1 First Heartache

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa inaantay ng mga bisita mo." Sigaw ng Nanay ni Fiona nang makita sya nito papasok ng gate ng bahay nila.

"Ma, sorry po. Mahirap makasakay ng bus. Bakit maraming bisita?" Ani Fiona, sabay mano.

"Ano ka ba? Pangako ko sayo di ba, na pagkagraduate mi ng college, maghahanda ako ng malaki. Tingnan mo, may tarpauline ka pa, oh." Proud na sagot ng Nanay niya.

"Ma, nag-abala ka talaga. Sabi ko naman 'wag na, kasi di naman ako cum laude." reklamo niya habang nakangiti. Masaya sya na nakapagtapos ng BS Accountancy, kahit pa di sya cum laude. Ang hirap kaya nun, ilan nga lang silang nakatapos, besides may board exam pa. Pag naging CPA ka na, di na mahalaga kung cum laude. Kilala ddin ang university na pinasukan niya, di lang magagaling ang mga estudyante doon, mayayaman pa, maliban siguro sa iilan na tulad niya na masuerteng academic scholar. Mahirap nga lang talaga mag-aral kung kulang na kulang ang finances mo para makipagsabayan, kung ang oras mo para magbasa ay kailangan mong gamitin para mag sideline, kaya naman proud di labg ang pamilya niya, kundi buong baryo nila.

"Congratulations!" Sabay-sabay na bati sa kay Fiona ng mga bisita. Niyakap sya ng dalawang kapatid na babae. "We are proud of you, Ate!"

Ayan na, napaiyak na sya. Mixed emotions na di niya mawari. Masaya sya pero tila may kulang. Inikot ng mga mata niya ang lahat ng tao sa paligid, may hinahanap sya pero di niya nakita. Ganun pa man, pikit syang ngumiti.

"Maraming salamat po sa pagdalo at pagbati. I am honored and happy to make not only my family but even all of you proud. Maraming salamat din sa mga magulang ko at kapatid na walang sawang umalalay sa akin. Nay, congratulations po! Ikaw talaga ang totoong nagtagumpay ngayong araw na to! Salamat sa lahat ng sakripisyo. Naway mapanindigan ko ang responsibilidad na nakatakda sa akin. Alam ko na simula pa lang ito ng tunay na laban ng buhay, di ko pa alam kung ano ang meron bukas makalawa. Sana po ay ipagdasal nyo na maging matagtag ako at sana, ano man ang marating ko, maging inspirasyon iyon sa mga kabataan, di lang sa mga kapatid ko." Impromptu speech ni Fiona.

Valedictorian sya sa high school at elementary, kaya kilala sya sa bayan nila. Responsibilidad yun para sa kanya, kaya bahagi ng inspirasyon niya ang maging inspirasyon ng iba.

Patapos na ang handaan ng dumating ang mga barkada niya sa high school. "Congatulations, Friend!" Naunang bumati si Joy. "Dinaanan namin si Leo, kaya kami natagalan."

"Di bale na, kain na muna tayo,di pa din ako nakakain sa dami ng bisita kanina. Anong balita? Bakit pa-espesyal tong si Leo?" Patay maling tanong ni Fiona dahil pakiramdam niya may mali. Nagsisikuhan sila na parang may gustong sabihin at kinakabahan sya. "Leo, may sasabihin ka?" Diretsa niyang tanong.

"Ah eh, itataning ko lang sana, bakit wala dito ang boyfriend mo?" Balik na tanong ni Leo. "Yan din ang tanong ko eh, baka nakita mo sya, magkapitbahay kayo, di ba?" sagot na patanong uli ni Fiona.

Napakamot si Leo. "Actually, narinig ko na nagkagulo sa bahay nila kanina. Nasuntok si Gerald ng Daddy niya, kasi... may dumating na... babae na nagclaim na nabuntis ni Gerald.đŸ€" Pawisang sabi ni Leo. "Ayoko sana sabihin sayo kasi parang dapat sya ang magsabi sayo, tsismoso ko, OMG😓!"

"Nasaan sya ngayon?" Kalmang tanong ni Fiona, sabay tayo. "Baka puede nyo akong samahan."

Tahimik silang naglagad papunta sa kaisa-isang bar sa bayan. Mabilis nakita ni Fiona si Gerald na nakikipag-inuman sa mga kaklase din nila sa high school. Lumapit si Fiona kasama ang barkada. Biglang napatayo si Gerald na may katabing babae na di kilala ni Fiona. "Fiona! Papunta na kami sa inyo, nag-aantayan kang kami kaya..." Pak... pak!!! Di natapos ni Gerald ang paliwanag nito dahil lumagapak ang sampal ni Fiona sa mukha niya. Natigilan ang lahat. Tanging si Fiona lang ang gumalaw. pagkatapos ng mabilis na pangyayari, tumakbo sya palabas ng bar.

Biglang natauhan si Gerald at hinabol si Fiona.

avataravatar
Next chapter