1 Simula

"ANG SWEEEEET! Yieee! Sana all!" Kantiyaw ng marami bago sunod-sunod na nagkomento ang mga nakakita.

"Sana all may jowa!"

"Sana all may ka-HHWW!"

"AY SHEYYYT! Kahit isang halik lang mula sayo Mountain! 'Yong deeep!"

Nakakarindi!

Napapangiwing nilingon ko ang bagong dating na mag-jowang parang celebrity kung tilian ng karamihan. And there, the oh-so-famous playboy named Mountain Clark together with his flavor of the week Avey Maylen--holding hands while walking towards the benches of the school's basketball team inside the wide gym.

Napairap ako sa ere lalo na ng magkatinginan kami ng nakangising si Mountain.

"Bitter!" Salitang nabasa ko sa bibig niya bago ako tinalikuran.

Muli akong napairap. "No one cares..." bulong ko.

Bitter is better than diabetic, anyway. What's the use of being so sweet kung maghihiwalay rin naman kayo?

"Oh my gee! Ang hot ni Papa Mountain! Yieee! Ang gwapooo!" Sigaw ng kaibigan kong nakikisabay sa karamihan.

"Hot my ass."

"Ang swerte ni Avey sa kanya! SANA ALL!"

Halos mapamura ako sa sinabi niya. Anong swerte diyan? Ano siya, nanalo sa lotto?

E one of these days, sa basurahan rin naman ang bagsak niyan--- kung saan nakatambak ang mga pinaglumaan ni Mountain. Parang basura lang e, matapos gamitin at pagsawaan, iiwan nalang sa ere at maghahanap ng bagong mapapakinabangan.

"Sana all nahahawakan si Crush! HAHAHA!"

"SANA ALL MAY LOVELIFE!"

Lovelife-lovelife, buti sana kung totoong may LOVE 'yan. Pero ako, LIFE lang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng karelasyong paasa sa forever na hindi naman natutupad!

"Sana all GUSTO ng GUSTO!"

Ang sabihin niyo, sana all TOTOO! Ang daling sabihin ng salitang 'gusto kita' eh, pero totoo ba?

Dahil sa panahon ngayon, gamit na ang iniingatan at hindi tao!

Kung paanong umusbong ang teknolohiya ay siyang pag usbong ng mga PAASA!

Ang daling sabihin ng salitang FOREVER, pero may natupad ba? Nowadays, it becomes a sweet lie. Isang kasinungalingang masarap lang pakinggan sa umpisa.

"OH MY GOD, BHE! Nakatingin siya sayo!" Yugyog sa'kin ng makulit na si Kelly. "Ang hot!!! Ang gwapo!!!"

And true enough...

Nang muli kong tingnan ang direksyon ni Mountain ay agad akong sinalubong ng malalalim niyang tingin. Playful and tantalizing. Tinging tila may malalalim na kahulugan. But I know better...

Mountain is one of those man you can't go unnoticed. Mahirap siyang baliwalain kahit sa tindig, lalo na pag iyong natitigan. Para siyang isang bagay na masarap sa mata... pero kamandag pala ang dala. A deceiver of every womans eyes.

Ilang beses na ba akong nakakita ng mga babaeng umiiyak dahil sa kanya?

Dinilaan niya ang labi bago nakangising bumuo ng salitang hindi man naririnig ay nababasa naman.

"For you..." basa ko sa mga labi niya. Noon ko lang din napansin na nakahawak siya ng bola, hinagis niya ito mula sa malayo, aiming for a three-points shoot.

Shoot.

Marami uling nagtilian dahil sa ginawa niya habang para na akong nililindol sa kakayugyog ni Kelly, nakikisabay sa kilig ng karamihan. Dahil sadyang ganyan ang dating ni Mountain sa kanila.

'Yong tipong kahit alam lang nilang laro lang ang hanap niya, willing parin silang makisakay rito. Willing silang magpagamit... basta't siya ang kapalit.

Pero hindi ako...

"Excuse me..." sabi ko kay Kelly na grabe kung makasigaw.

"I KNEW IT! I KNEW IT!" Sigaw niya, hindi narinig ang sinabi ko. "He likes you, Julie! OH MY GOD! Ang swerte mo!"

"Oh, shut up! Masuka ka naman sa sinasabi mo." I hissed. Sumenyas na lamang ako sa kanya bago tumalikod, hindi na hinintay ang pagsang-ayon niya.

Umalis ako sa kinauupuan namin bago tinahak ang daan papunta sa CR. Hindi naman ako sobrang naiihi, ayoko ko lang talagang manatili doon. Ayokong magtagal o nagtatagal sa lugar kung saan ako maaaring pag-initan dahil sa kababuyan ni Mountain.

I'm not stupid. Alam kong ako ang tinatarget niya para maging susunod niyang kalaro. Pero sorry nalang siya, hindi ako kasing tanga ng mga naging babae niya.

"Ano ba?!" Singhal ko ng may biglang humablot sa kamay ko.

"Walking out again, huh?" I shivered at his deep baritone.

It's Mountain. I sighed.

Marahas kong hinablot ang kamay ngunit hindi niya ito binitawan. Sa halip ay humahakbang siya kaya napipilitan akong mapaatras hanggang sa mapasandal ako sa malamig na pader sa labas lamang ng CR... pambabae.

"Now, what again? Playing your pa-fall games again para makuha ako? Para ano, Mountain? Para maging isa sa mga babaeng binabasura mo pag nagka-sawaan na? Oh c'mon! You know you won't succeed!"

"Ba't iniiwasan mo ako kung ganun? Afraid you might fall with me and eat your words?" Nakangisi niyang sabi.

Napahalakhak ako sa sinabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Mahuhulog sayo? In.your.dreams. In your dreams! Bitawan mo nga ako!"

Isang hakbang paatras ang ginawa niya bago namulsa sa harap ko. Agad akong umayos sa pagkakatayo at sinamaan siya ng tingin.

Pilyo siyang napangisi habang pinagmamasdan ako. "In my dreams? You're naked."

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What?!"

"And you're moaning for me---"

"Y-You---SHUT UP! You shut up before I'll kill you!" Duro ko sa kanya na tinawanan lang niya.

Walangya. Alam kong walang absent ang gabi niya pero hindi ko kailanman pinangarap na pagpantasyahan ng isang gagong tulad niya! Argh!

"Make me shut up, then."

"What?"

Pero bago pa ako muling makaalma ay niyuko niya na ang distansya namin. At bago pa ako makapagsalita ay nahalikan niya na ako.

***

This story is produce through the authors imagination. It is all fictional from the names, businesses, and etc.

Do not expect too much from this story. Expectation always leads to disappoinment. I might disappoint you.

-Ms. A

avataravatar
Next chapter