5 Chapter 4

   Venus' P.O.V.

     Boring~... Ang tagal naman niyang magbasa. Ba't ba kasi binabasa niya pa yan? Wala ba siyang tiwala sakin?

"Lalabas muna ako. Nakakainip dito e."saad ko at napakamot ng ulo.

"Nainip ka na agad? Wala ka pa ngang 30 minutes na nandito. Ang ikli naman ng pasensya mo."sabi ni James at ipinagpatuloy ang ginagawa.

     Lumabas na ako sa opisina niya at naglibot sa buong kumapanya.

     Hay~... Kaya ayokong pumasok e. Nakakatamad. Parang gusto ko nang umidlip dito sa sahig.

"Hey!"tawag ng nasa likuran ko. Lumingon ako sa kanya at muntik na kong mapatalon sa gulat nung makita ko siyang nasa mismong likuran ko na. Napakalapit ng mukha niya at parang si Annabelle ang itsura pag nakangiti.

"Grabe ka 'te ha. Ang OA ng reaksyon mo. Para namang nagmukha akong jumpscare sayo."saad niya saka humalakhak.

"B-Bakit? Sino ka ba?"tanong ko ng direkta sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa at seryosong tumingin sakin. Parang inii-scan niya ako simula ulo hanggang paa. Baliw yata to' e.

"Girl, intern ka ba dito?"tanong niya saka ngumiti. Baklang to'! Di mo ba ko kilala? Ako kaya ang boss mo.

"Ah... Kasi... Ang totoo niyan e..."

"Girl!"sigaw ng isang bakla na gray ang huhok. Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw na yon at nakita ko ang isang tropa ng mga bakla. Ano to'? Parang naging fashion rampage ang hallway na to' ah.

"Girlie, who's this? An intern?"tanong ng isang bakla na red ang buhok. Nginitian nila akong lahat.

"Tell us about you. We can be friends. Kahit na minsan ay mukha kaming mga snatcher pero mababait talaga kami."sabi pa ng isa pang bakla na pink ang buhok. Kung magpanggap kaya ako para di naman boring. Hindi naman siguro masama yon di'ba?

"I-I'm H-Hillary Imper-Imperalto. Hillary Imperalto but you can call me Iya for short."pagsisinungaling ko. Mas lumawak ang ngiti nila habang pinagmamasdan ako.

"Awww... You're so cute kapag nauutal ka."sabay-sabay na saad nila at hinawakan ako sa pisngi.

"Employee ka rin ba dito?"tanong ng bakla na may red na buhok.

"Of course. Kaya nga andito siya e. Pero alam mo girl, mas bagay sayo ang pwesto ng CEO. Ang ganda mo na, siguradong matalino ka pa."puri ng baklang may gray na buhok.

"S-Sino po ba kayo?"tanong ko. Nagtawanan naman silang lahat sa tinanong ko. Anong problema dun? Mga baliw na siguro.

"Oh. We forgot. I'm Gordon Wang a.k.a Mae."pagpapakilala ng bakla na unang tumawag sakin kanina.

"Ako naman si Joseph Salas a.k.a Cupcake."pagpapakilala ng baklang may gray na buhok.

"Mah name iz Derek Lozada a.k.a Rose."pagpapakilala ng baklang may red na buhok.

"And me, I'm Henry Wills a.k.a Pinky. Nice to meet you."pagpapakilala naman ng baklang may pink na buhok.

     Ambabait naman nila. Pero may itsura din naman kung hindi sumobra ang make-up nila. Di mo aakalain na barbie pala sila pag nakilala mo na.

"Oh. Okay. Nice to meet all of you."saad ko naman at nginitian sila.

     Tinunguan ko sila at biglang nagring ang phone ko.

     Kinuha ko iyon sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si James? Wow. First time niya ko tinawagan at sandali nga lang! Pano niya nalaman number ko? At pano naman na-save ang number niya dito?!

     In-answer ko ang tawag at itinapat sa tenga ko ang speaker.

"Why?"tanong ko.

"Okay ka lang diyan? Where are you by the way?"tanong naman niya.

"Jamie~... I brought you lunch. I cooked it for you with love~."narinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya.

"Oh. Call you later."sabi naman ni James at in-end ang tawag.

      Sino yon? Girlfriend niya? May girlfriend pala siya tapos gusto niyang halikan ko siya. Baliw talaga! Magsama na sila nung babae niya. Kahit magkaanak pa sila ng libo-libo!

     Nagpaalam na ko sa mga bakla na aalis na ko. Wala na silang tinanong o sinabi na kahit ano pa dahil pinatawag na rin sila.

     And... Sino ba yung narinig kong babae sa phone? Girlfriend ba yun ni James? Ang weird talaga niya at baliw pa.

     Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang nakasiwang na pinto. Lalampasan ko na sana ito nang makarinig ako ng mga boses sa loob.

"James, please... I want you and I love you. Bakit naman hindi pwedeng maging tayo? Please... Tell me."saad ng isang boses babae. Sumilip ako sa siwang ng pinto. At mula don, nakita ko si James at isang babae. Medyo may katangkaran ang babae at maputi ito. Para siyang member ng Kpop sa itsura niya. Sa totoo lang, bagay naman sila ni James.

"Adele, you know I can't love you back dahil may ibang babae na kong gusto. Simula pagkabata ay kasama ko na siya. I just love you as a friend."sagot naman ni James at akmang aalis na pero bigla siyang hinila ng babae at nakita kong bigla siya nitong hinalikan.

     The heck! Sa harap ko pa talaga ah.

     Ni hindi man lang siya pinigilan ni James. Naguguluhan na talaga ako ha. Hindi niya gusto si Adele na maging more than friends sila pero bat hindi niya man lang yon pinigilan? At bakit ganon? Parang nahihirapan akong huminga kapag nakikita ko silang ganyan? Ano bang nangyayari sakin?!

     Umalis na ko sa lugar na iyon at bumalik sa opisina ni James. Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko. That kiss. Ano bang nangyayari sakin?! Nakita ko lang silang naghahalikan tapos bigla akong nahirapan huminga. Ano ba to?

     Wala naman akong sakit kaya bakit? Bakit ako nagkakaganito?

"Hey!"tawag ni James na kakapasok lang sa pintuan. Nakangiti itong tumingin sakin. Bakit? Masaya kang naghalikan kayo kanina?

"Bakit parang ansaya mo ngayon?"tanong ko. Subukan mo lang na magsinungaling, ako mismo ang papatay sayo.

"Actually, hindi ako masaya. Ngumingiti lang ako kapag nakikita kita."saad niya at lumapit sakin.

     Hinila niya ako patayo at niyakap ako. Baliw na talaga!

"Sorry."bulong nito na rinig ko naman. Bigla niya akong tiningnan sa mga mata at pumikit.

     Papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin. Hindi ako makabuwelo sa pagsipa sa lanya dahil hinaharangan niya ko hanggang sa halikan niya na ko. Hindi ako makagalaw at parang kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Humanda ka sakin!

avataravatar