7 Kabanata 6 - Baby

Mariin akong napapikit matapos masabugan ng isang malagkit na bagay. Wala masyadong tao sa paligid ngayon dahil may laro sina Mountain sa gym. Pinili kong manatili dito sa bitter garden na parang pinagsisisihan ko pa ata.

Sana tiniis ko nalang ang nakakalokong mukha ni Mountain kaysa makipagsabayan sa mga babaeng... matitigas ang mukhang sabuyan ako sa mukha. Walangya.

Sinamaan ko ng tingin ang tatlong taong nasa harap ko ngayon. Dalawang babae at isang baklang parang kinakabahan na ewan habang pinagtatawanan ako ng dalawa.

"Serves you right, bitch! Akala mo kung sinong mahinhing pakalat-kalat, 'yon pala makati ring tunay!" Mangha ngunit halatang naiiritang sabi ni Avey.

"What do you expect? 'Yong mga ahas nga, wala na sa gubat! Minsan, nasa harap mo lang!" Dagdag ni Mariel na naging isa rin sa mga babae ni Mountain noon.

Tiningnan ko 'yong bakla at hinintay na magsalita. Malay natin at naging ex din 'to ni Mountain ng 'di ko nalalaman? Notice the sarcasm please.

"A-Ano?!" Kinakabahang aniya na sinamaan man ako ng tingi'y halatang sindak naman sa masama ko ring tingin ngayon. Nag-iwas siya ng tingin bago bumaling sa mga kasama niya. "Girls, please, b-baka may makakita sa'tin dito..."

"Oh, come on, Jhonny, alam mo namang kailanma'y hindi nagkapaki si Mountain sa ma babae niya. Hindi niya rin ililigtas 'to!" Nanlisik ang mga mata ni Avey habang nakatingin sa akin. "Ewan ko nga kung ba't nagtagal sila e. Almost a month now? Like wow, new record sa mga naging babae ni Mountain! O sadyang magaling manglandi ang nagbibidahan?! Tell me, paano mo siya inaakit gabi-gabi? 'Yong tipong ikaw ang nakapatong sa kanya--" napahinto siya ng lumagapak ang kamay ko sa pisngi niya. Muling napabaling sa ibang gilid ang mukha niya ng sa kabila ko naman siya sampalin.

Nanlalaki ang mga matang natigilan ang mga kasama niya. Kasabay ng gulat na halata sa mukha niya.

"Sorry, dear, nangangati ang kamay ko mula sa sinaboy mo e," nanunuya kong dagdag.

Tiningnan ko kung paanong mas nanlaki ang mga mata niya bago ako dinuro.

"H-How dare you?! How dare you?! How dare you touch me, you flirt?!"

Akmang sasampalin ako ni Mariel habang inaalalayan nung bakla si Avey ng mahagip ko ang kamay niya at ginamitan ng buong lakas para mapisil.

"A-Arayyy! Ouch! Ouch! Ano ba?!"

"Kung gusto niyo ng reunion sa mga naging babae ni Mountain, nagkakamali kayo ng pinuntahan. Ba't hindi niyo subukan sa basurahan? Nandoon ang mga pinaglumaan niya... gaya niyo," sarkastikong sabi ko bago sila tinaliman ng tingin. Napalunok ang bakla habang nanlilisik rin ang tingin ng dalawa sa'kin.

Tinalikuran ko sila at akmang aalis na para makaiwas sa gulo ng magbuga uli sila ng gawa-gawang storya.

"Hanggang kama ka lang! Tandaan mo 'yan!" Buong lakas na sigaw ni Avey na dinagdagan nung bakla.

"A-Akala mo naman kung sino ka na, porke't pinatulan ka ni Mountain? 'Wag mangarap, girl, iiwan ka rin niya! Sa basurahan din ang bagsak mo!"

Napabuntong-hininga ako bago sila muling hinarap. "Atleast ako, naikama, e kayo?" Nang-iinis akong ngumisi sa kanila. "...hanggang foreplay lang."

Tagumpay akong nakaalis ng matulala sila sa sinabi ko. I know right. Foreplay lang ang ginagawa ni Mountain sa mga naging babae niya dito. Iyon ang sabi niya.

Pero dahil nasabuyan ako ngayon ng mga babaeng 'yon, patay ka sa'king Mountain ka. Ikaw ang bubugahan ko ng apoy!

