5 Chapter 4

It's been weeks since Jay saw Zam in the park but it always lingerwd in his mind.

"Sir?Sir?" it awake him from his revire. It's his employee. He's in the meeting right now yet he can't focus to the topic.

"Yes?" he asked and look to the presentor

"Are you okay, sir?"

He just nodded "Yeahh...what is it?"

"Do you have question, Sir?" The Finance Head asked

"Nothing."he shake his head  "Just give me a copy of that presentation then I will discuss it next meeting. Meeting Adjourned" he stand up and walked back in his office. But as expected, pagkaupo nya sa swivel chair nya. Natulala na naman sya at binalikan ang mga alaala nilang dalawa ni Xam.

Magkababata sila Xam, Jay, Xym, Clau at Wynter. Xam and Wynter are Bestfriends, So as he and Xym.  Clau is the middle to them. Everytime na may nag aaaway na isa sa kanila, Ito ang laging pumapagitna at umaawat. Ang iba nilang mga kaibigan ay nakilala lang nila habang lumalaki sila.

Bata pa lang ay may gusto na talaga sya kay Xam at alam yun ng kakambal nitong si Xym(Zaym). Ayos lang yun kay Xym pero sa isang kondisyon. Hindi nito dapat malalaman ang nararamdaman nya hangga't hindi ito mismo ang umamin sa kanya—na may gusto rin ito sa kanya. Kaya ginawa nya ang lahat para lang mapansin sya nito. Pinaparamdam nya dito kung gaano ito kahalaga sa kanya.

"kumain ka na?" tanong niya dito habang nakatago ang mga kamay sa likod at nakayukod. Bulong nya malapit sa tenga nito. Isang araw nang makita nya ito na nagbabasa ng textbook nila noong 1st year high school sila. Malapit na kasi ang exam week nila.

"oh my gosh"  she almost jumped from her sit.

Natawa naman sya sa naging reaksyon nito. Nilingon sya nito sabay hampas  sa braso nya.

"ano ba?!" masama ang tingin nito sa kanya. " magsabi ka nga kung nandyan ka!Wag yung nanggugulat ka!" binalik na nito ang tingin sa binabasa.

Naupo sya sa tabi nito. "Sorry na" nagpapaawa sya pero may ngiti pa rin sa labi.

Di sya nito pinansin.

"Sorry na po"pagpapacute pa rin nya.

Nilingon sya nito pero masama parin ang tingin nito sa kanya. Ngumiti sya ng alanganin saka inilabas na ang kanina pa nakatago sa likod nya.

"Para sayo" tininapat nya ang dalang lunch box sa gitna ng mukha nilang dalawa.

Kinuha naman yun ni Xam ng pahablot at hindi tinatanggal ang masamang tingin sa kanya.

"Pasalamat ka at nagugutom na ako." Sabi nito habang nililigpit ang mga librong nakakalat sa lamesa.  Nang matapos ay Inilapag ni Zam ang lunch box sa lamesa at binuksan para makakain na sya.

Lagi na lang nito nakakalimutan kumain kasi lagi na lang ito tutok sa pagbabasa at pag-aaral kaya sya na ang nagbabaon para dito. Honor student kasi ito at ayaw nitong mawala dun.

Lumipas ang mga taon at ganon pa rina ng routine nila. Nagsasabay na rin sila sa paguwi.  Minsan ay hatid sundo pa nya ito. Si Xam naman ay nakakaramdam na sa mga pinapagagawa ni Jay. Oo, unti-unti na itong nakakapasok sa puso nya.

"Ano ba dapat kung gawin, Clau" namomoblemang tanong ni Xam dito. Nasa canteen sila ngayon. Wala si Wynter, hindi pumasok dahil may sakit

"Aba! Bakit ako tinatanong mo? Ikaw ang nakakaalam nyang nararamdaman mo eh" reklamo nito habang kumakain ng Burger na binili nila sa Canteen "Isa pa, ikaw lang naman ang nagpapakompekado ng sitwasyon eh. Kung gusto mo? Eh  di umamin ka." Pranka talaga ito magsalita.

"Eh, paano kung ganon lang talaga sya dahil kaibigan natin sya? O kaya ganon sya dahil tingin nya sakin kapatid lang?" parang mas kinokumbinse pa nya ang sarili nya kaysa kay Clau.

"Iwan ko sa'yo! Dyan ka na nga! Ang gulo mo kausap" nilayasan sya nito

Ayaw nya pa  pumasok sa isang relasyon lalo na at malapit na sila gumaduate ng high school.

