16 Chapter 15

It's Sunny day. Nasa gitna ng byahe sila Xam at Vein. Ngayon kasi ang napagkasunduan nilang araw na maghihiking sila bilang pambawi ni Vein sa hindi pag punta nito sa birthday nila ni Xym

It's been three days din ng matanggap nya ang text ni Jay at hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Nung una ay hindi nya inexpect na maalala nito ng nangyari nung gabing yun dahil kilala nya 'to lalo na paglasing at nagpass out na. She didn't make it big deal so she just replied 'it's okay. I understand' with smiling emoji and thumbs up.

"Saan ba punta natin?" tanong niya kay Vein.

Wala syang kaideideya kung saang bundok sila pupunta. Ang alam lang nya ay maghihiking sila pero kung saan? yun ang hindi nya alam.

"Will going to Mt. Sumbreno"

"Ha? Saan yun?" Ngayon lang nya narinig ang bundok na yun.

"Matatagpuan ito sa Pililia, Rizal. At dun ang punta natin ngayon."sagot ni Vein habang nagdridrive papasok ng Rizal Province

Mount Sembrano is a mountain located between Rizal and Laguna. Mt. Sembrano is situated about 60 kilometres east by road from the capital city of Manila.

The most common starting point for the climb up the mountain is from the Barangay Hall in Brgy. Malaya where climbers must register themselves. The hike to the grassy summit which is fully exposed to the sun, takes about three to four hours. Another trail starts from the Laguna side of the mountain in the town of Pakil, but is rarely used.

"Tulog na muna ako" paalam ni Xam

ilang oras na silang bumabyahe medyo maaga rin silang umalis sa bahay nila Natraffic pa sila papasok ng Rizal kaya antok na antok na sya.

"Sige, Gigisingin na lang kita pag nag stop over tayo." sagot naman ni Vein habang pasimpleng lumiqlingon kay Xam.

She wore Black adidas silk shirt and a leggings paired with a rubber shoes that designed for hiking. while Vein is wearing a grey t-shirt and a jagger pants paired with Black Adidas rubber shoes.

Tinahak nila ang paakyat ng Antipolo. Nagsasound trip si Vein habang nagdridrive. Pataas at matarik ang daan paakyat kaya sobra ang pag-iingat nya sa pagdridrive.

He hummed while driving to the center of the City. Huminto sya ng may madaanan silang Isang restaurant. At nagtanong sa Lalaking halatang Parking boy ng restaurant

Ibinaba nya ang wind shield sa side nya."Kuya, excuse me. May Space pa ba?" tanong nya dito.

"Marami pa po, Sir. Nakangiting sagot nito sa kanya.

"Salamat" nakangiti rin nyang wika bago pinaandar papasok sa parking lot ang sasakyan.

Pinatay muna nya ang makina ng sasakyan bago humarap sa tulog na katabi. Ayaw man nyang gising ito pero kailangan dahil kailangan na nila mag lunch. Mahaba pa ang byahe nila.

"Xam..." mahina nyang panggigising dito "Xam, Gising na"Sinudot-sundot pa nya ang pisngi nito"We need to eat lunch"

Xam just groaned and put his finger away. Didn't bother to wake up.

"Xam...Gumising kana"mas lalo nya itong kinulit. Kung ano -ano ang ginagawa nya dito- tulad ng itataas ang kalukap ng mata ni Xam, Bahagyanh pipisilin ng pisngi nito "Oy! Xam, Kailangan na nating mag lunch" paulit ilit nyang ginawa yun hanggang sa magising ito at nakasimangot. "Tara na, Kanina pa ako magugutom" natatawang pambabaliwala nya sa itsura nito.

Pagkalabas nya ng sasakyan ay pumunta sya sa Passenger side para maalalayan si Xam.

Sabay silang naglakad papasok nga restaurant.

"Welcome to Bahay Busluan,Sir,Madam" salubong sa kanila ng isang staff. Table for Two?"

"Yes please."sagot ni Vein.

"Okay, Sir. Follow me" the staff gesture their way. "Here,Sir"

Dinala sila nito sa pinaka gilid ng restaurant kung saan makikita ang napakagandang view. it's an overlooking Restaurant.

Inuna nya paupuin si Xam bago sya umupo sa tapat nito.

"Here is our menu,Sir"

"Thanks"

Puro filipino food ang sineserve dito kaya hindi na rin sya nahirapan sa pamimili.

"One order of Sinigang na Baboy, One plater of rice, One plater of Creamy Crabs" Creamy Crabs is also known as Ginataang Alimango. "And Juice, Please" sabi nya bago ibinalik ang Menu.

"Is that all, Sir?"

"Yes, Thank you"

the waiter bowed before left them to prepare their order.

Ang sarap ng sariwang hangin na tumatama sa kanila kapag humahangin. Open space kasi ito na may Bubong. ang mga haligi ay gawa sa kahoy. Pati ang mga barandilya ay gawa rin sa kahoy.

Mamaya ay dumating na ang inorder nila kaya agad na sila nagsimulang kumain. Nagorder na rin sila ng take out para sa camping nila mamaya. Nang matapos sila kumain, Bumyahe na agad sila.

