95 Spherical Bomb

Sa tulong ng mga taga Godkah guild ay napigil ang pag-usad ng mga halimaw.

Halos sampung miyembro ng kanilang guild ang dahan dahang nililipol ang mga halimaw na nakapasok sa loob ng siyudad.

Dahil sa taglay nilang kakaibang kapangyarihan at lakas ay hindi manlang nagkakaroon ng pagkakataon ang mga halimaw na manlaban. Bago pa sila makapagpakawala ng kanilang kapangyarihan ay tanging usok at mga labi ng konkreto sa lupa nalang ang naroroon.

Kahit ang mga nanonood ng video ay hindi mapigilan na kilabutan sa lakas na taglay ng mga ito.

Hindi lang nakakatakot ang kanilang tinataglay na kapangyarihan pati narin ang kani-kanilang hitsura.

Na animo'y mga nagwawalang mabangis na halimaw sa gitna ng labanan. Kaya lang, habang nakikipaglaban ang mga ito. Ay hindi rin nawala ang mga panakaw kindat sa mga poging sundalo.

Kaya naman marami sa mga sundalo ang nahimatay ng hindi alam ang tunay na dahilan.

Basta namuti lang ang kanilang mga mata na animo'y sinapian ng kung anong espirito.

Isa nanamang grupo ng mga [Abnormal Fish] ang naglanding malapit sa kinaroroonan ng mga taga Godkah guild. Nasa labing dalawa ang bilang nila. Pero bago paman makalapit ang mga ito, ay nauna nang lumitaw ang isa sa mga miyembro ng Godkah guild sa harap ng grupo ng mga [Abnormal Fish].

"Sisters, masarap kayang ihawin ang mga itits?" Tanong ng miyembrong lumitaw sa harap ng mga abnormal na isda.

Ang taong ito ay may blonding buhok na naka-pigtail pa. Kapansin-pansin rin ang makapal nitong labi na nakakulay pa sa dilaw, pati narin ang naka-extension nitong kulay blonde rin na mga eyelashes. Nakasuot siya ng dilaw na boxer-short na animo'y puputok sa sobrang sikip nito sa kanya. Pero in fairness, stretchable daw ito.

Ang tawag sa kanya ng kanyang mga kasama ay...

"Hehe, gusto ko yang nasa isip mo sisterit, D'Lawin!" Sagot ng isa pa.

Para siyang lawin kung tumalon na nakaunat ang magkabilang braso sa magkabilaan na parang sumisimbolo sa pakpak ng lawin. Ang mga daliri ay nakapormang parang matutulis na kuko. Nakataas din ng bahagya ang isang paa nito habang ang mga mata'y nagliliwanag na animo'y isang mabangis na lawin na handang tuklawin ang mga kaawa-awang bibiktimahin.

Pagkatapos ikinampay sa direksyon ng mga abnornal na isda ang dalawang braso, ay sinundan ito ng malakas na pagsabog na para bang dinaanan ng malakas na Gust of Wind!

Inilipad ang mga abnormal na isda sa ere habang nagpaikot-ikot ang mga katawan ng mga ito. At kitang-kita na nawalan ng malay ang bawat isa dahil sa mga mata nilang nag-ala-X.

Isang mahaba-habang javelin ang biglang humulma sa kamay ng isa pang miyembro ng Godkah guild na may kulay berding boxer-short.

"Hot chilli pepper! Ohohohohoooo!" Sigaw ng miyembrong may palayaw na Berdiego.

Itinira nito ang hawak na javelin sa mga nagliparang abnormal na isda, na sa isang iglap lang ay parang barbecue ang kinahinatnan ng mga ito.

"Wha—-?!" Hindi napigilan na mapasigaw ni mamang blogger.

Patindi ng patindi ang labanan, at pahina ng pahina rin ang ulan na kagagawan ng Devil Helly.

Hanggang naging mahinang pag-ambon nalang ito. Ilang sandali ay biglang sumigaw ng napakalakas ang dambuhalang octopus na lumulutang na parang sarangola sa kalangitan.

Ang dambuhalang octopus na ito ay ang mismong carrier ng mga halimaw. Nagpa-iba-iba rin ang kulay ng balat nito, na minsan ay ginagaya ang kulay ng kalangitan, dahil dito ay nawawala sa paningin ng mga tao. Naging imbisibol ito sa kanilang paningin dahil sa camouflage nitong kakayanan.

Ang mahirap pa, ay tumitira ito paminsan-minsan ng parang itim na lazer beam. Kaya lalong nahihirapan ang mga tao na kalabanin ang mga halimaw.

Sa labas naman ng siyudad ay patuloy parin ang labanan ng grupo ni Kapitan BB Presyo sa higanteng buwaya. Nahihirapan silang saktan ito dahil sa kapal ng balat na animoy balat ng sampung armored van na pinagtagpi-tagpi.

Umuulan ng nagliliparang mga liwanag na mula sa mga sandatang pinalakas gamit ang mahika at siyensya.

Ang mga nanonood ng video ay may halu-halong emosyon amg rumihestro sa kanilang pagmumukha na animo'y nakakain ng panis na pagkain.

Biglang naibaling sa direksyon ng naglalabang Golden Defenders at Devil Helly ang video ng screen.

Nakikita ng lahat tila dumarami ang bilang ng Devil Helly! Makikita rin na bumalik na ulit ang naputol nitong braso kanina.

"Protektahan ang pinuno!" Sigaw ng isa sa miyembro ng Golden Defenders nang mapansin na nagliwanag ang mga galamay ng Grand Lord pati narin ang galamay ng mga clone nito na nagkalat sa paligid at napapalibutan ang grupo.

