1 Her First Day

SECRET VOICE 1

BLUE'S POINT OF VIEW

"Young lady.." naalimpungatan ako ng may marinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. "Unang araw po ng inyong klase."

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

7:27 am.

Oh my ghad! Kaunti na lang ang oras ko para makapag-ayos!

I hurriedly go inside the bathroom and take a bath.

After 10 minutes, natapos din akong maligo. I quickly wear my oversized uniform. And after wearing it, I feel like I'm a grandmother who have a lot of grandchildren!

Humarap ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Pero agad na nakuha ang attention ko ng napatingin ako sa mga expensive cosmetics ko.

My brain is functioning and its making a bright idea.

***

"What happened to you, young lady?!"

"I-its that you?!"

Kitang-kita ko sa mukha ng mga maids ang pagka-gulat habang ang buttler naman ay napasapo ang noo niya.

"Am I look good?" tanong ko sa buttler. Biglang nanlaki ang mga mata nito at saka pumilantik.

"Honestly young lady, y-you look like a d-dead c-crow." sagot nito.

"Good." sambit ko at nagtungo sa dining area.

"Have a sit, young lady." ang sabi ng isang maid at hinila ang mala-tronong upuan ng dining table.

"No, I'm not going to eat. Prepare my food." utos ko.

"What do you want to have in your viand, young lady? A beef steak?"

"No." sagot ko. "Itlog."

Nakita kong nanlaki ang mata ng kaharap kong maid.

"O-ok." ang sambit ng maid at saka umalis.

Hinawakan ko ang gulo-gulo kong buhok at inayos ang suot kong thick eyeglass.

"I'll prepare the car, young lady." sabi ng buttler.

"No." napahinto ito sa paglalakad at takang tumingin sa akin. "Mag-para ka ng trycicle."

"T-trycicle?" gulat na tanong niya.

"Yeah. Is there a problem with that?"

"Nothing, young lady." ang sabi nito at umalis.

***

Saktong 8:30 am ng makarating ako sa school. And I was freaking late! Wala akong ideya na gano'n na pala ka-traffic sa Pilipinas!

Agad akong dumeretso sa loob ng school gate. And damn, I don't know where my classroom is!

"Who are you?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Base on her outfit, she's the principal of my school.

"I'm—" wrong move, Blue.

I should learn to talk politely and calmly. And I should learn to talk in pure Tagalog!

"Ako si Jessel Anne." sabi ko. I try to say those four words calmly and politely, but damn! It so freaking hard!

"Jessel Anne? So you're the lucky girl." sabi nito. "You're in Class A."

Matapos kong marinig 'yon ay agad akong nagtungo sa class A.

Nang makarating ako doon ay taas-noo kong pinihit ang doorknob at saka pumasok.

"So that's why we need to—" hindi na natuloy ng Class Teacher ang sinasabi niya at gulantang na nakatingin sa akin. Pati ang mga estudyante ay nakatingin sa akin.

"Who are you?" takang tanong ng teacher.

"Jessel Anne." sagot ko. Napakurap ng dalawang beses ang mga mata ng teacher.

"I mean, why are you here?"

"To study."

Nakita kong napapikit ang teacher na nasa harap ko.

"Transferee?"

"Oo."

I heared her sighed.

"Students, this your new classmate—what's your name?"

"Jessel Anne."

"Surname?" hindi ko siya sinagot imbis...

"Saan ako uupo?" nakita kong napa-kurap na naman siya ng mga mata niya.

"Doon! Vacant seat 'yon."

Pagkatapos kong marinig ang last word na sinabi niya ay dumeretso ako sa vacant seat at doon umupo. Napansin kong habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

I know they're judging me secretly. I'm not stupid.

***

Matapos ang klase ng third period ay nakapag-recess na rin kami.

"Hello!" narinig ko isang boses kuting. Hindi ko ito tiningnan but I know, she's referring on me. "Ako nga pala si Charmaine Stewart. Charm for short." Nakita kong naglahad ito ng kamay sa harapan ko.

Hindi ko ito pinansin at saka kumuha ng libro at binuksan iyon at saka itinapat ko sa mukha ko.

"Alam mo, ang kapal ng eyeglass mo! Matalino ka siguro!" hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa. "Ang gulo rin ng buhok mo! Wala ka bang suklay? Sais lang naman 'yon eh."

