96 Sino ba siya, ang lakas niya

"Parang siya yung sikat na ancient character sa mga palabas dati. Sino ba yun, si — si Batman Tama si Batman nga!"

Dahil sa sinabi ni Manong vlogger, biglang napa comment ang mga tao.

•Boy Bawal: G*g* ka ba!

•LookingforMyPrincess: Ulol overated yung Batman mo!

•WaleyMagawasabuhay: T**g i*a mo!

•KMJSnaYan: Paano makakapunta si Batman dito! Thumbs down ka sa akin!(Angry Emoji)

•Hindipaakotuli: Ulol!(Angry Emoji)

•MrChinito: Kausapin mo si Batman!

•Hindiakoangtataymo: Ikaw ba si Ruben?

•Yourname: Rubeeeen!

•Where'sMyMrRight: Hello guy's pa subscribe!

•Gwaponglasinggo: @Where'sMyMrRight buhatan tayo baka ako na yung hinahanap mo.(Heart Emoji)

•Where'sMyMrRight: @Gwaponglasinggo lalaki po ako kuya.

•LomikayoJan: Guys chillax lang kayo. Hindi alam ni manong Vlogger na si Black Phanther yan at hindi si Batman.

•WaleyMagawasabuhay: @LomikayoJan tanga ang putik!

•MrChinito: @LomikayoJan kausapin mo si Black Panty mo!

•LomikayoJan: @MrChinito bastos si kuya.

•MrChinito: @LomikayoJan ulol kita mong typo lang yun! Maliit kasi mata ko.

•HindiAkoAdik: Pahingi ng skin ni Aldog ung legendary at epic.

•FhrutzDHollow: #puyat nanaman.

...

Siguradong gulat na gulat ngayon si Manong Vlogger sa mga oras na ito kung nakaligtas man siya sa pagsalakay ng mga halimaw, dahil sa daming nag thumbsdown at negative comments, dahil lamang sa pagkabigkas niya na si Batman ang nahagip sa video.

Pagkatapos lumitaw ang nakaitim na nilalang na lumilipad sa ere, at may pakpak na gaya ng sa paniki, bigla itong lumipad ng napakabilis patungo sa dambuhalang octopus na lumulutang na parang saranggola.

Kitang-kita sa video nang iniluwa ng dambuhalang octopus ang napakaraming mga parang mutated na isdang may mga pakpak.

Halos daan-daang mga isdang lumilipad ang sumalubong sa nilalang na nakaitim na mabilis na lumilipad.

"Si Black Magician ba yan?" Napatanong si Jacky na kasalukuyang nanonood ng video katabi ni Lily.

"Sinong Black Magician?" Kunit noong tanong ni Lily.

"Ah, oo nga pala hindi mo pala naabutan nung kumalat ang video tungkol sa kanya. Isa siyang misteryosong magician na may itim na enerhiya. Na kahit sinuman ay walang makakapagpapaliwanag," excited na sagot ni Jacky.

"Itim na enerhiya?" Pag-uulit ni Lily habang na kumulubot ang kilay.

"Oo Bestfriend. At tinalo niya lang naman mag-isa ang isang rank A+ na halimaw," wika ni Jacky sa kaibigan.

"Rank A+? Ng mag-isa? So, isa ba siyang Rank S na Magician sa Upperworld? Pero paanong wala akong nabalitaan dun na may ganun kalakas na magician sa Upperworld?" Gulat na mga katanungan ni Lily.

"Hindi, bestfriend, dito mismo nangyari ang laban niya sa pagitan niya at ang halimaw na Elder Ghoul!"

"Elder Ghoul?!" Pag-uulit na pasigaw ni Lily.

"Oo, at isang sikat na vlogger mismo sa mundong ito ang nag-upload nun," patuloy na salaysay ni Jacky.

"Ayan na lumalaban na siya!" Gigil na napasigaw si An.

Napatitig si Lily sa anyo ng misteryosong magician na sinasabi ni Jacky. Kahit ang mga lalaking kasama ay napatitig din.

Halos daan daang lumilipad na isdang may mga hawak na sibat ang mabilis na nagsisugod kay Black Magician.

Ngunit, ilang sandali ay napapanganga nalang silang lahat sa bilis ng pangyayari. Na para lang dinaanan ni Black Magician ang mga kalaban. Naglaho ang mga ito at naging itim na usok.

