webnovel

Unang Araw

Isang linggo ang nakalipas.

"Ok lang yan kuya. Ang importante isa kanang ganap na magician." Excited na sinabi ni Yana.

"Haha mukhang mas excited ka pa sa akin Yana."

"Seyempre naman kuya. At masaya ako para sayo. Sana maging magician din ako."

"Wag ka mag alala mataas ang tiyansa na maging magician ka rin."

"Talaga kuya?"

"Uhm hindi ako sure pero base sa nabasa kong libro dati. Kung magician ang ama at ang ina ay ordinaryong tao. Mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng Hollow Cell Symptoms ang anak na babae."

"Yay! Excited na ako maging magician."

"Haha anong klaseng magician naman gusto mo maging kung sakali man?"

"Gusto kung maging magician na lumaban sa mga halimaw."

"Eh"

"Bakit kuya?"

"Wala wala haha"

"Hump!"

Narinig ni aling Marie ang masayang usapan ng mga anak. Bigla siyang napangiti. Dumungaw siya sa bintana. Tumingin sa maliwanag na buwan. Maaliwalas ang panahon. Maraming bituin na kumikislap kislap sa kalangitan. Tumulo ang luha niya kahit nakangiti parin ang kanyang mga labi.

"Dear kung saan ka man naroroon. Gabayan mo mga anak natin." Bulong ni aling Marie.

Ilang sandali ay tumingin siya sa nakasabit na relo sa ding ding. Ang mababa ay nakaturo sa 9 at ang mataas ay nasa gitna ng 6 at 7.

Naisip niya na may pasok pa ang mga anak.

"Yman? Yana? Mga anak matulog na kayo. Uhoo! Uhoo!"

"Ok po Nay." Lumapit si Yana sa ina at mahigpit itong niyakap.

"Goodnight po Inay"

"Goodnight bunso" nakangiti na sabi ni Aling Marie

"Nay kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Yman sa Ina.

"Ok lang ako anak, wag ka masyadong mag alala. Nag impaki ka na ba ng gamit mo?"

"Opo Nay tapos na. Sikapin ko po maka hanap ng pagka-kakitaan dun para makatulong sa inyo."

Ngumiti si Aling Marie sa kabutihan ng anak.

*****

Bitbit ang isang malaking bag sa likod ay maagang nag tungo sa EMRMHS(East Middle Region Magic High School) si Yman. Suot ang bagong uniporme na isang dress suit na black and white. Sa kaliwang dibdib ay may logo na umaapoy na mundong may pakpak. Pinarisan ito ng pantalon na kulay itim.

Tiningnan ni Yman ang relo sa braso. Huminga siya ng maluwag ng malamang sakto lang ang dating niya. Agad dumiretso siya sa auditorium kung saan mag tipon tipon lahat ng estudyante. Pagdating niya halos punong puno ang looban nito. Masayang nag kukwentuhan ang mga tao. Iba ibang grupo may iba ibang topic na pinag uusapan. Umupo siya sa bakanting upuan.

"Hey!"

"?!" Nagulat si Yman dahil sa sigaw na nagmula sa katabi. Bigla siyang napalingon at namangha sa taglay nitong ganda. Naka ponytail na kulay lavender ang mga buhok nito. At kulay green na kaakit akit na mga mata.

"A-ako ba?" Tinuro ni Yman ang sarili.

"Who else!" Pagtataray ng magandang babae.

"Ba-bakit?"

"Alis! Sa friend ko ang upuang yan."

Napansin ni Yman na maraming mga mata ang nakatingin sa direction niya. Umagaw ng attention ang pagsigaw ng katabi.

"So-sorry" Bigla siyang tumayo at naghanap ng ibang upuan.

Countryside folks..

Wierd guy..

Baka mentally ill guy..

HAHAHAHAHA

Sari saring bulong na pangungutya ang narinig ni Yman. Di niya alam kung matawa o malungkot. Kunting bagay pinapalaki. Sakit talaga ng mga pinoy. Nakahanap ng nag iisang upuan na bakante si Yman. Sa ikalawang row mula sa likod.

