6 Set Me Free

"Sino sya?" bulong-bulongan ng mga empleyado. "Padala daw ng HQ." sagot ni Cara. Limang buwan na si Cara sa branch. Medyo tsismosa pero mabait naman. Pinadala din sya ng head office tulad ni Fiona. Nilapitan niya si Fiona at sinamahan sa Manager nila.

Naging maayos ang unang araw ni Fiona sa bagong lugar. May staff house ang company kaya di sya nahirapan. Libre pa lahat, mababait at magigiliw ang mga tao. Mukhang welcome naman sya kaya mabilis nakapag adjust si Fiona.

Room mate sila ni Cara, mabuti na lang at kahit papano may makakausap sya. Sa simula, madalas pa syang makatanggap ng text messages galing kay Gerald pero makalipas ang isang buwan, padalang na ng padalang. Nauuna na nga syang magtext, minsan tinatawagan niya pa pero madalas di nasasagot. Inisip niya na baka busy sa trabaho at sa pag -aaral at baka nagtitipid kaya di makapagload. Sana nga tama sya, sana mali ang pakiramdam niya na unti-unti na nawawala si Gerald sa buhay niya.

Tumawag sya sa mama niya, ang kapatid niya ang nakasagot. Nagsumbong ito na bumalik daw ang papa nila sa bahay, para makipaghatian ng ari-arian. Kailangan daw nitong ibenta ang parte niya dahil critical ang kalagayan ng anak niya sa labas. Napaiyak na lang si Fiona dahil wala sya para damayan ang mama niya. Siguradong nasasaktan yun ng sobra. Lalong lumalalim ang inis niya sa kanyang ama. Nakaramdam tuloy sya ng pagkahomesick. Ang hirap pala ng wala ka sa tabi ng mga mahal mo sa buhay. Di sapat ang tawag, di sapat marinig ang boses. Parating may pangamba kung ano ang mangyayari sa kanila ngunit kailangan niyang panindigan ang desisyon. Nandito na to, kailangan lumaban.

Finally, nakatanggap na rin sya ng unang sahod. Wow, buo, kasi nga libre lahat. Nakapagpadala sya ng malaki sa kanyang ina. Masarap sa pakiramdaman ang may maiabot sa magulang. Alam niyang karampot na lang natitira sa sahod ng mama niya na isang government employee dahil sa dami ng utang na iniwan ng iresponsible niyang papa.

Subsub si Fiona sa trabaho ng biglang may dumating na delivery ng pagkain. "Wow, pizza!" excited na sigaw ni Cara. Basta pagkain, mabilis pa sa alas-kuatro kung makareact ito. Kita naman sa katawan. Tumayo na rin si Fiona para makisalo. "Ayos to ah, saan galing?" tanong ni Fiona habang ngatngat ang Pizza. " Ay, hala, di mo alam? Galing to sa admirer mo. Opps🙊, secret admirer pala." Biglang bawi ni Cara. "Admirer ko? Di ko alam yun ah. Kelan pa ako nagkaroon ng admirer." tanong ulit ni Fiona.

Sumagot ang manager nila na si Ms. Emma,"Simula ng dumating ka. Masyado ka yatang abala kaya di mo napansin na parati tayong may snack sa tanghali. Galing lahat yun sa admirer mo." Napatanga si Fiona, akala niya libre din yun. " Hahaha! Omg, this is very funny." Nagtawanan na rin ang lahat.

Napaisip si Fiona. Sino nga kaya ang secret admirer niya na yun. Bakit di nagpapakilala pero sa kabilang daku, mukhang mas maigi na rin yun dahil si Gerald pa rin naman ang laman ng puso niya. Biglang nagring ang phone niya.

"Hello, Ate. Liza ito. Kahapon ka pa gustong tawagan ni Mama pero nagdalawang-isip sya. Ako na lang magsasabi sayo dahil alam namin na malalaman mo rin ito kalaunan." mahinang bigkas ng kapait niya. "Bakit? Si Papa na naman ba? Hayaan nyo na yun." sagot ni Fiona.

" Ate, si Gerald...Nakabuntis na naman. Ibang babae ito at mukhang totoo na talaga to. Mayaman ang magulang ng girl, kayang ipapatay si Gerald kung di niya pananagutan." dagdag ni Liza. "Tawagan mo sya once and for all. Sorry Ate, mahal ka namin kaya nakikialam kami."

