9 Seven

CHAPTER 7

PHOEBE'S POV

TULALA ako habang hinahalo ang aking gatas. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na nag-momol na kami. Akala ko ay babagsak na ang bataan kagabi pero habang hinuhubad ni Keyden ang damit ko ay bigla na lang siyang nakatulog at nakakahiya man aminin pero sumakit talaga ang puson ko. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko nang maalala ang pagkabitin ko kagabi. Hindi ako makapaniwala na halos murahin ko si Keyden dahil bigla na lamang itong nakatulog sa ibabaw ko nang akma na nitong huhubarin ang suot ko.

Nawala ako sa pag-iisip nang may biglang naglapag ng kape sa aking harapan at umupo doon si Keyden at nagsimulang uminom nang kape nang hindi manlang ako tinitignan o binabati man lang. Ano pa nga bang aasahan ko? Alam ko na mangyayari itong pag-iwas muli sa akin ng asawa ko kapag nasa huwisyo na ulit siya.

Hinayaan ko na lamang siya at sinimulan ko nang inumin ang gatas ko na medyo lumamig na dahil kanina ko pa hinahalo dahil nawawala talaga ako sa sarili. Inuubos ko na ang gatas ko para makaalis agad ako dahil hindi ko kayang matagalan ang presensya ni Keyden na malapit lang sa akin pero hindi naman kami nagpapansinan nang marinig ko ang boses ni Keyden, "About last night-" Nang marinig ko ang sasabihin nito ay alam ko na agad kung saan 'yun patungo kaya pinatigil ko na ito sa pagsasalita dahil paniguradong "kalimutan mo na iyon blah blah blah!" lang naman ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya. Siguro naman may karapatan akong isalba ang natitirang dignidad sa akin. "I know that it was a mistake. Don't worry, kinalimutan ko na iyon." Sabi ko tyaka ngumiti pero agad ding napakunot ang noo ko nang mapansin na madilim ang mukha ng kaharap ko na para bang hindi nito nagustuhan ang salitang lumabas sa bibig ko.

"A mistake huh?" Matalim ang mata nitong sambit habang nagtatagis ang bagang at rinig na rinig ang sarcasm sa boses nito. Kung makatingin din ito sa akin ay para bang gusto na ako nitong sakalin.

Anong problema nito? Dapat nga ay nagpapasalamat siya sa akin dahil ako na mismo ang nagboluntaryong kalimutan ang nangyari. Hindi na niya ako kailangan pang pagsalitaan ng masasakit na salita para lang kalimutan ang ginawa niya. I helped him get rid of me. Hindi pa ba siya masaya? Ano 'yun? Gusto niyang siya pa ang magsabi ng mga sinabi ko, ganun? Para saan? Para mas masakit?

Mag-iisang linggo pa lang akong asawa ni Keyden pero masasabi kong confusing ang mga galaw niya. One moment, napaka-cold and distant niya. Then next moment, hahalikan at aangkinin niya ako tapos biglang papakalimot sa akin ang kung ano mang ginawa niyang kalandian sa akin. Hay, kung 'di ko lang mahal ang lalaking 'to, nabatukan ko na siguro ito.

Napalunok nalang ako sa sarili kong laway dahil naiilang ako sa titig nito na ang talim na para bang binabantayan niya ang bawat galaw ko tulad ng isang leon na pinapanood ang magiging tanghalian nito kaya naman binilisan ko na ang pag-inom ng gatas at agad kong nilagay sa lababo ang baso na pinag-inuman ko tyaka lumabas ng kusina. Mabuti nalang at hindi ako pinigilan ni Keyden. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad para makapag-isip.

Masaya akong ikinasal ako kay Keyden, sobra pero tuwing napapag-isa ako, laging sumasagi sa isip ko na siguro mas masaya si Keyden kung kapiling niya 'yung babaeng mahal niya. Mas masaya siguro siya kung imbis na ang annulment namin ang aasikasuhin niya after 1 year ay ang kasal sana nila ni Charity o baka nga ang panganganak na ng kaibigan ko ang pinagtutuunan nito ng pansin pero kahit gustong-gusto kong sumaya ang lalaking iyon na mahal na mahal ko ay may parte sa akin na nagmamakaawang 'wag munang pakawalan si Keyden. Na sa akin muna siya kahit hanggang sa manghina lang ako at wala na akong lakas pang lumaban.

Naputol ang pag-iisip ko nang may makabangga ako at napaupo nalang ako sa semento dahil hindi ko nabalanse ang bigat ko. Automatic na nanakit ang puso ko dahil sa gulat kaya napahawak ako sa dibdib ko para sana pakalmahin ang aking sarili nang may kamay na lumitaw sa aking harapan.

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ng pamilyar na boses kaya agad akong napaangat ng tingin at nakita ko si Andrei- yung nagtitinda ng ice cream noon sa park at mukhang nagulat din ito na makita ako pero agad ring napalitan ng ngiti ang pagkagulat sa mukha nito.

