11 Nine

CHAPTER 9

PHOEBE'S POV

I KEEP on saying to myself na ayos na iyong magkaibigan lang kami. Na kahit extra lang ako sa buhay niya, ayos na sa akin iyon. Basta kasali parin ako sa buhay niya, tanggap ko na pero paano ko matatanggap kung simula nang tinanggap ko ang pakikipag-kaibigan kay Keyden ay naging clingy sa akin ang binata? Hindi ako prepared na malamang napakakulit pala ni Keyden. Halos hindi ako matahimik nang ilang minuto kapag nasa paligid ang damuhong iyon. Kung hindi ako pagtitripan ay lalambingin naman ako. Para siyang isang bata na natrap sa katawan ng isang macho at yummy na lalaki.

Katulad nalang ngayon.

"Phoebs! Tara na, dali. Ang ganda ng panahon oh. Paniguradong ang sarap mag-swimming." Pamimilit nito sa akin habang nanunuod kami ng movie sa sala. Bago pa magsimula ang movie ay inuungot na niya ang swimming na iyan. Sabi ko nga ay kung gusto niya ay mag-swimming siya mag-isa niya pero gusto daw niya ay kasama niya ako. So, ano ako? Nanny ganun? Asawa ako. Asawa!

"Ano ka ba. Malapit nang matapos iyong movie oh. Manahimik ka nga diyan. Imbis na umiiyak ako ngayon kasi nakakaiyak iyong scene hindi ko magawa kasi ang ingay mo." Suway ko dito. Buti naman at tumahimik din ito at inilagay nalang ang ulo sa balikat ko. Ganito naman lagi ang ginagawa ng lalaking ito kapag nasasaway ko dahil sa kalikutan o kaingayan niya. Mananahimik tapos maya-maya ay sasandal sa balikat ko at magso-sorry. Ako naman itong si marupok, bumibigay agad. Parang bigla akong nagkaanak dahil sa lalaking 'to.

Nang matapos ang movie ay nanatiling walang imik si Keyden. Nang silipin ko ang ginagawa nito ay nakatitig lamang ito sa screen ng TV. Nagtatampo ang loko. Napailing nalang ako tyaka hinawakan ang mukha ni Keyden para maalis sa balikat ko at mapaharap sa akin. Agad naman itong tumingin sa akin habang nakasimangot.

Nginitian ko naman ito bago nagsalita, "Swimming na tayo?" Aya ko dito at ang loko, biglang nagliwanag ang mukha nang banggitin ko ang salitang 'swimming'. Agad itong tumakbo at hinila ako paakyat ng hagdan para magpalit. Halatang excited eh.

Nang matapat kami sa kwarto ko ay huminto kaming dalawa at papasok na sana ako sa loob para magpalit nang hawakan ni Keyden ang braso ko para pigilan akong pumasok. Nang harapin ko siya ay seryoso ang itsura nito habang nakatitig sa akin kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka.

"Huwag kang magsusuot ng two-piece." Bilin nito bago naglakad papunta sa kwarto niya. Problema nun? Baliw talaga. Tumuloy na ako sa pagpasok sa kwarto at balak ko sanang magsuot lang ng spaghetti strap at shorts pero dahil naalala ko ang bilin ni Keyden ay kinuha ko ang swimsuit kong itim na one piece pero napaka-sexy tignan.

Natatawa nalang ako habang sinusuot ang swimsuit na napili ko. Ano kayang magiging reaksyon ni Keyden kapag nakita niya akong suot ito? Matapos suotin ang itim na swimsuit ay humarap agad ako sa salamin para alamin kung anong itsura ko. Baka mamaya mukha palang ako tanga habang suot ito diba? Pero nang makita ang itsura ko ay hindi naman pala ganun kasama. Kitang-kita ang curve ng katawan ko dahil sa suot kong kapirasong tela.

Tinali ko ang buhok ko nang messy bun tyaka nagsuot ng bathrobe bago pumunta sa may swimming pool area ng bahay. Agad ko namang nakita si Keyden na nakababad na doon habang nakatitig sa sakin. Halatang kanina pa ako hinihintay. Sa isang iglap ay na-conscious agad ako sa itsura ko. Parang pinapanood kasi nito pati ang kaluluwa ko. Parang sinisilip kung anog suot ko sa ilalim ng bathrobe na suot ko.

Nang makalapit ako ay umahon naman siya mula sa pagkakababad at lumapit sa akin. Muntik pa manginig ang tuhod ko nang makita ko ang pamatay niyang abs. Shucks! Di ko alam kung dahil iyon sa tubig pero parang nangingintab ata ang abs ni Keyden. Ang sharap hawakan. Shining, shimmering, spledid!

Umiling-iling ako para maalis ang agiw sa utak ko. Dahil sa abs ni Keyden nagiging makasalanan ang mata ko. Kasalanan talaga iyon ng abs niya. Oo, kasalanan iyon ng six packs niya!

