webnovel

Schleiden Mafia: Burning Fire

My only reason to live is to take a revenge no matter what..... at makukuha ko lang yon when I kill his own daughter with my own bare hands..... but what if love comes in between? nah wala akong pakialam all I want is revenge.... My name is Fire Sy and I'm gonna burn you to death ....

_Granger_ · Urban
Not enough ratings
12 Chs

1: Then why are you here?

12 years later

"Papá! Papá!" tawag ni Carina sakanyang papá habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Carina I'm here!" sagot naman nito kaya agad syang pumunta sa sala dahil dun galing ang boses.

"Papaaaaa!!" masiglang sigaw ni Carina habang umiikot ikot sa harap ng kanyang Papá.

"Bagay na bagay sayo ang uniform Carina." Nakangiti nitong sabi sabay baba ng iniinom nitong kape.

Naka school uniform ngayon si Carina, isang White long sleeve na may side pocket at may logo ng school and is paired with black necktie and black skirt na pinaresan nya naman ng black boots na hanggang ibaba ng tuhod nya na three inch high, hindi katangkaran si Carina kaya dapat magheals.

"Talaga? Excited na ako sa college life!" She giggled at the thought.

"Carina, are you sure about not having a bodyguard?" tanong ng kanyang Papá habang dinadampot naman ang isang newspaper.

Niyakap ito ni Carina mula sa likod. "Papá I'm already 18, I'm a big girl now."

Hi father sigh "I know. You're a big girl I know and its time for you to learn more. You will learn things, things that can change your life."

"Papá?" Naguguluhan tanong ni Carina, hindi kasi nya maintindihan ang sinasabi nito ganon ba talaga ang college at talagang life changing.

Nginitian lang sya ng kanyang Papá bago nagsalita. "Just always remember no matter what, I will always be your father."

Hinalikan ito ni Carina sa pisngi. "Yes papá but for now I gotta go, ayokong malate sa first day of school."

Tumakbo na si Carina palabas ng mansion.

Her name is Ragazza Carina Torres. Her name sounds strange, pero sabi ng kanyang papá its an Italian word means cute girl! Which is talagang bagay sa kanya. Medyo maliit kasi si Carina pero maputi naman, matangos ang ilong, pinkish lips, rosy cheeks at long black hair. So anyone can say that her name suits her well.

Ng makalabas sa mansion ay sumakay na sya sa nag-aabang nilang white honda civic.

After half an hour ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaki at napakataas na gate. The gates color was ashen and it has a big golden letters that shouted the glamorous name of the school.

SCHLEIDEN UNIVERSITY

This is it! The famous Schleiden University, where only exclusive persons can enter like those who are famous, very rich, very powerful and elites that can study beyond this big walls. Hindi alam ni Carina kung saan sa mga nabanggit na dahilan ang dahilan kung bakit sya dito mag-aaral but never the less she is very excited.

Bumukas ang malaking gate at pumasok ang Honda civic nila, pagbaba ni Carina ay bigla syang kinabahan ngayon lang nya narealize na ang dami palang students dito. In her grade school up to senior high ay nagho-home schooling sya. Its sound boring and yes she kinda live a boring life but her Papá said that its for the better.

Sana talaga maging maayos ang stay ko dito. Sabi ni Carina sa isip, tumingin sya sa relo nya at 7:15 palang. Her class will starts at 8:00 masyado yata syang na excite at ang aga nyang dumating nagmadali pa naman si Carina kanina dahil akala nya late na sya, dahil marami pa naman syang oras ay naisip nyang maglakad lakad muna it's a good opportunity to explure the spacious campus. Umupo si Carina sa ilalim ng isang puno sa harap ng oval ng school, grabe sobrang laki talaga ng university binigyan sya ng map ng kanyang papá kaya kampante si Carina na hindi sya maliligaw.

Nagmasid masid si Carina sa paligid gustong gusto nya talagang makakita ng maraming tao naaaliw sa sya mga students na may kanya kanyang squad. Pinagmamasdan ni Carina ang bawat students na naglalakad papunta sa ibat ibang parte ng campus at nagtatagal ang tingin nya sa mga grupo ng students na komportableng nakikipagtawanan sa isa't isa. Ng mag 7:30 na ay tumayo na si Carina at pinagpag ang skirt nya kailangan pa nyang hanapin ang room nya at kahit may map si Carina ay ayaw parin nyang magpakampante, ng tumayo siya ay may napansin syang isang lalaki sa kabilang puno na naka upo rin at mukhang natutulog, nakasuot ito ng gray na jacket. She studied his face and was amaze for the breathe taking view, matangos ang ilong, mahabang pilikmata, tan skin, red lips na daig pa ang kay Carina and most of all his messy hair. Carina wonders what his voice sounds like and how it feels to stare at his eyes.

