13 Eleven

CHAPTER 11

PHOEBE'S POV

TAMA NGA ako ng iniisip habang papasok kami ng bahay. Mas maganda nga talaga sa loob. Simple lang pero napaka-elegante. Buhay na buhay ang loob dahil sa kulay ng pintura. Siguradong mas magkakaroon ng buhay ang bahay na 'to kapag nagkaanak na kami ni Keyden. Mapait akong napangiti. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip ko dahil first, hindi ako maaaring magbuntis dahil sa kalagayan ng puso ko. Ilalagay ko lang sa kapahamakan ang sarili ko at ang nasa sinapupunan ko kung nagkataon na may ibang mahal si Keyden at hindi ko sisirain ang buhay niya dahil lang sa nagkaroon siya ng anak sa akin. Hindi kami pwedeng magkaanak dahil maghihiwalay din kami.

"Grabe, parang masyadong malaki itong bahay para sa ating dalawa." Kumento ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Hindi ko naitago ang paghanga sa boses ko nang magsalita ako kaya hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang halakhak ni Keyden pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nito sa akin mula sa likuran. Nawiwili ang damuho sa pagyakap-yakap sa akin ah?

"That's okay. Atleast kapag nanganak ka hindi siya mahihirapang magtago dahil sa laki ng bahay natin." Bulong nito at parang nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Kapag nagkaanak na kami? Gusto kong sigawan si Keyden na 'wag niya naman akong paasahin. Na 'wag niyang pataasin ang expectations ko na pwedeng maging kami. Pero para akong natameme at naging tuod na hinayaan lang siya na yakapin ako.

Nasa kalagitnaan kami ng nakakabinging katahimikan nang bumulong na naman ang lalaking ito na nakayakap sa likuran ko, "Wanna see our bedroom?" And for the second time, nanindig na naman ang mga balahibo sa katawan ko at parang may kuryenteng dumaloy mula sa mga kamay ko papunta sa puson ko. Hindi ako nakapagsalita at mukhang naniniwala ata si Keyden sa kasabihang "silence means yes" dahil masuyo niya akong hinila papunta sa kwarto daw namin.

So, ano? Magshe-share na kami ng kwarto na hindi naman namin ginawa noon sa resthouse?

Nang makarating sa silid ay mas lalo akong namangha. Triple ang laki nito sa kwarto ko doon sa may bahay-bakasyunan. Para bang nasa isa kaming hotel at nakacheck-in sa isang presidential suite sa sobrang gara ng kwarto. Halatang pinagkagastusan ang bawat gamit sa loob at wala kang maipipintas sa sobrang linis at ganda. Hindi ko namalayan na nakanganga lang pala ako the whole time na sinusuri ko ang kwarto kung hindi ko pa narinig ang halakhak ni Keyden.

"So, did you like it?" Tanong ni Keyden habang nakatitig sa double king size bed at parang may pilyong kislap sa mga mata nito kaya binatukan ko ito para magtigil sa pag-iisip ng kung anu-ano. Imbis na magalit sa pagbatok ko ay tinawanan lamang ako nito tyaka ako niyakap muli. Sa itsura namin ngayon, para talaga kaming isang bagong kasal na masayang-masaya habang pinaplano ang magiging buhay namin nang magkasama pero alam ko naman na hindi permanente ang sayang ito. But I'm still hoping.

"Did you like it, Phoebs?" Bulong nito sa tenga ko at naramdaman ko na naman ang kuryente sa aking kamay na dumadaloy papunta sa puson ko at naging isang sensasyong hindi na bago sa pakiramdam ko. Naramdaman ko na din ito noong nalasing si Keyden at muntik nang may mangyari sa amin. Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong nito dahil pakiramdam ko ay ungol lamang ang lalabas sa bibig ko once na ibinuka ko ito.

"Good." Dinig kong sabi nito tyaka tuluyang hinalikan ang leeg ko. Nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko nang sipsipin at dilaan nito ang balat sa aking leeg at kusa kong itinagilid ang ulo ko para bigyan ng malayang access si Keyden na mahalikan ang aking leeg. Agad nag-init ang aking pakiramdam. Para bang kilala ng katawan ko ang mga haplos ni Keyden na automatiko akong naaapektohan. Pag-aari ng binata ang katawan ko at mukhang alam iyon ni Keyden dahil naramdaman ko ang pagngisi nito habang patuloy sa paghalik sa leeg ko.

"Binyagan na ba natin ang kwarto natin?" Bulong nito habang pinapaharap ako sa kaniya. Nang tuluyan akong makaharap ay agad kong naramdaman ang labi ni Keyden na lumapat sa labi ko na agad ko namang tinugon. Marupok eh.

"Give him back to me. Okay, bestfriend?"

Parang isang bumbilya ang mga salitang iyon dahil agad akong natauhan sa ginagawa namin at agad kong naitulak si Keyden nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Charity nang huli kaming mag-usap. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Bakit ko hinayaang halikan ni Keyden gayong alam kong masasaktan ko si Charity kapag nalaman niya 'to?! Paano ko naatim na makipaghalikan sa lalaking mahal ng bestfriend ko?

