7 Pizza and Beer

Kinabukasan, maga man ang mata ang pinilit ni Fiona na pumasok. Alam niyang may mga di sya natapos kahapon dahil sa nangyari, ayaw niyang maging dahilan ang personal na problema para mapabayaan ang trabaho. Sa halip, gagawin niyang dahilan ang trabaho para makamove-on.

Ala-una na ng tanghali, di man lang nakaramdam ng gutom si Fiona. Habang pininpindot ang kanyang laptop ay singhot naman sya ng singhot. Umiiyak pa rin sya. Namumula na nga na parang kamatis ang ilong niya at ang kapal na ng eyebags niya. May dumating na food delivery.

"Ma'am, good afternoon, food delivery po" bati ng delivery boy. Nagulat si Fiona, wala syang matandaang delivery order. Napatingin sya sa orasan, tanghali na nga pala at naririnig niya na rin ang reklamo ng sikmura niya kaya tinanggap niya ito. "Magkano, kuya?" tanong niya. "Ma'am, bayad na po ito." sagot ng delivery boy. "Oh! ganun ba?Thank you." sa isip ni Fiona baka si Cara ang nag order. Mabait talaga ang kaibigan.

Wala sa sariling kinain ni Fiona ang pagkain na dumating. Parang hulog ng langit. Masarap palang kumain. Kahit broken-hearted, di dapat nakakalimutang kumain. Masarap kumain kaya masarap mabuhay. This, too, shall pass.🍗🍔🍟🍝🍰 Burrrppp!!! Habang ginagawa niya yun may dalawang matang kanina pa nakatingin sa kanya. Nakangiting nakatitig sa kanya.

Sa wakas natapos niya rin kailangan niyang gawin kaya nagpasya na syang magligpit. Pagkarating sa sa room niya, tumawag ang guard house. "Hello ma'am, may delivery po para sayo dito, pakiclaim na lang." sabi ng guard on duty. " Ok kuya, babain ko na lang po." sagot ni Fiona. "Pagkain na naman ba yun? Tataba ako nito eh." sa isip niya.

Pagkababa, inabot sa kanya ni kuya guard ang isang tangkay ng rosas. Natulala si Fiona. "Nanadya ba to? Joke time lang?"padabog niyang kinuha ang bulalak at binasa ang card. "For you Ms. Beautiful. I'll pick you up at 7pm."

"Who you?" napanganga si Fiona. Pag akyat sa room, nandoon na si Cara. " Girl, ginugood time mo ba ako? May roses ka pang nalalaman. Pick you up at 7pm, eh wala ka namang wheels" bungad ni Fiona. " What? Wait, OMG!!! Fiona, Fiona,Fiona! Hindi ako ang nagpadala ng roses. Asa ka pa, straight ako noh!" Patawang sagot ni Cara habang nakapameywang.

"Kung hindi ikaw, sino?" nagtataka pa ring tanong ni Fiona. "Sino pa nga ba, e di yung admirer mo. Di ka pa rin ba naniniwala na existing sya?" tanong ni Cara. Di nga pa din makapaniwala si Fiona. Napakakulay naman ng lovelife niya, di pa sya tapos magluksa, ayan may paparating na naman. Napagpasyahan na kilalanin kung sino man itong mokong na to.

Sampung minuto bago mag 7pm, nakahanda na si Fiona. Pinili niyang magsuot ng simpleng jeans and blouse, konting lipstik at pulbos, ok na. Nakatingin na naman sya sa harap ng salamin. Maga pa rin ang mga mata niya. Bakas pa rin ang kalungkutan but life must go on. Kailangan niyang lumaban.

Eksatong 7pm sya bumaba, magmumukha syang sobrang excited kung bababa sya ng mas maaga. Naghanda din sya ng plan B, sakaling joke lang lahat ng 'to, kunwari na lang may lakad sya mag-isa. Kinakabahan syang buksan ang gate ngunit pinili niyang tumuloy.

Pagkalabas niya, may nakamotorsiklo sa harap ng gate. Di man lang tinanggal ang helmet. Inabot sa kanya ang isa pang helmet at sinenyasan sya na sumakay. Para syang nahypnotize, sumakay naman sya. Nakasakay na sya bago niya naisip na parang tanga sya. Paano kung rapist ito o holdaper, ni di manlang niya tinanong ang pangalan at ni di niya alam kung saan sila papunta.

