1 Secret Agreement

SECRET AGREEMENT

Isinulat ni: Ladywithfeelings

KATEGORYA:

Romance, Teen-Fiction

⊰᯽⊱┈──╌❊╌──┈⊰᯽⊱

MAHALAGANG PAALALA

Ang storyang ito ay kathang-isip lamang. Ang lahat ng pangalan, tauhan, lugar, pangyayari at kung ano-ano pa man sa aklat na ito ay gawa lamang sa aking malikot na imahinasyon. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

⊰᯽⊱┈──╌❊╌──┈⊰᯽⊱

▪︎BUOD/SYNOPSIS▪︎

Bata pa lamang ay mapagmahal na si Falisha sa kanyang Ina. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay kinakailangang lumisan ng kanyang ina upang may mapangtustos sila pang-araw-araw. Nagdaan ang mga taon at siya ay tumungtong na sa pagdadalaga doon niya nakilala si Freyden Maice ang alaga ng kanyang Ina. Labis na nainis si Falisha lalo na't nalaman niyang kung anong tinatawag niya sa kanyang Ina ay siyang ganon rin pala ang tawag ng lalaki sa kanyang Ina.

Hindi lubos na akalain ni Falisha na mahuhulog sya sa lalaking kanyang kinasusuklaman at magiging magkasintahan sila nito. Ngunit dahil sa isang pangyayari ay halos maguho ang kanyang mundo at kanilang samaha'y biglang nagbago dahil sa nalaman niyang may naganap palang isang kasunduan at ang pagtatagpo nilang dalawa ay planado na. Dito naghakaawa at humingi ng kapatawaran ang kanyang lalaking kasintahan. Pero dahil sa lakas ng kapangyarihan ng pagmamahal ay sa huli ay natanggap niya rin ang mga pangyayaring mga naganap.

Tala ng may Akda:

Magandang Araw! Si Yànà ito pasensya na sa mga Error sa gramatika, sala sa paglilimpag, at kung ano-ano pa. Sana'y Suportahan nyo ako hanggang matapos ko ang aklat ito.

Hindi ako isang magaling na manunulat ngunit pagbubutihin ko pa upang maging mas maganda at maayos ang aking mga akdat.

avataravatar
Next chapter