8 Kabanata 7 - Mamamatay

My heart warms so much of what he did. Masyado akong naaapektuhan sa ginawa at pinagsasabi niya ngayon na halos hindi ko na talaga siya matingnan ng deretso sa mata.

"Oh, e anong balak mo ngayon? Magtitigan lang tayo dito, ganun? Baka gusto mo rin akong bitawan, Mountain? Masyado ka naman atang nahuhumaling sa ganda ko!" pasinghal na sabi ko sa kanya habang bahagya pang umiirap. Kahit sa totoo lang, konting-konti nalang at tuluyan na akong bibigay sa kanya!

Wala na akong pakialam sa nararamdaman ko at mararamdaman ko!

Ang pagmamahal ay maaaring matutunan at isa si Mountain sa hindi mo basta-bastang mababalewala. I doubt myself but this gorgeous man standing infront of me is never doubtful. Infact, makasalanan ang mukha niyang parang palaging nang-aakit sa mga kababaihan.

Naiisip ko palang na maging boyfriend siya'y inaasahan ko na ang pila-pila ng mga babaeng maiinggit sa'kin!

Humalaklak siya bago ako pinakawalan. "I'm just trying my luck. Ikaw lang ata ang hindi tinatablan sa'kin e."

Maya-maya pa'y may tumawag sa kanya na isa sa mga ka-team niya. Si Renzo, gwapo rin, matangkad at mayaman. 'Yon nga lang, suplado at palaging nakabusangot ang mukha.

"I may not be there later. May kailangan akong asikasuhin," pagtukoy nito sa practice nila mamaya.

"Alright. Alam ko namang 'yong chix lang 'yan, nahiya ka pa," halakhak ni Mountain dito matapos makipagfist-to-fist.

Ngumiwi ito bago napatingin sa akin at bahagyang umangat ang kilay. "Mukhang ikaw nga ang busy dito. Kaya pala palagi kang wala ah?"

"Syempre, mas maigi ng iwan ng bola kaysa mawala siya."

"Goodluck to that. Mukhang tinamaan ka nga. At mukhang mas lunod ka pa kaysa sa kanya," panunuya ni Renzo dito na nagpangisi sa'kin.

Hindi rin nagtagal ng umalis ito at lumakad narin kami papunta ng classroom. Bawat madadaanan namin ay agad nag-iiwas ng tingin. Lihim akong napangiti. Nadadala naman pala sa sindak, nagpasindak pa.

"Oh my god! Oh my god! Ang ganda mo, bhe! Sana all may manliligaw na ganyan! Yieee! Hindi ako makaget-over! Ang hirap kalimutan na ang gwapo-gwapo na nga ni Mountain, patay na patay pa siya sayo! Grabe! Ang haba ng hair mo! Pano mo ginawa 'yon?" nakakarinding tili ni Kelly pagdating ko sa classroom.

Hindi ko na siya sinasagot pero patuloy ang litanya niya. Malaki ang ngisi ni Mountain mula sa kabilang linya sa sinimangutan ko. Tumaas ang gilid ng labi niya.

"Oh my god! Kinikilig ako sa titigan niyong dalawa! Daig niyo pa ang kuryente sa connection! Sana ganyan din siya! Kaso mas manhid pa siya sa bato! Ang sarap niyang kuryentehin!" ngawa na naman ni Kelly mula sa gilid.

Ang alam ko, may crush siya sa paaralan. Kaso hindi ko alam kung sino dahil lahat naman ng gwapo sa paaralan, kinakikiligan niya at ginagawang crush!

"Ba't di nalang kasi ikaw ang manligaw? Total ikaw naman ang may gusto." buntong-hininga ko na sanay joke lang pero mukhang totohanin niya.

Humagikhik siya sa gilid. "Pwede kaya? Dahil kung ganun, dadalhan ko rin siya ng kuryente, para may connection rin kami! 'Yong malakas! Kasing lakas ng dating ni Mountain!"

"Yucks, Kelly. Nakakadiri ang mga pinagsasabi mo."

"Pero aminin? Talaga namang gwapo si Mountain ah? Ikaw lang naman ang hindi sumasang-ayon. Dahil dakilang bitter ka! Hahaha!" pang-aasar niya na nginisihan ko lang. "Tingnan natin kung paanong tatamis ang ampalaya! 'Yong tipong kahit walang asukal ay nilalanggam!"

Ilang araw narin ang nakalipas matapos ng nangyari. At sa bawat araw na nagdaan, kung hindi kinikilig sa tuwing nakatingin sa amin ay tahimik ang paaralan. Hanggang panlilisik nalang ng mga mata ang nakikita kina Avey at sa mga kasama niya.