Biglang nagsihulma ang mga malalaking pulang pula na may halong itim, na hugis bilog na bagay na gawa sa purong enerhiya.

"Mag-ingat kayo, isa yang Spherical Bomb!" Sigaw ng healer ng grupo ng mga Defender.

Ang Spherical Bomb ay isang uri ng atake na nabibilang sa mataas na ranggo. kaya nitong gunawin ang isang matayog na bundok sa isang tira lamang. Nakakapangilabot ang ataking ito. Hindi lang yun, nakadepende pa sa lakas ng caster nito ang karagdagang lakas na dulot nito.

Ang atakeng ito ay nabibilang sa Mass Destruction ability.

Ang sinumang magician na may ganitong kakayanan ay pinagbabawalan na gamitin ng basta basta. At madalas nirerecruit sila sa special forces ng bansa. Bilang isang Tactical Magician na pwedeng maging deterent sa ibang bansa na nagbabalak ng hindi maganda sa isang bansa na kanilang kaalitan.

Napakagat ng labi ang mama ni Mina. Ilang sandali ay iniunat nito sa magkabilaan ang mga mapuputing braso at bigla ay malakas na pinagtagpo ang mga kamay.

"Amethyst Veil of Survival!" Mariin niyang bigkas. Ang kanyang bosses ay napakamalumanay pero tila nagpa-ulit-ulit ito sa tenga ng mga nakarinig.

Ilang sandali, mula sa katawan ng mama ni Mina ay umusbong ang kulay lila na liwanag. Palaki ito ng palaki hanggang umabot sa lupa at tamaan ang mga sundalo, at ibang tao na kasalukuyang nakikipaglaban para depensahan ang siyudad.

Sinundan ito ng biglang paglitaw ng parang mga kapang nagliliwanag na bumabalot sa katawan ng lahat ng taong naroon, pati narin si manong vlogger at ang mga miyembro ng Godkah guild, hanggang sa mga sundalong nakikipaglaban. Isa ito sa kakayanan ng mama ni Mina. Pinapataas nito ang depensa, magic at physical resistance, pati narin health points ng mga target na nais nitong patamaan.

"Saint Cha, buff!" Sigaw ng kanilang shield user na si Damian.

Biglang nagliwanag ang buong katawan ng healer nilang may palayaw na Saint Cha.

"Heaven's Tears!" Sigaw ng healer.

Tumagos sa kalangitan ang libu-libong mga light pillars patungo sa lahat ng taong naroroon sa lugar. Ang kanilang mga noo ay may parang mga nakatusok na sungay na gawa sa liwanag. Ang mga ito ay hindi basta-bastang mga sungay. Kundi mga light pillars.

May magandang kwento kung bakit nakapormang sungay ang mga ito, pero pagpaliban muna natin ang tungkol dito sa ibang araw.

Ang Heaven's Tears ay isang mataas na antas na kakayanan, dinodoble nito ang lahat ng stats ng kahit sinumang tinatamaan ng light pillars.

Napakagandang tingnan ang mga taong nakipaglaban sa mga oras na ito. Nababalutan sila ng maliwanag na kapang kulay purple habang may mga light pillars na parang sungay sa kanilang mga noo.

Manghang mangha rin si manong vlogger sa kanyang hitsura. Hindi tuloy niya mapigilan na tignan ang kanyang profile na nasa kanyang status section.

Tumaas nga ang kanyang status ng doble doble sa mga oras na ito. Na para bang naglevel up siya ng ilang beses. Makikita rin ang kanyang imahe sa screen na nababalutan ng kulay purple na liwanag at may maliwanag din na sungay sa noo. Astig nito tignan.

Kaya lang...

Nailimutan ata ni manong vlogger na nakalive siya sa mga oras na iyon. Ayon! Nakita tuloy ang kanyang profile na 'About yourself: No girlfriend since birth! Fuck off girls! I love my aunt!'

Hindi alam ng manonood kung matawa sa mga oras na ito dahil sa kakaiba nitong taste.

Madilim na ang kalangitan, ngunit nagmistulang isang festival ang paligid. Dahil sa kulay pulang may halong itim na liwanag mula sa mga Spherical Bomb sa galamay ng mga Grand Lord. At dahil narin sa mga liwanag na bumabalot sa mga taong nakikipaglaban sa mga oras na ito.

Hindi pa dun nagtatapos ang lahat, dahil gumamit rin ng kakaibang kapangyarihan ang shield user ng taga Defenders na si Damian.

Lahat ng tao sa paligid ay may makikitang parang mga malilit na guardian angel sa ibabaw ng kanilang mga ulo.

At sa likod ni Damian makikita ang parang imahe ng Budha.

Isang mataas na uri ng defensive ability na tinatawag na Holy Sanctuary.

Pinapahina nito ang ataking matatanggap ng kahit sinumang nasasakupan ng Holy Sanctuary.

Nakaready na ang lahat bago pa maitira ng daan daang clone at orihinal na Grand Lord ang kanilang Spherical Bombs.

Ngunit biglang may nahagip ang video. May itim na bagay ang lumilipad sa ulap. May itim itong mga pakpak. At nakadungaw sa mga naglalaban.

Biglang zinoom-in ni manong vlogger ang kanyang video, ngunit medyo malabo parin ang imahe. Pero kitang-kita ng lahat na para itong paniki na may mukha ng ahas.

"Parang si..." napabulong si manong vlogger.

avataravatar
Next chapter