1 Prologue

Hindi lang ang pamamaalam sa mundong ito ang pinakamasakit na gawin sa ating buhay.

Ang pagtanggap sa hindi tugma niyong kapalaran at ang pagbitaw sa kanyang mga kamay, kahit na mahigpit ka niyang hinahawakan.

Ang patuloy na paglaban kahit na alam mong wala ka namang kalaban-laban.

At ang pagtitig mo sa kanyang mga mata dahil alam mong iyon na ang huli niyong pagkikita.

I could still remember that day. Ang araw kung saan nagka-mild heart attack si Mama. It was the most unexpected day, beacuse it was my 16th birthday. And the day after my birthday, she was gone. Iniwan niya kami kasama ng aming mga pusong naghihingalo at sa kanya ay labis na nangungulila. And now it's already a week. A week without her presence.

"Estella.." marahang tawag ni Kuya Efren sa aking pangalan at bahagyang pisil sa aking kamay.

Patuloy sa pagbaba ang aking mga luha. Walang pagsidlan sa aking katawan ang aking kalungkutan. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na sa aming piling, ang bababeng sa mundong ito ay nagluwal sa akin. Hindi ko kaya.

"E-Estella," muling tawag sa aking pangalan ng aking nag-iisang kapatid. "A-Alam kong sobrang sakit pero kailangan nating tanggapin. W-Wala na siya sa ating piling at paningin. Wala na si Mama, Estella." dagdag niyang nangingilid na rin ang luha sa mga mata.

Alam ko Kuya Efren. Subalit, napakahirap i-proseso. Napakahirap para sa akin na agad ito ay tanggapin.

"Come on," tapik niya sa aking balikat habang pinapalis ang luha sa kanyang mukha, "It's her last day today, so let's have a family picture with her for the last time."

For the last time. Mga salitang mas lalong bumasag sa aking buong pagkatao at durog na durog nang damdamin. For the last time, dahil maya-maya lang ay ihahatid na namin siya sa kanyang huling hantungan.

"O-Okay," tugon kong mabilis na pinunasan ng hawak na panyo ang buong mukha. "Susunod ako sa'yo Kuya Efren."

Alam kong sobrang nasasaktan rin ang aking kapatid. Pinipilit niya lang maging matatag sa aking harapan. Pinipilit niya lang ipakitang malakas siya kahit na sa kanyang loob ay durog na durog rin siya. Hindi lang kaming dalawa ni Kuya Efren, dahil maging si Daddy ay labis na nagluluksa sa pagkawala ni Mama.

"E-Estella," tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig.

Mapait akong humikbi nang maramdaman ang kanyang presensiya sa aking likuran. Mabilis akong tumayo at humarap sa kanya. Nang aking masilayan ang dalawang pares ng kanyang mga mata na luhaan ay walang pag-aalinlangan akong mahigpit na yumakap sa kanya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang balikat. Doon, ay hinayaan kong muling rumagasa ang aking mga luha ng sakit at kalungkutan.

"R-Reynold," tawag ko sa kanyang pangalan sa pagitan ng pag-iyak.

"Estella," marahang haplos niya sa aking buhok. "Nakikiramay ako sa pagkawala ng Mama mo," usal niya sa mahina at malungkot na tinig. "Nandito lang ako, d-dadamayan kita sa lahat. Pwede mo akong iyakan minu-minuto, pwede mo akong sandalan kahit na kailan."

Sa mga sinabi niya ay mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. Ang kaninang hikbi lang ngayon ay hagulhol na. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. Ang marahang tapik ng kanyang mga daliri sa aking likuran. Ang maya't-maya niyang pagbuntong-hininga nang malalim. At ang mainit niyang katawan na patuloy na nagbibigay init sa aking katawan na nanlalamig.

Si Reynold Debaji ay ang nag-iisa kong kaibigan. Magsimula sa araw na lumipat sila sa tabi ng aming bahay. Sa school ay may ilan rin naman akong kaibigan noong nag-aaral pa ako. Iyon nga lang hindi sila pang-matagalan, puro lang sila panandalian. Kumbaga, dumaan lang sila sa aking buhay.

Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil rin ako. Lalo na nang lapitan ako ni Kuya Efren upang sunduin, para sa huling litrato naming buong pamilya.

Words seem so feeble in moment like these. Life is so precious and death is such a thief. Love is a bond that death cannot part. Our love for you Mama.

"M-Mama alam mo bang madaya ka." sambit ko hawak ang microphone, "Ako iyong may sakit, ako iyong laging na co-confine sa hospital pero bakit i-inunahan mo ako?" himutok kong nagsimula na muling umiyak.

Nasa cemetery na kami upang ihimlay ang kanyang katawan sa huli nitong himlayan. Ngunit bago 'yon ay kailangan naming alalahanin ang mga panahong kasama namin siya. Ang mga panahong hindi namin makakalimutan kasama siya. Tapos na si Daddy, si Kuya Efren at si Ate Miel. Ilan rin sa aming mga kamag-anak ay nagsalita na, at ako na ang pinakahuli.

"A-Ang sabi mo pa noon hindi mo ako iiwan," garalgal ang tinig na saad ko, "H-Hindi mo iiwan ang anak mong m-maganda. Ang anak mong mukhang p-prinsesa. Ang anak mong kailangang-kailangan ka." dagdag ko habang patuloy na bumabaha ang luha sa mga mata. Humalo na ito sa sipong pilit kumakawala sa aking ilong, "N-Ngunit bakit Mama?" impit pa ring paghikbi ko, "Bakit ka umalis? Bakit iniwan mo pa rin ako? Bakit iniwan mo kami? Bakit pagkatapos ng birthday ko ay umalis ka? B-Bakit Mama? Bakit?!" patuloy kong tanong sa nanghihinang tinig.

"E-Estella.." lapit sa akin ni Kuya Efren.

Dinaluhan rin ako ni Reynold na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Inalalayan nila akong dalawa. Nakaramdam ako nang kakaibang paninikip ng dibdib. Ang aking puso ay tila ba hinihiwa nang paulit-ulit ng ilang libong kutsilyo. Sobrang sakit nito, na hindi ko kayang tagalan.

"B-Baby breath," sugod ng yakap sa akin ni Daddy.

"Estella.." sambit sa pangalan ko ni Reynold.

Ang ilan sa mga kamag-anak namin ay lumapit na rin sa akin. May nagbigay ng tubig, may nakihaplos sa aking likod at ang iba naman ay may ipinahid sa aking ilong upang lumuwag ang aking paghinga.

Alam kong pabigat ako sa aking pamilya dahil sa aking karamdaman. Mapa-financial man o physical ay pabigat ako. Subalit sa kabila noon ay hindi nila ako kayang iwan at pabayaan. Hindi nila ako kayang talikuran dahil pamilya nila ako.

"We will be fine Estella, we will be fine." iyak ni Kuya Efren habang yakap-yakap ako nang mahigpit.

"K-Kuya Efren.." usal kong tinitigan siya.

Ilang sandali pa ay pinagpatuloy muli ng pari ang kanyang seremonya. Isa-isa na naming binasbasan siya ng holy water. Muling binuksan ang kinaroroonan niya upang aming tingnan sa huling pagkakataon. Mabilis akong tumalikod, hindi ko kayang tingnan siya!

Ayokong iyon ang maging huling alaala niya sa akin. Kahit na peaceful ang mukha niya at parang natutulog lang. Ayokong bumaon 'yon sa aking alaala. Nang marinig ang mga hikbi ni Daddy at Kuya Efren, walang pag-aatubili akong malakas na umiyak. Sinapo ko ang aking mukha na hindi kalaunan ay kinabig ni Daddy sa kanyang dibdib.

Daddy was hurt. Hindi man niya ipakita 'yon sa malakas na pag-iyak, alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon. Ang babaeng minahal niya ng sobra, ang babaeng nakasama niya ng matagal. Ang babaeng nagsilang sa kanyang mga anak. Ang babaeng 'yon ay wala na, iniwan na siya!

"Y-You're gone from our arms Mama," sambit ko habang patuloy pa ring umiiyak, "But still we hold you in our hearts, we hold you there forever."