"Ano? Tatayo ka lang diyan? Tara na! Ang sarap ng tubig." Nakangiti nitong aya tyaka binuhat ako at tumakbo papunta sa pool. Nang marealize ko ang gagawin niya ay nagtititili ako habang nagpupumiglas habang ang damuho ay tawa lang nang tawa na mukhang nage-enjoy sa reaksyon ko hanggang sa maramdaman kong tumama ang katawan ko sa tubig. Agad sana akong aahon pero agad akong nagpanic nang maramdaman kong namulikat ang paa ko at hindi ko ito maigalaw para makaahon. Mas lalo akong nataranta nang kumirot ang puso ko hanggang sa maramdaman ko ang isang braso na pumulupot sa bewang ko at iniangat ako paahon.

Pagkaahon ko sa tubig ay parang gripo na bumuhos ang mga luha ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot sa nangyari. Bahagya paring kumikirot ang puso ko at kailangan kong kumalma kung ayaw kong mahimatay ulit. Muntik na 'yun. Muntik na akong malunod kung hindi lang ako sinagip ni Keyden. Kung hindi lang ito naging mabilis sa pagligtas sa akin ay paniguradong malulunod ako at madaling papasok ang mga tubig sa puso ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko nang maramdaman ko na niyakap ako ni Keyden. Dahil siguro sa kaba at takot ay bigla ko nalang pinaghahampas ang likod nito at hinayaan niya naman ako.

"Shh. I'm sorry. I'm really sorry. That was supposed to be a joke. I'm sorry, Phoebs." Bulong nito habang hinahagod ang likod ko. Parang isang mahika naman ang mga salita nito at unti-unti ay kumalma ako at nawala ang kirot sa puso ko. Nang tuluyan na akong kumalma ay kumawala ako sa yakap niya at tinignan siya nang masama. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito at kung 'di ako nagkakamali ay may bakas ng takot sa mata nito na pilit niyang tinatago.

"Natakot ako, alam mo ba iyon?!" Panunumbat ko dito at mas lalo kong nakita ang guilt dito bago ito yumuko. "Mas natakot ako." 'Di ko masyadong narinig ang binulong nito pero sigurado ako na may sinabi ang damuho na ito. "Ano iyon?" Tanong ko ulit. Aba, subukan lang nito na hindi sagutin ang tanong ko at isang buwan ko siyang hindi papansinin pero imbis na sagutin ang tanong ko ay nginitian lamang ako nito tyaka hinalikan ang noo ko.

"Gusto mo bang makaganti sa akin?" Tanong nito habang nakangiti nang nakakaloko. Sinimangutan ko naman ito bago mabilis na sumagot, "Oo naman!" Ngumiti itong muli tyaka huminga nang malalim bago lumubog sa tubig. Napakunot-noo na naman ako. Ano na namang kalokohan ang ginagawa ng isang 'to?

"Keyden? Hoy!" Sigaw ko dito tyaka lumubog din para makita ko ang ginagawa nito at nagulat ako nang makita kong nakanganga ang bibig nito na para bang nilulunok ang mga tubig na pumapasok doon. Agad kong hinawakan ang kamay nito at iniahon pataas pero matigas ang ulo ng loko at hindi talaga nagpatinag. Sinasadya ng loko na magpalunod para makaganti ako? indi ba nito alam na mas lalo lang niya akong pag-aalalahanin?! "Keyden, I swear, kapag hindi ka umahon diyan ay hindi talaga kita patatawarin!" Sigaw ko dito at mabilis pa sa alaskwatro itong umahon na para bang wala lang dito ang mga tubig na nalunok nito.

"Baliw ka talaga. Ano bang iniisip mo ha?!" Sermon ko dito pero nakatitig lamang ito sa akin bago biglang tumawa nang napakalakas. Nagtaka naman ako sa reaksyon nito. Pinapagalitan na tumatawa parin? Baliw nga. Pero nang tignan ko kung ano ang tinitignan nito ay doon ko lang narealize na nakasuot parin pala ako ng bathrobe kaya agad ko itong tinanggal at binato sa tabi ng swimming pool. Nawala sa isip ko na ang sexy nga pala ng suot ko kaya nang tignan ko si Keyden para sana sermonan ulit ay nakita kong nakatulala na naman ito sa katawan ko habang namumula ang mukha at tenga. Bahagya pa itong napalunok nang mapatingin sa dibdib ko kaya pakiramdam ko ay namula din ako sa hiya at aahon na sana para magpalit nang hatakin nito ang bewang ko at niyakap ako patalikod. Napasinghap ako hindi dahil sa gulat sa ginawa nito kundi dahil sa matigas na bagay na tumutusok sa likuran ko.

Is that his birdie?!

"Nararamdaman mo? Kaya ayokong magsuot ka ng mga ganyang damit dahil ayokong mawala sa sarili at makagawa ako ng isang bagay na siguradong ikakagalit mo." Bulong ni Keyden sa tenga ko habang damang-dama ko ang init sa mga pisngi ko dahil sa hiya.

avataravatar
Next chapter