1 Secre 1

Gusto mo bang mahasa ang iyong kakayahan sa pag-gamit ng mahika? Maging magaling sa pag-gamit nito?

Halina kayo at pumasok sa Secre Academy kung saan nandirito ang mga pinakatanyag na instruktor na galing pa sa iba't-ibang bahagi ng mundo 'upang turuan ka na maging dalubhasa sa pag-gamit ng iyong sariling abilidad.

Kaya't ano pang hinihintay niyo! Enroll na!.

" Wala bang bago?." tanong ko sa aking sarili sabay lipat nang tv channel. Napakapangit talaga nang palabas kahit saan ko ilipat.

I-indak ang ating katawan sa kanan.

Yeahh. Thats right!

Ngayon sa kaliwa naman!.

" Zeit?." napalingon ako sa taong tumawag sa akin, may bit-bit itong mga bag at mukhang para sa akin ang mga iyon. 

" Bakit Kuya Jiro?." dinapuan ko siya ng tingin bago patayin ang tv. Tumayo naman ako at humarap sakanya.

" Tapos kuna ayusin ang gamit mo at munkhang nandyan na sa labas ang sundo mo." ngising saad niya sabi bago ituro ang dereksyon sa labas.

Nag-abala pa talaga siya na ayusin ang aking gamit, napaka-bihira niya lang lang gawin iyon ah. Halos magpatayan kasi sila ni Ina nung utusan siya ni Kuya.

" Nag-abala ka pa talaga." inirapan ko siya at kinuha ang bagahe ko sa mga kamay niya.

"Sobrang dami naman at ng nilagay mo sa aking bagahe?." iritang saad ko sakanya bago ko binuksan ang zipper nito.

Bumungad sa akin ang ibat-ibang klase ng patalim at armamento,

Hindi talaga siya nagbabago.

" Ayaw ko lang kasing makalimutan mo ko kaya nilagay ko ang mga papoborito kong bagay sa iyong dalahin." ngiting sagot niya sa akin bago isara ang binuksan kong bagahe.

Sinimangutan ko naman nang husto ang kapatid ko bago bit-bitin sa aking balikat ang bag.

" Ayusin mo ah. Anim na taon kang mawawala rito sa bahay para mag-aral sa eskwelahan na iyon at gusto ko sa pag-balik mo isa ka nang tanyag na Wizard." ginulo niya ang buhok ko bago ko yakapin ng mahigpit.

Tinulak ko naman siya ng mahina dahil sa pagka-irita. Ayaw ko talaga nang ganto siya kalapit sa akin 'nandidiri ako.

" Nung nag-aaral ako sa eskwelahan na iyon ay nasa tanyag na pangkat ako ng Elementalist 'sana pareho lang tayo nang makuha." saad pa ni Kuya Jiro sa akin.

Ito na naman siya nag k-kwento ng mga nagawa niyang kahibangan sa eskwelahan na iyon.

" Hindi ko pa nga alam ang aking abilidad kaya itikom mo muna ang bibig mo Kuya at huwag mo kong subukang diktahan." lumapit ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin " Dahil hindi ako nakikinig sa mga taong taksil".

Nakita ko naman napahinto si Kuya Jiro at napatakip sa kanyang bibig 'pigil siyang napatawa at tinuro ako.

" Na-kwento ba ni Ina ang ginawa kong kahangalan sa eskwelahan na iyon."

Hindi na siya nakapag-pigil ng tawa at tuluyan nang dumagundong sa sala ang tawa ni Kuya Jiro.

" Tsk." sinamaan ko lang siya ng tingin at tuluyan nang umalis sa sala.

Pagkalabas ko sa aming mansyon ay sumalubong sa akin ang isang karwahe.

" Hinihintay na ho kayo ng eskwalahan, Senyorito Zeit." tumango ako sa lalaking sumalubong sa akin bago pumasok sa luob.

Inilapag ko ang aking bagahe sa aking tabi at ini-ayos ang aking upo. Umaalingaw-ngaw pa rin sa aking tenga ang tawa ni Kuya Jiro.

Ang baliw talaga na kuya ko 'siya ang may kasalanan kung bakit ako napasok agad sa eskwelahan na iyon.

Hindi ko alam ang ginawa niya para mapapayag ang aming mga magulang.

Hindi ko maiwasang hindi mapa-isip kung sakaling makilala nila ako. Puro may bad records ang bawat myembro ng aking pamilya sa eskwelahan na iyon. Kaya bakit sila tatanggap ulit ng isang tulad ko?.

Sa dami ng aking  naiisip ay hindi kuna nahalata na huminto na pala ang sinasakyan kong karwahe sa harap ng isang bus stop. Pinag-buksan naman ako ng pinto ng lalaking kutsero.

' Napaka-raming estudyante.' kunot noo kong saad sa aking isipan.

Inilibot ko ang akong paningin sa buong bus stop kung saan nakatayo ang mga taong 'tansa ko ay kaedaran ko lang din. Ang iba ay solong nakaupo at ang iba naman ay mga kagrupo na.

Sa aking sitwasyon ay wala akong kilala sa mga taong ito 'at wala kong balak na makipag-kaibigan o makipag-kilala.

Hinawakan ko nang mahigpit ang aking bitbit na bag habang nag-hihintay nang gagawin. Ang totoo lang hindi ko alam ang mangyayari rito 'dapat pala tinanong ko ang baliw kong kuya.

