webnovel

Chapter 27: Defiled By The Magnate

"WHERE'S Princess Rhea?" Tanong ng isang hari sa katulong nilang naglilinis ng kanilang malamarmol na sahig

"I don't know my Lord—" Sagot naman nito at ipinagpatuloy ang ginagawa

"Nasaan na ba ang batang 'yun."

"Papa!" Napalingon naman ang hari sa kanilang malaking pasilyo ng tinawag siya ng kanyang nag-iisang prinsesa

Tumatakbo ito habang may dalang basket

"Saan ka ba nanggagaling, kanina pa kita hinahanap." Malumanay na pagka-usap niya sa anak

"Pagpasensiyahan niyo na po ako Papa kung nagpunta ako sa kagubatan para manguha ng bulaklak—" Sagot naman nito at ngumuso

Napangiti na lang ang hari sa kagandahan ng kanyang maliit na prinsesa. Princess Rhea is just 10 years old at hindi ito marunong magsinungaling kung nagtatanong siya kung saan ito nanggaling ay nagsasabi ito ng totoo

"Rhea, 'di ba sinabi ko sa'yo na h'wag kang pumunta sa gubat kapag ikaw lang ang mag-isa. Sige ka may mga mababangis pa namang hayop doon baka kainin ka" Pananakot ng hari sa kanyang anak

"Papa! Tinatakot mo na naman ako, wala namang mabangis na hayop doon eh. Tsaka magpapasama sana ako sa isa sa mga guards mo pero ayaw nilang sumama sa'kin." Palatak ni Rhea at inilagay ang mga braso sa dibdib nito

Pumantay naman ang hari sa anak niya at ginulo ang kulay gintong buhok nito

"May punto naman ang mga guwardiya natin Rhea. Kaya kung ako sa'yo ay h'wag ka ng pumunta do'n, naiintindihan mo ba ako?"

"Opo—" Nakatungong sagot ni Rhea at walang ganang tinalikuran siya

Napabuntong hininga na lang ang hari

Hindi niya alam kung saan nagmana ang anak niyang si Rhea at bakit ang hilig nito sa mga bulaklak, hindi naman mahilig ang Reyna niya sa mga bulaklak sa gubat at 'yun ang ipinagtataka niya

"Kamusta na siya?" Tanong ng Hari sa kanyang Reyna na nakasilip sa pintuan ng kanilang anak

"Mahimbing na siyang natutulog, napagod yata sa kakakuha ng mga bulaklak sa gubat" Nakangiting tugon naman ng Reyna

"Alam mo ba kung saan nagmana ang anak natin? Bakit ang hilig niya sa mga bulaklak?" Hindi maiwasang tanungin ng Hari ang kanyang Reyna

"Siguro ay sa  kanyang tiyahin, mahilig din kasi sa mga bulaklak si Greta kahit no'ng mga bata pa kami." Sagot naman nito na ikinatango tango ng Hari

"Nga pala nagsumbong sa'kin si Rhea kanina. Ang sabi niya ayaw mo na daw siyang papuntahin sa gubat para manguha ng mga bulaklak. Bakit mo naman sinabi iyon sa anak natin Noyus" Bulalas ng Reyna na salubong ang dalawang kilay

"Margarett, hindi mo ako naiintindihan. Syempre babae ang anak natin baka mapahamak pa iyan pag nagkataon..." Pagpapaliwanag ng Hari sa kanyang Reyna

Muli ay sumilip na naman ang kanyang Reyna sa kwarto ng anak nila. Nakita niya pa itong napangiti habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog katabi ang teddy bear nito

8 Years Later

"Laila, pakitawag naman si princess Rhea sabihin mo na kakain na kami...." Utos ng hari sa katulong nila sa palasyo

"Kamahalan kasi po ano—" Nag-aalangang saad ni Laila at nilalaro ang mga daliri

"Ano Laila?" Nagtatakang tinanong ng Hari ang katulong

"Kasi—"

"Magandang umaga Mama at Papa!" Bigla na lang sumulpot si Rhea sa hapagkainan na ikinapitlag niya sa gulat

"Rhea! Ginulat mo kami! Saan ka na naman ba nanggaling ha?" May halong pagka-inis sa boses nito

Ngumiti naman ng tipid si Rhea at lumapit sa kanilang dalawa at humalik sa mga pisnge nila sabay yuko

