8 A Deal

After an hour, nahimasmasan ng konti si Fiona. "Where am I? Nasa heaven na ba ako? Ang daming stars!" nakatitig sya sa langit na punong-puno ng bituin. Napalongon sya kay Eumir na nakaupo sa tabi niya. Langit nga siguro, parang anghel ang nasa tabi niya sa kaguapohan☺.

"You're awake. Water?"matipid na tanong ni Eumir.

"Water. Yes, water." tila napahiyang sagot ni Fiona. Bago pa man niya nabuksan ang bote ay nasuka na sya kaya tumakbo sya palayo at tuluyan nang nagsuka.🤮🤮🤮🤮🤮 "Ayoko ko na!!!" Halos maglumpasay sya sa kakasuka. Nailabas niya na yata lahat ng bulate sa tiyan niya. Kulang na lang lumabas pati kaluluwa niya.

Hinayaan lang sya ng Eumir. Kunwari na lang wala syang nakita o narinig para di sya lalong mapahiya. After 10 minutes saka pa ito lumapit. Inabutan sya ng panyo at tubig uli. Naubos na siguro ni Fiona lahat ng laman ng tiyan niya kaya medyo nakahinga na sya. "Are you done?" inalalayan sya ng binata paupo ulit sa nilatag niyang bandana.

"Sorry, nakakahiya ang kagagahan ko. Gosh! Ayoko na maulit pa ito. Di na ako iinom." sambit ni Fiona.

"At wag ka na rin umiyak dahil sa ex ming ewan." dugtong ni Eumir. Saka tumahimik ito.

"Thank you ha, nahimasmasan ako sa kalokohan ko. Salamat din sa panlilibre mo." bagamat nanghihina ay nakangiting sabi ni Fiona.

Di nagsalita si Eumir, sa halip, nakatitig ito sa kawalan na para bang may malalim na iniisip. Di tuloy malaman ni Fiona kung ano ang gagawin. Nagkibit balikat na lamang sya.

" May proposal ako." biglang sabi ni Eumir at tiningnan si Fiona sa mata. Naconscious tuloy ang dalaga, baka may muta sya sa mata o ano. Di sya mapakali. "Mqy proposal ako." ulit ni Eumir.

"Huh! Proposal? Ano yun." sagot ni Fiona. Di namna siguro marriage proposal kasi di naman din sila o kaya business proposal kasi di naman sya negosyante, sa isip ni Fiona.

"Let's play pretend." ani Eumir.

"Pe-pretend? Pretend what?" curious na tanong ni Fiona.

"Kunwari boyfriend mo ako. Sa loob ng isang buwan, kunwari boyfriend mo ako. Let me do the things a boyfriend should do. Give you attention a boyfriend should give. Date you the way a boyfriend would. That would just be for one month. Pagkatapos ng one month, magdecide ka kung gusto mong ituloy o hindi. Kung ayaw mo na, kakalimutan nating ginawa natin tong usapan na to na parang walang nangyari. I won't see you again if you do not want it." paliwanag ng binata.

Napatitig si Fiona sa mukha ni Eumir. Mukhang di sya nagbibiro. Seryoso ang mukha niya at lalo syang gumaguapo sa sinag ng buwan. Di na lang sya anghel, para diwata na rin. "Deal!" bigla sagot ni Fiona.

Nagulat din si Eumir sa bilis ng sagot nito. Pati si Fiona, late niya na narealize na nasabi niya yun. Ngising aso ang binata sabay sabing, "Di mo na puedeng bawiin yan."

Nanlaki ang mata ni Fiona. Wala na syang kawala. Anyway, pretend lang naman pala. Di rin naman sya dapat maguilty dahil mag-aasawa na nga si Gerald di ba? Wala na sila, nagparaya na sya. Nauna naman si Gerald magloko at di naman sya nagloloko. Clean slate ito kumbaga, kahit na pretend lang.

"Sige na nga.Di ko na babawiin. Sana naman di mo isipin na napaka-easy girl ko. Siguro nga desperada lang akong makamove-on. Buong buhay ko, sya lang ang lalaking minahal ko. Ang tanga ko talaga. I hope this will work." sagot ni Fiona.

"Will make sure it woukd work." paniniguro ni Eumir tsaka hinawakan ang kamay ni Fiona at mamaya inakbayan niya na. Di rin umalma pa si Fiona sa pretend boyfriend niya.

"Teka, boyfriend na kita, di man lang kita kilala, baka mamaya druglord ka pala." pabirong sabi ng dalaga pero totoo namang kailangan niyang malaman ang bacground nito. Mamaya may asawa pala eh di patay na.

"Ok then let me introduce myself to you. I'm Eumir Legaspi. I'm 23 years old. I'm single, ay di na pala, taken na ako, boyfriend mo na ako eh 😉. I am managing my parent's chain of drugstores all over the country kaya tama ka, druglord nga ako😅." pagpapatawa nito na sinundan narin ng hagikhik ni Fiona.

Masaya silang nagkuentuhan hanggang mapansin nilang malalim na pala ang gabi kaya nagpasya si Eumir na ihatid na si Fiona sa staff house nito.

"Sunduin kita bukas around 10am. Let's go to church then have lunch after." pamamalam ni Eumir.

"Sure, thanks ulit." maiksing sagot ni Fiona. "Goodnight then. 👋 Bye."

Tatalikod na sana ang dalaga nang sabihin ni Eumir na" May nakalimutan tayo."

"Huh!" bago pa makapagsalita ang dalaga ay dumampi sa labi niya ang labi ng binata. "Goodnight, dream about me😘"

"Oh! goodnight." pakemeng sagot ni Fiona. Bakit ganun, parang nasa alapaap ang pakiramdam niya. Ibang-iba sa halik ni Gerald. Ang lambot ng lips, sheeeeteee, wari niya di sya makakatulog mamaya😳.

avataravatar
Next chapter