5 Kabanata 4 - Nang-aakit

"Minamasdan kita... ng hindi mo alam... pinapangarap kong ikaw ay akin..." Umpisa niya sa kinakanta habang napapapikit na nag-gigitara.

Namula ang buong mukha ko, lalo na ng magtilian ang lahat sa ginagawa niya. Matapos kong magwalk out kahapon at umabsent ng buong araw dahil sa kahihiyan sa ginawa niya, ito naman siya ngayon, bulgar akong hinaharana sa harap ng lahat.

"Mapupulang labi... at makintab mong ngiti... umaabot hanggang sa langit..." deretso niya akong tiningnan habang natitigilan sa upuan bago kinindatan.

Mas lalong napatili ang lahat.

"I CAN'T TAKE THIS ANYMORE! OH MY GOD, MOUNTAIN! YOU'RE SO DAMN HOT! Akin ka nalang please?!"

Kitang-kita ko ang pagngiti niya sa mga sumisigaw bago sumagot dito. "Sorry, girls, pero isa nalang ang gusto ko!" Turo nito sa akin bago muling kumanta. "Huwag ka lang titingin sa'kin at baka matunaw ang puso kong sabik~"

"Sagutin mo na kasi..." rinig kong bulong mula sa likod ko. "Mukhang seryoso siya sayo oh!"

"Ganyan rin naman ang tingin ko sayo noon, pero hanggang sa mukha lang naman di ba? Iniwan mo parin ako..." I whispered back bitterly.

"Julie--" magsasalita pa sana si King pero agad ko ng pinutol.

"Don't you dare give advice. Dahil ako lang ang nakakaalam sa gagawin ko sa kanya. Labas ka na dun," di ko na napigilang lumabas mula sa bibig ko.

Ang sakit lang kasi na ang dali nito para sa kanya. Ang dali para sa kanyang itulak ako sa iba. Sana all talaga! Sana all madaling mag move-on! Sana all hindi nahihirapang makita ang ex nilang masaya sa piling ng iba!

I look at Mountain through the corners of my eyes. He look serious, really. Very passionate while singing a song that is obviously dedicated to me. Kung sa mga ipinapakita niya lang, talagang pasado siya. Lahat ng ginagawa niya na kahit itong pagkanta ay nakakatunaw sa puso lalo na't malamig ang baritono niyang boses.

Pero hindi napipilit ang nararamdaman. Hindi nasusukat sa galaw at effort ng tao ang pagsagot dito. Because at the end of the day, it will always be 'how you feel?' that will matter. Walang silbi ang pakikipagrelasyon ng walang nararamdaman. Kung sakaling nakikiuso ka lang sa galaw ng karamihan, mabuti pang tigilan mo na 'yan. Dahil hindi madaling paglaruan. Hindi tayo gamit na pwedeng makiuso lang.

Mountain maybe a playboy but no one deserves pain. No one deserves judgement from the hands of human. Nakukulitan man ako sa kanya'y hindi ko parin siya kayang saktan.

I appreciate his efforts but appreciation will never be love nor like. Magkaiba 'yon. Ayoko siyang paasahin sa akin.

Oo, gwapo siya. With that aristocratic nose, kissable lips, and a very defined jaw that melts almost every girl's knees here... idagdag mo pa ang malalalim niyang mga mata na hayok kung tumingin, hindi lang damdamin ang natutunaw... sobra pa siya sa pasok maging boyfriend. Matangkad pa, mayaman, at talaga namang malakas ang appeal sa malaki niyang katawan na halatang may muscles sa ilalim. He's never the least, infact, the most gifted one. But I don't want to base my feelings there. Wala sa mukha ng tao ang nararamdaman. We should not base our feelings at someone's appeal 'cause that's not what will matter at the end of the day.

"Please stop this, ako na ang nakikiusap, Mountain. Ayokong paasahin ka sa wala. Wala akong nararamdaman sayo. Hindi kita gusto. Alam kong sapat na 'yan para tigilan mo na 'to," mahinahon kong sabi bago siya hinarap.

Gusto kong maiyak para sa kanya. Kung totoo man siya'y ganun talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto, nakukuha. Hindi lahat ng minamahal, ikaw ang gusto. Kaya kaysa magkasakitan kami, mas mabuti pang tigilan na namin 'to habang maaga pa.

"Wow," napabuga siya ng hininga bago napangisi. "I think I just like you more now."

"W-What?" Napakunot ang noo ko bago napailing-iling sa kanya. "Nababaliw ka na bang talaga, Mountain? Sabi ko, hindi kita gusto, anong konek ng mas lalo mo akong na--"

"I always admire you for being so straightforward. And please, Julie, don't dare stop me for doing this. Dahil hindi kita pinipilit magkagusto sa'kin. Ang gusto ko lang, maging akin ka--"

"E wala nga akong gusto sayo diba? Pano mangyayari 'yon? Ano to, himala? Oh c'mon!"

He is always admire by many pero ba't ang bobo-bobo niya pagdating sa'kin?

"Hindi naman lahat ng relasyon nag-uumpisa sa feelings."

"E anong gusto mo kung ganun?" Buntong-hininga ko bago tinanaw ang nagagandahang bulalak dito sa bitter garden. Ang kulay pulang bulaklak na namumukadkad ay nasa hugis ng hinating puso. Kaya ito tinawag na BITTER garden. Kasi bawat puso dito, may kahati.