Marahas kong kinuha ang panyo mula sa bag bago pinunasan ang mukha kong nanlalagkit talaga. Walangya talaga. Mapapatay kita, Mountain!

Kinuha ko ang extra blouse sa locker room bago dumiretso sa CR para maghilamos at makapagpalit. Hihilahin ko na sana ang damit habang nasa loob ng isang cubicle ng biglang kumalabog ang pinto ng CR bago pumaibabaw ang mga mararahas na ungol ng tao.

Agad akong nangilabot sa narinig. Please don't tell me someone's making out outside this cubicle?!

"'Wag ka ng magselos sa kanya, please? Matagal na kaming tapos. Hinanap ko lang naman siya kanina dahil--"

"Shh. Just continue now and we'll be good, hmm?" hinihingal ma'y nang-aakit ang boses.

Ng dalawang pamilyar na boses.

Kung natigilan man ako kanina'y mas natigilan ako ngayon. Tinig ng mararahas na ungol at halik ang pumaibabaw sa buong banyo. It echoed all over that even I, still had to cover my ears to stop hearing it... and stop hurting myself.

Pero hindi ko kayang marinig lang ang lahat. Total immune narin naman ako sa sakit na dala niya'y hindi ko na pinigilan ang sariling bahagyang buksan ang pinto at makita ang lahat.

Ni hindi nila napansin ang bahagyang pag-ingit ng pinto. Nakapatong si Claress sa puting tiles na lababo habang nakaangat ang maikling saya'ng uniporme namin. She's straddling King's waist who's busy licking her breast up to her neck while his hand is busy in her inner thigh, playing her entrance.

"Ugh! Ah... King..." paulit-ulit at hinihingal niyang sabi sa kamay nitong nagkukulit sa nakabuka niyang binti.

Malalakas na ungol ni Claress ang tumabon sa bahagya kong pagsinok. Tears after tears rolled down my cheeks, making everything a blur to my own eyes. But not blurred enough to see how Claress saw me... pero tinuloy niya parin ang pagtatangkang hubaran si King at tuluyan ng angkinin... sa harap ng sarili kong mga mata.

Halos tulala ako buong araw matapos ng nangyari. Hindi ko na sila nakita pagkatapos kong saksihan ang pagtatalik nila sa loob ng banyo... sa loob ng paaralan!

"Hey! Are you really alright? You look tense, Juls," tanong ng nag-aalalang boses ni Mountain mula sa likod ko. "Please tell me what happened. Hindi kita nakita kanina sa gym habang naglalaro kami. Tulala naman kitang maabutang nakaupo sa silya mo kanina. What's happening? May problema ka ba?"

Hindi ko siya sinagot kahit naririnig ko na ang pagmumura niya sa likod.

"Fuck! Don't do this to me, Juls. Wala naman akong kasalanan pero kinakabahan ako sa panlalamig mo. Huwag ganito, please?"

Hindi parin ako nagsalita. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ni hindi ko alam kung may karapatan pa akong masaktan gayong wala namang kami. Matagal na kaming tapos.

"Baby, please..." nagsusumamong aniya. Napahinto ako sa paglalakad ng bigla niya akong hilahin mula sa likod at yakapin. "Magsalita ka naman, oh? 'Wag ganito, Juls. Mas matatanggap ko pa 'yong nagagalit at sumisigaw ka sa'kin, hindi ganitong..." umiling-iling siya.

Napasandal ako sa dibdib niya at bahagyang napapikit. Somehow, his presence made me breath. Wala na akong pakialam kung nasa gitna kami ng pathway at kung may nakakakita man sa amin ngayon.

"What's your problem? Bakit hindi ka nagsasalita? Galit ka ba sa'kin?" Mountain whispered gently from the back.

Umiling ako habang nakapikit parin. I hate his presence most of the time but I appreciate how he's here with me. Patuloy na nanunuyo kahit sinabihin ko ng tumigil. Parang hinahaplos ang puso ko sa 'di mawaring dahilan.

Because I always appreciate someone who stays while being pushed away. 'Yong tipo ng mga taong hindi pinipigilang umalis pero nananatili.

Noon, pinangarap kong sana, kahit pinigilan si Papa nung asawa niya ngayon ay nagpakilala parin siya sa'kin. Sinuportahan niya parin sana ako kahit alam niyang kaya akong buhayin ni mommy mag-isa. Which is hindi nangyari.

