5 CHAPTER 3

Kunti na lang talaga masasapak ko na 'tong nasa harapan ko.-_-|| Hindi ba sya makaramdam na wala nga dito si Kith!

"Are you really sure, I've been looking for him since yesterday" the girl ask with her british accent and her raised eyebrow na permanente na 'ata. I've been dealing with her and it's hell. Napapa-english ako ng wala sa oras. Sayang sa neurons, at nasasagad ang english ispekining ko! -_-! Kala nya 'ata sya lang may kayang mag british accent.Psh.

"Yes ma'am, sure as hell. Kahit baliktarin nyo pa 'tong shop, walang lalabas na Kitheal Leraia, so if you don't mind and if you don't have any IMPORTANT concerns. Please give way to other costumers ma'am" I tried to sounds politely and not rude.

Fortunately she gets the idea and made her way through the doors, with her annoying clicking heels.+_+

Dahil narin sa dalawang araw nang di pumapasok si Kith ay pinupupog kami ngayon ng mga babaeng costumer na may pagnanasa sa kanya. God! Mga FC (feeling close) sila. Hindi ko nga sila nakikitang kausap ni Kith, kung makapagtanong akala mo naman GF sila.  ̄︿ ̄

Hindi ko na rin tuloy mausisa ang isang 'yun tungkol dun sa rambol. Ngayon ko lang din narealize na wala pala kaming number ng isang yun, kaya naman hindi namin ma-contact. Baka narape na ng mga babae nya o kaya ng mga binabae tapos hinagis sa ilog pasig.  ̄ω ̄ ppfftt..

Kasalukuyan kong inaayos ang uniform ko sa locker dahil tapos na ang shift ko. Uwian na.

"Ay pusang gala ka!! Napatalon ako sa gulat nang may nagring. Nang mahalungkat ko ang bag ko, yung cellphone ko palang tatsskren  yung tumutunog, may tumatawag.

+63912******* is calling...

*Accept*

Hindi ko man ugaling sumagot ng tawag mula sa unknown number ay sinagot ko na. Matagal narin kasi simula ng may huling tumawag sakin. Si mama 'yun nung bago pa sila mawala. Baka kasi tumawag sila sakin.

Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya.

"Siah! Hellooo.. wala man lang Hi" napapikit ako dahil sa hyper ng nagsalita -_-!

"Kith?" Tanong ko kahit sigurado na akong sya 'yun. Hanggang phone ganun parin sya.

"Yup! The one and only handsome Kith. Yan ang ilagay mong pangalan ko sa contact mo ha"  ̄ˍ ̄ inayos ko ang bag ko at lumabas na habang nasa tenga parin ang phone ko.

"Baka mag-hang phone ko, ang haba. Bakit ka nga pala napatawag Kitheal?" Dinig na dinig ko ang pag singhap nya dahil sa itinawag ko sa kanya.

"Don't call me that argh—hey Kith who's that?— wag kang magulo" mukhang kausap nya yung kasama nya. Its a boy.

"Siah, daanan kita bukas. Sabay na tayong pumasok" he said.

"K, sige na sasakay na'kong jeep, bye"

"Bye, ingat sila sayo—" pinutol ko na ang tawag bago nya pa matapos ang sasabihin nya, at inilagay sa bag ang cellphone. Baka kasi masnatch eh. Nokia pa naman 'to at regalo ni papa sakin nung last birthday ko last year. Malapit na pala 'yung birthday ko. Kasad  ̄ 3 ̄

Nang makauwi ako hinalunkat ko agad ang stock ko. Wala na pala akong pagkain. Gutom na ko, nakalimutan kong mamili.  ̄0 ̄

Napagdisesyunan kong bumili na lang ng pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maramdaman kong may sumusunod sakin. Nang lingunin ko, wala naman akong nakita bukod dun sa basurahan. Pagharap ko may biglang humatak sakin patungo sa eskinitang nasa gilid ko. Hindi ko namalayang may panyo palang nakatakip sa ilong ko. Sinibukan kong pigilan ang paghinga ko. Pero mahirap 'yun dahil narin sa sinusubukan kung makawala mula sa pagkaka hawak nya. Masyado syang malakas at basa nya ang bawat galaw ko na mabilis nyang nasasangga. Hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

avataravatar
Next chapter