Ayos may isang bakante.

Haaah! Biglang humikab ang lalaking nakaupo sa tabi. At hinarang ang kamay sa bakanting upuan nang mapansin nito ang papalapit na si Yman.

"Excuse me," pagtawag pansin ni Yman sa lalaki.

Haaah! Humikab lang ulit ito at di man lang tumingin kay Yman.

Dumiretso nalang si Yman sa likod at tumayong mag isa.

Dahil dito nakita siya ng grupo ni Kiko.

"Kiko! Kiko si Yman!"

Tumingin si Kiko sa direction na tinuro ng kasama. Ngumiti si Kiko at biglang may binulong sa dal'wa.

Ilang sandali ay...

"Hey! SUKAMAN! bro este Yman bro pala!" Malakas na umalingawngaw ang pag tawag ng kaibigan ni Kiko kay Yman.

"Ha?!Si IHIMAN este Yman pala!" Isa pang pasigaw na tawag ang umalingawngaw na lalong tumawag ng pansin.

Sukaman?

Ihiman?

Kanya kanyang bulong ang lalong nagpaliit sa pagkatao ni Yman.

BWAHAHAHAHAHAHA!

Diba si mentally ill boy yan..

Si wierdman yan..

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Mas lalo pang dumami ang pangungutya at nangungutya. Naging kulay bondpaper na ang mukha ni Yman dahil sa hiya. Hindi na niya alam kung saang butas siya magtago para di siya mapansin ng iba.

Look guys naging si snow whiteman na siya!

Patuloy parin ang on face na panlilibak sa kanya. Halos lahat na ng galawan niya ginagawan ng katatawanan. Halos pa iba iba na ang version ng panlalait sa kanya. Gusto niyang tumakbo pauwi. Pero tiniis niya dahil sa pamilya niya. Pinangako niya na ibabangon sa kahirapan ang pamilya. At pagalingin ang ina!

TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

Isang high pitch tone ng microphone ang nagpatigil sa samot saring panlilibak. Isang magandang may edad na babae ang umakyat sa stage at nag bigay ng speech. Halos 20mins ang itinagal ng speech.

Sunod na umakyat ay isang 1st year representative student. Mahaba na maitim na buhok. May magandang kurba ang katawan. At napakagandang kaakit akit na mukha. Biglang napalunok ang mga studyante sa taglay nitong ganda, babae man o lalaki. Walang pinipili gaya ng sikat na quote na "pag tumingin ka akin ka". Para itong dyosa na bumaba mula sa langit. Bawat galaw nito ay napaka elegante.

Mi...na? Gulat na napabulong si Yman.

Kilala ni Yman ang babaeng ito. Dahil sa babaeng ito lalo siyang binubully ni Kiko. Siya rin ang babaeng nangnakaw ng halik sa kanyang pisngi. Sinulyapan ni Yman ang direction ni Kiko. Tama hinala niya. Naghuhugis puso ang mga mata nito. Hindi lang si Kiko. Halos lahat ng lalaking studyante naghuhugis puso ang mga mata. Pati rin mga babae? Gulat si Yman. Para sa kanya ay...

Haa(sigh)! Bad news! Bulong ni Yman sa sarili.

*****

Noong nasa elementarya pa si Mina madalas siya tumambay sa park. Kasama ang mga kaibigan nito. Lagi siyang napapalibutan ng kaibigan. Masaya ang mga ito at nagtatawanan. Pero ang totoo mas gusto niya mapag isa. Gusto niya mag karoon ng privacy.

Only child lang si Mina. Parehong professional magician ang ina at ama. Prinsesa siya sa bahay nila. Limang personal maids ang sunod-sunuran kahit saan siya magpunta. Leader sa guild na kabilang sa top 10 strongest magician guild sa pilipinas ang ama ni Mina. Rank S magician naman ang ina. Sobrang higpit ang mga ito pagdating sa anak nila. Kaya halos walang privacy si Mina sa mala palasyong bahay man o sa labas.

