15 Meeting The Sisters

Malamig na ang simoy ng hangin, papalapit na ang pasko. Mas busy na ang schedule ni Fiona. Bilang auditor, di uso ang bakasyon sa year-end. Panay overtime, halos araw-araw. Isa ang mga kumpanya nila Eumir sa mga kliyente nila kaya kailangan niyang magduty sa mismong opisina ng mga Legaspi, bilang isa sa mga magrereview sa gawa ng mga kasamahan niya kahit di nakaassign sa kanya ang project.

Di sya kilala mga tauhan ni Eumir kaya walang special treatment sa kanya. Habang busy si Fiona na sa trabaho biglang may nag-utos sa kanya, " Give me a glass of water. Did you not hear me? I said, give me a glass of water, faster!" Napatingin si Fiona sa nagsasalita. Lumingon sya at nakitang walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. "What are you looking at? I was giving you instructions to get me a glass of water, yung malamig!" sigaw nito. "I'm sorry ma'am, I am not an employee here, auditor po ako, ni hindi ko po alam saan ang pantry ninyo." magalang na sagot ni Fiona sa batang babaeng kaharap niya. Nasa mga 17 years old ito, maganda, sosyal at parang kamukha ng Mommy ni Eumir.

"Oh, auditor? Meaning you are checking on the company's records? We are paying you byt you are not our employee?" Pagliliwanag nito. " Yes, ma'am. I am an external auditor. Pero do't worry, I'll ask around where I could get the water for you. Please excuse me, I'll come back in awhile." Nakangiting tugon ni Fiona.

Nagtanong si Fiona sa nakasalubong na empleyado, buti na lang at malapit lang ang pantry, nakabalik sya kaagad. Maliban sa tubig, nagdala din sya ng snack at binigay iyon sa batang babae. "Here it is, Ma'am. I brougt you a snack also." wika ni Fiona matapos iabot ang dala. Napangiti ang batang babae. "Don't call me Ma'am, I'm still a student. My name is Aleya. This is our company but I am not yet working here. Sorry, nautusan kita." sagot ng Aleya.

Ngumiti lang si Fiona at sinabing,"Is it ok if I call you Aleya then?" Tanong ni Fiona. Tumango ito at naupo sa tabi ni Fiona. Pasilip-silip sa ginagawa ng Fiona, di naman pero walang sinasabi, tila nag -oobserba lang habang kumakain. Hinayaan na lang ni Fiona kahit sa isip niya nagtataka sya bakit di umaalis si Aleya.

"Is your job difficult? You seem to like numbers. Is it possible if I hire you to tutor me with accounting? I have difficulty with that subject." tanong ni Aleya. "You don't have to hire me, I can tutor you during the weekends if you like, for free." Sagot ni Fiona."No, nothing is free in this world. Don't worry, my kuya can afford." She giggled and smiled at Fiona. "Wait, I think you should meet my Kuya." Dagdag niya pa.

Ngumiti lang si Fiona at hinuhulaan kung ano ang nasa isip ni Aleya. "What is your Kuya's name? Guapo ba sya?"☺ Pilyang tanong ni Fiona. "Of course! Of course, his name is Eumir. What is your name?" Tanong nito. "Fiona" Fiona answered. "Hmmm. Eu-Na... Euna! Bagay kayo!" pasigaw na sambit ni Aleya, sabay tawa.

"I think I know him." dugtong ni Fiona. Nandilat ang mga mata ni Aleya. "Really? Well, of course you should know him. He pays your company and client ninyo kami." Aleya answered. Clueless sya na girlfriend ng kuya niya ang kaharap niya.

Maya-maya dumating si Eumir na may kasamang babae. "Kuya, Ate!" Gulat na sigaw ni Aleya."Were you looking for me? Sorry, I got carried away watching what Ms. Fiona is doing." Lumapit sya sa dalawa at yumakap. "It's ok, we are here to pick both of you for dinner." Sabi ni Eumir.

Lumapit na rin si Fiona. Eumir kissed her which shicked both girls. "Si Ate Fiona nyo. She is my girlfriend. Hon, they are my sisters - Aleya and Trisha." Pagpapakilala ni Eumir habang hawak niya ang kamay ni Fiona. "Nice meeting you, Ate. Finally, kuya has a girlfriend. May kakampi na kami." Natutuwang yumakap si Trisha kay Fiona habang si Aleya ay naiwang natulala.

"Hoy, what happened to you?" Tanong ni Trisha kay Aleyah. "OMG! So you really know my Kuya because you are his girlfriend!😂🤣😁! Naku, wag ko akong isumbong ha." Di pa rin makapaniwalang sabi ni Aleya.

Napatawa na lang din si Fiona. "It's ok." Sagot niya. Di na nagtanong pa si Eumir. Kinuha na lang nito ang bag ng girlfriend at hinila na ito palabas ng office. Kumain sila sa labas at masayang nagkuwentuhan. Madaling nagkahulugan ng loob ang mga girls. Halos agawin na nila ang atensyon ni Fiona at halos di makasingit si Eumir. Natutuwa din si Eumir dahil tila di magiging problema ang mga kapatid niya. Siguro nga pag ang isang tao ay nakalaan para sayo, pati pamilya mo magkakagusto din dito.

avataravatar
Next chapter