1 Chapter One

Sugatan ang isang businessman matapos masangkot sa aksidente sa Tagaytay pasado alas-2:45 kaninang madaling araw.

Sa nakalap na impormasyon ng Times Radio nabatid na habang binabaybay ng kotseng minamaneho ni Yuan Jazz Abellino, 27-anyos, ang kahabaan ng kalsada sa Tagaytay-Calamba Road nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan.

Bunsod nito, sumalpok sa puno ng narra ang kotse daan upang magtamo ito ng seryosong pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Naitakbo naman agad ng mga rumespondeng pulis si Mr. Abellino sa ospital na nagtamo ng minor head injury at fracture sa kaliwang kamay at paa.

"Grabe, Yuan Jazz pala yung name ng pasyente sa room 402. Ang gwapo nya grabe." Kinikilig na sabi ni Vhien na isa sa mga nurse sa ospital na iyon. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa nurse station dahil katatapos lang nila magrotate para sa pasyente.

"Well, I heard na nung gabi bago maaksidente yung pasyente nag-propose sya sa girlfriend nya for almost 5 years. The proposal was rejected. Sikat na fashion designer yung girlfriend." Kwento ni Marra, nurse din at kaibigan ni Vhien.

"Monica Valera name nung girlfriend nya. Sikat na sikat yung mga designers dresses at bags na ginagawa nya kasi isa sa nangongolekta ng gawa nya ay asawa ng isang mayaman at sikat na senador. Worth half a million yung prices ng bags nya." Dagdag ni Denniece, nurse din at kaibigan din ni Vhien.

"Wow, sobrang yaman nya pala. Yung sahod natin na lahat ng mga nurse dito kaya nyang kitain sa isang bag lang. Grabe." Manghang sabi ni Marra.

"Kahit na. Nakakainis lang sya kasi sinayang nya yung relationship nila ng alost 5 years kita mo naaksidente tuloy yung tao. Siguro dahil sa sobrang nasaktan. At siguro din mas malala yung heart injury nya compare mo sa external injuries nya dahil sa accident." Nakasimangot si Vhien habang sinasabi nya yun sa dalawang kaibigan.

"Hoy, baks! At kelan ka pa naging affected sa mga ganyan? Normally naman madalas na tayong makaexperience ng ganyang cause ng aksidente. Naalala mo si Mr. Villegas? Si Ms. Tuazon? Yung mag-asawang Garcia namatay pa nga si Mrs. Garcia dahil sa tinamong brain injury nag-aaway sila nun na mag-asawa dahil sa babae ni Mr. Garcia. No comment ka lang nun. Ngayon ulit gwapo affected ka na agad?" Pagre-react ni Denniece.

"Hoy, baks. Gwapo din naman si Mr. Patrick Villegas. Naging suitor kaya ni Vhien yun matapos nyang maging personal nurse nun. Alalahanin mo actor yun. Saka may isa pa, si Jason Fernandez sikat na model yun. Crudh na crush nun si Vhien. Yun lang wala syang type sa mga yun." Pagtatanggol ni Marra sa kaibigan.

"Oh, ano kung niligawan o crush na crush sya ng mga yun? Ang issue dito sobrang affected nya oh? Broken hearted agad sya? Ate wala kang pag-asa dun kaya tigilan mong magpantasya dun sa pasyente. Di natin kailangan magpakita ng awa sa kanila. Ang kailangan natin ipakita ay yung pag-aalaga." Si Denniece.

"Hoy, tigilan nyo nga yang tsismisan nyo. Magsikain nalang kayo dahil maya-maya lang mag ro-rotate na naman kayo para magcheck ng mga pasyente." Pagputol ni Dr. Rodriguez sa usapan ng tatlo. "By the way, Nurse Vhien, can I talk to you for a seond?"

"Ano po yun, Doc?"

"Yung parents ng patient natin sa Room 402. Naalala mo yung naaksidente na businessman? They were asking me kung may pwede daw na mag-personal nurse sa anak nila since mag-isa lang ito sa bahay nya. If you were thinking kung magiging cook, labandera at tagalinis ka ng bahay ay may naihire na silang katulong, all they need now is a nurse to take care of their son. At ikaw yung unang pumasok sa isip ko since magaling ka dun, at sabi mo nga you need to earn extra money para sa savings mo. So, ano? Catch mo?"

Napangiti sya sa sinabi nito. "Catch!!!!" Hindi nya magawang magtatalon sa tuwa dahil baka iba ang isipin ng doctor.

"Omg! Now, I can be with him! Magagawa ko ng maakit yung dream boy ko!" Kinikilig nyang sabi sa sarili habang papunta sa cafeteria.

"What?!" Napalakas yung boses nung dalawa nyang kaibigan matapos marinig yung pinag-usapan nila ni Doc Rodriguez.

"Baks, di ako approve dyan. May iba kang iniisip bukod sa pagpepersonal nurse."- Marra

"Baka iba na yung susunod na balita mo samin." Denniece

"Hoy, grabe kayo. Mga bakulaw nga kayo. Hindi ulit crush ko yung tao gagawa na ako ng moves na ikabababa ng pagkatao ko. Kung magugustuhan nya ako yun yun. Hindi yung iniisip nyo."

"Weh? Eh patay na patay ka nga dun sa tao. Di ba nga sabi mo noon kapag may nagustuhan kang lalaki gagawin mo lahat para magustuhan ka din nya, ultimo agawin mo pa sya sa present girlfriend nya basta wag lang may asawa????? Hmmmm?????" Denniece

"Ha? Ah….joke lang naman yun. Sineryoso mo agad."

"Alam naman namin na patay na patay ka dyan dahil since college sinundan mo na sya. Kaso nagmigrate sila abroad kaya di mo napusuan. And one more thing, nakita na namin yung picturellppp nya sa wallet mo. San mo ba nakuha yun?" Denniece

avataravatar
Next chapter