Matapos nun ay Itinuin nya na  lang ang pansin sa pag-aaral. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita nya itong may kasamang babae. Tumatawa ang dalawa habang naglalakad sa hallway ng classroom nila.

Selos na selos si Xam sa panahong yun pero  hindi nya alam yun. Basta ang alam lang nya ay naiinis at nabwibwiset sya na may kasama itong magandang babae at tumatawa tawa pa. Dahil dun, hindi nya ito pinansin ng ilang araw. Si jay naman ay nagtataka sa kinikilos ni Xam kaya hindi na sya nakatiis. Inabangan sa labas ng classroom nito at Kinompronta ito.

"Xam!" tawag nya dito ng makitang papalabas na ito ng classroom nito pero derederetso lang ito sa palabas at nilampasan sya

"Xam" habol niya dito "Xam!" hinablot na nya ang wrist nito saka binatak para mapaharap ito sa kanya "Ano bang problema mo?" tanong niya dito. Naiinis na sya pero di nya pinahalata dito " ba't ka ba nagkakaganyan?" malamyos na  tinitingnan nya ito sa mga mata.

"Wala akong problema, Jay. Kailangan ko ng umuwi" walang buhay na wika nito. Saka ito tumalikod sa kanya ulit at binatak ang sariling palapulsuan mula sa pagkakahawak nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya kaya hindi nito mabawi ang palapusuan, nakatalikod lang ito mula sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga studyanteng nagsisilabasan ng kanya-kanyang classroom at nagdaraanan na mga guro.

"Eh,Bakit ka nagkakaganyan ? Ilang araw muna ako iniiwasan"

"Hindi kita iniiwasan. Talagang busy lang ako ngayon dahil magfifinals na" wala pa ring buhay na sagot nito.

"Eh, Ano sa tiningin mo 'tong ginagawa mo ngayon?Hindi ba 'to pag iwas?hindi ka naman ganyan dati ah.  Kahit busy ka namamansin ka" tanong nya ulit

Doon naputol ang ga-sinulid na  pagtitimpi sa sarili ni Xam para hindi ito masigawan. Hinarap nya ito saka binatak ang wrist sa pagkakahawak ni Jay. Sa gulat ni Jay sa ginawa ni Xam ay nabitawan nya ang palapulsuan nito.

"Oo! Iniiwasan kita!" galit na sigaw ni Xam "Ano naman sa'yo ngayon kung iniiwasan kita?"

Nangunot ang noo ni Jay habang nakatingin sa galit na galit na babaeng nasa harapan nya. Hindi pa nya nakikita kahit kilan ito kagalit ng ganito.

"Xam—" pilit nyang hinahawakan ang kamay nito pero iniiwas nito.

"Saka ano ba paki mo!?" naluluha na si Xam sa sobrang frustration.

"Xam—" pilit pa rin nyang inaabot ang kamay nito para mapakalma

"Ano ba!? Don't touch me!" iwas muli nito sa sariling kamay kay Jay.

"Xam, Ano ba!?"naiinis na sya sa inaasal nito ngayon"Bakit mo ako iniiwasan!?Ha?!" may diing tanong nya ng mahuli ang pulsuan nito.

Pilit nitong kinukuha ang sariling palapulsuan habang kung saan saan lumilipad ang mga mata nito. Pilit nya hinuhuli ang mga mata nito. Hindi ito makatingin sa kanya ng maayos. Isinandal nya ito sa pinakamalapit na pader ng hindi sya nito sagutin–na ikinagulat ni Xam

"Ngayon…sabihin mo. Anong problema mo?" mas malumanay na tono na nya ngayon. "Bakit mo ako iniiwasan?" tanong nya dito ng mahuli ang mga mata nito. May dumaan sa mga mata nitong di nya inaasahang emosyon na hindi nya alam kung ikakatuwa ba nya o ikakaiinis nya pero agad din itong nawala bago umiwas ng tingin.

"Ano bang pakiilam mo?"Magkahalong hiya at pagkailang  ang tono ni Xam. Hindi nya makayanan ang intensity ng titig nito sa kanya.

Hindi alam ni Xam kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya. Kinakapos sya ng hininga dahil sa lapit ng mukha ni Jay sa kanya. Ang lakas din ng tibok ng puso nya.

Ano bang nangyayari sakin? Sa isip-isip nya.

"Hindi ka magsasalita?" nagising ang diwa nya sa boses na yun " hahalikan kita" pagbabanta ni Jay sa kanya.

