97 Ang malakas!

Tapos na hulmahin ng mga Devil Helly ang kanilang mga Spherical Bombs.

Hindi nagtagal ay walang pakundangang inihagis ang mga ito sa grupo ng defender at sa mga tao sa ibaba.

Lalong umusbong ang tensyon sa paligid habang pinagmamasdan ang naglalakihang bola ng enerhiya na animo'y mga meteorites.

Maganda sana itong tingnan kung hindi lang mapaminsala. Ngunit, alam ng lahat na ang dala ng bawat isa sa mga bolang enerhiyang ito ay kamatayan.

"Magsihanda kayong lahat!" Malakas na babala ng isa sa mga miyembro ng Defender.

"Tigasan niyo ang mga loob niyo!" Sigaw din ng Kumander ng mga mahikong sundalo.

Ang kalangitan ay tila umuulan ng mga bituin dahil sa dami ng Spherical Bombs na itinira ng mga Devil Helly ng sabay-sabay.

Ang mga taga defender o kahit ang mga tao sa ibaba na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga maliliit na halimaw ay nababalot ng pangamba.

Hindi biro ang kapangyarihang ito na tinatawag na Spherical Bomb. Kahit isang piraso lang nito ay kayang pasabugin ang malaking bundok.

Kitang-kita ang paghugis ng mga naglalakihang butil ng pawis sa kanilang mga mukha. Kahit pa kasalukuyan silang nababalutan ng makikintab na kapang hinulma sa purong mana, ay hindi parin siguradong makakaya nitong pigilin ang bagsik na dala ng mga Spherical Bombs.

Halos maubos na ang lahat ng maliliit na isdang halimaw sa ibaba. Kung meron mang natira ay mangilan-ngilan nalang.

Pero, ang malaking hamon ay nagmula sa himpapawid.

Parating na ang mga bolang inihagis. Alam ng lahat na sa isang saglit lang ay mabubura na sa kalupaan ang siyudad ng Sitona kasama narin ang mga taong kasalukuyang naroon. Pero kahit ganun paman.

Kahit bakas sa kanilang pagmumukha ang takot at pangamba, lakas loob at tibay ng dibdib nilang haharangin ang mga sumisimbolo sa kamatayang inihagis sa kanila. Ito ang ekspresyon na makikita sa kani-kanilang mga pagmumukha na makikita sa pinapanood na video.

Kahit man ang mga kasalukuyang nanonood ng video ay ganun din ang kanilang pangamba. Ramdam nila ang takot na makikita sa bawat isang taong nandun. Ngunit, kahit ganun paman, wala sa kanila ang may balak na sumuko. Kahit halatang nanginginig ang karamihan sa kanila.

Hindi rin nakaligtas sa mga nanonood ng video ang ilang beses na paglunok ni manong vlogger.

Ilang sandali ay,

KAAAAAAAAAHHHH!!!

KAAAAAAAAAHHHH!!!

Isa isang nagsisigawan ang mga Devil Helly na animo'y nag-ce-celebrate sa kanilang nakatakdang pagwawagi.

Ngunit, bago paman tumama ang bolang enerhiya ay bigla biglang usmusbong ang mga butil na lupa.

Mula sa himpapawid umuulan ng bolang enerhiya, at mula naman sa lupa ay biglang pumaitaas ang hindi mabilang na butil ng lupa na animo's mga sibat.

Ang mga matutulis na butil ng lupang ito ay umulan papaitaas. Tinamaan ng mga ito ang bolang enerhiya na siyang dahilan ng agarang pagsabog bago paman tumama ang bolang enerhiya sa kanilang nakatakdang target.

Biglang nagsabugan ang spherical bombs at nababalot ng mga random na putok ang himpapawid.

Nagmistulang umaga ang gabi dahil dito. Natahimik ang lahat habang hindi maibaling ang mga gulat nilang pagmumukha sa itaas.

Pati ang mga Devil Helly ay natahimik sa kanilang pagsisigaw.

Ilang minutong nagdaan ay nanumbalik ang katahimikan sa paligid.

Nang wala nang natira sa mga spherical bombs, ay napansin nila ang nag-iisang imahe.

ANG MISTERYOSONG SI BLACK MAGICIAN!!! Sigaw ng lahat nang maituon dito ang camera.

Gaya nga ng inaasahan ng lahat, ang biglaang pag usbong ng mga matutulis na butil ng lupa ay kagagawan ni Black Magician.

Biglang napasigaw at lalong napabilib ang lahat.

Kahit sa mga comments section sa wetube ay binabaha ng mga spam messages na: Black Magician lang SAKALAM!!!

Black Magician lang SAKALAM!!!

Black Magician lang SAKALAM!!!

Black Magician lang SAKALAM!!!

avataravatar
Next chapter