"Phoebe?! Oh shit, ayos ka lang ba? Are you hurt? I'm really sorry. Hindi kita napansin." Paghingi nito ng pasensya kaya ngumiti lang ako at tinanggap ang nakalahad nitong kamay at agad naman ako nitong tinulungang tumayo. Buti nalang at agad na nawala ang paninikip ng puso ko.

"Uy, Andrei, kamusta? Ano palang ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong. Naalala ko na naman ang selos sa mukha ni Keyden noong makita niya akong kausap si Andrei. Now I wonder, totoo kaya ang nakita kong ekspresyon sa mukha nito o pinaglalaruan lang ako ng isip ko?

"Nasa area lang na 'to ang bahay ko. Nagja-jogging ako nang mabangga kita. Ikaw? Dito din kayo nakatira ng asawa mo?" Nakangiti nitong tanong. Napaka-friendly talaga ng aura ng lalaking 'to. Yung tipong kapag nasa paligid siya ay parang hindi ka dadapuan ng bad vibes. Nakapa-refreshing ng pakiramdam kapag nasa paligid siya. Ang sarap siguro nitong maging kaibigan.

Nakangiti naman akong umiling para sagutin ang tanong nito, " Dito ang resthouse ng family ng asawa ko." Nakangiti kong paliwanag.

Bigla naman itong ngumiti nang nanunudyo, "Ah, honeymoon? Newly weds?" Nanunukso nitong tanong kaya pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha pero nagawa ko paring tumango upang kumpirmahin ang tanong nito. Jusko naman, bakit ba pulang-pula ako eh wala naman kaming ginagawa ni Keyden? Nagmo-mol kayo kagabi. Pakiramdam ko ay mas lalo akong namula sa iniisip ko.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi nito nang makita ang pamumula ng mukha ko kaya lalo akong nahiya kahit wala naman talagang nangyayari sa amin ni Keyden pero pakiramdam ko ay alam ko ang iniisip ng gwapong lalaki na ito.

"That explains the possessiveness the other day. Ganyan talaga pag bagong kasal, pinagseselosan lahat ng nasa paligid kasi mahina pa ang tiwala sa isa't-isa." Nakangiti nito sabi at katulad ng ginagawa ng isang kuya, ginulo nito ang buhok ko na agad ko namang iwinaksi tyaka siya tinignan ng masama pero tumawa lang ang hudyo.

"Napakacute mo talaga. Kung wala ka lang sigurong asawa, sa park palang niligawan na kita." Nakangiti nitong sabi tyaka biglang tumakbo palayo habang kumakaway habang ako ay naiwang pulang-pula ang mukha dahil sa sinabi nito kahit alam ko naman na nagbibiro lang ito.

TANGHALI na nang makauwi ako sa bahay dahil masyado akong nalibang sa pamamasyal at wala pa sana akong balak na umuwi kung hindi lang humapdi ang aking balat dahil sa init ng araw.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko doon si Keyden na abala sa pagluluto at mula dito sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko na ang mabangong aroma ng niluluto nito.

Napatitig naman ako kay Keyden na mukhang hindi napansin ang presensya ko. Napakagwapo talaga nito habang nagluluto at may suot na apron. Napatitig ako sa pawis nito na parang nanunuksong dahan-dahang tumulo mula noo nito pababa sa pisngi. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa nakita ko. Bakit kasi napaka-sexy ng asawa ko?

Napansin siguro ni Keyden na may nakatitig sa kaniya dahi bigla itong lumingon sa gawi ko at nang makita ako ay tumango lamang ito. Napayuko naman ako sa hiya. Bakit kasi naisipan ko pang titigan eh alam ko naman na irita sa akin ang lalaking 'to. 'Yan tuloy, kitang-kita nito kung paano ako maglaway sa kakisigan nitong taglay.

Tumalikod nalang ako at umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto para magpalit ng damit dahil paniguradong amoy araw na ako. Nagshower lang ako sandali tyaka nagsuot ng kumportableng damit. Oversized shirt and a short shorts. Tinuyo ko lang ang buhok ko gamit ang hair dryer tyaka ko ito tinali nang pa-messy bun para hindi ako mainitan. Sakto naman na narinig ko ang katok ni Keyden at sinasabihan ako na bumaba na dahil kakain na kami kaya agad akong bumaba at naabutan ko si Keyden sa hapag-kainan na mag-isang nakaupo at halatang hinihintay ako.

Agad naman itong napatingin sa akin nang maramdaman ang presensya ko at para pa itong natigilan nang makita ako at kung hindi ako nagkakamali ay bumaba ang tingin nito sa legs ko bago ito biglang napalunok tyaka nag-iwas ng tingin at biglang namula.

avataravatar
Next chapter