Bago pama matuksong lumapit si Carina ay naglakad na sya papuntang room sayang kong medyo maaga nyang nakita ang lalaking naka gray na jacket ay siguradong nilapitan na ito ni Carina. Tinignan nya ang kanyang schedule para malaman kong anong class, building name at room number nya. Pagkatapos yong mapa naman ang pinag-aralan ni Carina.

Ng Makita na ni Carnia ang hinahanap at napag-aralan narin nya ang pinakamabilis na daan papunta sa room ay nagsimula na syang maglakad, mabuti nalang at maaga pa kaya hindi pa maiinit pero kahit siguro tanghaling tapat ay hindi parin masyadong mainit because of the big trees that surround the University and covered paths connected to the different buildings and not to mention the continuous breeze of the fresh air.

Pagpasok ni Carina sa room ay na excite na naman sya dahil sa dami ng students sa loob for sure classmate nya ang lahat! Kaya hindi na napigilan ni Carina ang sarili na magpakilala.

"Hi, hi sa inyo. I'm Carina nice meeting you!" masigla nyang bati sa kanila.

"Miss wala pa ang prof. kaya mamaya kana magpakilala." Sabi ng babae na blonde pero mukhang pinakulayan lang ang buhok.

Nagtawanan naman ang lahat kaya medyo nahiya si Carina, dapat ba may professor kapag nagpapakilala? Gusto lang naman nyang magkaroon ng mga kaibigan. Yumuko si Carina at naglakad papunta sa likod umupo sya sa pinakalikod na upuan habang nakayuko parin, parang lahat ng energy nya kanina ay nawala, ba't ba ayaw nila syang maging kaibigan?

"Hi," naramdaman ni Carina na may tumabi sa magkabilang gilid nya dahilan upang mapaangat ang tingin nya.

Dalawang babae ang nakita nya bale nasa pagitan sya ng dalawang nakangiting babae. Yung isang bumati sa kanya kanina ay mahaba ang buhok tapos curl pagdating sa dulo, ang puti nito at may suot syang glasses. Tapos yung isa namang nasa left side ni Carina ay ang ganda din ng bagsak nitong buhok na lagpas balikat, tapos may pagkamorena ito at ang ganda ng smile.

"I'm Abby," sabi nung may suot na glasses sabay lahad ng kamay.

"Hi Abby, I'm-"

"Your Carina, I'm Lindsey." Putol ng morenang babae sa sasabihin ni Carina.

"Kilala nyo ako?" Gulat na tanong ni Carina, hindi sya makapaniwalang bukod sa nilapitan sya ng dalawa ay kilala pa sya ng mga ito.

"Ano kaba, diba nagpakilala kana kanina sa harap." Natatawang sabi ni Abby.

"Ay oo ngapala, so Friends?" Nakangiti tanong ni Carina sa dalawa.

"Oo naman!" Sabay nilang sagot.

Napatingin silang tatlo at ang iba pa nilang classmate sa pinto ng may hinihingal na lalaking nagmamadaling pumasok, nilibot ng lalake ang paningin nito sa buong silid at ngumiti ng makita sina Abby at Lindsey. Napansin ni Carina na puro gwapo at maganda ang nandito at halata din ang pagiging anak mayaman, well hindi na sya dapat pang magtaka because this is Schleiden University.

"Grabe muntik na akong ma-late." Nakangiting sabi nung lalaki habang papalapit sa kanilang tatlo at nagpupunas ng pawis. Bumalik naman sa kanya kanyang ginagawa ang mga classmate nila.

"Hay nako Xander ang aga aga pawis kana." Lindsey said while checking Xander from head to toes.

"Hehe, pasensya na, oh sino tong magandang kasama nyo?" He asked while looking at Carina.

"Hi I'm Carina nice meeting you Xander right?" Nakangiti bati ni Carina sabay lahad ng kamay nya.

Tinanggap naman ito ni Xander na malaki din ang ngiti at nagshake hands ang dalawa.

"Xander Lim at your service." He bubbly replied nas-salute pa ito na ikinatawa ni Carina.

