webnovel

SilverGale

Hindi maipaliwanag ni Yman kung bakit nakadama siya ng killing intent. Pero saglit lang ang naramdaman niya dahil nawala agad ito. Hindi rin niya alam kung sino ang nagpakawala ng killing intent at hindi niya matukoy kung sino ang target nito, pero alam niya kung saan saang banda ang pinagmulan ng mga killing intent.

Una ay nasa dalawampung metro mula sa kanilang kanan, may tatlong lalaki ang lihim na tumingin-tingin sa direksyon nila Yman. Marahil isa sa kanila or lahat sila ang nagpakawala ng intent na iyon.

Pangalawa, sa pinakaunahan na nasa kaliwang bahagi nila Yman. Sa tabi ng mission board may dalawang tao na naka hood ng itim ang nakasandal sa dingding. Hindi mawari ang kasarian nila dahil sa mahaba ang tela na nakapulupot sa kanilang katawan. Marahil matagal na silang miyembro ng guild sapagkat wala manlang nagdududa sa klase ng kanilang pananamit.

Ang pangatlo ay mula sa limang tao na papalapit sa kinaroroonan nila Yman.

"Hey! hey! Emberman my friend!" Tawag ng lalaking nasa pinakaunahan ng limang paparating. May medyo mahaba itong silver na buhok. Matangos na ilong, manipis na labi at may deep set eyes shape. Base sa hitsura ay nasa mahigit dalawampung taong gulang ito. Mukhang magkasing edad sila ni Ron. Nakasuot ito ng mamahaling armor plate. Na bumagay naman sa kulay ng kanyang buhok. Sa kanyang beywang ay may nakasabit na isang metro at kalahati na silver na scabbard. Mula sa armor at espada nito ay mapapansin na naglalabas ito ng faint na liwanag. Parehong mga high grade equipments ang mga ito.

Mukhang may mga taong katulad nila na nilalantaran ang pagkamamahalin ng mga equipments nila para maipakita ang taglay nilang lakas at makahakot ng maraming tagahanga.

"SilverGale! Anong kailangan mo?" Kunot noong pagtawag din ni Ron dito.

"Hehe! Namimis lang kita Ember my friend." Sabi nito habang ibinuka ang dalawang kamay na parang akmang yayakap kay Ron.

"Diretsuhin mo na ako SilverGale. Ano ba talaga ang kailangan mo?" Matigas na tunong pagkasabi ni Ron.

"Hah! mainipin ka parin gaya ng dati kaibigan. Hehe nabalitaan ko lang naman ang nangyari kay Iron. Gusto ko lang sana damayan ka at yayain kang uminom." Nakangiting sabi nito habang itinapik ang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Ron. Sabay sinyas ng ulo sa second floor(guild bar).

Kumunot ang noo ni Ron bago sumagot "Hindi ako pwede at wala akong kaibigan na kagaya mo. Kung wala ka nang sasabihin aalis na kami." Mahinang sabi niya sa kausap sabay waksi ng kamay nito sa kanyang balikat. Agad naman lumingon si Ron sa mga kasama sabay sinyas sa taas.

Hahakbang na sana sila ngunit biglang.. "Wait lang Ember kaibigan! Haha masyado ka naman mainitin. Balak ko sanang imbitahin kayo na sumali sa grupo namin. Ayaw n'yo ba nun diretso platinum rank agad kayo kapag sumali kayo sa amin." Sabi nito habang sinulyapan ang mga babaeng kasama ni Ron.

Si Yman naman ay tahimik lang na nagmamasid. Lihim niya rin pinagmamasdan ang mga kasama ng lalaking kausap ni Ron. Nakita niya sa mga titig nila na may hindi magandang balak ang mga ito sa mga babaeng kasama nila Yman at makikita rin ang pangmamaliit ng mga ito sa kanila. Lalo na sa mga ngiti nila na may halong pangungutya.

Tatlong lalaki at isang babae ang kasama ng lalaking nagngangalang SilverGale. Ang isa sa lalaki niyang kasama ay may malaking build na katawan at kalbong ulo. Pati kilay nito ay naka-shave. Sa kanyang likuran makikita ang mahaba at malapad na espadang kulay pilak.

Ang pangalawa namang lalaki ay may maraming hikaw sa mukha. Meron itong medyo itim na balat at maiksing silver na buhok. Sa kanyang likod makikita ang mahabang rifle na kulay silver.

Ang pangatlong lalaki ay may kakaibang tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Medyo singkit ang mga mata nito. Meron itong mahabang buhok na tinali sa likod. Kinulayan ito ng silver din. Sa kanyang likod ay makikita ang halos limang metro na silver halberd.

Ang pang-apat ay babae, may medyo itim din na balat ito pero bumagay naman sa kanya. Nakakulay platinum ang buhok nito na hanggang balikat at may highlights na itim sa bandang bangs ng buhok. Pati kilay at pilik mata nito ay kulay platinum gayun din ang lipstik ng labi niya. Pareho silang lahat na nakasuot ng nakakasilaw na silver plate armor na mukhang mga high grade equipments dahil naglalabas ang mga ito ng faint na liwanag, nakaka-overwhelmed ang dating nila. Hula ni Yman nasa level 7-8 na ang bawat isa sa kanila.

Biglang tinapik ni Jesa si Ron sa likod para ayain na magpatuloy na sa paglakad.

"Tumabi ka! Nagmamadali kami!" Hindi na napigilan ni Ron na mapataas ang boses. Alam niya ang binabalak ni SiverGale. Dahil kilalang-kilala niya ito. Dati niya itong ka'grupo noong mga newbie pa na adventurers sila, ngunit nasira ang magandang samahan ng grupo nila dahil sa taong ito.

