webnovel

Kabanata 1 - Marupok

Matagal narin pala mula ng maiwan ako sa ere para ipagpalit sa iba. Sa ibang ewan ko lang kung seseryosohin siya gaya ng ginawa ko habang kami pa.

'Yan ang problema sa tao e. Naghahanap ng seryoso pero mas pinipili ang naglalaro. Tapos nagrereklamo kapag nasasaktan na? What the...

Hindi tadhana ang mapaglaro e, kundi 'yong utak natin mismo. Wala tayong ginawa kundi mas palituhin ang mga bagay na madali naman sana. Tss.

Ang hirap kasi sa tao o sa puso natin mismo, mas pinipili nitong tumibok o mahulog sa mga taong imposibleng magkagusto sa'tin. Kaya madalas tayong magkasakitan. Because people tend to love those who can't and ignore those who will. In the other words, mahilig tayong mahulog sa mga taong walang paki sa'tin at baliwalain ang taong nagkakagusto sa'tin.

Sa'n ang masaya diyan? Saan lulugar ang sinasabi nilang happy ending?

I am not bitter like what they said, I am just true to life. Because this is the reality nowadays. Love becomes a painful liar because of the people who claim it without truthfulness.

Ginagawa ng laro ang pag-ibig. Kaya ang masasabi ko lang, tao at hindi tadhana ang mapaglaro.

"Huhuhu! Saan ako nagkulang? Bakit ganito, Mountain? Ginawa ko naman ang lahat para sa atin ah? Bakit kailangan nating maghiwalay?!"

Natigil ako sa paglalakad sa labas lamang ng classroom namin, kung saan ko sana kukunin ang naiwang librong gagamitin ko mamaya. Hapon na at kung may mga tao man sa loob ng paaralan ngayon, madalas nasa field o gym na sila kung saan madalas nag eensayo ang mga players. Kaya nakapagtatakang may tao pa sa loob ng classroom...

"Look, Avey, you know I usually don't last longer with any woman around here. And frankly speaking, we're just flings, not in a relationship so we don't need break up. I just want to inform you that we're done," mahinahong ani ng isang pamilyar na boses.

I sighed. I guess I have to deal with this unfortunate one, huh?

"B-But, Mountain, you know that I like you so much--no, scratch that, I love you! And I thought we're already in a relationship 'cause I know we're both happy with our set-up! Ako lang ang kailangan mo, Baby! I love you! I love you so much... please!"

"I'm sorry, Avey. Pero napag-usapan na natin ito--"

"Hindi ako pumayag! Hindi ako kailanman pumayag na maghiwalay tayo! At hindi ako papayag na maghihiwalay tayo!" desperadang ani Avey. Isang mabilis na kilos ang narinig ko bago ito muling nagsalita. "Do I have to improve for you to accept me again? Just tell me! I-I can do whatever you want! I can pleasure--"

"Oh, please, Avey... stop it. Walang tayo at kailanma'y hindi naging tayo. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. And please, don't mess up with my girls if you don't want to end up messing with me," mariing sabi ni Mountain. Marami pa silang napagbatuhang salita na hindi ko na nasundan at wala akong interes na sundan.

I sighed again. Another heartbroken. I wonder kung ilang jar of broken hearts na ang nakolekta ni Mountain sa kakakolekta ng mga babaeng halata namang may gusto sa kanya.

Ayan kasi. Alam ng hindi niya gusto, pinapatulan pa. Sinasamantala ang pagkakagusto ng tao sa kanya. Alam ng marupok pa sa babasaging pinggan ang puso ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, binabasag pa. Hayyyst.

Kaya maraming nasasaktan e. Dahil dumadami rin ang mga paasa. Mga taong magaling magbitaw ng salitang hindi naman napapanagutan. Diyan magaling ang mga tao e, sa pagpapaasa, sa panloloko, sa pagiging hindi marunong makontento... sa paghahanap ng iba kahit naroon pa ang isa, sa paghahanap ng kulang na pwede namang punan. Minsan, umaalis pa ng walang paalam. Ni hindi man lang iniisip ang mararamdaman ng maiiwan. Ng patuloy na aasang babalikan... kahit masyado ng malabo.

Napatago ako ng biglang bumukas ang pinto bago tumatakbong umalis si Avey. Napailing ako. Kung may paasa, dahil lang din iyon sa maraming nagpapakatanga. Alam ng hindi nakokontento sa isa, pinatulan pa. Great. Now, deal with your heartbreak. Dahil kahit saan tingnan, kasalanan mo rin 'yan. Katangahan mo 'yan.