Agad sya na patingin dito habang nanlagi ang mga mata nya. Her mouth gap in shock too.

"Ahh..ayaw mo talaga ha?" umamba itong hahalikan sya pero na tigil yun nang iharang nya ang kamay sa pagitan ng mukha nilang dalawa

"Ito na! magsasalita na nga eh" sabi nya saka napaiwas ng tingin.

"So, what is your problem? Why are you hiding from me?"

"T-Tanggalin mo muna y-yang mga kamay at lumayo ka rin. Masyado kang malapit" nauutal nyang sabi saka dahan-dahan nyang tinulak ang mga balikan nito " Di ako makahinga."

Tinanggal ni Jay ang  mga kamay na nakaharang sa magkabilang gilid nya saka lumayo ng kaunti. Ang kaninang naiiritang expression ay napalitan na ng malumanay at pinipigilang ngiti sa mga labi.

"Ayan. Okay na?" sabi nya habang hinuhuli ang maiilap na mga mata nito." Magsalita ka na. Ano ba talagang problema mo?"tanong nya pero nanahimik na naman dito. "Xam—"

"Hindi ko alam kung bakit pero"putol nya sa sasabihin"Nung nakaraan ko lang napagtanto, N-Nagseselos ako dun sa babaeng kasama mo sa corridor noong nakaraan" Biglang bilis nitong wika bago nagwalk out.

Naiwan namang nakamaang ang mga labi si Jay sa gulat at kaguluhan.

"Ha? Nagseselos?Sya? kanino?" bulong nya sa sarili. Di pa naproproseso ng utak nya ang narinig.

Agad na nanlaki ang mata makalipas ang ilang segundong pag iisip nang marealize nya ang sinabi ni Xam. Agad syang tumakbo pababa. Umaasang maaabutan pa nya ito pero wala na ito dun. Matapos marinig ang mga salitang yun ay hindi na mawala ang mga ngiti ni Jay hanggang sa makauwi at makatulog.

Kaya kinabukasan ay maaga syang nagising para abangan si Xam sa tapat ng room nito. It's just 6:30 in the morning. Hindi pa sya nagtagal nang dumating  agad si Xam. Agad syang tumayo at hinarang ang sarili sa may pinto.

Xam almost jump in shock when Jay showed up in front of her

"What are you doing here?" she asked. Still shocked. Shit! She's still not yet ready to discussed what happened yesterday.

"I'm here because—"

"Nandyan na yung teacher" putol nya sa sasabihin ni Jay saka nagmamadaling pumasok.

"But—"

"Bye, See yah later" kaway nya habang nakatalikod

Bumagsak ang dalawang balikat ni Jay sa ginawa ni Xam.Walang nagawa si Jay kundi ang umalis at pumunta sa sarili nyang klase.

Totoo naman kasi na nandyan na yung teacher niya na ipinagtaka nya at ng mga kaklase nya. Ang aga pa para sa klase nila.

"G'Morning,Class" bati nito ng makapasok sa classroom nila.

"hoy! Ano yun?" Si Clau habang naniningkit ang mga mata.Mag-classmates sila "Bakit nandito yun?" tukoy nya kay Jay.

"Mahabang kwento. Mamaya ko kukwento" sabi nya habang nakatingin sa  Teacher nilang nagsasalita.

Wala daw ito mamaya dahil meeting na pupuntahan kaya maaga itong pumasok at nagbigay ng gagawin nila para mamaya. Matapos nun ay umalis rin ito agad.

Mayamaya ay nangulit na si Clau sa kanya kaya wala syang nagawa kundi ikwento dito ang nangyari kahapon at ang walanghiya nagtititili habang kinikilig.

"Manahimik ka nga" bulong na saway nya dito "Nakakahiya ka"

"Sorry"wika nito habang nahihiyang nilingon ang mga kaklaseng nakatingin na sa kanila. "Ikwento mo pa yung iba bilis"Excited na wika nito.

Buong araw silang gumawa ng mga iniwang pinapagawa ng mga teacher nila. Ang iba ay sa canteen na nila ginawa kaya maaga silang nakapaglunch at maaga  rin silang makakauwi.

"Hi, Girls" bati sa kanila ni Xym ng maupo ito sa table nya kasama nito sila Wynter at Jay na nagsiupuan na rin sa mga bakanteng upuan habang may dalang mga sariling pagkain.

Si Jay naman ay titig na titig sa kanya habang inilalapag ang tray na dala.