Napabuntong-hininga ako ng makita ang dalawang malalaking bar ng mamahaling tsokolate at isang bouquet ng bulaklak ang madatnan ko sa upuan. Busy si Mountain sa paglalaro pero hindi niya nakakalimutang magbilin ng kahit ano sa akin.

"I told you to stop sending me chocolates and every expensive things. Ako lang mag-isa sa bahay at walang makakaubos niyan, Mountain." I texted Mountain.

Hindi rin nagtagal ng makapag-reply siya.

"Edi puntahan kita sa bahay niyo at sabay nating kakainin 'yan? What do you think?" reply naman niya.

Napailing ako.

"In your dreams! Hindi pwede ang lalaki sa bahay!" reply ko sa kanya na nireplayan din niya agad.

"Edi sa bahay namin. Problema ba 'yon?" -Mountain

"My god, Mountain. Mas matamis ka pa sa mga tsokolateng binibigay mo!" sigaw ni Kelly na agad kong sinamaan ng tingin. "Opps! Akala ko 'di ka selosa. Sorry my friend. Ang sarap pangarapin ng isang katulad ng Mountain mo e! Hayys, jusko naman kasing puso 'to e. Minsan na nga lang magkagusto, sa isang snob ba. Hindi man lang pinapansin ang beauty ko? My god, Cassie!"

Kararating niya lang at talaga namang nakakaagaw pansin ang mga bigay ni Mountain. Agad niya itong inamoy-amoy na agad kong pinigilan.

"Oppps, my propertys' not for sale. Pabili ka nalang sa jowa mo."

"Peste! Wala nga akong jowa, sinong bibili?!"

"Edi 'yong pinapangarap mo! Pilitin mo! Kung hindi madala, pikutin mo na!" tawa ko na mas nagpasama sa mukha niya.

"Talagang pipikutin ko siya! Walang babalewala sa beauty ko maliban sa may permission! At wala siya nun kaya humanda siya!"

Tinawanan ko lang siya. Natahimik lang ako ng dumating sina Claress. Naaalala ko parin ang nakita ko nun. Napailing ako. Hindi ito isang magandang alaala na kailangan pang balik-balikan. Tulad niya, dapat ko narin itong kalimutan.

It may not be easy but everything is never easy and I realize it's always our choice. It's never easy to keep on holding back to the things that is supposed to stay at the past. Kung siya nga tuluyan na akong kinalimutan, ako pa? Wow ah, ang swerte niya naman para paglaanan ko pa ng oras. Isang Mountain nga na tinitilian ng karamihan, hinahalikan ang nilalakaran ko?

Kung tutuusin nga ay ang swerte ko na sa kanya. Dahil kahit sino ang tatanungin, wala na talagang ibang mahihiling pa kung si Mountain na ang nakahain. I just don't want to regret everything that's why I wan't us to take this as slow as it can be. Nakadepende na sa kanya kung ipagpapatuloy niya ng walang kasiguraduhan o baliktad ang gagawin niya. We should always take the risk if we want something to be worth waiting for.

I sighed. Take risk. Katulad ng gagawin ko sa kanya.

"'Yong usapan natin ah? Wala kang tatanggaping alok na magiging kapares mo sa seniors ball. It should only be me, you understand?" ani Mountain bago uminom ng tubig mula sa mineral.

Nandito kami sa gym ngayon. Vacant sa klase kaya pinapunta niya ako rito para kahit papaano'y may inspirasyon daw siya. Pawisan siya ng lumapit sa'kin galing sa paglalaro at talaga namang walang ibang sinabi kundi 'yan.

I rolled my eyes at him. "Para namang may ibang lumalapit sa'kin--"

"Tss. Akala mo ba 'di ko alam na pinopormahan ka 'nung taga-kabilang section?"

Si Kly Woodstone ang tinutukoy niya. Iyong medyo nerd na may malakas ang dating sa kabilang section. Gwapo at maangas na kung hindi nga suplado ay baka kabila't kanan rin ang babae.

"Paano nga makakaporma e, papalapit palang, sinasamaan mo na ng tingin?" pinandilatan ko siya ng mga mata.

Napangisi siya bago binitawan ang hawak na mineral. Kinuha niya ang isang malinis na towel bago pinunasan ang pawisang noo. And I admit, he look so damn hot even with that sweat of him together with his jersy... like always. Pulang-pula ang mga labing palaging nakangisi habang malalalim ang matang palaging nakatuon sa akin. Mahaba ang kanyang mga pilimata na bumabagay sa makapal niyang kilay. Matangos ang ilong na bumabagay sa gwapo niyang mukha.