Naisip ko nga na sana, naisip man lang ng Mommy ni Jammy silang kambal na anak niya para piliing manatili sa tabi nila kaysa sumama sa lalaki nito. Pero hindi din nito ginawa.

Si Tita Julienne naman, ang matandang dalaga kong tita, hindi naging sapat para manatili ang naging nobyo nito noon. Iniwan parin siya nito kahit alam nitong masasaktan siya.

Si King, alam kong iba ang habol niya noon sa akin na madalas kong kinokontra. Ilang beses niya akong sinubukang kunin na madalas kong iniilagan. Dahil akala ko, kung mahal mo ang isang tao, sapat ng kapiling mo ito. Sapat ng manatili ka kahit hindi ito perpekto. Kahit may mga kakulangan itong hindi maibigay sayo.

Pero mas pinili niyang umalis at sumama sa iba. Sa ibang kayang ibigay ang gusto niya na hindi ko magawa.

"Bakit mo ako nagustuhan?" Tahimik kong tanong kay Mountain habang nananatili kami sa ganoong posisyon.

"Hmm. Bakit nga ba? E ang sama ng ugali mo pagdating sa'kin? Kulang nalang isumpa mo ang pinagmulan ko kapag kinukulit kita," natatawang aniya. Napangiwi ako ngunit bahagya ring natawa. "Siguro dahil sa ugali mo ring 'yon?"

"Pano kung iba ang ugali ko sa inaasahan mo?"

"Edi magugustuhan parin kita. Gusto ko naman lahat ng pinapakita mo e. Kahit pagka-suplada, naninigaw pa, madalas irita ang ibinabato sa'kin. But you are whole with that attitude and I like you better that way."

"Ang sabihin mo, talagang maganda ako. 'Yong tipong isang tingin palang, tinatarget mo na," hambog kong sabi.

Bahagya siyang humalakhak na nagpairap sa'kin. Hindi pa aminin e. Papatol kaya siya kung pangit ako? Niknik niya!

"Maybe?" humalakhak uli siya. "Pero seriously, marami namang maganda dito. Hindi ko nga lang alam kung bakit nangingibabaw ka sa paningin ko."

Napabuntong-hininga ako. Ilang sandali kaming nanatiling ganoon ang posisyon hanggang sa mapagpasyahang umuwi. Wala pa ang sundo ko pagkalabas kaya nama'y nagpahatid na ako sa kanya. Itinext ko nalang ang driver kong pauwi na ako.

"I'll make sure you'll move on from him. And if that happens, I'll make sure to make you mine. Kabahan ka na dahil wala akong balak pakawalan ka."

-Unregistered Number

But I know better. Alam kong si Mountain ang nagtext kinagabihan habang kumakain ako sa dining.

Nagtipa ako ng reply sa kanya. "Kabahan? Hindi ba't ikaw dapat ang makaramdam nun? Matatali ka sa'kin at hindi ka na pwedeng mambabae. Tandaan mo 'yan..."

Pagkasend ko nun ay ang saktong pagtawag ni Mommy para mangumusta. Siya ang madalas kasama ni tito sa mga business trip kaya madalas din siyang wala sa bahay. 'Yon nga lang, hindi niya parin kinakalimutang kumustahin ako araw-araw. 'Pag may oras siya'y sinisiguro niyang magba-bonding kaming dalawa. May it shopping or travelling in some destined places.

Kinabukasan ay nagulat ako sa nadatnan ko. Ibang klaseng bulong-bulungan ang namayani sa lahat habang tinitingnan akong dumadaan sa harapan nila.

"Well, well, well! The slut is here! How ironic! She looks like a virgin angel where in fact, sabog na ang pagkababae niya! Umaabot sa kama, huh?" Nakangising ani Avey na humarang na dinadaanan ko.

Nalaglag ang panga ko sa kanya. Lalo na ng mas lumakas ang bulong-bulungan sa paligid.

"Landi ng inggrata! Akala mo kung sinong hindi makabasag ang bunganga! 'Yon pala, tahimik na gumagapang sa kama ng iba! Whore at it's finest! My god!" bulgar na sabi ng baklang kasama niya kahapon.

"At may gana ka pa talagang magulat ha? Ikaw mismo ang nagsabi niyan kahapon, gaga!" ani Mariel.

"Grabe, 'di ako makapaniwala. Bagsik talaga ng mga taong tatahi-tahimik no? 'Yon pala, iba na ang ginagawa."