Umupo na si Xander sa tabi ni Lindsey at nagkwentuhan silang kaming apat, but mostly ay tinatanong nila si Carina, masayang masaya si Carina dahil ang sarap kasama ng tatlo. Nalaman din ni Carina na magkakilala na pala silang tatlo simula high school kaya super close na sila. Nagkwentuhan lang din sila hanggang sa dumating na ang professor at dahil first day pa ay wala pang class at pagpapakilala lang ang ginawa nila. Tinawanan pa ulit si Carina ng mga classmate nya dahil sa pangalawang beses na daw syang nagpakilala ayaw na sanang ituloy ni Carina ang pagpapakilala but her three new found friends cheer her kaya nagawa parin ni karinang ituloy ang pagpapakilala. So this is the feeling of having friends. Sabi ni Carina sa isip.

"Carina anong next subject mo?" Tanong ni Abby habang nagliligpit sila ng gamit.

"Strategic management." Sagot ni Carina, na memorized na nya kasi ang schedule at rooms nya para hindi na sya mahirapan pa.

"Talaga! Classmate tayo!" Sabay na sigaw nina Abby at Lindsey na may patalon talon pa.

"Talaga!" Napatalon din si Carina sa narinig.

Napakamot naman sa batok si Xander, he put his bag on his right shoulder.

"Sayang hindi pala tayo classmates, sige hatid ko nalang kayo." Sabi nito at sabay na silang lumabas ng room.

Nagtatawanan at nagbibiruan parin silang apat habang naglalakad papuntang kabilang building kung saan ang next class nila may thirty munites break naman sila in between subjects kaya okay ihatid sila ni Xander. Nang makarating na sila ay agad ding nagpaalam si Xander dahil baka malate ito dahil nasa kabilang building pa ang class nito. Masyado kasing malalaki at matataas ang bawat building and there are also huge spaces between the buildings kaya may posibility talaga na ma late si Xander.

Umupo na sila Carina, Abby at Lindsey at tukad kanina ay medyo marami narin ang tao sa room pero parang may iba sa room na ito, hindi maingay at ang mga students parang sa iisang direksyon lang nakatingin or more likely ay sa iisang tao lang ang atensyon nila.

"Oh my si Harvey." Nanlaki ang ata ni Abby at inayos nya pa ng salamin.

"Oo nga si Harvey." Lindsey said in a amused tone.

Tinignan ni Carina yong lalaking tinawag nilang Harvey, malaki ang ngiti sa mukha nito, hindi naktali ang kanyang necktie at nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo. Meron naman syang dalawang hikaw sa left ear at kapansin pansin ang number eleven na tattoo sa kanyang right pulse. Overall mukha siyang friendly na gangster pero kahit na mukha syang friendly ay wala paring ni isang student ang nagtangkang lumapit kay Harvey.

"Kilala nyo sya?" Tanong ni Carina kina Abby.

"Kilala sya ng lahat, his Harvey Marasigan a member of 13th A, see his tattoo that's his rank." Paliwanag ni Abby habang inaayos ang salamin nito halatang namamangha ito habang sinasabi ang pangalan ni Harvey.

"13th A?" Nagtatakang tanong ni Carina, ngayon lang nya narinig ang tungkol dito "gang name ba yan?"

Confusion was written in Abby and Lindsey's eyes na-confuse din si Carina, bakit sila ang naguguluhan eh si Carina naman ang nagtatanong ah.

"Hindi mo alam?" Dimakapaniwalang sagot ni Lindsey.

Umiling si Carina.

"Eh ang Wing Lords kilala mo?" Si Abby naman naparang na stress bigla.

"Never heard one."

"How about the Schleiden Family?" Si Lindsey naman.

"Ahm, sila ang may-ari ng school?" hindi siguradong sagot ni Carina, siguro naman tama sya dahil ito ang pangalan ng university so malamang sila ang may-ari diba?

"Carina wala kaba talagang alam?" Si Abby ulit, feeling ni Carina nasa hot seat sya.

"Alam ang tungkol saan?" Naguguluhan na talaga si Carina sa mga tanong nila marami na rin syang tanong sa utak nya.

"Kung wala kang alam." Nagkatinginan sina Lindsey at Abby tapos sabay silang nagsalita.

"Then why are you here?"

Napakunot noo si Carina.

"Dito ako pinag-aral ni Papá, guys really what's the matter?"