaktan ko lang.

Ayos lang, I understand her. Trinaydor ko kasi siya pero masakit parin.

Napaluhod nalang ako nang hindi ko kinaya ang panlalambot ng tuhod ko at tuluyan na akong bumigay at napahagulgol nalang. Ganito pala kasakit masabihan ng malandi ng bestfriend mong tinuring mo biglang kapatid. Iyong kasangga mo sa lahat ng problema ay iyon pala ang tingin sa'yo. Iyong akala ko ay kasama ko talikuran man ako ng mundo ay pinagsisisihan pala na naging kaibigan niya ako.

Pero siguro galit lang siya? Ganun naman ang tao eh. Nakapagsasabi tayo ng mga bagay nang hindi natin pinag-iisipan kapag galit tayo. Siguro hindi lang talaga niya nagustuhan na kasama ko sa iisang bahay ang lalaking mahal niya at kasal pa sa akin. Nasasaktan lang siguro siya. Hindi niya naman siguro sinasadyang sabihin iyon.

Magkakaayos din kami ni Charity. Kailangan ko lang idistansya ang sarili ko kay Keyden para hindi iyon pag-ugatan ng galit ni Charity sa akin. Hindi na kami mag-aaway kung lalayuan ko si Keyden at hihintayin ko ang six months para makalaya siya sa akin at makasama niya ang kaibigan ko. Wala na akong pakielam sa feelings ko. Tama nang minsan akong naging selfish para sa sarili ko. Tama nang sinira ko ang buhay ng dalawang taong minahal ko nang sobra para sa sarili kong kaligayahan.

Meron pa akong kulang-kulang limang buwan para makasama si Keyden at susulitin ko nalang ang mga panahon na kasama ko pa siya at pagkatapos nun ay gagawin ko ang ipinangako ko kay Charity. Aalis na ako sa buhay nila at magpapakalayo-layo. Sisiguraduhin ko na after six months ay magkakaroon ng masayang buhay ang dalawang pinakaimportanteng tao sa akin.

-

avataravatar
Next chapter