"Oo nga e. Sayang siya. Maganda nga, ang dali namang utuin."

Napailing-iling ako. What the... anong pinagsasabi ng mga 'to?

"Hindi na ako magtataka. May nakakita nga sa kanilang bulgar na nagyakapan sa pathway kahapon e. Tapos sumakay rin daw siya sa kotse ni Mountain. Alam niyo na. Baka 'yon na 'yon..."

Lumakas ng lumakas ang mga bulungan habang natitigilan akong nakatingin lang sa kanila. Ba't ang daling humusga ng tao? Nakita ba nila kaming ganoon ang ginagawa?

Ilang saglit pa'y bigla silang nagsitahimikan. Lahat ng mata'y nanlalaki habang nakatingin sa likod ko. Nilingon ko rin ito at nakita ang nakapamulsang si Mountain habang masasama ang tingin sa kanila.

"Bakit, Avey? Naiinggit ka dahil naikama ko siya habang ikaw ay hanggang ngayon, nganga?" seryosong aniya na ikinatahimik ng lahat.

"S-So totoo nga, Mountain? Totoong ginalaw mo ang babaeng 'yan?" turo sa'kin ni Avey habang nagniningning sa luha ang gilid ng mga mata. "How cheap of her! Malandi nga siya!"

"Cheap? Malandi? Huh! Are you talking to yourself? Hindi ba't ikaw ang ipinagpipilitan sa akin ang sarili kahit inaayawan na kita? Sorry to tell this but you even undress infront of me just for you to get my attention! Na kailanma'y hindi nangyari!" singhal ni Mountain na nagpasinghap sa lahat. "You dare call her cheap while you are?"

Humagulhol si Avey sa harap ng lahat. Aaluin sana siya ng mga kasama niya ng bigla itong sindakin ni Mountain na agad nagpatakbo sa dalawa.

"W-Why are you doing this, Mountain? B-Bakit kinakampihan mo ang babaeng 'yan?! Y-You should have stayed with me! I can do w-whatever this girl is doing! Iwan mo na siya! Total, nakuha mo narin naman siya 'di ba?"

"Ano man ang nangyayari sa amin ay labas na kayo dun," mariing sabi ni Mountain, may diin ang bawat salita. "I am not cheap enough to choose bronze over the gold. Maghunos-dili ka, Avey. I may not fuck you but I totally know you're not a virgin anymore! 'Wag kang umastang kung sinong santita dahil kung may malandi at marumi man dito, ikaw 'yon... at ang mga taong naniniwala sa'yo. Tss. Kung umasta kayo'y parang kung sinong walang mantsa huh? Where infact, over the 100 percent population of this school, only 2 percent are virgin."

Napayuko ang lahat habang mangha naman akong napatingin sa kanya. Talaga lang ah? Sinukat lang?

"Now, get out of my face! Anyone who stays will be drop this instant!" aniya na agad nagpatalima sa lahat. Kanya-kanyang takbo ang nangyari. May narinig pa akong nag-aaway dahil sa nangyari. Tumalikod ako para rin sana umalis ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinila pabalik sa kanya. "Where do you think you're going?"

"Sa'n pa ba? Edi sa classroom!" ngiwi ko sa kanya bago siya muling hinarap.

"Pinahintulutan ba kita?"

"Ah, gusto mong i-drop ako? Baka gusto mo ring bugbugin kita? Total, ikaw ang dahilan kaya marami akong isyu dito!" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo sa kanila at naging ganoon?"

I rolled my eyes at him. "Just some lies which they had believe easily. Hindi ko na kasalanan 'yon," ngiwi ko bago napukol ang tingin sa kanya. "Pero teka nga, ba't naniwala naman agad silang kaya mo silang i-drop dito? Ano ka, feeling may-ari?"

Ngumisi lamang siya kaya inirapan ko.

"My family is the owner of this school that is handled by my tita who's our current dean. So obviously, I have the right to drop anyone who's against my way, especially, if they're hurting my baby..." aniya habang masuyo akong tinitingnan. Nag-iwas ako ng tingin sa pagkailang. Hindi ako nagtatagal sa tingin niya. Para akong hinuhulog sa bangin dahil sa malalalim nitong tingin. "'Wag lang silang magkakamaling umulit, dahil hindi rin ako magdadalawang-isip na alisin sila sa listahan ng mga estudyante rito. Hindi ko kailangan ng basura sa paaralan."

***

avataravatar
Next chapter