Fuck! She's so damn noisy! I can't focus on what I reading!

"Yung balat mo.. Para kang ipinasok sa microwave oven na may init na 400 degree celcius!"

"At 'yung damit mo.. Para kang manang!"

"Ang sabi ni Nanny, 'pag hindi ka raw nagsalita, mapapanis daw ang laway mo! Wala ka bang laway?"

"Paos ka? Ba't di ka nagsasalita?"

This girl! She's getting into my nerves!

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at sinabing...

"Anak ka ba ng isang tandang manok? Napaka-ingay mo. Kung magsalita ka parang walang bukas." naiirita kong sambit sa kanya.

Nakita kong natahimik siya.

"Ok then. I'll go back to my proper seat.

***

Nang matapos ko ang binabasa ko, napansin kong ako lang ang tao sa room kaya naisipan kong lumabas.

Nilibot ko ang buong school. Mula gym, auditorium, cafeteria, field, locker room, comfort rooms, every hallway, every corridor and every corners of my school.

Nakarating ako sa rooftop. The rooftop is so wide.

I'm walking silently but suddenly, I hear someone's crying. It do not interest me at all but my mind said that I need to see it.

And here I am, following my mind's order.

"HUWAAAAAAA!" lalong lumakas ang iyak nito.

And to my surprise, its the girl who have a kitten-voice-alike earlier.

"Ano ba kasing nangyari sayo, Charot?" tanong nung isang babae.

"Grabe ang sakit ng mga sinabi niya sa akin, Carmel! Para akong pinapatay!" palahaw nito. "Tsaka Charmaine ang pangalan ko hindi charot! HUHUHUHU!"

What the—

"Eh sino ba 'yun?" tanong nung— Carmel I guess? That's what I heard.

"Jessie ata 'yung pangalan! WAAAAAAHHH!"

Jessie? Oh what the shit!

"Eh anong gusto mong gawin ko?" tanong nung Carmel.

"Umiyak ka rin tulad ko! Damayan mo ako!"

"Sira-ulo! Dyan ka na nga!"

"Eeeeehh! Pag iniwan mo ako, ipagkakalat ko na nanonood ka ng Fifty Shades! Ipagkakalat ko rin na Fifty Shader of Darker na ang pinapanood mo! HUHUHU!"

"Hoy gago! TAHIMIK!" sigaw nito at saka niyakap yung Charmaine. "Ang mga napkin at panty liner na katulad mo ay hindi dapat umiiyak."

Nakita kong pinalo nung Charmaine si Carmel sa likod.

"Aray tangina!" sigaw nung Carmel.

Hindi ko na sila pinansin at naglakad paalis ng rooftop.

***

Napansin ko na hindi pa pala ako kumakain. Kaya naman naglakad ako papunta sa cafeteria dala-dala ang baon kong kanin na ang ulam ay itlog.

Habang kumakain ako ay may isang estudyante ang biglang sumigaw.

"ANDYAN NA SI VAN!" sigaw ng estudyante.

Nakita ko na agad umalis ang ibang estudyante at ang iba naman ay mabilis na kinain ang kinakain nila.

"TUMAKBO KA NA!" banta ng estudyante sa akin. And why would I do that?

Biglang pumasok ang isang babae na mala-gangster ang ayos. Halatang siga.

"HOY!" sigaw nito sa isang estudyante.

"B-b-bakit?" nauutal na tanong ng estudyante.

"Lapit." utos nito. Nagda-dalawang-isip pa ito. "LAPIT!" maangas na sigaw nung siga.

Mabilis na lumapit ang estudyante. Nang makalapit ito ay agad itong sinuntok nung siga sa tiyan. Nagulat ang mga natitirang estudyante sa cafeteria. Bakas din ang takot sa hitsura ng mga ito.

Tumulo ang dugo mula sa bibig ng estudyanteng sinapak ng siga. Walang sinuman ang nais na tumulong dito dahil sa takot.

Hindi ko na sila tiningnan at tinuloy na lang ang sa pag-kain.

I have no idea na ganito pala ang nangyayari sa loob ng school.

But I can't blame them. We're living at the 21st century: Where the people judge each other without knowing each other first.

avataravatar