"'Wag mo ko masyadong titigan. Baka 'di ka matunawan, masagot mo ko ng tuluyan." aniya bago pinasadahan ng dila ang labi na mas lalong nagpapula nito.

Bumaba ang tingin ko roon bago sa kanyang mga matang nakatingin narin sa labi ko. Wala sa sariling napasadahan ko ng dila ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin para sana tingnan ang mga kasamahan niyang kasalukuyang nagpapahinga rin.

"Damn it, babe, don't kill me for this..." aniya bago bumaba ang mukha sa mukha ko.

Napapikit ako ng maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nung una ay marahan at mapanuya hanggang sa biglang mag-iba ang ritmo nito. He angled our head so he can have more access to my lips.

Bahagya akong hiningal ng tumigil siya at pagdikitin ang noon namin. "Alam mo bang hindi mo pa ako sinasagot?"

"S-So?" Like damn it! Mukhang hindi ko na kailangan pang pilitin ang sariling gustuhin siya dahil talaga namang natural siyang nakakaakit!

Kung hindi lang kasi mapanakit...

Naramdaman kong ngumiti siya as he take one more peck on my lips before stretching the space between us. "Nothing. I just like the idea of having the permission to destroy our privacy together. I like sending to the world that you're mine together with the people around here..."

Napanganga ako sa sinabi niya bago matanto ang kahihiyan sa ginawa naming dalawa. Oh my god. Oh my god!

Namula ang buong mukha ko bago nilingon ang mga taong naroon sa loob ng gym na hindi man karamihan ay sapat na para hilingin ko sa lupang kainin ako mula rito!

"Walangya, Mountain..." nanggigigil kong naibulong.

"Wahhh! Oh my god, Lord! Kinikilig ako sa inyo!" sigaw ni Kelly mula sa malayong gilid na nagpaalam sa'kin kaninang may dadaanan lang. "Your kiss is magical! I can feel it! Oh my god! It's true and amazing!"

"OMG! Did you see that girls? It's our papa Mountain and Julie, kissing!"

"Ouch! Mukhang game over na nga sa puso kong umaasa sa kanya!"

"Aww, wala na talaga, mukhang tinamaan nga siya..."

"Nakakainggit pero nakakakilig! Myghed! Sana all may lovelife! Ang hirap mag-isa! Nakakatangang humalik sa sarili mong mukha!"

Mas lalo akong namula sa mga bulong-bulungan pero 'di ko mapigilang matawa sa huling narinig ko.

"HAHAHA! Buti alam niya 'no? Nakakatanga talaga 'pag ikaw pa humalik sa sarili mo! 'Yong tipong bilyon-bilyon naman ang tao pero kahit isa walang naawa sayo!" halakhak ni Kelly na siyang palapit sa akin. "Mountain... Mountain... Mountain...," Kelly chanted like a true theatre actress which is totoo naman talaga. "Alam kong bundok ka, at maaaring gabundok rin ang nagmamahal sayo pero anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Ba't pinayagan ka niyang halikan siya? Ginayuma mo ba siya ha?!"

"Kung ginayuma ko siya'y baka pati ikaw labas ang dilang nakasunod sa'kin..." natatawang sabi ni Mountain. "Since kinakain mo rin kung anong binibigay ko sa kanya."

Nalaglag ang panga ni Kelly sa sinabi niya. "What the heck?!"

Napangisi ako sa kanilang dalawa.

"Joke," dugtong ni Mountain na hindi matanggap ni Kelly.

"Oh, please? Ayoko ng joke! Sawang-sawa na akong niloloko!"

Humalakhak si Mountain rito kasabay ng paghagikhik ko. My god, Kelly! Alam kong sadyang baliw siya paminsan-minsan, pero teka lang! Ba't naging araw-araw na?

"Renz! Niloloko mo raw oh!" Sigaw ni Mountain kay Renzo na agad siyang sinamaan ng tingin.

"Fuck you, Clark!" sabay taas nito sa gitnang daliri.

"Same here, dude!" hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago ako hinila patayo. "Let's go on a date? It's getting boring here... parang tayo lang atang dalawa ang nagbibigay kulay sa mga buhay nila dito."

"Dahil wala ka namang ginawa kundi magpakitang gilas sa harap nila!" iling ko sa kanya bago kinuha ang bag at sinuot. Nilingon ko si Kelly para magpa-alam. "Alis muna kami--"

"Sege lang, sanay naman akong iniiwan..."

Imbes na magdamdam ay nginisihan ko siya. "Hindi ka naman maiiwang mag-isa dahil nandiyan siya. It's time to make a show, Kels, 'yong hindi lang tatagos sa puso niya. Siguraduhin mo ring mamamatay siya kung hindi ka kasama..."

***

avataravatar
Next chapter