"Wow katulad ka parin ng dati Ember. Mahilig kapa rin magmataas. Ikaw na nga itong inaalala. Kung ikaw ayaw mo parin ako makasama... eh baka gusto ng mga kasama mo...(Tumingin ito kay Jesa) Ano Lady Breeze gusto mo bang lumipat sa grupo ko? Pinapangako kong magiging masaya ka." Sabi nito habang nagpakawala ng matamis na ngiti sabay alay ng maputing palad sa direksyon ni Jesa. Pero hindi manlang ito pinansin ni Jesa. Ni'hindi nga tiningnan or sinulyapan manlang na para bang wala siyang narining o nakita. Nakataas lang ang kilay ni Jesa habang nakatingin sa ibang direksyon.

Bumuntong hininga si SilverGale nang mawari niya na hindi manlang siya pinansin. Sunod ay tumingin siya kay Rea.

"Ikaw Ella baka gusto m..." Hindi pa niya natapos ang sasabihin ay nagtago na si Rea sa likod ni Yman. Sabay hawak sa manggas nito.

Kumunot ang noo ni SilverGale ng mapansin si Yman.

"Ow! Hindi ko napansin na may bago na pala kayong miyembro. Haha hindi mo naman sinabi Ember na babysitter kana pala ngayon hahaha." May halong pangungutya ang tawa nito habang nakatitig sa mata ni Yman na para bang lalamunin siya nito.

Dito sa adventurers guild ang ibig sabihin nila ng baby ay hindi bata sa edad, kundi newbie or baguhan. Dahil first time pa nakita ni SilverGale si Yman sa loob ng guild ay napagtanto niya na newbie ito.

Pero wala manlang makikitang takot o kaba sa mukha ni Yman. Masyadong relax ang feeling niya mula noong magising sa pagka-comatose. Na para bang may nag-iba sa pagkatao niya. Pero hindi ito ang naramdaman ni Ron at mga kasama niya, dahil pinagpawisan sila ng malamig. Natatakot sila na baka magalit ang black magician ay magkakaroon ng madugong labanan dito mismo. Kahit alam nila na mabait si Yman ay hindi parin nila kilala ito ng lubusan lalo na at isang araw palang mula noong magising ito. Si Rea ay napahigpit ng kapit sa braso ni Yman.

Hahaha! Nagtawanan din ang ibang kasama ni SilverGale.

"Gale huwag na nating pag-aksayahan pa ng oras ang mga baby na ito." Malamig na sabi ng babae nilang kasama habang nakataas ang kilay.

Ngumiti naman si SilverGale sa sinabi ng babaeng kasama at nagpakawala ng hangin sa bibig at pinailing-iling ang ulo.

"Since ayaw n'yo sumali sa grupo ko. Ember payong kaibigan lang. Huwag ka sanang sumunod kay Iron!" Matapos ewan ang salitang ito ay umalis na nga ang grupo ni SilverGale habang nag ewan ng malamig na tawananan na may halong pangungutya.

Hahahaha!

Hindi na pinansin pa nila ang huling sinabi nito at humakbang na rin sila Yman paakyat sa taas. Lihim naman nakahinga ng maluwag ang apat na kasama ni Yman. Hindi na sila nagpaalam pa sa counter dahil utos sa kanila na dumiretso sa taas.

"Pasinsya kana dun Yman." Biglang sabi ni Ron pag-akyat sa hagdanan.

Ngumiti si Yman kay Ron bago sabihing.. "Ok lang sanay na ako sa mga ganoong klaseng tao."

Pagpasok sa office ay binati sila ng nakangiting babae na nasa 40+ ang edad. Pero mukhang nasa 30+ lang ito kung tingnan. Nakasuot siya ng kulay blue na cardigan na pinarisan ng black pants. Sa kaliwang mata ay may makikitang eyepatch. Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang Headmaster ng adventurers guild si Laura Agila.

Tiningnan nito si Yman mula ulo hanggang paa. Bigla ay binigyan niya si Rea ng meaningful na tingin, dahil nakakapit pa ito sa manggas ng damit ni Yman. Mukhang nalimutan na nito bumitaw dahil sa kaba kanina sa baba. Mabilis naman na bumitaw si Rea nang mapansin ito. Kinamot nalang ni Yman ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo. Hindi niya alam kung tumawa o ngumiti. Nagngitian naman ang iba. Habang si Rea ay napayuko habang namumula ang pisngi dahil nahihiya siya. Nakalimutan pala niya bumitaw dahil sa kaba sa nangyari kanina.

"Hi-hindi ko alam close pa-pala kayo ng pamingkin ko. Hahaha!" Biglang sabi ni Laura.

Nagulat si Yman sa nalaman na pamangkin pala ng headmaster si Rea.

Ngayon ay nakaupo sila sa dating kinaupuan nila Ron nung bumisita sila dito. Ang nakaupo sa kabilang sides ay sina Rea, Laura at Jesa. Kaharap naman nila si Ron, Yman at Alexes. Sa gitna nila ay ang parisukat na lamesang gawa sa salamin. Habang nakapatong naman ang anim na tasang may laman na white coffee sa kani-kanilang harapan. Si Rea mismo ang nagtimpla ng mga coffee na ito.

Mukhang hindi lang si Yman ang nais makausap ni Headmaster Laura. Mukhang may importante rin itong sasabihin sa grupo ni Ron.

Please check my english novel [System] vs Magic and feel free to criticize any grammtical errors. I’m still learning.

Fhrutz_D_Hollowcreators' thoughts
Next chapter