Di na muli pang nakatulog si Xam kaya wala silang ginawa kundi ang magkulitan, kumain at magjamming sa buong oras ng byahe.

After three hours of driving, Nakarating na rin sila sa Brgy. Malaya kung saan sila magsisimula maglakad sa trail. Nagpalista na sila para bago magdilim ay nasa taas na sila.

Nakaalalay si Vein kay Xam the whole time ng pagkaakyat nila. Siya ang may dala ng halos lahat ng gamit nila. Ang tanging dala lang ni Xam ay ang sarili nitong bag naglalaman ng mga kailangan nito at ng tent.

"Ayos ka pa?" tanong ni Vein kay Xam matapos ng isang oras na paglalakad.

Nagthump up ito sa kanya. Hindi ito ang una nilang paghihiking kaya tiwala sya nagsasabi ito ng totoo.

"Good. Tara,bilisan na natin para di tayo abutin ng dilim."

Mas binilisan nila ang paglalakad. Buti na lang hindi ganon katarik ang trail na nilalakaran nila.

"Ingat" wika nya ng muntikan na ito madapa dahil natalisod sa maliit na bato buti na lang ay hawak nya ang mga braso nito kaya napigilan niya ito.

Ngumiti ito"Salamat"

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Laging nakaalalay kay Xam si Vein. Napahinto sila ng magsalita muli si Xam.

"Wait lang. Nauuhaw na ako. Paabot naman ng tumbler ko"hinihingal na wika ni Xam matapos ang 2½ hours na paglalakad nila.

Tagagtak na ang pawis nilang dalawa. Medyo tirik pa din kasi ang araw.

Agad na Kinuha ni Vein ang tumbler ni Xam sa gilid ng bag nito na dala

"Here" bigay nya dito.

Agad namang uminom dun si Xam.

"Pawis na pawis kana" Pinunasan ni Vein ang pawis ni Xam sa nuo gamit ang kamay. "May towel ka ba na dala?"

walang kamalay malay si Vein sa naging epekto nun kay Xam. Natulala ito dahil sa ginawa nya. Ang bilis rin ng tibok ng puso ni Xam.

"Xam!" pintik ni Vein ang nuo nito na nagpagising sa diwa ni Xam.

"Aray!" Napahawak si Xam sa Nuo nya "Ano ba yun?Namimitik ka ng nuo?"

"Natulala ka na naman kasi. Nakakalunod sa lalim."

"Ano ba kasi sinasabi mo?"

"Sabi ko kung may dala ka na towel dyan?Pawis na pawis ka na oh" Pinunasan ulit ni Vein ang nuo ni Xam gamit ang kamay.

"M-Meron. N-Nasa kabilang bulsa ng b-bag"

"Ganon ba? Sige"

Lumipat sya sa kabilang side ni Xam. Nang makuha na ang towel ay agad na pinunasan nito ang pawisang nuo ni Xam pagkatapos ay ibinalik niya kung saan niya kinuha yun. Vein

"S-Salamat" nahihiyang bulong ni Xam.

Nginitian nya ito "Welcome" inalalay na ulit ni Vien si Xam."Tara na."

Nag patuloy na sila paglalakad ulit. Konti na lang at makakarating na sila sa taas.Unti Unti na nagtatago si Haring araw ng makarating sila sa taas ng bundok.

"Haaaaaaayyy!!" sabay nilang sigaw ng makarating na sila sa taas habang nakabukas ang mga braso at sinasalubong ang sariwang hangin.

Sabay silang natawa pagkatapos ng kabaliwan nila. Napalingon si Vein kay Xam habang malaki ang ngiti sa mga labi.

He's satisfied on what he is seeing right now. He wished that this day will never end. He want to see this genuine smile in her lips forever.

Napapikit pa si Xam habang dinadama ang hangin na humahapas sa kanya.

"Tara na. Itayo na natin ang tent." Aya nya ng magising siya sa pagkakatulala kay Xam "Malapit na lumubog ang araw." Tumango lang si Xam.

Dali-dali naman nilang ibinaba ang mga bag na dala sa Clearing. Pinaupo nya si Xam sa tabi ng kanilang mga bag.

"Gaya ng dati ikaw bahala sa stick" sabi nya bago inilagay ang foundation stick ng tent nila sa harap nito.

Sinimulan ng buohin ni Xam ang stick habang si Vein ay inaasikaso na ang tent na gagamitin nila.

"Oh! Okay na to" sabi ni Xam ng mabuo ang stick.

Si Vein na ang bahalang magsuot nun sa tent at magtayo nito.

"Akin na" kuha ni Vein ang mga sticks kay Xam.

Sinimulan ng itayo ni Vein ang Tent nila. Inayos na rin nito ang mga gamit nila sa loob nun. Inilagay nya na rin ang screen na naghahati sa hihigaan nila.

"Okay na yung tent. Pwede ka na magpalit ng damit."inalalayan na ni Vein si Xam papasok sa tent "Pawis na pawis ka kanina. Baka magkasakit ka pa. Nandyan na rin ang mga pamalit mo. Ihahanda ko muna ang bonfire natin." Sabi ni Vein bago isinara ang zipper ng tent.

