11 Don't Be Afraid To Love 'Til Loving Becomes A Habit

Kinabukasan, maagang bumangon si Fiona, habang nag-uumagahan, she dialled her Mama's number. "Hi, Ma. Good morning! Kumusta ka na?"

"Ikaw dapat ko kumustahin, anak. How are you? Don't worry about me, I can handle. Ano pa ba ang di ko kakayanin." sagot ng Mama niya.

Alam na ni Fiona ang tinutukoy ng ina. Batid niya rin na kakayanin nito ang lahat.

"Paano mo nga ba kinakaya Ma? Tingin ko, namana ko sayo ang tapang na yan. Konti na lang ang kirot na nadama ko para kay Gerald. Magsisimula akong muli kahit na natatakot na akong magtiwala." sagot niya.

"Anak, wag kang madadala. Ganyan talaga pag nagmahal. Love as much as you can even if it hurts until loving becomes a habit and pain becomes normal. Hindi kumpleto ang pagmamahal kung walang sakit paminsan-minsan. Isipin mo na lang na nakilala mo si Gerald, nasaktan ka at lumuha para pagdating ng taong nakalaan para sayo, handa ka na." paalala ng Mama niya.

"Salamat, Ma. Wala rin akong di kakayanin. Inspirasyon kita. May nakilala ako dito Ma, di ko alam kung tama na bago pa man ako nakamove-on nag entertain na ako ng iba. Mayaman sya, di ko rin alan kung ok lang na di tayo mayaman. Nakilala ko na ang parents niya, di naman sila matapobre." pagtatapat ni Fiona.

"Ok lang yan, Nak. Explore the world. Ano pala kung di tayo mayaman, maganda naman tayo.😂🤣."pabirong tugon ng Mama niya.

Tanghali na, di pa rin nagparamdam si Eumir. Tila naalibadbaran si Fiona na di mapakali. Ni text wala. Hmmpp, anyway, wala naman syang karapatang magreklamo, di ba nga PRETEND lang yun. Nahihibang na ba sya.

"Ma'am, may bisita po kayo, nasa meeting room." sabi ng guard kay Fiona. "Huh! sino kaya to?" takang sunod ni Fiona sa meeting room.

Nagulat si Fiona nang makita ang bisita niya, si Melody. "Hi, what can I do for you? Care for drinks? Cofee or Tea?" propesyonal na tanong ni Fiona.

"No need, I just dropped by to see you. I wanted to know kung saan nagtatrabaho ang ipinalit ni Eumir sa akin. In fairness, hawig tayo. You can be my doble. " diretsang sabi ni Melody.

"Now that you know, is there anything else? I have work to do. I'm afraid I have not much to chat with you. Pasensya na." nakangiting tugon ni Fiona.

"It's ok. I just what to thank you. I hope he will be happy with you. I am sorry that I could not be there for him. We are not meant to be so please take care of him." mabait na tono ni Melody.

Sabi na nga, wag mainit ang ulo kahit nakakastress ang sitwasyon, so it will end well. Ngumiti lang si Fiona at sinabing,"I will make sure he will be happy with me. Thank you for being sport. I am honored that you visited me😊 I have no knowledge about your past and I am not interested. Mas importante sa akin ang ngayon at bukas. I hope you will be happy also."

Nagbeso-beso sila. Mukhang tunay naman din ang mga sinabi ni Melody, di naman sya bitter pero in fairness, mahal niya nga siguro talaga si Eumir para mag-aksaya sya ng panahon na puntahan si Fiona. Buti na lang di sya ang usual bitch na ex na usual nababasa sa mga novels, kundi, mapapalaban ang beauty ni Fiona😏.

Snack time, umaasa si Fiona na may delivery, hindi dahil gutom sya kundi dahil nag-aantay sya ng kahit kaunting move kay Eumir. Di niya na natiis nang isang oras na wala pa ring dumarating. She texted Eumir. "Hi, how are you? Your ex visited me?" may madahilan lang.

Wala pang ilang segundo, sumagot ito. "Who's ex?" Aba, ewan, marami siguro syang ex🤨. Tumunog ulit, "Btw, have you had your snack? Nasira daw ung motor ng delivery boy, baka madelay ng konti ang padala ko😚." At dumating nga ang delivery, pizza ulit.

"Kararating lang, nag-abala ka pa, diet ako." pasimpleng reply ni Fiona. "Wag kang magpagutom, mag exercise ka na lang para di ka tumaba." sagot naman ni Eumir. "Di muna kita mabisita in the next 2 days, I had to fly to Manila, emergency, needed to check on my sisters. Will visit you agad pagdating ko. Sorry, di ako nakapaalam. Kalalapag lang ng eroplano."

"Ok, you are not obliged na magpaalam o bumusita o magpadala ng food." sagot ni Fiona at nagring na ang phone niya. Habang pinagkakaguluhan nila Cara ang pizza, sinagot niya ang tawag ni Eumir.

"Don't be mad, Hon. I'm sorry." bungad ni Eumir. "You don't need to. Di naman ako galit." sagot niya. "Hmmm, di ka nga galit pero ang tono ng salita mo parang nagtatampo." ani Eumir. "I love you!" yun lang at parang bumaliktad na agad ang mundo. Nakangiting nag-i love you too si Fiona. Namumula na naman ang tenga niya.

Ang pag-ibig nga naman, mahirap ipaliwanag. 😍🤩🤗🤩☺

-------------------------------------------------------------------------

Author' note

Finally finished 10 chapters. I hope you will like it. I just want to go back to my first love - writing. I don't expect much but I hope you can support me so I can continue enjoying writing.

Much of the moments here are somehow based on my real life experience, in different setting or perspective though. Nothing is really more facinating than being in-love.😍

avataravatar
Next chapter