10 Lunch With His Parents

Kusang bumaba si Fiona sa car, di na inanatay na pagbuksan pa sya ni Eumir. Namangha sya sa ganda ng scenery. Wow na wow sa ganda ng garden at overlooking pa sa dagat. Di niya alam, ito din ung pinuntahan nila kahapon, di niya lang napansin kasi lasing sya at sa may madilim banda sila. Nakangiting hinawakan ni Eumir and kamay niya. Holding hands silang naglakad sa hagdan paakyat ng resto.

"This way please," turo ng waiter sa table na nakalaan para sa kanila. Aktong uupo na si Fiona ng may lapitan si Eumir at hinalikan sa pisngi.

"Mom, I'd like you to meet Fiona." Eumir said. Nakasmile na nilakad ng babae ang mgapalad niya, niyakap at nagbeso-beso kay Fiona. "Hi Fiona! I'm glad to meet you."

Namesmerize si Fiona at di nakapagsalita. Sobrang ganda niya, girlfriend din ba sya ni Eumir. Pambihira, ang dami niya namang karibal pero kung ito ang karibal niya, magmamalaki pa sya. Parang artista eh, nakakatomboy.

Natauhan si Fiona nang magsalita ulit ang babae," Son, your Dad is coming, malapit na sya. Maupo na muna tayo. Pinaluto ko na ang favorite dish mo."

"Son? Mom?" waring nalito si Fiona. Paanong naging nanay siya ni Eumir eh parang kasing edad lang nila ito.

"Oh, yes. He is my son, di lang halata. Hahaha! I got married at 18 at dahil love na love ako ng papa nito, di ako binibigyan ng sama ng loob." pabulong nitong sinabi kay Fiona.

"My Mom is a doctor, Dr. Elsa Legaspi, she is a dermatologist. She owns a chain of skin clinic nationwide." pakilala ni Eumir.

"Oh! ang ganda nyo po kasi. Pasenya na, natulala ako." Fiona gave a candid and honest comment.

"I like you, you are so honest,simple and pretty like me. Puede kang maging model ng clinic ko🤗." magaan agad ang loob ng Mommy ni Eumir kay Fiona. Mukhang magkakasundo nga sila. Tumabi pa sya kay Fiona. Naitsapwera pa tuloy si Eumir. Silang dalawa na nag-uusap, panay tawanan buti na lang dumating na ang Dad ni Eumir.

Napatayo si Fiona para bumati. Mukhang mabait din ang Dad ni Eumir. "Dad, meet Fiona. Fiona, he is my Dad. Engr. Patricio Legaspi, Sr."

"Hello po Sir. Nice to meet you po." magalang na bati ni Fiona. Nakipagkamay ang Dad ni Eumir sa kanya at sinabing, "Have a seat iha. I am glad to meet you especially because we are excited to have a grandchild from Eumir very soon. Hahaha, wag kang mapressure, sinisiguro lang namin na di baklang tong anak namin."

Naging maasyos ang lunchdate nila. Napaka down to earth ng mga magulang ni Eumir. Panay sundot na magpakasal na daw sila at magkaanak. "Dad, one day pa lang kaming magboyfriend, kasal na agad. Baka magback-out na yan si Fiona sa takot." pagdedepensya ng binata.

Nakikitawa na lang si Fiona. Sa buong panahon ng pag-uusap nila ay di man lang nagtanong ang mag-asawa tungkol sa background ni Fiona maliban sa kung ano ang natapos niya. " Sakto yan, CPA ka pala, may makakatulong na si Eumir sa pagpapatakbo ng finances ng mga kumpanya. Magresign ka na kaya sa work mo." mommy ni Eumir, second the motion naman ang Dad niya.

"Di po ba bawal ang office affairs sa company nyo?" pabirong tanong ni Fiona magaan din ang loob niya. Parang matagal na silang magkakilala o siguro namiss niya ang nanay niya at naiisip niya na sana ganyan din kasaya ang pamilya nila kung di lang nagloko ang papa niya.

Matapos kumain, napansin ni Fiona na di sila nagbayad. Yun pala, sila rin may-ari ng restaurant na yun. Nauna na umalis ang parents ni Eumir. Halatang masaya sila. "Before I go, let me give you this lipstick. Kakabili ko lang niyan, bagay para sa kissable lips mo. Tingnan ko lang kung maresist pa yan ni Eumir.☺☺☺ " panunuksong paalam ng Mommy ni Eumir.

"Mommy talaga! Pero gusto ko yan," dugtong naman ni Eumir. Namumula na naman ang tenga ni Fiona sa hiya. Grabe na to, nakakapressure nga.

Naglakad-lakad sila sa garden ng hawak-kamay. "Pasensya ka na sa parents ko, makulit talaga ang mga yun. Huwag ka sanang mapressure" sambit ni Eumir.

"Naiisip ko na ang layo pala ng agwat ng estado natin. Ang yaman mo pala baka di ako bagay sayo." sagot ni Fiona.

"Shhh!🤫 It doesn't matter. Di akin ang yaman ng parents ko. Empleyado lang din nila ako.Wala akibg pakialam sa estado mo sa buhay. Ang importante, mahal kita." sabay halik ni Eumir sa kamay ni Fiona.

Naiiyak si Fiona na niyakap si Eumir. "Paano ko nalaman na mahal mo ako. Kahapon lang tayo nagkaharap ah."

"Love at first sight siguro. I saw you when you were first introduced by Cara to everyone. Nagkataon na dumaan ako sa office nyo to check on something. We own the building your company is renting." paliwanag ni Eumir.

"OMG, gaano ka ba kayaman. Baka marami na akong haters nito. Siguradong maraming gustong maging GF mo. Baka nga iba dyan,kahit magpabuntis lang 😄." wika ni Fiona.

"Asa pa sila. Ikaw lang ang gusto ko, wala nang iba.😚." syempre pa nagtapos na naman sa kiss ang chapter na to.

avataravatar
Next chapter