7 Five

CHAPTER 5

PHOEBE'S POV

GUSTO ko nang sumabog sa inis. Itong dalawang lalaki naman na ito ay halatang pinipigilan ang mga tawa nila.

Kung kanina ay napipilitan lang akong bumili, ngayon ay natatakam na talaga ako sa ice cream. Pano ba naman kasi? Imbis na ibigay agad sa akin ay pinapaikot-ikot muna nito ang ice cream. Palibhasa mahaba ang hawakan at sticky 'yung ice cream kaya madaling iiwas-iwas sa akin.

Nakangisi na naman niyang inumang sa aking harapan ang ice cream kaya hinawakan ko ang cone nang bigla nitong itaas muli ang mahaba niyang pang-scoop. Doon ko narealize na nakapatong lang yung cone sa ice cream kaya sa sobrang inis ko ay kinagatan ko na yung cone kahit walang ice cream na nakapagpatigil sa kanilang dalawa na kanina pa enjoy na enjoy akong inisin.

Maya-maya ay bigla nalang tumawa si kuyang ice cream tyaka binigay na sa akin ang ice cream ko. Kinuha ko naman agad iyon at thankfully ay hinayaan na ako nitong kainin ang ice cream ko.

Ngumiti naman ito sa akin tyaka pinisil ang pisngi ko bago nagsalita, "You're so cute." Nakangiti nitong sabi habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mamula hanggang sa may isang kamay ang pumalibot sa bewang ko at inilayo ako sa stall na iyon.

Doon ko narealize na si Keyden pala ang naglayo sa akin at napakadilim ng aura nito habang nagtatagis ang bagang at mabilis ang paglalakad na parang may humahabol dito. Problema nito? Parang kanina lang ay todo tawa ito kapag hindi ko nakukuha yung ice cream ah?

"Ayos ka lang?" Hindi ko mapigilang tanong habang patuloy na kumakain ng ice cream. Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang ice cream kapag hindi agad ibinigay sa'yo.

Huminto naman agad ito nang marinig ang boses ko at madilim ang mukha na humarap sa akin. Madiin ang pagkakahawak nito sa braso ko pero hindi sapat para masaktan ako.

"Ano? Masaya ka ba? Masaya ba makipaglandian sa putang lalaki na iyon? Siguro gawa-gawa mo lang na gusto mo ng ice cream pero ang totoo ay ang nagbebenta nun ang gusto mo." Sumbat nito sa akin habang matalim ang mata at nagtatagis ang bagang na nakatingin sa akin.

Kumunot naman ang noo ko sa paratang ng lalaking 'to. Ano bang pinagsasasabi nito? "Ano? Bakit ba ganyan ka magsalita, Keyden? Gusto ko ng ice cream kaya kita inaya-" napatigil ako sa pagsasalita nang may maalala.

Hindi pa kami nagbabayad sa ice cream! Agad akong tumakbo pabalik at nakita ko naman si kuya na parang naghahanda nang umalis.

"KUYANG ICE CREAM!" Sigaw ko nang magsimula itong maglakad paalis kaya mas binilisan ko ang takbo para maabutan ito. Agad din naman itong tumigil nang marinig ang boses ko tyaka nakangiting naghintay sa paglapit ko kaya kahit hingal na hingal na ay pinilit kong bilisan ang pagtakbo.

Nang maabutan ko siya ay hinihingal na inilabas ko ang wallet ko tyaka dumukot ng 50 pesos. Nang makita ni Kuya ang inilabas ko ay umiiling itong hinawakan ang kamay ko tyaka ibinaba.

"It's okay. You entertained me by your reaction and that's already enough for me." Nakangiti nitong sabi at nang mga sandali na iyon ay alam kong hindi talaga ito nangangailangan ng pera hindi dahil sa nag-english ito o hindi nito tinanggap ang pera kundi dahil sa suot nito. Simple lang ang mga iyon pero halatang mamahalin. Ngayon ko lang napansin dahil abala ako sa ice cream kanina.

"Bakit ka nagbebenta ng ice cream kung mayaman ka naman?" Kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon kaya agad kong tinakpan ang aking bibig. "I mean, hindi mo naman kailangan sagutin kung ayaw mo." Agad kong bawi.

Bakit kasi napakadaldal mo, Phoebe?

