10 Eight

CHAPTER 8

PHOEBE'S POV

HABANG kumakain ay napakatahimik namin. Ayos lang sana kung comfortable silence but no. Sobrang nakakailang dahil panay sulyap ito sa akin tapos ay bubuka ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi itinutuloy.

Hanggang sa natapos kaming kumain ay ganun lang ang ginagawa nito kaya nang mailigpit ko ang pinagkainan namin ay lumapit agad ako sa kaniya sa sala at malumanay na nagtanong, "May gusto ka bang sabihin sa akin?" Para naman itong nataranta nang marinig ang boses ko kapagkuwan ay biglang sumeryoso. Napakunot-noo ako sa inasal nito.

Anong problema nito at parang wala sa sarili?

"A-ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" Tanong nito na parang ngayon lang nakabalik sa kasalukuyan bago bumaba ang tingin sa legs ko at muling iiwas ng tingin. Pasimple naman akong natawa dahil sa inasal nito.

"May gusto ka bang sabihin sa akin kako." Ulit ko. Nakita ko na naman ang pasimple nitong pagtingin sa legs ko bago nag-iwas ng tingin at bahagyang namula. Napatingin na din ako sa legs ko dahil baka may dumi o gasgas doon pero wala naman.

"I just want to ask you kung saan ka nagpunta kanina." Walang emosyon nitong tanong nang hindi tumitingin sa akin pero napakapula naman ng mukha maging ang mga tenga. Ngumiti naman ako dito bago sumagot sa tanong niya, "Naglakad-lakad lang." Tumango-tango naman ito at hindi na nagkomento pa kaya naman tumalikod na ako at pumunta sa kwarto para magpahinga pero nang makapasok ako sa kwarto, imbes na mahiga ay para akong bulate na hindi mapakali dahil lang sa nangyari kanina sa sala. Alam ko na nagandahan ito sa binti ko. Sigurado ako doon! Alam ko na normal lang iyon dahil lalaki din naman ito pero para sa isang babae na nagmamahal mag-isa, hindi naman siguro masamang umasa paminsan-minsan, hindi ba? Baka ma-inlove din siya sa akin dahil sa legs ko.

Patalon akong humiga sa kama at nilagay ang unan sa mukha ko tyaka impit na tumili. Parang sasabog na ang puso ko sa mga emosyong nararamdaman ko. Buhay na buhay ang pakiramdam ko at dahil lang iyon sa kaalamang na-sexy-han sa akin si Keyden. Hindi man iyon inamin sa akin ng binata pero halata naman sa pagsulyap-sulyap nito sa hita ko kanina at hindi ko makakalimutan ang pagnanasa sa mata nito nang makita ako kanina. Parang tuloy gusto ko nang bumili ng madaming-madaming over-sized shirt at short shorts. Charing.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang kilig na nararamdaman ko o dahil sa kakakain ko lang at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

NAGISING ako nang madilim na sa labas at may kung sinong walang tigil ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang bagong ligong si Keyden at mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin dahil bakas ang iritasyon at pagkainip sa mukha nito pero nang makita ako ay bigla iyong nagliwanag sa isang iglap. Parang gusto ko na naman tuloy magtatalon at magtitili sa kilig.

"Hey, sorry, did I wake you up?" Tanong nito pero halata naman na hindi ito sincere sa paghingi ng tawad. Tumango naman ako dahil nagising naman talaga ako dahil sa kaniya. Bigla naman itong ngumiti nang nakakaloko bago nagsalita ulit, "Good. Tara doon sa graden, ang daming stars, ang sarap panoorin." Yaya nito tyaka umalis nang hindi manlang hinihintay ang sagot ko kung payag ba akong sumama. 'Di manlang ako binigyan ng pagkakataong magpabebe diba? Ngunit ilang segundo lang ay bumalik na naman ito sa harapan ko na para bang may nakalimutang sabihin.

"And by the way, as much as I like to see that edible legs of yours, wear something thick like a sweater. It's cold outside." Dugtong nito tyaka muling umalis habang naiwan naman akong tulala.

Then like a flashback biglang bumalik sa isip ko ang mga sinabi nito.

"Tara doon sa graden, ang daming stars, ang sarap panoorin."

