17 Fifteen

CHAPTER 15

PHOEBE'S POV

"I SWEAR to god, Keyden. Kapag hindi mo inalis ang ngiting 'yan sa mukha mo sisiguraduhin kong masusunog lahat ng gamit mo!" Sigaw ko kay Keyden dahil ang damuho mula nang alalayan ako pababa sa hapag at nagsimula kaming kumain ay hindi na nawala ang ngisi nito habang pasulyap-sulyap sa akin at may pilyong ngiti sa labi.

"What? What did I do?" Maang-maangan nito pero ang ngisi ay hindi maawat. Alam ko naman ang naglalaro sa isip nito kaya ganito ito makangiti eh. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko nang dumako ang tingin ko sa braso nito na puno ng kalmot. Alam na alam ko na ako ang may kagagawan ng mga iyon at alam na alam ko kung paano nito iyon nakuha at kung bakit ko iyon nagawa.

Mukhang napansin naman ni Keyden kung saan ako nakatingin at nang dumako ang mga mata nito sa braso niya at nakita ang mga kalmot doon ay mas lumaki ang ngisi ng damuho. "Oh, I know that you enjoyed giving me this." Panunudyo nito sa akin tyaka itinaas-baba ang kilay. Hindi na ako nakapagpigil at binato ko na dito ang hawak kong tinapay tyaka ito iniwan sa hapag-kainan.

Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang pisngi ko habang inaalala ang nangyari kanina. Mahapdi parin ang pagkababae ko pero tingin ko ay nasanay nalang ang katawan ko. Nakatayo lang ako sa may gilid ng pool nang may tumabi sa akin. Amoy palang ay alam ko nang si Keyden ito at isa pa ay kami lang naman ang tao dito. Hindi ko nalang siya pinansin dahil nahihiya pa ako sa kaniya.

"Hey, I'm sorry. Nasobrahan ata ang pang-aasar ko. I just... I've never been this happy before. I've never been this comfortable talking to someone. I'm sorry, Phoebe." Narinig kong sabi nito at dahil dakilang marupok ako ay bumigay din ako kaya kahit nahihiya ay humarap na ako dito senyales ng pagsuko. Inilahad naman nito ang mga braso na parang naghihintay ng yakap kaya agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap ang matitipuno nitong katawan.

And just like that ay nagkabati na naman kami. At asang-asa na naman ako.

UMAGANG-UMAGA at nandito na naman ako sa kusina. I can say na nag-improve naman ang cooking skills ko dahil kanina pa ako nagluluto ng pancake for breakfast and so far, so good. Tama lang ang pagkakaluto ng pancake at nang tikman ko ay masarap din naman. Ehem wife material here.

Pagkatapos kong ilagay sa pinggan ang lahat ng niluto ko- na masyadong naparami dahil nag-enjoy ako- ay inayos ko naman ang lamesa para pagkatapos nito ay tatawagin ko na si Keyden na tulog parin hanggang ngayon. May konting kirot parin ang pagitan ng mga hita ko but it's now bearable. Hindi naman ako malulumpo dito.

Nang matapos ako sa paghahain ay aakyat na sana ako para tawagin ang asawa ko nang makita ko si Keyden na pababa na ng hagdan. Nakasuot ito ng business suit at madaling-madali na para bang late na ito sa trabaho. Nang makita ako ay lumapit ito sa akin tyaka ako hinalikan sa pisngi.

"I have to go. May meeting ako ngayon na kailangan puntahan. Stay here, I'll be back." Sabi nito tyaka walang lingon-lingon na lumabas ng bahay at umalis. Siguro napakahalaga ng meeting na sinasabi nito kaya hindi na nito nagawang kumain. Kawawa naman.

Bumalik ako sa kusina tyaka kinain ang ginawa kong pancakes. Nang matapos ay agad kong niligpit ang pinagkainan ko tyaka nagsearch kung paano magluto ng adobo. Dadalhan ko nalang si Keyden sa opisina dahil mukhang sa itsura nito ay magiging busy ito at mawawalan ng oras para kumain.

PAGKATAPOS magsearch ay agad ko nang hinanda ang ingredients at sinimulan nang sundin ang instructions. Madali lang siya dahil may video kung paano gawin at kung gaano kadami ang mga dapat na ilagay at nang matapos ay sobrang proud ako sa sarili ko dahil hindi ko nasunog ang buong kitchen.

