9 Officially Dating

Eight o'clock pa lang ng umaga, abala na si Fiona sa paghahanap ng isusuot. Naalimpungatan si Cara sa ingay ni Fiona.

"Hoy, girl, bakit ang aga mo? Walang pasok ngayon, baka nakalimutan mo." anya habang nakabusangol ang bibig.

"Which one looks better? This one or this one?" walang pakialam sa reklamo ni Cara, sa halip busy pa rin si Fiona kakapili ng isusuot.

"Ehem! Girl, time out. Anong event? Saan ang punta mo?" sagot ng kaibigan.

"Magsisimba. Susunduin ako ng Eumir mamaya 10am." sagot ng dalaga.

"Eumir? Oh, may pangalan na si secret admirer. Magsisimba ha. Nakamove-on ka na? Ang bilis naman yata.🤔 Anong meron, girl? Baka naman desperate move mo lang yan. Huwag mong sabihin ginagamit mo lang yang Eumir na yan para makalimot sa Ex mong ikakasal na." Usisa ni Cara.

"Grabe naman to. Judger ka ba? I am using him. It was him who came in and offered na tukungan akong makalimot. Ano ba yan, magsisimba labg kami, kung anu-ano na paratang mo sa akin. Di ba puedeng maging malaya. Bahala na si Batman, ayokong mag-isip. Gusto ko lang magpaanod sa agos ng buhay.☺" sagot ni Fiona.

"Sige na nga. I'm happy for you friend. Haba ng hair mo, artistahin ang bebe mo. Kelan kaya ako makakatagpo ng tulad niya. Makatulog nga uli, bak sa panaginip matagpuan ko si Mr. Right😀😆😴😴😴😴." at natulog na nga uli si Cara.

Panay tingin ni Fiona sa orasan. Pag nag-aantay talaga, mabagal ang oras. Nakapili na rin sya sa wakas ng isusuot. She's wearing a navy blue dress na knee-length. Lalong pinatingkad ng damit ang fair complexion ni Fiona.

Five minutes before 10AM nagpasya na syang bumaba. Eksakto nakalabas sya ng gate, may humintong black mercedez benz. Bumukas ang pinto at lumabas ang driver. Si Eumir, nakasuot din ng blue polo shirt. Mukhang pareho sila ng favorite color, couple attire ang dating.

Lumapit sa kanya si Eumir, inabot ang kamay niya at inalalayan papasok ng car. Nang makaupo na si Fiona, nagulat na lang sya nang halos isang pulgada lang ang layo ng mukha niya kay Eumir at halos maglapat ang dibdib nila. Inabot ni Eumer ang seatbelt at isinara. Nakahinga ng makuwag si Fiona. Akala niya ano na. Napakagat sya ng labi at namumula ang ang kanyang tenga. "OMG, ang dumi ng isip ko."

Narinig yun ni Eumir pero nagbingi-bingihan lang ito. Sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti. Kinikilig yata sya, di lang yun parang may tumigas pa sa may bandang baba. Pinaharurot na lang ng binata ang sasakyan papubta sa simbahan bago pa kung saan mapunta ang lahat.

"Let us all share the sign of peace!" the priest said. ✌✌✌✌✌. Nang lumingon si Fiona kay Eumir, sa halip na magsign of peace, hinalikan sya nito sa lips😚.

"Peace, hindi, kiss!" may salita sa likod nila. Si Cara pala 🤨. Natapos ang misa, kinalabit sya ni Cara. " Hoy, mangdeadma ba? Porke you are officially dating? Hmmp.😏 Bye, girl, maghahanap din ako ng boylet." paalam nito.

"Bye." sabay hagikhik at kurot ni Fiona sa gilid ni Cara.

Bago pa makalabas ng simbahan, may lumapit sa kanila na babae. Maganda sya, maputi, matanggad at mukhang mayaman. Teka lang, maliban sa straight na ayos ng buhok, mas matangkad ng konti kay Fiona at parang niretoke sa tangos ng ilong, tila hawig na hawig sila ni Fiona. Impossible naman na kakambal niya.

"Hi Eumir! How are you? We haven't seen each other for quite sometime already. I can see that you are ok now." bungad nito. "Is she the one you are dating now? Oh, hi! I'm Melody" mukhang mabait naman ito at magalang namang ngumiti kay Fiona. Napangiti na rin si Fiona kahit na nabigla sya. " Hi, my name is Fiona!"

Tiningnan ni Fiona ang mukha ni Eumir, wala syang mabasa, expressionless. Di man lang nag-hi. Hinila sya ni Eumir kaya di sya nakaarte. Nagbabye na lang sya kay Melody.

Parang may mali. Nakaupo na si Fiona sa car, pero di pa rin mawala sa isip niya ang nangyari. Nakasimangot sya na nakatingin sa labas. Ex din ba yun ni Eumir. Kaya ba sya pinili nito pdahil kamukha niya ang babaeng yun. Panakip butas lang din ba sya. Aray, masakit pala pero di ba parang amanos lang sila. Sya din naman, kaya lang napansin niya si Eumir dahil nasaktan sya ni Gerald. Di naman siguro masama kung dadamayan nila ang isa't-isa. Malay mo, sila pala talaga ang bagay 🤔.

Napahinto na lang sya sa pagmuni-muni nang biglang magpreno si Eumir. Kamuntik tuloy syang mauntog, buti na lang naiharang ng binata ang braso nito sa katawan niya. Ay, may na touch! Natouch ng dibdib ni Fiona ang braso ni Eumir. Namumula na naman ang tenga ng dalaga. Nagkibit-balikat lang si Eumir saka sinabing, "Here we are, let's have lunch."

avataravatar
Next chapter