10 Chapter 9

"Parang ang saya mo ata" tudyo ni Ranz kay Vein. "Ano meron?"

Simula pa kaninang pagkagising nya ay maaliwalas na ang mukha nya at nakangiti. Nasa pool area sila ng hotel nakatambay

"Nahanap ko na sya" may pagmamayabang nyang wika

"Sino?" naupo ito sa katabi nyang sun lounger.

Binalingan niya ito "si Xam"

"Sinong Xam?" nangunot ang noo nito.

Naupo sya paharap dito. "Yung hinahanap ko noong birthday ni Clau..."

Nanlaki naman ang mata nito "Talaga? Paano? Pinag-uusapan pa natin yun kanina ah?"

Ikinweto nya dito ang nangyari nung sa mall hanggang sa kaninang pangyayari

"Kaya ayun. Nalaman ko ang pangalan niya. Hindi ko naman sya kilala dahil nang umuwi ako ay wala na sya sa grupo"

"Wow!"manghang nanlaki ang mga mata ng kausap "How a small world" saka ito tumawa ng nakakaloko.

Nahiga ulit sya sa sun lounger. Iniisip ang mga gagawin pagbalik ng pilipinas. After ng flight nya dito sa Jakarta, may dalawa pa syang flight. Round trip yun. From Hongkong to Korea to Philippines. Ang isa ay Thailand to Tokyo ,Japan to Philippines. Sakto na wala syang flight sa week end kaya makakapunta sya sa bahay nila Gino.

Kinagabihan, Naghanda na sila para sa flight nila pa-Hongkong to Philippines.

Ang iba ay mga naging abala sa loob ng buong linggo. Hanggang sa dumating na ang Weekend na pinakahihintay nila. Nakabalik na si Clau mula sa Korea. Wala ring flight si Vein ngayon. Ang iba naman ay mga walang pasok dahil sa office mga nagtratrabaho. And Dawn is not there.

Clau, Vaness and Emerald are preparing their food at the kitchen. Silang mga lalaki ay nasa pool area. Hinahanda ang mga kailangan nila mamaya para sa pool party na gagawin nila. Wala pa ang kambal.

"Nasaan na si Jay?" Tanong ni Luke na nakaupo sa lounge habang nakatuon ang mga siko sa tuhod. "Pupunta ba yun?" Tanong nya sa katabing si Vein.

"Iwan—" sagot nito pero naputol ng biglang may nagsalita. Kaya napalingon sila.

"Naku! Nagchat sakin kanina" si Clau yun. Papalapit ito sa kanila. May dala itong tray ng meryenda nila sa parehas na kamay." Nagkaroon daw ng emergency kaya hindi sya makakapunta" inilapag nito ang tray na hawak at nagkanya kanya na ng kuha ang mga kaibigan.

"Lagi na lang sya ganun" reklamo ni Luke saka kumagat sa brownies na hawak. Nag aayos ito ng mga iihawin kanina pero nang makita ang pagkain. Mas mabilis pa sa kidlat nitong iniwan ang ginagawa. "Nagpapahinga pa ba ang isang yun?" Saka ngumuya ulit.

Parang welcome party ang mangyayari mamaya sa kambal. Ito ang unang pagsasama sama nilang lahat mula ng dumating sila Xam kaya magiging party ang dati namang simpleng pagtatambay lang at pagsasama-sama

"Ayos na ung ihawan. Pati mga iihawin" si Gino na lumapit sa kanila.

"Nasaan na yung mga inumin, Ralph?" Ito Kasi ang nagpresinta na bumili ng mga alak at iba pang inumin

"Nandun na sa cooler" sagot nito ng makaupo sa tabi ni Vein. Itinukod nito ang mga kamay patalikod sa kinauupuan.

Nagkwentuhan pa sila habang hinihintay ang iba.

Ang kambal Naman ay paalis pa lang bahay nila. Naabutan nila si Kettle na naglalakad palabas ng kitchen kaya  lumapit sila dito.

"Ma,alis na po kami?" Xym said before he kissed his mom's cheek.