"Nagutom ako sa mga pinagawa satin" reklamo ni Wynter habang sumusubo ng pagkain "Gosh! Ang daming pinagawang work sheet parang pangbuong sem na ata yun" sabi nito habang hinahalukay ang sariling pagkain. "tapos—" naputol ito sapagsasalita ng salpakan ng fried chicken ni Xym ang bibig nya.

"tama na! manahimik ka na" si Xym habang nakangisi "masyado ka nang maingay. Nakakarindi na" kalmado pero ngisi pa rin sa labi nitong wika.

Natawa naman sila sa ginawa ni Xym. Masama naman ang tingin ni Wynter kay Xym habang kumakain.

"Kamusta study,Xam?" Baling sa kanya ni Xym 

"Marami rin pinagawa samin. Kagagaling lang naming ng library" Tila pagod na pagod na wika niyang sagot bago sumubo.

"Naipasa nyo na mga gawa nyo?"

Umiling lang sya habang nakatungo at kumakain. Di sya makapag-angat ng tingin dahil alam nyang  nakatitig sa kanya si Jay. Nagpatuloy na sila sa pagkain habang bahagyang nag-kwekwentuhan.

Si Wynter naman ay kanina pa napapansin ang ginagawang patitig ni Jay kay Xam. nakakunot ang noo nya habang nagpapalipat-lipat ng tingin kay Jay at Xam. Hindi na talaga siya nakatiis, siniko na nya si Jay.

"Hoy! Matunaw yan"pasimpleng bulong nya

"H-ha?" napalingon ito sa kanya

"sabi ko kako…matunaw yan" nguso pa nya kay Xam na kumakain.

"A-Ano pinagsasabi mo? H-Hindi ah" nagmamamaang maangan pa si Jay

"Ba't nauutal ka kung hindi." Ngumisi sya ng nakakaloko " may hindi ka ba sinasabi sakin? Hmm.." pinaningkitan nya ito ng mga mata

"Wala ah" tangi pa rin nito. Hindi sya tinigilan nito "Wala nga sabi...Ang kulit nito"

"Huy! Ano yan? Bakit kayo ng bubulungan" sita sa kanila ni Clau.

"Wala" sabay nilang sabi. Nagkatinginan naman silang dalawa saka sabay  na bumaling ulit kay Clau at sabay pang umiling

"Wala daw pero sabay pa ang reaction..tsh" bulong ni Clau saka natawa

Hanggang sa matapos sila kumain at makabalik para sa afternoon class nila ay hindi tinigilan ni Wynter si Jay sa pang-aasar. Palabas na sana si Wynter ng mapansing hindi gumagalaw sa pagkakaupo si Jay.

"Loverboy!" tawag ni Wynter sa nakatulalang si Jay.

Tiningnan naman ito ng masama ni Jay.

"Ano?" tinaasan sya nito ng kilay "Uwian na pero nakatulala ka pa rin dyan sa kinauupuan mo."

Kaya naman napatingin sya sa paligid nya. Wala na nga ang mga kaklase nila. Siya na lang ang nakaupo at si Wynter ay nakasandal sa hamba ng  pintuan. Agad siyang tumayo at kinuha ang mga gamit saka iniwan si Wynter na nakatulala sa gulat sa kanya.

Kailangan nya maabutan sila Zam. Panigurado ay nasa parking lot na ang mga ito. Tumatakbo na sya pababa ang building nila para maabutan pa nya ang mga ito.

Sakto namang dating nya sa parking lot ay pasara na ang pinto ng van nila Xam. Binilisan nya ang pagtakbi lalo.

"Xym!" sigaw nya kaya napalingon ito sa kanya.

"Oh! Jay?" gulat na wika ni Xym.  "Ano ginagawa mo dito? Wala ka pa bang sundo?" tanong nito

Maski si Xam ay nagulat sa presence ni Jay

"Ahh…" nagaalangan na wika nya " P-Pwede bang sa inyo muna ako? makikitambay" napakamot sya sa batok nya.

"Okay lang naman" nagtatakang sagot nito. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto " pasok na sa likod"

Kaya dali-dali syang sumakay at hinihingal na umupo sa may bandang likuran.

"Hi,Xam" pasimple pa nyang bati dito ng makaupo.

Sa Simple naman itong lumingon sa kanya bago sarkastikong ngumisi sa kanya. Napailing naman sya sa ginawa nito.

To be Continue

'Same Start but Different Ending'

avataravatar
Next chapter