Sinimulan na nyang magpalit. Si Vein naman ay nagikot sa clearing para kumuha ng mga pwedeng panggatong sa bonfire.

"SATISFIED?" tanong ni Vein kay Xam.

Kakatapos lang nilang kumain ng Dinner. Parehas silang nakaupo sa telang inilatag nila para maupuan nila. Nasa harap sila ng minibonfire nila. Parehas silang nakajacket ng itim.

Rinig na rinig ang mga kuliglig sa paligid. ang tunog ng mga halamang tinatamaan ng malalakas na hangin. Ang sarap sa pakiramdam at sa pandinig.

"Hmm" she hummed. "Very satisfied"

Bumuntong hininga si Vein habang itinukod ang mga palad sa likuran saka tumingala sa langit.

"Ang ganda ng langit. Ang daming stars" wika ni Vein ng may paghanga.

"I wish, I could see it right now"

napababa naman ng tingin si Vein sa kanya.

"You know what? Hindi tayo narito para magdrama ka." biro ni Vein saka tumawa ng mahina.

"Alam ko!"Singhal nya dito "Panira ka talaga kahit kilan ano?" she said sarcastically

Tinawanan naman lang ito ni Vein. "Okay. Sorry na. Okay?" pero di sya nito sinagot.

"But kidding aside" Umayos sa pagkakaupo si Vein "Don't lost hope" sumeryoso na ito. "Someday you can see everything again. at pag nangyari yun. Sisiguraduhin kung nasa tabi mo ako."

Di alam ni Xam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa sinabi nito. She felt flattered but she knows that there is something deeper than that. Hindi sya makapagsalita. Maraming tumatakbo sa isipan nya pero walang lumalabas ni isa sa mga labi nya.

"Sisiguraduhin kong nasa tabi mo ako lagi" dagdag pa ni Vein.

"Vein?" mahinang tawag nya dito

"Hmm..."

"Thank you"

Ngumiti ito "You're always welcome" Hinawakan nito ang kaliwang kamay nya.

Binalot sila ng komportableng katahimikan. Binasag lang yun ni Vein ng biglang may maalala. Napalingon naman si Xam dito.

"Oo nga pala! I almost forgot it" Tumayo si Vein. "Wait lang ah. May kukunin lang ako" Nagmamadali na itong pumasok sa tent nila.

Tumango lang si Xam.

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na rin si Vein

"Here we go" naupo ulit ito sa tabi nya. "Akin na ang kamay mo"

Iniabot naman ni Xam ang kanang kamay nya. Naramdaman nyang may inilagay ito sa palad nya.

"Ano to?" naguguluhang tanong nya. parehabang kahon yun. Kinapa nya pa ng makailang ulit. "Bakit may ganito,Vein?"

"It's a bracelet with your name.It's my Birthday present for you. Binili ko yan nung nagkaroon ako ng Emergency flight"

Nanlaki ang mga mata ni Xam sa narinig"Hala!" gulat nyang wika "Nag abala ka pa. Nakakahiya naman. Sagot mo na nga 'tong hiking tapos may paganito ka pa"

"Ayaw mo? Sige wag na. Ayaw mo naman ata" pekeng patatampo nito.

Akmang kukunin na nito ang box sa kamay nya ng higpitan niya ang pagkakahawak.

"No. No. No."Hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak "Hindi naman sa ganun. Actually I appreciate your effort. Thanks by the way" she gestured the box she's holding.

"Akala ko ayaw mo eh."Pabirong wika ni Vein "Akin na Isusuot ko sayo"

Iniabot naman nya ito. Maya maya ay may naramdaman syang malamig na metal sa pulsuhan nya.

"There. Bagay na bagay sayo" wika ni Vein ng matapos isuot sa kanya ang bracelet.

"Thank you"

"Welcome"

"By the way, Sabi mo may sasabihin ka sakin nung tumawag ka. What is it?" curious nyang wika.

All of a sudden natahimik ang buong paligid sa pandinig ni Vein. Nabigla sya sa tanong nito sa kanya.

"Vein! Oy! Natahimik ka" Panggigising ni Xam sa kanya mula sa pagkakatulala.

Akala nya handa na sya para sa tanong na yun. Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang sistema nya.

"May problema ba? Natahimik ka na lang kasi bigla-bigla jan"

"Wala" nakangiting aniya.

"So, Ano nga yung sasabihin mo?"

"Ito na. Wag ka mabibigla ha? "humugot sya ng malalim na hininga "Xam...gusto kitang ligawan. At sana payagan mo ako" malumanay na seryosong wika nya "I really like you from the beginning"

Nagulat si Xam sa sinabi ng binata. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya. Bigla na lang binalot ang buong pagkatao ng isang kakaibang takot. Hindi nya namalayan ang salitang lumabas sa kanyang bibig

"Sorry" malungkot na wika niya saka tumayo at pumasok sa tent nila.

To be Continue....

'Promise binds people but it meant to be broken'

avataravatar