"E-Estella.." mahigpit na yakap sa akin ni Daddy, "Be strong please?" samo niya, "For me, for your Kuya Efren, for us baby."

Napuno nang malakas na iyakan ang buong paligid nang unti-unti na siyang ilagay sa hukay. Mabilis akong kumawala kay Daddy at sa lupa ay naglupasay. Ibinigay ko ang aking buong lakas upang umiyak. Ibinigay ko ang lahat ng iyon upang ipakita sa langit kung gaano ako nasasaktan.

"E-Estella," wika ni Kuya Efren na pilit akong itinatayo mula sa pagkakaupo.

"K-Kuya Efren, si Mama!" turo ko sa kinalalagyan nito. "W-Wala na sa atin si Mama!" patuloy kong iyak.

Wala siyang nagawa kung hindi ang maupo sa aking harapan. Balutin ako sa kanyang mga bisig at sabayan ako sa aking pag-iyak ng pagdadalamhati.

"N-Nandito lang si Kuya Efren Estella," luhaan niyang saad sa akin, "Hindi ka namin pababayaan at iiwan ni Daddy, hindi namin gagawin 'yon."

Ilang sandali pa ay niyakap kaming dalawa ni Daddy. Kung nasasaktan ako, kung nasasaktan si Kuya Efren, alam kong higit siyang nasasaktan sa pagkawala ni Mama.

"Estella, Efren." sambit niya sa aming pangalang dalawa, "Lumaban kayong dalawa para sa akin, be strong mga anak dahil nandito lang ako. Makakasama niyo ako sa lahat." anitong hindi na napigilang ipakita sa amin ang sakit na nararamdaman.

"M-Mama, death ends your life but not our relationship with you." wika ko habang inilalagay ang tatlong piraso ng bulaklak, "We will missed you day after day. You we're the sun, that shine on us every morning. You we're the moon that lights our way every evening. Be happy, wherever you are right now. I love you, until the day we meet again."

After I said those words ay sinimulan na siyang tabunan ng lupa. Hindi maipaliwanag ang sakit habang pinagmamasdan ko siyang yakapin ng lupa. Sakit ng katotohanang wala na siya. Sakit mula ulo hanggang paa. Sakit mula dulo ng aking buhok hanggang dulo ng aking kuko.

Mariin akong napapikit habang hinahawakan ang aking dibdib. Kakaiba ang sakit na aking nararamdaman doon. Sakit na halos magpatigil sa aking paghinga. Sakit na hindi ko alam kung paano patigilin. Sakit na walang ibang paraan upang maibsan ang sakit, kung hindi ang tawagin si Mama.

"M-Mama!!" sigaw kong agad naramdaman ang pagbagsak sa lupa.

"Estella!" narinig ko boses 'yon ni Kuya Efren.

"Naku, si Estella!" sigaw ng ilang naroroon.

"Estella!" tawag sa aking pangalan ni Daddy.

Umingay ang buong paligid. Nagkakagulo sila. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ihip ang hangin. Tumigil sa pagbaba ang aking mga luha. Bahagyang naibsan ang sakit ng aking dibdib nang maramdaman ang yakap niya. Ang isang mahigpit na yakap mula sa aking ina.

"M-Mama.." nanghihina kong sambit.

"Estella," iyak niya, "A-Ako ito ang Daddy mo." buhat niya sa akin, "H-Hold on baby d-dadalhin ka namin sa hospital." hikbi niya, "Kumapit ka lang a-anak, huwag mo kaming iiwan." samo niyang nagsimula nang humakbang palayo sa kinaroroonan ni Mama.

Ang inaakala kong yakap ni Mama ay mahigpit na yakap sa akin ni Daddy. Iyon ang huling pangyayari na aking natatandaan sa araw na iyon. Ang araw ng libing ni Mama. Sa araw na hindi ko nakayanan ang sakit kahit pa pinilit kong maging matatag.

Habang papalayo sa lugar na 'yon ay hindi ko maiwasang mapatanong. Mga tanong bago ako tuluyang lamunin ng madilim na kawalan.

What if life is a dream and death wakes you up?

Would you choose your death over your life?

SEE YOU SOON, ESTELLA

by LavenderPen

avataravatar