2 First and Last Kiss

"Ahhh!" Sigaw ni Fiona, habang patakbong naglalakad pauwi sa bahay nila. "Shit, bakit ang sakit?" Parang sasabog ang dibdib niya. Akala niya di sya masasaktan, di naman sya seryoso kay Gerald dahil di sya siguradong kung dapat ba syang magtiwala pero ang totoo, di lang niya first boyfriend ang gagong yun, first love niya, puppy love niya.

Ilang hakbang na lang para marating niya ang gate ng bahay nila nang biglang may humawak sa braso niya. Paglingon niya, si Gerald. Di sya nga expect na susundan sya nito. Alam nyang mayabang ito, siguradong nasaktan ang pride nito ng sampalin niya sa harap ng mga kaibigan.

"I'm sorry." Halos sabay nilang sambit. Nagkakatitigan sila ng matagal. Unang nagsalita si Fiona. "Sorry, nabigla lang ako. Wala akong karapatang sampalin ka." Sambit nito. "Nainsulto lang siguro ako, nakakabigla namang malaman na nakabuntis ka ng iba, samantalang tayo hanggang holding hands lang. Gaano na ba kayo katagal? Tanda ko tayo, simula pa ng elementary, di ko na nga nabilang kung ilang taon na. Pasensya, masyado akong nafocus sa paghahanda para sa kinabukasan, nakalimutan ko ang ngayon."

Sa halip na magsalita, niyakap ni Gerald si Fiona ng mahigpit. Yung yakap na parang wala nang bukas. "Wow! First hug ba ito, na last na din?" Tanong ni Fiona. Biglang hinalikan sya ng nobyo sa labi. Natunganga ang dalaga. Parang tambol ang kabog ng dibdib niya. "Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss😢, pero bakit malungkot?"

"Mahal kita, Fiona. Tandaan mo yan. Kahit ano pa man ang mangyari, you are my one true love. Pero ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo. Sorry, naging marupok ako, di ko nagawang mag antay. Di ko sya mahal at di ako naniniwalang ako ang tatay ng pinagbubuntis niya. Sana mapatawad mo ako." Pagpapaliwanag ni Gerald.

"Naiintindihan kita pero siguro, kailangan nating ayusin muna ang mga buhay natin. Kung tayo pa rin sa huli, magtatagpo ulit tayo sa tamang panahon. Hindi ako galit sayo. Nagtatampo lang. Naghihinayang na di ito ang tamang panahon para ipaglaban ang kung ano mang meron tayo. Mahal kita, ikaw kaya ang first love ko. Bati na tayo, magkaibigan pa rin tayo ha. Sorry ulit sa sampal, masakit ba?" Sabay hawak niya sa pisngi ni Gerald.

"Kahit ano pa ang mangyari, di na mababago ang history natin. Alam mo naman, para tayong artista, lahat yata ng tao dito sa atin nakasubaybay sa love story natin, pero siguro nga, hindi lahat nagkakatuluyan at usa na tayo doon. Bye, ingat ka parati. I love you." Hinalikan niya sa labi ang boyfriend at pumasok na sa gate ng bahay nila.

Naiwang tulala si Gerald. Sa isip nito, ang tanga-tanga niya, bakit niya hinayaang magtapos sila ng ganito. Pero alam niyang di sila bagay. Matalino si Fiona at ngayong graduate na sya, lalong lumayo ang agwat nila kasi sya malabo pang makapagtapos. Ayaw na syang paaralin ng Dad niya sa kakashift niya ng kurso. Anong buhay ba mabibigay niya kay Fiona.

Pagkapasok ni Fiona sa bahay, diretso sya sa banyo at nagshower. Nakaupo sa gilid ng kama niya ang nanay niya. Nakita nito lahat at narinig lahat ng usapan ng anak ang ni Gerald. Worried sya baka ano ang gawin ng anak. Halos isang oras na, di pa lumalabas kaya nagpasya syang katukin ang pinto ng banyo.

"Fiona, anak? Ok ka lang?" Nakahinga sya ng malalim ng bumukas ang pinto. "Ma! Bakit ang daya niya. Di man lang nag abiso, sana nakapaghanda man lang ako, para di ako masyadong masaktan. Puede naman syang makipaghiwalay muna bago mambuntis ng iba.😭😭😭😭😭"

Niyakap niya ang anak. "Ganyan talaga pag nagmahal, di maiwasang masaktan. Alam mo, lalo akong proud sayo, kasi ang tapang mo. Nagawa mo pang makipagkaibigan sa kanya matapos ka niyang lokohin. Narinig ko usapan nyo, at nakita ko din ung first kiss mo, hahaha!"

"Mama naman, nang-aasar pa. First and last kiss namin yun 😢. Talagang matapang ako! Nasampal ko sya sa harap ng mga barkada namin. 😠 Peto bakit di ko magawang magalit sa kanya Ma?" Ani Fiona.

"Yun ay dahil, nagmahal ka ng totoo at may malaki kang puso, handang magpatawad. Ok lang yan, pasasaan ba at matatapos din yang sakit na nararamdaman mo. Paglipas niyan matatawa ka na lang sa sarili mo. Tahan na, para kag timang sa mukha mo.😂 Matulog ka na at magpahinga. I love you,anak. Mahal ka namin ng mga kapatid mo." Pagpapakalma ng nanay niya. "Magbihis ka na, magdasal at matulog. Tama na yang pagshower mo,mahal ang tubig😄."

avataravatar
Next chapter