Isang araw dumating sila sa park para tumambay. Kasama mga kaibigan nito. Isang batang lalaki ang nakaupo sa madalas nilang upuan. Sumimangot ang mga kasama niya. Itinaboy nila ang batang lalaki pero hindi man lang sila pinansin nito. Nakatingala lang ito sa itaas ng puno. Naisipan nalang nila umalis at hayaan ang wierdong bata. Babalik nalang sila bukas.

Sunod na araw nandun parin ang batang lalaki. Nakatingala parin sa puno. Na para bang na stroke. Nakaupo sa paboritang puwesto ng magbarkada. Hindi nakatiis ang mga kaibigang lalaki ni Mina sinuntok at tinadyakan ang batang lalaki.

Sa ikatlong araw nandun parin ang batang lalaki sa ganung puwesto parin. Nakatingala sa itaas ng puno. Ang pag kakaiba lang. May hawak na itong dalawang metro na stick. Sumimangot ang mukha ni Mina. Gusto sana niyang tanungin ang bata kung para saan ang stick na dala nito. Ngunit...

Isang highbreed cat ang biglang tumalon sa sanga ng puno. May dalawa itong buntot at mapulang mata.

Biglang tumayo ang wierd na batang lalaki. Nagulat sila sa pagtayo nito kala nila papaluin sila nito bilang ganti sa ginawa nila kahapon. Ngunit mas lalo nilang kinagulat ang sumunod na nangyari. Pinalo ng batang lalaki ang sanga kung saan ang highbreed na pusa. Nagulat ang pusa at bigla itong tumalon ng mabilis. Sa isang iglap lang ay nawala na ito sa paningin nila.

Nakadama ng galit si Mina dahil sa ginawa ng batang lalaki.

"Hey! Bakit mo gustong saktan ang pusa?!" Galit na tanong ni Mina sa batang lalaki.

Sinulyapan lang siya nito at tumingin ulit sa itaas.

"No! Papatayin niya yung pusa!" Sigaw ng batang babae na kasama ni Mina.

Mabilis na pinalibutan ng mga batang lalaki na kasama ni Mina ang nag iisang wierd na batang lalaki. Inagaw nila ang stick na hawak nito at sinuntok suntok. Napaluhod ang batang lalaki. Tinadyakan ito at na pa-baluktot. Hinarang niya ang dalawang maliliit na kamay sa ulo.

Napansin ni Mina na kahit nabugbog na ang wierd na bata panay parin silip nito sa itaas. Ilang sandali napagod na ang mga bata sa pagbugbog sa wierdong bata. Nakatihaya ito at puno ng pasa sa mukha at katawan. Ang mga kamay naka pormang letter 'T' habang ang mga paa ay naka letter 'Y'.

"Tara na" Pagyaya ni Mina sa mga kaibigan.

Unang lumakad palayo sa lugar ang mga kaibigan ni Mina.

Bago siya humakbang ay nilingon niya muna ang nakatihaya paring bata.

Naisip ni Mina na kasalan ng bad na batang ito kaya siya nabugbog. Kaya dapat sisihin niya ang sarili niya sa nangyari sa kanya. Tumalikod si Mina at humakbang ng biglang...

Tweeeet! Tweeeet!

Isang napaka sarap sa tenga na iyak ng bagong silang na ibon ang tumunog.

Natigilan si Mina sa pag hakbang. Dali dali siyang lumingon sa taas ng sanga na tinalunan ng pusa. Isang pugad ng ibon ang kanyang nakita. Nakita rin niya na ngumiti ang batang lalaki. Kahit hirap ito dahil sa mga pasa. Napagtanto ni Mina ang katutuhan sa likod ng lahat ng naganap. Kaya laging nakaupo at nakatingala sa taas ng puno ang batang lalaki. Kaya sanga ng puno ang kanyang tinamaan ay para lang takutin ang pusa at iligtas ang itlog ng ibon. Biglang may namumuong luha sa mga mata ni Mina. Sa isip niya ay hindi ang bata ang bad kundi sila ng mga kaibigan niya. Hindi man lang nila ito tinanong at basta basta lang tinaboy, hindi kinausap at basta basta lang binugbog. At dahil sa maling akala. Pinagtutulungan nila ito!