"Ingat kayo"

"Thanks,mom" he answered before he looked to Xam"Let's go"he guide Xam

While on their way, they chat with each other while they're friends are waiting for them. Hindi naman kalayuan Ang bahay nila Gino Mula sa kanila kaya agad silang nakarating doon. It's already 3 p.m.

Nang nakarating sila sa gate nila Gino ay bumusina sya para makuha ang attention ng guard na nagbabantay. Binukasan nito ng bahagya ang gate saka lumapit sa driver side. Ibinaba nya ang windsheild nya.

"Sir!" Nagulat ito ng makita sya "Long time no see, sir. Kilan pa po kayo nakabalik?"

"Last Month lang po, Kuya" nakangiting sagot nya "Nandyan na sila?"

"Oho,sir. Kanina pa."

"Salamat,Kuya"Tumango sya bago isinara ang bintana. Ang guard naman ay binuksan na ang gate ng malaki para makapasok na sila. Pinaandar na nya ang sasakyan papasok sa malamansyon na bahay ni Gino. Ipininark nya ang sasakyan sa tabi ng sasakyan ng mga kaibigan nya. Bumaba kaagad sya para pagbuksan at alalayan si Xam.

"Careful"he guided her.

Inalalayan niya ito hanggang sa makalapit sila sa pinto. Kakatok pa lang sya ng biglang bumukas ang pinto.

Bumungad sa kanila si Clau na nakadungaw sa maliit na siwang ng pinto. Itinawag na kasi kanina ng guard na dumating na ang magkapatid.

"Tara. Pasok na kayo!" Malaki ang ngiting nilakihan ni Clau ang pagkakabukas ng pinto.

"Nasaan sila?" Tanong ni Xym ng makitang wala sa tanggapan ang mga kaibigan nila.

"Nasa pool area silang lahat" sagot nya ng maisara ang pinto

Tumabi sya kay Xam saka ikinalawit ang mga braso sa braso nito

"Tara. Naghihintay na sila" batak nito sa kanila.

Naglakad na sila papunta sa pool area pero malayo palang ay may naririnig na silang mga ingay at bulungan. Hindi klaro kung ano ba ikinaiingay ng mga taong nasa pool area.

"Nandito na sila guys!" Sigaw ni Clau bago sila maka pasok sa pool area.

Ganun na lang ang gulat nila ng biglang may pumutok na kung ano pagkapasok nila.

"Welcome back!" Biglang sigaw ng mga kaibigan nya.

"Woo~" sigaw pa ni Ralf habang hawak ang wine na pinaputok at umaapaw

"Welcome home" bati sa kanila ni Vaness saka niyakap si Xam

"Welcome back, bro" bati ni Gino kay Xym bago nakipag brotherhood hand shake.

Nakipagyakapan pa ang iba sa kanila

"By the way, This is Vianca" pakilala ni Clau sa babaeng matangkad at mahaba ang buhok "And This is Xym, Xam's twin brother" turo nito kay Xym.

"Nice meeting you, I'm Vianca Shin Stavroz" Tumango  ito.

This is Bryan" turo Naman nito sa lalaki na nakapula at halatang may lahi. May hawig ito sa babae."Her older brother"

"Bryan Luth Stavroz, Bro" they shake hands.

"And their cousin, Luke" turo nito sa lalaki na naka khaki short lang at walang pantaas na damit.

"Luke Jacquin George" he waved his left hand while the other one is in his pocket.

"Xymir Ken Arguilles" he shake hand "And This is my twin sister, Xamier Keith Arguilles" he introduced to them.

"Nice meeting you too." sagot naman ni Xam

"And that guy" turo nito sa lalaking nakatulala lang sa kanila. Kahit ang kumurap ay hindi nito magawa "That's Vein. My cousin"

Xym waved at him but Vein still stunted

"Let's party" Sigaw ni Gino.

Kasabay nun ang napakalakas na tugtug na bumalot sa buong pool area.

Kung kanina ay excited makita ni Vein si Xam pero ngayong nasa harap na nya ito.Natutulala na lang sya, para bang tumigil ang lahat sa paggalaw. Kahit siya ay hindi na makagalaw sa sobrang paghanga sa babae nasa harapan. Hindi nya namalayang umupo si Ralf sa tabi nya

"Hoy! Matunaw yan" siniko sya ni Ralf. May hawak na itong wine glass ngayon.