"No, it's okay. Trip ko lang magbenta since ice cream is the love of my life and nae-entertain din ako sa mga reaksyon ng mga costumers kapag pinagt-tripan ko sila." Nakangiti nitong sagot. Napaka-friendly talaga ng aura nito. Kung sana ganito din kaliwanag ang aura ni Keyden araw-araw, ang saya siguro.

"Sabi mo, libre mo na iyong ice cream dahil naentertain ka sa akin. So, ibigsabihin lahat ng costumers mo ay nililibre mo din?" I asked and he automatically laughed. Ang gwapo din nito kapag tumatawa pero mas gwapo si Keyden. 'Yun hindi pa tumatawa, makalaglag panty na.

"No. I just found you really pretty that's all." At ngumiti na naman ito. "By the way, I'm Andrei Sanford. And you are?" Pagpapakilala nito habang nakalahad ang kamay kaya agad ko iyong tinanggap at nakangiting nagpakilala, "Phoebe. Phoebe Villanueva-" Hindi pa ako tapos magpakilala nang may naghiwalay ng kamay naming dalawa at nang tignan ko kung sino ang gumawa nun ay ganon nalang ang gulat ko nang makita na masama ang tingin nito sa amin. Keyden.

"Fuentes. Phoebe Villanueva-Fuentes and she's my wife so back off, asshole." Singit nito tyaka ako muling hinila palayo. Pansin ko lang na ang dalas akong kaladkarin ni Keyden ah? Problema ng lalaking 'to?

Bumalik kami sa parking ng ospital tyaka sumakay sa sasakyan. Nang tignan ko si Keyden ay mabilis ang paghinga nito kaya medyo nag-alala ako dito. Ayos lang ba siya? Mukhang ito ata ang kailangan magpatingin eh.

"Ganyan ka ba talaga, Phoebe?" Bigla nito sabi matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko naman talaga kasi alam kung ano ba ang tinutukoy niya. Anong ganito na talaga ako? Ganito na ba talaga ako karupok sa kaniya ganon?

"Ganyan ka ba talaga? May asawa kang tao! Kasama mo ako pero kung makangiti at kung makipag-usap ka sa ibang lalaki, wagas! Bakit? Ha? Kung mas gusto mo naman pala iyong tang'nang iyon, sana sa kaniya ka nalang nagpakasal!" Sigaw nito sa akin tyaka lumabas ng sasakyan habang ako ay naiwang natulala.

What just happened? Anong problema nun at bigla nalang naninigaw?

Nagmamadali din akong lumabas at nilapitan si Keyden na nakatalikod sa gawi ko kaya agad akong naglakad patungo dito tyaka ito niyakap. Bakit mo niyayakap? Wala ka namang karapatan ah? Asawa ka lang sa papel, remember?

Dahil sa naisip na iyon ay para akong nanghina at akmang bibitaw na sana sa pagkakayakap nang bigla itong humarap sa akin tyaka ako niyakap nang mahigpit. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang kaba sa pagkakalapit namin. Hindi ko alam kung bakit sobrang naghuhurumintado ang puso ko. Alam kong alam mo kung bakit nagwawala ang puso mo.

Oo. Alam ko kung bakit at dahil iyon sa mahal ko ang lalaking nakayakap sa akin ngayon. Kaya ano man ang rason nito sa pagyakap sa akin ay susulitin ko na lamang dahil hindi magtatagal ay sasama na ito sa babaeng totoo nitong minamahal at hindi ako iyon. Dahan-dahan kong ipinalibot ang aking mga braso sa bewang ni Keyden tyaka tinugon ang mga yakap nito.

Naririnig ko ang mabibigat nitong paghinga habang mahigpit parin ang yakap sa akin.

"Phoebe, please." Bulong nito habang nakasubsob ang mukha sa aking leeg.

"P-please what?" Nagtataka kong tanong. Bigla-bigla nalang kasing makikiusap eh hindi ko nga alam ang tinutukoy nito.

"Please stay away from any male species other than me and your father."

Kumunit naman ang noo ko sa pakiusap nito. Nababaliw na ba ito?

"And why would I do that?" Nagtataka kong tanong. Pwede ba, kung nababaliw na ito ay 'wag sana niya akong idamay dahil ako? Matagal na akong nabaliw sa kaniya.

"Because I'm jealous. Damn it! Can't you see how jealous I am? I'm jealous of that man, Phoebe. I want you for my self. Call me selfish but I want you mine."

avataravatar
Next chapter