Umiyak ng umiyak si Mina. Kahit sa pag uwi sa bahay patuloy parin pag iyak. Di alam ng mga kaibigan at mga maids niya kung bakit iyak siya ng iyak. Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa pag iiyak.

Sa mga sunod na araw lagi na niyang pinagmasdan ang bata. Sinusundan niya kahit saan magpunta. Naging saksi siya sa mga pinag gagawa nito. Minsan may iniligtas itong high breed puppy. Kahit nga highbreed na pusa ay niligtas din. Mula noon hanggang ngayon lalo lang tumindi ang naramdaman niya rito.

Kaya noong minsan na kinausap siya nito ay laking tuwa ang kanyang naramdaman. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa pisngi. Hindi niya matandaan kung bakit siya kinausap nito. Pero mula noon hindi na siya kinausap pa. Akala ni Mina niligawan siya nito at sagot niya ay halik. Pero bakit hindi na siya kinausap pa? Naguguluhang pagtataka ni Mina.

*****

Sa pagtawag ng pangalan ni Mina dahan dahan siyang umakyat sa stage. Humarap siya sa mikropono. Dahan dahan iniangat ang kanyang mukha. Bigla siyang natigilan. Isang nag iisang nakatayo na lalaki. Isang napaka pamilyar na imahe ng lalaki na kahit kailanman hindi niya makakalimutan. Ang nakatingin sa kanya.

Yman? Tanong sa sarili ni Mina habang bumilis ang tibok ng dibdib.

Uminit ang mukha ni Mina at namumula ang pisngi. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya rito. Ngunit biglang tumingin sa ibang direction si Yman.

Cough! Isang mahinang pag ubo para isang ayos ang sarili ang pinakawalan ni Mina.

*****

Tinitigan ni Yman si Mina habang dahan dahan nitong inangat ang mukha. Nagulat siya dahil tumingin ito sa kanya.

Bad news! Bad news! Bad news! Paulit ulit na sambit sa isip ni Yman.

Biglang ngumiti si Mina sa kanyang direction. Kaya binaling niya sa iba ang kanyang tingin.

Isang napakagandang inspirational speech ang binigay ni Mina. Na sinundan ng mala earth shaker na palakpakan. Pagkatapos ng speech nito ay bumaba ito sa stage. At umupo sa tabi ng magandang babae na may lavender na buhok.

Bumalik yung magandang may edad na babae. Pinatayo ang lahat ng studyante. Sinabi nito na hawakan lahat ng gamit.

Ilang sandali ay...

Isang napaka gandang babae nakasuot ng sexy na gold plate armor na may iba ibang design na crystal ang kumikinang. Napaka elegante nito tignan. Dahan dahan itong naglakad papunta sa gitna ng auditorium. Huminto ito sa pinaka gitna. Pagkatapos bigla itong nagbikas ng kakaibang mga kataga. Isang magic chant.

Biglang nagliwanag ang buong auditorium. Isang napakalaking magic circle ang lumabas na sinakop ang buong area nito. Ilang sandali lang ay nawala ang lahat.

Dahan dahan idinilat ni Yman ang kanyang mga mata.

Ha? Anong...ito? Saang....ito? Di matapos tapos ang bulong nito sa isip. Isang napaka gandang lugar ang bumungad sa mga mata ni Yman. May samot saring malalaking ibon ang lumilipad sa kalangitan. May mga nakasakay itong...tao? Magician!

Isang mala palasyong malaking building na napapalibutan ng naka uniporme'ng gusali. Isang napaka lawak na lugar. Sa harap ng mala palasyong gusali ay may estatwa ng hindi mawari kung tao ba o halimaw. Napapalibutan ito ng fountain at mga upuang gawa sa magagandang bato. Na may maliliit na design na iba ibang hugis.

Dalawang tao? No isang tao at isang demi human na may mahaba at matulis na tenga ang lumapit sa kinaroroonan nila Yman.

Next chapter