Halos nahirapan silang sundan ang mga paghampas ng kanyang matutulis na kuko. Madilim na ang kalangitan kaya mahirap na makita ang mga galaw nito. Lalo na't nakasuot ito ng itim na kasuotan at nababalutan pa ng itim na enerhiya ang kanyang katawan.

Hindi lang yun, napakaliksi pa nitong kumilos, kaya parang anino lang sa kalangitan ang kanilang nakikita. Tanging ang pag-kintab lang ng mga nagtitigasang mga bagay ang kanilang maaninag.

Ilang sandali ay ini-adjust ni Manong Vlogger ang camera at tinurn-on ang Night Vision mode. Buti nalang updated ang System Interface ni Manong Vlogger.

Ilang sandali lang ang lumipas ay kaunti nalang ang natira sa mga flying fish.

Sampung flying fish ang pinalibutan si Black Magician at sabay-sabay na sumugod habang nakatutok ang mga dulo ng sibat sa kanya.

Ngunit, bagonpa makalapit ang mga ito, ay biglang parang naging itim na usok lamang ang naiwan sa dating kinaroroonan ni Black Magician.

Ilang sandali, limang kalmot ang kumintab sa ere ang lumitaw sa isang iglap. Derekta itong kumonekta sa mga katawan ng mga halimaw.

Biglang naging itim na usok nang mahati ang kanilang mga katawan.

Sa isang iglap lang ay naubos agad ang daan-daang mga lumilipad na isdang may sibat.

Napaungol si Manong Vlogger sa kanyang nasaksihan.

"Anong klaseng nilalang siya. Kung hindi siya hihinto sa paggalaw ay halos hindi siya makuha sa video na nakasuper-slomo na ang mode," napabulalas si Manong Vlogger. Pati ang mga kasalukuyang nanonood ng video ay natulala nalang.

Sa isip nila ay walang duda na si Black Magician ay legit na Magician. Pero sino ngaba siya? Bakit napunta siya sa Sitona Town? Hindi ba siya taga rito sa Innerworld? Halos pare-pareho ang laman ng mga isip ng mga taong nakapanood ng video.

Sa EMRMHS naman, sa loob ng Special Students room, ay hindi mahiwalay ni Mina ang kanyang mga mata sa screen. Hindi niya maipaliwanag pero habang tinitingnan niya ang imahe ni Black Magician ay bumibilos ang tibok ng kanyang puso.

Ilang sandali ay nanlaki ang kanyang mga mata nang sabihin ni Lady Curse na, "Hmm, bakit kaya parang kulang ng isang braso si Black Magician ngayon?"

Parang tumigil ang lahat sa mga oras na ito. Halos hindi ma-i-process ng utak ni Mina ang pagkahalintulad nilang dalawa, Ni Black Magician at Yman! Pati si Kesha ay nanlaki ang mga mata.

Makikita sa video na mabilis na sumugod si Black Magician patungo sa dambuhalang octopus. Isang mala-laser beam na likidong kulay itim ang itinira nito sa kanya. Biglang napa-iwas si Black Magician. Ngunit hindi agad natapus ang itinira ng halimaw.

Nilingon nito si Black Magician kung saan man magpunta, gayun din ang itim na likidong parang laser beam.

Ngunit, hindi parin nito magawang sundan ang bilis ni Black Magician.

Sumugod ulit si Black Magician, at ngayon ay pilit siyang inaatake ng mga galamay ng dambuhalang halimaw. Pero gamit ang kanyang matutulis at mahahabang mga kuko ay mabilis niyong napuputol ang mga galamay.

"Ang lakas..." isang bulong mula kay Manong Vlogger ang nakatakas.

Lumipad ng mataas si Black Magician, patungo sa ulap. Kitang-kita sa mga mata ni Mina na isang kamay nga lang ang mayroon si Black Magician.

Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. At malakas na kinuyom ang mga kamay sa kanyang palda.

Dahil sa paglipad ng mataas ni Black Magician ay walang nagawa ang dambuhalang octopus na nahirapang lumingon sa taas dahil sa sobrang laku nito.

Pilit nitong inabot si Black Magician gamit ang natitirang mga galamay, pero sa isang paghampas lang ng matutulis niyang kuko ay mabilis itong nahahati.

Parang may bulkang sumabog sa kapal ng itim na usok ang makikita sa taas nang mapatay nito ang dambuhalang halimaw.

Hindi makapaniwala ang mga nasa baba dahil sa bilis na napaslang ang dambuhalang halimaw.

avataravatar
Next chapter