Agad nya itong nilingon ng magising sya mula sa pagkakatulala "Ha?"

Natawa naman si Ralph sa naging reaksyon nya.

"Sabi ko kako, Matunaw si Xamier sa titig mo"

Kunot noo nya itong hinarap ng upo

"At Alam mo ang buong pangalan" Nangunot Ang noo nya.

"Natural"semi-sarcastic na sagot nito "Ipinakilala sya nila Gino nung birthday ng pinsan mo"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi niya.

"Sya yung Xam na tinutukoy nila nun!?" Napalakas ang boses ni Vein kaya nagtinginan ang mga iba sa kanila. Humarap sya sa nga ito"Sorry" saka humarap ulit sa kausap. "Bakit hindi ko alam?" Pabulong na tanong nya dito

"Umalis ka nun ng dumating sila. Umalis ka dahil sabi mo may kakausapin ka lang pero hanggang sa umalis sila ay hindi ka pa rin bumabalik" paliwanag nito.

"Sya yung hinahanap ko eh" bulong nya dito.

"Sya yung hinahanap mo hanggang matapos ung party?" May diing bulong nito. Lumayo ito sa kanya ng bahagya saka naiiling na itinukod ang mga kamay sa bandang likod ng may marealize "How small world nga naman" ngumisi ito ng nakakaloko saka tumingin ng nakakaloko sa kanya.

Nagkwentuhan pa sila habang lumalalim ang hapon ay mas lalong silang nagkakasayahan. Ang iba sa kanila ay nakaswim suit na at lumalangoy.  Sila Gino,Luke at Xym naman ay nagiihaw ng barbeque. Si Xam ay kausap si Vianca habang parehas na nakaupo sa lounge. Si Vein ay nasa gilid ng pool at nakaupo. Basang basa habang may hawak na wine glass.

"Lapitan mo na kasi" tudyo sa kanya ni Ralph na nakalubog ito sa tubig

Nahuli sya nitong titig na titig kay Xam mula sa kinauupuan.

Sinamaan nya ito ng tingin saka umambang ibabato dito ang hawak na walang laman na baso kaya napalayo sa kanya si Ralph

Makapal ang mukha nya at walang hiya pero bakit nagkakaganito sya ngayon. Nababahag ang buntot nya. Humugot sya ng napakalalim na hininga para mag-ipon ng lakas ng loob na lapitan ang babae.

Nang makaipon sya ay tumayo agad sya at derederetsong naglakad papunta sa kinauupuan ni Xam. Sininyasan nya muna si Vianca na umalis na muna dun. Sa una ay hindi nito naintindihan ang sinisinyas nya kaya inulit pa nya ng mas mabagal.

'Ahhh...' She mouthed while nodding. Humarap ito kay Xam.

"Xam, Kuha lang ako ng pagkain ha?" Pagsisimungaling ni Vianca saka sya binigyan ng thumbs up.

"Sige" nakangiting sagot ni Xam. Walang kamalay malay sa presensya ng binata sa likod nito.

Tumayo si Vianca sa kinauupuan saka lumapit sa kanya

"Ano balak mo?"bulong nito sa kanya "Bakit mo ba ko pinaalis?" pinaningkitan sya nito ng mata.

"Basta umalis ka na lang" madiing bulong dito saka pinanlakihan ito ng mata.

"Hmm...bahala ka" naiirita na iwan nitong sagot.

Hindi nito tinggal ang mga naniningkit na mata sa kanya. Binigyan pa sya nito ng i'm watching you sign. Tinalikuran na nya ito para l apitan si Xam.

"Hi" bati nya dito.

Halos mapatalon naman sa gulat si Xam sa gulat sa presenya ni Vein

"H-Hi" humarap ito ng bahagya sa kanya. may nahihiyang ngiti ito sa mga labi.

Naupo sya sa katapat nitong lounge na inuupuan ni Vianca kanina.

"Did you enjoy the party?" Tanong ni Vein sa dalaga habang titig na titig. Sinasamantala ang pagkakataong hindi sya nakikita nito

"Yup" tumango naman si Xam pero halata parin dito na ang hiya.