"I understand Liza. Alam ko na para sa kabutihan ko ang ginagawa ninyo. I appreciate you telling me the truth now, otherwise, I will be stupid thinking na pagbalik ko, nandyan pa rin sya. Thank you, ingat kayo dyan." Pagtatapos ni Fiona. Pinilit niyang ikalma ang sarili kahit na nanginginig ang buong katawan niya. Ayaw maniwala ng puso niya sa narinig pero maliwanag pa sa sikat bg araw ang mga salitang sinabi ng nakababatang kapatid. Nakabuntis si Gerald, this time around it is real and he is getting married.

Namalayan nya na lang na nadial niya ang number ni Gerald. May pumindot sa kabilang linya pero walang nagsalita. "Hello, Gerald?" banggit ni Nancy, pero babae ang sumagot. "Hello, this is Annie. Gerald's wife to be. You are Fiona, right? Please do me a favor. Tantanan mo na si Gerald. Di ka niya mahal. Buntis na ako at magpapakasal na kami. Akin na sya." prankang sabi ng babae sa kabilang line.

"Hi Annie. First and foremost, di ko inaangkin si Gerald. I don't care if you his bride to be, I am his true love, mag-asawa man sya ng iba at makabuntis man sya ng iba ng ilang beses ako pa rin ang mahal niya. He is all yours. i jsut want to say goodbye to him so we finally set each other free." sagot ni Fiona nang marinig niyang may sumigaw sa kabilang linya. "Ma, sino yan?" Si Gerald. Sinadya pa talaga ni Annie na ilapit para marinig ni Fiona ang sinabi ni Gerald. Ma, as in Mama? Di niya na na kailangan pang liwanagin, mama papa ang tawagan nila. Tanga na lang sya kung di niya magets yun.

Bigla na lang nahimatay si Fiona. Buti na lang nasalo sya ng katabing kaopisina. When she woke up, nasa sarili niya na syang kama. Nakaupo si Cara sa tabi niya. " Are you ok,girl? We all heard your conversations earlier. Dinala ka namin sa clinic and the doctor said, masyado ka lang daw na stress. Siguro daw kasi pinigilan mo ang nararamdaman mo, di mo nailabas agad kaya ka hinimatay. Do you need anything?" Cara asked.

"I'm fine. Sorry sa kaartehan ko. Favor naman, please tell Ms. Emma na papasok ako bukas to make up for the hours I missed earlier. Kailangan ko ng diversion ng attention kaya magtatrabaho ako kahit saturday." pakiusap niya sa kaibigan. Tumango na lang si Cara ang left Fiona alone. Naiintindihan niyang kailangan nitong mapag-isa.

Bumangon si Fiona at tiningnan sa sarili sa salamin, walang imik, walang laman ang isip. Nadistorbo sya ng tunog ng phone niya. Gerald ang pangalang lumabas sa screen. Nagtatalo ang isip at puso niya kung sasagutin pa ba o hindi na. Sa huli, pinili niyang pindutin.

"Fiona, did you call earlier? Akala ko si mommy sumagot ng phone ko. Di ko alam na nandito pala sya. I'm sorry. I don't love her. Nilasing niya ako, di ko alam na nagbunga ang minsang katangahan ko na yun. Masyado kitang namiss, I was then thinking of you. I'm sorry. Please forgive me. Gusto ko sumunod sayo dyan. Ayoko sa kanya." mahabang paliwanag ni Gerald. "Fiona, do you hear me?"

"Gerald, I love you but I can't be a reason for another woman's heartache. I can afford to know that one baby will be born without a father because of me. There is no third chance, remember. Panindigan mo na yan. Don't worry about me. Naniniwala ako sayo, mahirap talaga magmahal ng guapo, maraming gustong umagaw. Tanggap ko na yun. Set me free because this time around I have decided to let you go." saka pa lang nagsimulang mahulog ang mga luha ni Fiona.

Dumiretso sya sa banyo. Halos tatlong oras syang nagshower. Bawat patak ng tubig ay may kalakip ng luha. "Last na ito Gerald, last na ito. It seems like no matter how we try, we are just not meant to be. Let me just love you, just keep you in my heart. Let me keep our friendship more than anything else."

avataravatar
Next chapter