" Aish Excuse me. Alam mo ba kung anong meron rito 'kanina pa kasi ako naghihintay." napatingin naman ako sa lalaking may tsokolateng buhok nang magtanong ito sa akin.

" Hindi ko rin alam." sagot ko sakanya, narinig ko naman siyang napasinghap at halos manlumo sa aking sagot.

" Salamat pa rin dahil sinagot mo ang aking katanungan 'yung iba kasi ay ayaw akong pansinin. Ako nga pala si Silva Murpher." ngiting inilahad niya sa aking harapan ang kanyang kamay.

Napatingin naman ako ruon at agad kong kinuha.

" Ako nga pala si Zeit." prenteng pag-papakilala ko sakanya.

" Woah kakaibang pangalan. Masaya ako na makilala ka Zeit." ngiting saad ni Silva.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko sa aking ginawa, nakatingin lamang ako sa aking kamay na kinamayan ni Silva.

Parang kakasabi ko lamang kanina na ayaw ko na makipag-kaibigan o makipag-kilala man lang. Tumabi naman sa aking gilid si Silva habang hinihintay ang mangyayare sa amin dito sa bus stop.

Nakikita ko na rin ang mga ibang kasamahan namin na gumagamit ng ibat-ibang mahika, meron kayang lumutang sa ere, mag-palabas ng apoy at meron rin nakikipag-usap sa hayop.

Nakakabilib at nakakainis iyon tignan  pagmasdan, nakakainis dahil hindi ko pa nadidiskobre ang abilidad na kaya kong gawin.

Sana naman sa pagpasok ko sa eskwelahan na ito ay madiskobre kuna ang totoong kakayahan ko. 

" Mga bata!." napasigaw ang iilan na estudyante nang biglang lumabas ang isang lalaki sa aming harapan.

San siya galing?.

" Hala napakadami niyo pala! Ako pala si Basil. Hali na kayo at sundan niyo ko?!." sigaw ng lalaki sa amin bago maglakad patungo sa kakahuyan sa likuran namin.

" Teka saan siya pupunta?."

" Oo nga bat dyan?."

" Sino ba yun?."

Sari-sari na ang aking mga naririnig sa mga kapwa ko estudyante dahil sa lalaking bigla nalang sumulpot. Humarap si Basil sa amin at bigla nalang sumigaw.

" Sumunod na kayo sa akin?! Ako ang gate keeper ng Secre Academy at kung ayaw niyo sumunod bahala kayo r'yan." inis na sigaw nito bago tumalikod muli sa amin.

" Siguro ay dapat na tayong sumunod sakanya Zeit." bulong sa akin ni Silva.

Sinang-ayunan ko naman si Silva at nanguna na kami sa pag-sunod kay Basil. Sa likuran namin ay yung ibang pang estudyante na ngayon ay nagrereklamo.

Gusto ko rin mag-reklamo pero wala ko sa posisyon para ruon, medyo malayo na kasi ang aming nalakad at mahirap kung iiwan kami ni Basil dito sa gitna ng kagubatan.

" Tingin mo saan tayo pupunta?." tanong sa akin ni Silva, humawak naman ako sa isang baging bago umakyat pasulong.

" Hindi ko rin alam." maikling sagot ko sa kanya.

Nasa papataas na bahagi kami ng kagubatan at hindi ko alam kung bakit kailangan namin pag-danasan ito. Puno ng katanungan ang utak ko ngayon at marahil ganun rin ang mga kasama ko.

" Ewww. Kadiri ano yang nahawakan mo!."

" Eww kadiri. Tanga! Lumot lang yan!." sagot sakanya ng babaeng may gintong kulay na buhok bago kami maabutan sa pag-akyat ni Silva.

Para sa isang babae ay malakas ang kanyang pangangatawan para maabutan kami. Ano kaya ang kanyang ngalan?.

" Okay nandirito na tayo?!." sigaw ni Basil sa amin.

Napatingin naman kami sa Stone wall na nakatayo sa gitna ng kagubatan. Nasa pagitan iyon ng dalawang malalaking puno na nababalutan nang maraming sa sanga.

" Nasan ang eskwelahan?." tanong ng babaeng may ginintuang buhok kay Basil.

" Nandirito! Kailangan niyo lang pumasok sa daan na iyan para makapunta sa Secre Academy!." ngiting saad samin ni Basil.

Mukhang proud pa siya na i-introduce sa amin ang daanan patungong Secre Academy.

" Okay." ngiting saad ng babaeng may ginintuang mga buhok bago salubungin ang bato.

Lahat naman kami ay halos sumigaw sa pag-kamangha dahil sa kakaibang nangyari. Tumagos kasi ang babae sa bato.

Nag-unahan naman ang mga estudyante na makapasok sa portal kaya't pinauna ko muna silang makapasok bago ako sumunod.

Sa aking paglagpas sa pader na bato ay sumalubong sa akin ang napaka-gandang tanawin 'sa hindi kalayuan ay naruon ang isang mala-palasyong istraktura ng eskwelahan.

Kaliwa't kanan na kakaibang bagay ang aking nakikita. May mga taong lumilipad sa ere na nakasakay sa walis at meron rin mga estudyante na nag-lalaban gamit ang iba't ibang elemento na gamit nila.

Nakakabilib ang lugar na ito!.

" Sumunod kayo sa akin!." sigaw sa amin muli ni Basil bago kami talikuran at mag-lakad.

Napangiti naman ako sa aking nakita.

Nandirito na ako sa eskwelahan na pinapangarap ng lahat ang 'ito na ang

Secre Academy.

avataravatar