Maya-maya nagpark sila sa isang pizza parlor. Tinanggal niya ang helmet niya. Tinanggal din ng driver ang helmet niya at sa unang pagkakataon nasilayan ni Fiona ang mukha nito. Natameme si Fiona. "Is this for real, artista ba sya?" sa isip ni Fiona. Di niya maalala na nakita niya na ang taong to. Pero familiar ang mukha, di lang niya maalala kung saan niya nakita.

"Hi, Ms. Beautiful." sabay kuha nito sa hawak ni Fiona na helmet. " Let's go in." Napasunod na lamang si Fiona. Di pa rin sya nagsalita. Nag order ang lalaki ng pizza, hawaiian flavor at dalawang bote ng beer.

"I'm Eumir. I've seen you a thousand times but probably you never recognize me." pagpapakilala nito, nilahad ang kamay kay Fiona. Ngumiti naman ang dalaga at sa pag-aakalang makikipagkamay lang, inabot niya rin ang kanang kamay. "Hi, Eumir. I'm Fiona." Nagulat sya na imbes simpleng kamay ay hinalikan nito ang kamay niya. Gosh, ibang-iba sya Gerald. Maginoo pero medyo bastos ang dating nito. Lakas ng self-confidence. Pambihira naman kasi, pati yata lalaki, mababakla sa itsura niya.

"I learned that you love pizza and I surmise that you need beer tonight. Mabisa daw yan para sa mga broken-hearted. Is there anything more you want to order?" si Eumir.

"Nothing more. I'm fine with that." nakangiting sagot ni Fiona. "Umm, Eumir, binayaran ka ba ni Cara para gawin to? Pasensya ka na, engot talaga yun."

"Is that what you think? Bakit naman ako babayaran ni Cara? Mukha ba akong bayaran 😉? Di ko pinagbibili ang katawan ko oi." birong sagot ng binata.

"Aw, hahaha! Sorry. I did not mean to say that. Di lang ako makapaniwala. Why would you waste your time on me?" tugon ni Fiona.

"Obviously, because I want you. I like you and I am determined to be your future." diretsang sagot ni Eumir.

"Ano daw?" parang nabingi si Fiona sa sinabi ng binata. Ganun kabilis, walang paligoy-ligoy. "That is... too honest of you 🤔. I have to be honest, too. I am not ready yet." Pautal na sagot ni Fiona. Nakauhaw yata 'tong usapan na to. Nakakatunaw pa ang titig ng binata sa kanya. Ewan ba, namumula sya ng husto, di pa nga sya nakainom ng beer. Napatungga tuloy sya at naubos niya sa isang saglit ang isang bote ng beer. Yay, ngayon lang sya nakainom buong buhay niya kaya nalasing sya agad. Nginatngat niya na ang pizza ng walang pakundangan. Nakakawala nga ng sakit.🍕🍕🍕🍕🍕🍺🍻🍻🍻.

Napakwento sya ng todo, lahat na yata sa buhay niya. Maya-maya pa, tawa na sya ng tawa. Bago pa tuluyang magwala ang dalaga, inilabas na sya ni Eumir sa resto. Wala sa sarili, pero nagawa niya pang sumakay sa motor habang mahigpit na nakayakap sa binata.

Para mahimasmasan, dinala muna sya ng binata overlooking hills na parte ng city kung saan puedeng magstargazing. Tulog pa rin ang dalaga. Napailing na lamang si Eumir. Kung puede niya lang suntukin ang gagong nanakit kay Fiona, gagawin niya. She's so inocent like an angel. Kahit nasasaktan, bukambibig pa rin niyang di naman sinadya ng gagong yun na makabuntis ng iba. Sarili pa sinisi niya dahil nang-iwan sya. Kung mahal sya nun, di sana, sumunod ito sa kanya agad, di na sana sya pinakawalan. Pero malas ng taong yun at masuerte sya dahil di na sya papayag na maagaw pa ng iba ang dalaga. Wala syang pakialam kung sakaling may nangyari na sa kanila ni Fiona at ng ex niya.

avataravatar
Next chapter