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Keyden nang mapansing nakatulala lamang ako. Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya tyaka pilit na ngumiti para hindi mahalata ang kahungkugang nararamdaman ko.

"Gusto ko nang magpahinga." Palusot ko tyaka lumapit sa kama at nahiga. Wala naman akong narinig kay Keyden kaya akala ko ay lumabas ito sa silid. Buti naman. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag ipinagpatuloy niya pa ang pang-aakit sa akin. Baka tuluyan na akong bumigay. Siguradong kamumuhian na ako nang tuluyan ni Charity. I can't afford to lose her. I can't. She's my only bestfriend and I love her.

Nihindi ko nga sigurado kung inaakit nga ba ako nito in the first place eh.

"May problema ba?"

Napabalikwas ako ng bangon sa sobrang gulat nang marinig ko ang boses ni Keyden na malapit sa akin. Nihindi ko namalayan na katabi ko na pala siya dito sa kama.

Matiim naman ang titig nito sa akin at parang binabantayan ang bawat galaw ko nang bumaba ang tingin nito sa labi ko at kung hindi ako nagkakamali ay may pagnanasa akong nabasa sa mga mata nito.

"Bakit panay ang iwas mo sa akin, Phoebs?" Tanong nito sa mahinang boses. Para bang nang-aakit at ako namang si marupok ay akit na akit. "Kasal tayo. Asawa kita at asawa mo ako. Anong masama kung gusto kong halikan ang asawa ko?" Patuloy nito napalunok nalang ako sa husky nitong boses. Napaka-sexy tignan ni Keyden habang dahan-dahan na lumalapit sa akin dito sa kama pero dahil sobrang laki ng kama at kasya ata ang sampung katao ay malaya akong nakaka-iwas sa bawat lapit ni Keyden at mukhang napansin iyon ng binata dahilan para hilahin niya ang braso ko at ipininid ako sa kama tyaka ako kinubabawan.

"Anong problema mo, Phoebe? Hindi ba ako gwapo? Hindi pa ba ako macho sa paningin mo? Kulang pa ba ang kakisigan ko para sa'yo?" Tanong nito at kapansin-pansin na sobrang dilim ng aura nito. Halatang may gusto itong gawin pero pilit lamang na nagpipigil. Para bang gusto na nitong manuntok pero hindi magawa. Nakakatakot ang itura ni Keyden pero hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Nanginginig dahil sa gulat, oo. Pero takot? Wala akong maramdaman. Siguro dahil alam ko na hindi ako magagawang saktan ni Keyden. Malaki ang tiwala kong hindi niya ako sasaktan.

"Keyden, bitawan mo ako." Utos ko sa kaniya at pilit kong pinatigas ang boses ko para malaman niyang seryoso ako pero imbis na umalis sa ibabaw ko para makatayo ako ay mas lumapit pa siya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga na tumatama sa mukha ko.

"And why would I do that, Wifey?" Tanong nito sa nang-aasar na tono kaya tinignan ko siya nang masama at ang loko ay ngumisi lamang nang nakakaloko sa akin.

"Ang bigat mo kaya!" Angal ko- kunwari ay hindi napansin ang endearment niya sa akin. Tumawa naman ito bigla at sa isang iglap ay parang gumaan na naman ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Ang tawa lang talaga ni Keyden ang may kakayahan na pagaanin ang lahat ng bagay.

"Parang kang baliw. Ano nalang sasabihin ni Charity niyan?" Pang-aasar ko sa kaniya nang umalis ito sa pagkaka-ibabaw sa akin.

"Hindi 'yun." Bulong nito tyaka ako muling hinalikan sa labi bago nagkukumahog na tumakbo palabas ng silid.

Nagulat man sa ginawa nito ay napailing nalang ako nang maramdaman ko ang aking puso na todo kabog na naman. Baliw talaga. Pero mas baliw ang puso ko na asang-asa na naman na baka may happy ever after kami pero siguro naman ay walang masama kung umasa ako, diba?

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"

Bigla akong napatayo nang marinig ko ang sigaw ni Keyden. Mukhang nasa sala ito kaya nagmamadali kong sinuot ang tsinelas ko dahil malamig ang tiles tyaka ako lumabas ng kwarto para tignan kung ano ang nangyayari. Habang pababa ng hagdan ay kitang-kita ko si Keyden na madilim ang mukha habang nakatitig sa isang babae na mahaba ang buhok. Pamilyar sa akin ang babae. Para bang nakita ko na ito.

Ipinagpatuloy ko ang pagbaba nang mapatingin sa akin ang dalawa dahil sa yabag ng mga paa ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig habang natulos sa kinatatayuan nang makilala ko ang babae na napakatamis ng pagkakangiti sa akin.

"Hello, bestfriend! How's honeymoon?" Masiglang bati nito sa akin pero kapansin-pansin ang pekeng ngiti na ibinibigay nito sa akin na bago sa paningin ko. Never niya akong binigyan ng pekeng ngiti. Ngayon lang.

"Charity."

avataravatar
Next chapter