Parang kailan lang mula ng tilian kayo sa kilig ng karamihan. Isang gwapo't maganda ba naman. What a perfect combination. Ngunit sadyang iisa lang ang hantungan.

Magkasakitan. Magkasawaan.

Muli akong naglakad bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng classroom--hindi nililingon ang alam kong kinatatayuan ni Mountain. He's my classmate, unfortunately. We're currently a senior high school dito sa Walang Forever University-- pauso ng may-ari.

"How's the show?" Bigla ay sabi niya.

Nagkibit-balikat lamang ako, ayaw na siyang kausapin pa kahit bahagyang nagulat na alam niyang nandyan ako kanina pa. Para siyang virus e, at sa bibig lumalabas ang nakakahawa niyang sakit. Sakit ng pagpapaasa.

I heard him sighed before laughing playfully. "C'mon, Julie. It's not harmful to talk sometimes."

Nasa'n ko nga ba nalagay 'yong libro ko? Ba't parang wala namang kahit ano sa ibabaw ng mga lamesa dito.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Winagayway niya ang librong siyang hinahanap ko nga.

"Ba't nasa iyo 'yan?" Nagtatakang tanong ko. Although magkaklase kami, nasa kabilang row siya ng mga upuan. Imposible namang lumipad 'yan?

"Cause I did get it?" Kunwari pang tanong niya. "But seriously, I know you'd been avoiding me since the kiss--"

"Shut up. Akin na 'yan!" Abot ko ng kamay sa kanya habang marahang naglalakad palapit.

Napangisi siya habang pinagmamasdan ako. "Hindi ko alam kung sadyang iniiwasan mong mahalikan uli o gusto mo lang na habulin kita."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Do you want to die early?"

"Oh, no, babe. Unless in your arms... in happiness, of course."

Napahinga ako ng malalim. Hindi ako maliit ngunit 'di rin ako ganun katangkad. At isa ang katawan ni Mountain sa 'di ko kayang labanan at tawirin. Tuwing nagtataas ako ng kamay ay itinaataas niya rin 'yong kanya.

Napaatras ako ng bahagya kaming magdikit. Ngunit sadyang mapangahas siya lalo na ng bahagya niyang hapitin ang baywang ko.

"Parang lalo kang gumaganda ah? Nakakaganda palang mahalikan?" Halakhak niya. "Aba'y araw-arawin natin--." Napatigil siya ng bahagya kong ilapat ang palad sa kanyang dibdib at masahe-in ito. I playfully pinch his manly nipple within his shirt, making him moan slightly.

Dahil dun, bumaba ang isang nakataas niyang kamay at hahapitin din sana ako ng bigla kong hablutin ang libro at ihampas sa mukha niya!

"Ouch! What the..."

"Serves you right! Huwag ako, Mountain, dahil sa susunod, talagang mamamatay ang isang bahagi ng katawan mo." Tiningnan ko siya pababa bago tinalikuran.

Tagumpay akong napangiti ng makalabas. Hindi sa lahat ng panahon ay nakukuha ang gusto, Mountain. At 'yan ang dapat mong matutunan.

Walangya, matagal rin akong nagtimpi sa panghahalik mong kabastusan. Kung hindi mo nga ako ginulo ngayon ay di kita magagantihan.

Pero parang mali ang ginawa ko. Dahil kung makapal ang mukha ko, mas makapal ang mukha ni Mountain.

Kinabukasan ay nadatnan kong may bouquet ng makukulay na bulaklak sa lamesa ko kasama ang napakalaking teddy bear. Ang nakakainis pa dun, ang lalakas tumili ng mga kaklase ko! Masyadong masakit sa tainga!

"Sana all may manliligaw!"

"Sana all nililigawan!"

"Sana all nag eefort!"

"Ang ganda mo girl! Haba ng hair! Sana all!"

"Ayieee! May secret admirer siya!" Panunukso ni Kelly na agad kong sinamaan ng tingin.

Lumipad ang masama kong tingin sa nakangising si Mountain mula sa kabilang banda na agad rin akong tinaasan ng kilay. Pa-inosente ang dating ng mokong. Parang walang kasalanan buong buhay niya kung makaasta.

"Pasalamat ka nalang at hindi ako nagbulgar."

-M.C

Napakunot noo ako matapos basahin ang ipinuslit niyang sulat. Di nagbulgar pero.... hayyyst. Isa kang peste sa buhay ng may buhay, Mountain!