"By the way, I'm Vein. And you are Xamier, right?"

"Yeah...nice meeting you" iniabot ni Xam ang kamay at agad naman yung kinuha ni Vein.

"Me too..."

"Pinsan mo pala si Clau?" Tanong nito sa kanya "Bakit hindi ka namin kilala?"

"I'm her poster cousin. Kapatid ng mama nya ang umampon sa akin. I'm full blood American but Filipino in heart."Pagkwekwento nya "Kaya marunong ako magtagalog. I grow up in poster house then when I'm 14. Mom adopt me. Hindi kami madalas napapadpad ng pilipinas. Kung pupunta man kami dito ay para sa business lang. And i'm busy with my study. I'm a pilot by the way" He shrugged. Walang halo ng pagmamayabang.

"Oh...That's why" she nodded "Kung ganon, Anong ginagawa mo sa dito sa pilipinas?"

"We got here two months before Clau's birthday" he shrugged" for business and Clau's birthday. Dapat pagkatapos ng birthday ni Clau. Uuwi na kami but their is someone stopping me to go back to U.S"

Xam oblivious in Vein's stare at her

"Ahh..."she nodded before drinking on her wineglass.

"Paano mo sila na kilala?" Tukoy niyo sa mga kaibigan nila

"I visited Clau one time then they are all there. I had my vacation here in philippines for a few months. I think you are already gone that time kasi hindi na kita nakikita that time. Nababanggit ka man nila pero hindi ko na inaalam at hindi rin nila sinasabi ang pangalan mo. How about you? Bakit kayo umalis?"

She nodded. Sign that she's listening to him

"Me?"

"Yeah...You"

Yumuko ito ng bahagya. Sapat lang para hindi nya makita ang mga mata nito." I got into accident. The reason why I got blind" malumanay ang boses nito pero bakas dun ang lungkot.

Nataranta sya sa naging reaksyon nito.

"Oh!No.No. I'm sorry..I'm really sorry for bringing that up"mabilis nyang sabi bakas dun ang kaba

Tiningala sya nito.

"No...It's okay" tipid itong ngumiti sa kanya.

"You sure?"

"Yeah.."she nodded"I'm already done in that stage"

"Okay. As you say so" mabagal nyang wika saka umayos ng upo.

"By the way, did we met already?" May pagtatakhang tanong ni Xam

"H-Ha?" Tumahip ng napakalakas ang dibdib nyang tahimik na kanina.

"Nagkita na ba tayo? Para kasing pamilyar ang boses mo. Narinig ko na kung saan"

"A-Ah...yeah. Once"

Nangunot ang noo nito."Saan?Kailan?"

"N-Noong nasa m-mall. S-Sa Perfume shop. Bumibili ako ng panregalo nun kay C-Clau. A-Ako yung tumulong sayo nung ipinahiya ka nung mga babae"

Nanlaki ang mata ni Xam

"Ikaw yun!?" Gulat na sabi ni Xam

"Ahh..huh?" may pag aalangang wika nya.

"Oh my ghad!"napatakip sa bibig nya si Xam."I'm sorry. Hindi kita nakilala agad" she's still shock." Hindi man lang kita napasalamatan that time."

He chuckled"it's okay" nawala na ang kabang nararamdaman nya kanina. Napalitan na yun ng pagkatuwa sa naging reaksyon nito. Ginulo nya ang buhok nito"Mabuti nga at hindi ka ganun nasaktan nun eh"

"Thank you for that day, by the way" she has a genuine smile

"Ano ka ba? Ayos lang yun" ginulo nya ulit ang buhok nito. This time tinapik na ni Xam ang kamay ni Vein.

"Ano ba hindi ako pusa."inayos nito ang buhok na ginulo nya." Kanina ka pa gulo ng gulo sa buhok ko eh"she pouted

Natawa sya sa kacute-an nito.

"Okay.Sorry po" natatawang sabi nya.

Ganon kabilis nagkasundo ang dalawa. Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan. Sumali na rin ang iba nilang kaibigan sa pakikipagkwentuhan sa kanila.

to be Continue

'Strangers are somewhat blessing'

avataravatar
Next chapter