3 One Last Cry

Madaling araw na gising pa rin si Fiona. Pahid ng pahid sa luha, parang bukal, ayaw huminto, ayaw maubos. Alas singko na saka pa lang sya nakapikit sa sobrang pagod.

Di na sya dinistorbo pa ng nanay niya. Sa gitna ng breakfast, biglang may kumatok. Si Leo pala. "Magandang umaga po, Tita. Gising na po ba si Fiona?"

"Tuloy ka iho, kain tayo. Tulog pa sya, mukhang mag uumaga na bago sya nakatulog. Di na namin ginising. Kailangan niya ng space." Sagot nito.

"Pakibigay na lang po sa kanya itong regalo ko. Di ko nabigay kagabi kasi biglang nagkagulo. Magiging ok rin sya, Tita. Huwag kayong mag-alala." Akmang paalis na si Leo nang tawagin sya ni Fiona, kakagising lang pala nito, magang-maga ang mga mata.

"Leo! Good morning. Ang aga mo yata. Huwag mo akong titigan, ang pangit ko ngayon." Nakangiting sambit nito habang papalapit kay Leo.

Si Leo ay kababata at kaklase din nila ni Gerald. Close friends sila ni Fiona. Para kay Fiona close friends sila pero para kay Leo, higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya. Alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ni Fiona. Narinig niya rin lahat kagabi. Doble ang sakit na nadarama niya, mas malalim. Gusto niyang suntukin si Gerald pero para saan, anong karapatan meron sya.

"Hoy! Hahaha, parang ikaw ang broken hearted ah." Pabirong sambit ni Fiona. Gustong sabihin ni Leo na, oo, mas broken hearted sya. "Halika, kain tayo." Sumama na din si Leo sa hapagkainan. Masaya silang nagkuwentuhan habang kumakain, gaya ng dati na parang walang nangyaring drama kagabi.

"Mukhang ok na, congratulations!" ani Leo. "Huh! para saan? Sa graduation ko o sa pag move-on ko?" sagot ni Fiona. "Move on?" tanong ni Leo. Biglang tahimik ang paligid.

"Yes, pag move-on. Natuyo na yata ang luha ko, naubos ko na iiyak lahat. I think I made my one last cry already. From the very start I know we were meant to love each other but we were not meant to be together forever. What I am not sure if I am meant to love a man. Malas ko yata sa mga lalaki. Lahat ng lalaki sa buhay ko, kung di nangloloko, nang iiwan. Tulad ni Papa. Ni di man lang sya sumilip sa graduation ko, ni di nagtext. Naisip ko tuloy, pangit ba ako?" She said those words while looking at Leo.

Leo wants to embrace her and tell her that she is in fact the most beautiful angel in his eyes but just like the rest of them, he can't be cruel and keep her tsaka one-sided ang feelings niya kaya asa pa sya. Sapat na na nakakausap at nakakasama niya ang babaeng sa pangarap lang nagiging kanya. "Siyempre maganda ka, wala akong friend na pangit.🙄 Mahal ka ni Gerard, pero alam ayaw niyang maging hadlang sa mga pangarap mo. Alam niyang di kayo bagay." Sagot ni Leo at sa isip niya, "Ako rin, di bagay sayo.😔"

"Tanga sya, wala naman akong hininging kahit ano na higit sa kaya niyang ibigay. Pakialam ba sa sasabihin ng iba. Marami akong pangarap at kasama sya dun pero kung ayaw niya, wag niya. Ayokong ipilit ang sarili ko at maghabol. Nakakapagod lumaban mag-isa. Hindi dito magtatapos ang kuwento ng buhay ko. This is just part of growing up. I will never forget him but I shall learn to live without him." Seryosong sabi ni Fiona.

Matapos magbreakfast, nagbihis si Fiona at nagligpit ng damit. Kailangan niyang lumayo sa lugar na ito para makapag-isip at makapag simula muli. "Ma, balik na ako sa City. May job interview ako bukas, need ko magprepare para magkatrabaho na ako at makatulong na sayo."

"Goodluck anak at mag ingat ka. Kahit ano pa man ang magiging desisyon mo sa buhay, tandaan mong nandito lang kami." Pamamaalam ng ina.

Paglabas niya ng bahay para mag antay ng masasakyan, napansin niyang nagbubulungan ang mga kapitbahay. Ngumiti na lang sya. Wala syang pakialam kung mabuti o hindi ang sinasabi nila. Nagulat sya ng makita si Gerald na papalapit sa kanya. Naku, tumigil na naman pag-inog ang mundo, lumilindol ba? Lumilindol ang puso niya.

"Hey, balik ka na sa city?" tanong nito. "Yup, may interview ako bukas." sagot ng dalaga. "Ingat ka sa biyahe, puntahan kita sa apartment mo sa makalawa, ok lang ba?" tanong ulit ng binata.

Ano daw? Parang wala lang nangyari kagabi. Tanong ni Fiona sa sarili. Para saan pa. "Ok, magtext ka pag papunta ka na." Bakit ganun? Di niya man lang magawang magalit. Bakit Ok pa rin. Sabagay, friends naman sila ulit, di ba, e di friendly visit na lang, ano pa nga ba.

Akmang hahalikan sya ng Gerald sa labi nang dumating ang pampaseherong sasakyan, sa noo na lang ito humalik sabay alalay na makasakay ang dalaga. Nakatingin na naman sa kanya ang ibang mga pasahero. Di niya mawari kung kinikilig o nangungutya. Parang di niya marinig ang paligid, nabibingi na ba sya sa kabog ng dibdib niya.

Nakatayo lang si Gerald, nakatitig sa papalayong van. Nakapadesisyon na sya na bumawi kay Fiona, this time around, he won't hurt her again. Sana bigyan pa sya nito ng chance. Sana nga.

avataravatar
Next chapter