Parang sa totoong buhay lang, hindi mo talaga masasabi kung ikaw lang ang nag-iisa sa puso niya. Dahil hindi mo hawak ang tibok nito. Maaaring sa pangalawang tibok nito, mayroon ka ng kahati.

"Sagutin mo ako." Simpleng sabi niya.

Napapantastikuhang muli ko siyang nilingon. "Pano nga kita sasagutin e wala akong gusto sayo? Pwede ba, Mountain? Common sense."

"Pano mo kasi ako magugustuhan kung lingon ka ng lingon sa iba? Pwede ba, Julie? Move on," panggagaya niya sa boses ko.

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa nakangisi niyang mukha. Anong alam ng taong 'to?

"W-What are you saying--"

"Ang mga ex, kinakalimutan, hindi binabalikan. Multo na nga sila ng nakaraan di ba?" He angled his jaw before staring at me too deeply that I can't help gasping.

Kinakabahang napatitig ako pabalik sa kanya. "May alam ka ba sa'kin? Are you stalking me, Mountain?!"

He chuckled playfully. "Nalaman ko lang na EX mo siya, stalking agad? You know, Julie, masyado ng maliit ang mundo ngayon para sa mga sekreto. Try mo rin kayang mag-update ng facebook mo, baka nakakalimutan mong nakapublic ka at kitang-kita dun ang litrato niyong dalawa," sarkastikong aniya. "Usong i-delete, lalo na kung wala ng halaga, babe. Kaya ka laging full storage e."

"Walangya ka, stalking parin 'yon! Naninilip ka ng account ng may account!" Napahampas ako sa matigas niyang dibdib. "That should be considered as invasion of private space! Dapat kinakasuhan kita!"

Napangiwi siya. Hinuli niya ang kamay ko bago hinalikan ang likod nito. "Sege, pagbibigyan kita. Kunwari hindi private space 'tong hinawakan mo."

"A-Anong private space?"

"Bakit? Pag-aari mo ba ang dibdib ko?" Iling niya. "Kung makahawak ka... parang sinagot mo na ako ah?" Napahalakhak siya lalo na ng bigyan ko siya ng masamang tingin.

Binawi ko ang kamay bago humakbang paatras. "Diyan ka lang!" sabi ko ng makitang hahakbang din sana siya palapit.

"Alright," aniya at huminto.

"'Wag na wag mong sasabihin yan sa iba Mountain, kung ayaw mong magsuntukan tayo dito!" Pananakot ko sa kanya kahit alam kong imposibleng matakot siya. Sa liit kong 'to?

"Kahit sa kama pa 'yan."

"MOUNTAIN!"

"Yeah, yeah, whatever," he rolled his eyes before sighing lazily. "Ayoko rin namang pag-usapan kayo ng taong 'yon."

I sighed. Atleast madali siyang kausap.

Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan ang bulgar na kasweetan nina King at Claress habang may groupings kaming nangyayari. Tatlong grupo ngayon ang ginawa at may isang representative dapat bawat grupo para ihayag ang nagawa nilang outline tungkol sa reproductive system. Ngayon, si Claress ang magrereport habang tinutulungan siya ni King sa paghahanda sa harap.

"Kung hindi ko lang nalaman ang tungkol sa inyo ni Mountain, iisipin kong naiinggit ka sa kanilang dalawa," bulong ni Kelly na kagrupo ko. "Walangya, nilagnat lang ako, may jowa ka na?"

"Anong jowa?" marahas kong tanong pabalik.

"Duh? Sa'n pa ba ang tungo niyan? Hindi naman pwedeng magligawan kayo lagi diba?" Ngiwi niya.

"Manahimik ka nga. Wala akong balak sagutin ang mokong na 'yon."

"Gwapong mokong, girl. Haba ng hair mo ah? Nagugwapuhan din ako kay King pero c'mon! Ibang klase ang Mountain mo! Karisma palang, umaapaw na, ano nalang kaya pag natikman mo na?"

Isang masamang tingin ang pinalipad ko sa kanya. "Kung gusto mo siya, edi ikaw ang sumagot!"

"Ayieee! Huwag na kasing tumanggi, Julie! Alam naming babae ka parin at sadyang ang galing manghuli ng kiliti ni Mountain!" Nakitawa ang ibang kagrupo namin. "Tingnan mo siya oh? Ikaw na naman ang tinitingnan?"

Ng tingnan ko ang tinutukoy nila ay nakita kong nakahalukipkip nga si Mountain habang nakatingin sa direksyon namin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi siya pero peste! Para siyang nang-aakit!

Oh, please! 'Wag ako, iba nalang!

"Julie--"

"Letse ka, Mountain! Tigilan mo ako! Hindi mo ako madadala sa pang-aakit!" Hindi ko napigilang sigaw ng bigla siyang lumapit sa'kin kinahapunan. Ba't di nalang kasi umuwi ng tahimik e?!

"Anong pang-aakit? Sinong nang-aakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Ikaw! Sino pa ba? Akala mo hindi ko napapansin? Pasimple ka pa e, pasimpleng halik, hawak, ngisi, ha! May pakanta-kanta ka pang nalalaman porket maganda ang boses mo?!"

"At nang-aakit na 'yan sayo?" Natatawang aniya. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Bolero to e, sa dami ng naging babae nito? "Julie, kung nang-aakit man ako... matagal na sanang naging tayo..."

***

avataravatar
Next chapter