Excited kong tinikman ang luto ko pero nang madikit palang sa dila ko ang sarsa ay agad ko na itong dinura sa lababo. Sobrang asim! Baka imbis na adobo ay mapagkamalan itong sinigang. Tama naman ang mga ginawa kong proseso ah? Sayang naman ito kung itatapon ko lang. Inabot din ako ng ilang oras dito at sigurado akong aabutin na naman ako ng siyam-siyam kapag gumawa pa ako ng bago.

Nang tignan ko ang orasan ay sakto naman na tanghalian na kaya agad kong inilagay sa tupperware ang adobo na niluto ko. Bahala na. Siguro ay sasabihin ko nalang kay Keyden na sinigang na kulay black ang niluto ko. Naghanda na din ako ng rice at juice para hindi na mag-utos mamaya si Keyden na bumili sa sekretarya nito.

Nang maihanda na ang lahat ay excited akong nagbihis at nag-ayos. Sinigurado ko na maganda akong tignan bago lumabas ng bahay at nagmaneho papuntang opisina ng asawa ko. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang tinatahak ang daan papuntang opisina. Sobrang gaan ng pakiramdam ko, ang saya ko. Para talaga kaming mag-asawa ni Keyden at masaya ako na napapagsilbihan ko siya.

Nang makarating sa building na pag-aari ni Keyden ay agad akong bumaba at sumakay ng elevator papuntang pinakataas na floor. Alam kong sa huling palapag ang opisina ni Keyden dahil siya ang CEO ng kumpanya. Nang bumukas ang elevator ay agad akong bumaba at dumiretso sa isang babae na mukhang seryoso sa ginagawa sa may desk nito.

Nang makalapit ay tumikhim ako para maagaw ang atensyon nito at tumingin naman agad ito sa akin bago ako tinaasan ng kilay. Para naman akong nahiya sa klase ng titig nito na parang kinikilala ako. Hindi siguro ako nababanggit ni Keyden sa sekretarya. Eh bakit ka naman babanggitin? Bakit nga ba ako babanggitin? Sino ba ako?

"Ako ang asawa ni Keyden." Parang kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon at para namang nagulat ang babae sa harapan ko sa salitang lumabas sa bibig ko.

"I-I mean, I'm hear to give this to Keyden." Sabi ko tyaka ipinakita ang baunan na inihanda ko. Tumango naman ito kapagkuwan ay ngumiti nang alanganin.

"Ahm, ma'am, are you really Mr. Fuentes' wife?" Parang naninigurado nitong tanong at tumango naman agad ako kahit nahihiya. Ibibigay ko lang naman sana ang pagkain na hinanda ko, bakit parang ang dami ko munang dapat pagdaanan? Kaloka.

"I'm sorry po. May bisita pa po kasi si Mr. Fuentes. Pero kung gusto niyo po talaga 'yan ibigay sa kaniya ay pwede naman po kayo munang maghintay dito." Alanganin nito suhestyon. Napakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ang ekspresyon sa mukha nito. Halatang may itinatago ito na ayaw niyang makita ko. At kailangan ko iyong malaman. Napatitig ako sa pinto ng opisina ni Keyden. Hindi naman siguro siya magagalit kung papasok ako, hindi ba? I mean, ibibigay ko lang naman itong ginawa ko eh.

Kaya without thinking ay agad akong naglakad palapit sa pintuan ng opisina ni Keyden kahit na pinipigilan ako ng sekretarya niya dahilan para mas lalo akong ma-curious kung sino ba ang kausap nito sa loob. Nang makalapit ay wala na akong inaksayang oras at agad binuksan ang pintuan. Na isang napakalaking pagkakamali.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Ito ba ang ka-meeting niya? Wala akong alam sa negosyo pero nasisigurado ko na walang meeting na naghahalikan ang dalawang tao. Agad na naghiwalay ang dalawa nang makita ako at para akong nanghina nang makita ko kung sino ang kahalikan ni Keyden.

"What are you doing here, bestfriend?" Tanong ni Charity habang may nakakalokong ngiti sa mga labi at nakatingin sa akin na parang nang-aasar. Naghahamon.

avataravatar