"M.C? Kilala mo ba ang nagpadala nito, Bhe? Ano? Gwapo ba? Ayieee? Ikaw ah! Ni hindi mo man lang ako nasabihan!"

"Shut up, Kelly. Hindi ko kilala ang hudas na nagpadala nito at wala akong balak na kilalanin pa siya!" Sabay pasimpleng lingon ko sa kinaroroonan ni Mountain na hindi parin nagbabago ang ekspresyon.

Nga lang, nanunuksong pakagat-kagat pa siya sa dulo ng ballpen na hawak niya. Ang sarap batuhin ng tinik ng rosas! 'Yong kasing tinik niya pagdating sa mga babae! Para makatikim rin ng sakit eh, hindi lang pagpapasarap!

"Ay! Ano ba yan bhe? Pwede bang isantabi mo muna 'yang kabitteran mo? Baka tumanda kang dalaga niyan!" Simangot ni Kelly. "Tsaka nag effort yung tao oh! Baka seryoso to sayo, masaktan mo pa."

Tahimik akong napahalakhak sa sinabi niya. Seryoso? Sa'n banda? Ni hindi nga ata nun alam ang salitang commitment!

E ako nga nasaktan na eh!

"Ganun naman ang mga lalaki, Kelly, masyadong pafall sa umpisa, iiwan karin pala."

Napahalakhak siya. "Ay! Humuhugot girl? Bahala na! Atleast, maramdaman mo rin 'yong feeling na mahalaga ka sa kanya!"

"Ang tanong, totoo ba?" Nanliit ang mga mata ko. Parang nahiya na nga si Katotohanan kay Kasinungalingan. "Kung alam mo lang, Kelly."

"Ang ano?"

Napailing ako. "Wala. Sabi ko ibasura mo nalang ang mga yan dahil wala akong balak dalhin ang mga yan." Turo ko sa mga basura sa lamesa ko.

"Sayang! Akin nalang." Aniya bago isinantabi ang mga 'yon.

Nakakahinayang nga, pero ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa taong nagpadala niyan.

Ngunit di dun nagtapos ang lahat. Araw-araw may natatanggap akong kahit ano mula sa iisang tao. May it chocolate with flowers, jewelries, branded shirts, signature bags and so on! Ganun ka-galante ang Mountain niyo na minsan, talagang nanghihinayang na ako... ngunit sa gamit lang.

Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang napakagandang pambabaeng relo, tsokolate at bulaklak sa lamesa. Pinapatawag ang lahat ng senior high ngayon sa gym para mapag-usapan ang tungkol sa gaganaping seniors ball at kung kailan. Kaso, naiwan ako sa classroom habang iniisip kung saan ilalagay ang mga to. Ito ang mahirap sa lahat. Masyado 'tong nakakaagaw pansin pag dinadala habang nakakahinayang namang iwan nalang. Masarap sa pakiramdam ang mga libreng bagay na nakakahinayang tanggihan.

"Want some help, babe?" Nangilabot ako sa naramdamang hininga mula sa likod ng tainga ko. Napahalakhak si Mountain bago ako hinarap. "Ang cute mo."

Akmang pipisilin niya ang pisngi ko na agad kong iniwasan. "Wala ka bang balak tumigil?"

"Sayo? Never," seryoso kunwaring aniya. Kung hindi ko lang siya kilala...

Napailing ako. "C'mon, Mountain. Para namang hindi kita nakitang may kahalikan kahapon," sarkastikong sabi ko.

"Meron ba?" Ngisi niya. Napangiwi ako. "Just some random chick, babe. Alam mo na. Talagang 'di maiiwasan yan. Gwapo ng future boyfriend mo e."

Mas napangiwi ako sa sinabi niya. Feelingero.

"Wag ka ng umasa." Kinuha ko ang sariling bag bago nagpasyang ilagay nalang dun ang relo, tutal kasya naman. Itong mga bulaklak lang. "Masasaktan ka lang," ngisi ko bago siya nilingon.

"I'm willing, babe. Basta ikaw."

"Talaga lang ah? Kung ngayon nga, nakakaya mong manghalik ng iba habang ako ang kunwari mong nililigawan, ano nalang kaya kapag kunwaring naging tayo na? Wag nalang Mountain. Hindi pa naman ako ganun karupok. Hindi ako marupok." Binitbit ko nalang ang bulaklak bago siya iniwan dun.

***

Next chapter