Unti-unting nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang nangyari. Oh my god! He really did asked me to watch the stars with him! Dali-dali akong pumunta sa walk-in-closet ko para maghagilap ng damit nang magsink-in na sa akin ang lahat. Hindi ko siya pwedeng paghintayin lalo pa't ito ang unang beses niya akong inayang manood ng mga bituwin kasama siya.

What should I wear? Gown? Two-piece? Napailing-iling ako sa mga iniisip ko. Shucks, manonood lang ng stars para namang kakain kami sa labas kung mataranta ako. Tyaka naalala ko na pinagsusuot niya ako ng makapal na damit kaya isang sweater at jogging pants ang sinuot ko. Syempre hindi pwede na hindi ako maglalagay ng konting kolorete sa mukha bago lumabas.

Confident naman ako na may itsura ako pero ayoko namang magmukhang gusgusin sa tabi ni Keyden mamaya lalo pa't kakagising ko lang. Inayos ko na din ang buhok ko na ngayon ko lang narealize na napakagulo pala. As in, nakita ako ni Keyden na mukhang kakasabak lang sa gyera nang pagbuksan ko siya ng pinto. Jusko, hindi man lang pumasok sa utak ko na tumingin muna sa salamin para tingnan man lang sana kung may panis na laway ako diba? Mamaya isipin pa ni Keyden na salaula ako sa katawan. Turn-off na agad siya sa akin wala pa man din.

Nang masatisfied na sa itsura ko ay agad na akong bumaba at nakita ko naman agad si Keyden na nakaupo sa nakalatag na banig sa may garden at nakatingala sa langit. Nag-aalangan pa ako kung lalapit ba ako pero nang mapalingon ito sa akin at nginitian ako, ay para akong nawala sa sarili at agad na tumabi ng upo sa binata.

"You look pretty. Halatang nag-ayos muna bago bumaba. Kaya pala ang tagal mo." Nakataas ang kilay nitong sabi kaya pakiramdam ko ay namula ako sa hiya pero agad din akong napalingon dito nang marinig ko ang tawa niya. Pinisil niya pa ang pisngi ko bago nagsalita, "Joke lang." Nakangiti nitong sabi.

Nakakapanibago dahil parang ngayon ko lang nakitang ngumiti sa akin si Keyden dahil madalas ay nakasimangot ito at parang wala sa mood. Ibang-iba ang aura nito ngayon. Ano kayang nangyare? May nakain kaya ito? Pero ano pa man iyon, nagpapasalamat ako na nagawa na niya akong ngitian ngayon.

Tumingin ako sa langit at pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang napakadaming stars. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Iyong katabi mo iyong taong mahal mo habang nanonood kayo ng stars sa gabi. Ini-enjoy ko ang katahimikang bumabalot sa amin nang biglang umalis si Keyden sa tabi ko at ilang minuto lang ay bumalik din ito agad at may ibinigay sa akin.

Hot chocolate at kumot. Sweet, shet. 'Wag namang ganyan Keyden oh! Marupok ako. Naman eh.

"Here. Lumalamig na lalo baka hindi kayanin ng sweater mo yung lamig. Sipunin ka pa edi kargo de konsensya ko pa 'yun kasi ako ang nag-aya sa'yo dito." Sabi nito habang pinupulupot sa akin ang kumot. Pasimple ko naman siyang inirapan na kinatawa lang ng huli at ginulo ang buhok ko. Yung buhok ko na dahilan kaya mas lalo akong natagalan sa pagbaba. Hanep, kung alam ko lang na guguluhin lang din pala ng isang 'to yung buhok ko, sana hindi na ako nag-effort na ayusin pa 'to diba?

"And I just want to say sorry for my rude behavior towards you. Pakiramdam ko kasi ay sinira mo ang mga plano ko dahil sa kasal na nangyari. Pero narealize ko na katulad ko ay wala ka din namang choice eh. Siguro ay mabuti nang ikaw iyong nakasal sa akin dahil alam ko naman na hindi mo ko mamahalin at ganun din ako sa'yo dahil after a year ay maghihiwalay din tayo, diba? No conflicts." Nakangiti nitong sabi at para akong natulala sa mga lumabas na salita sa bibig nito at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

Mas lalo naman lumawak ang ngiti sa labi nito tyaka inilahad ang kamay sa harap ko at sinabi ang salitang bumasag sa natitirang pag-asa ko.

"Friends?"

avataravatar
Next chapter