"Pasensiya na po Papa, nakaugalian ko na po kasing lumisan ng maaga para manguha na naman ng mga bulaklak—" Rason nito

Napatampal na lang sa noo ang Hari at hindi maiwasang hilutin ang sariling sentido

Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo itong nag-iisang prinsesa nila. Labing walong taon gulang na ito at natatakot siya sa posibleng mangyari dito—hindi sa pagmamayabang pero may angking kagandahan ang anak niya

Matangos ang ilong nito at malaniyebe ang balat sa sobrang kinis at puti nito, ang malagintong kulay naman na buhok nito ay mas lalong tumingkayad pa ang kulay na tipong lahat ng tao ay mapapatakip na lang sa mga mata dahil sa kumikinang ito kapag natatamaan ng sinag ng araw. At ang mga mata nitong mala esmeralda ang kulay ay nakakapang-akit na tipong lahat yata ng mga kalalakihan ay sunod sunuran kung titingnan ng kanilang anak.

"Sa susunod Rhea ay h'wag ka ng pumunta doon. Dalaga ka na at delikado na para sa iyo ang magpunta sa gubat na ikaw lang mag-isa. Naiintindihan mo ba ako?" May pinalidad sa boses nito

Napabuntong hininga na lang si Rhea at umupo sa upuan nito

"Opo Papa,"

Sa malayong malayong kaharian ng Dya ay may isang palasyo na sagana sa kayamanan at kapangyarihan. May isa silang anak na lalaki at prinsipe ito sa lugar nila, nais ng mga magulang ng prinsipe na makahanap ng prinsesa para dumami  pa ang kanilang lahi

"Prince Augustine, gusto namin ng iyong ina na ipagkasundo ka sa isang prinsesa sa kabilang ibayo ng isla na ito. Nais namin na makuha ang loob mo—" Pang-iimporma ng Hari sa kaharian ng Dya

Umingos naman ang prinsipe sa ulat ng ama nito

"Bakit pa ama? Ayokong matali sa kung sino mang prinsesa na iyan, sagabal lang siya sa mga plano ko..." Asik nito at umayos ng upo sa trono nito

"Para din ito sa ikabubuti mo anak, kami ng ina mo ay iniisip kung anong magiging takbo ng kaharian na ito sa oras na maipapasa na namin sa'yo ang pangalan ng Dya sa iyong mga kamay," Rason ng ama niya

Ang nais ng prinsipe ay mapasakamay na niya ang kahariang ito, at mukhang malabo pang magyari iyon dahil malakas at hindi pa uugod ugod maglakad ang mga

magulang niya. Masama na siyang masama pero wala siyang paki-alam sa mga ito

Napa-isip siya, kung magpapakasal siya sa isang prinsesa sa kabilang ibayo ng isla ay mas magiging makapangyarihan siya. Lumabas na naman ang pagkademonyo niya

"Sige, papayag na ako sa kondisyon niyo ni ina pero sa isang kondisyon." Pangongondisyon ng prinsipe sa mga magulang nito

"Ano 'yun?"

"Ilipat niyo na sa'kin ang pangalan na ako na ang mamahala sa kahariang ito. Ngayon din." Mahigpit na utos niya

"Hindi maaari ang iyong kahilingan anak ko, malinaw sa atas namin ng iyong ina na hindi pa namin pwedeng ipasa sa'yo ang pangalan ng kahariang ito. Maipapasa lamang namin ito sa'yo kapag wala na ang isa sa amin—" Sagot naman ng kanyang ama

Napatango tango siya, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit hindi pa ng mga ito pinasa ang pagiging pinuno sa kaharian ng Dya. Sino kaya sa mga ito ang una niyang didispatsahin

"Kailan ko ba makikita ang prinsesang sinasabi niyo?" Maawtoridad niyang tanong sa kanyang mga magulang

"Sa makalawa ng Septiyembre—"

"Laila, kung magtatanong sina Mama at Papa kung nasaan na naman ako, sabihin mo na nasa kwarto lang ako at natutulog. Naiintindihan mo ba ako?" Mahinang utos niya sa katulong

"Pero kamahalan—" Agad naman niyang pinutol ang dapat sanang sasabihin ni Laila

"Sige na Laila, gawin mo 'to para sa'kin. Hindi naman ako magtatagal sa gubat eh; mangunguha lang naman ako ng ligaw na bulaklak doon. Pangako babalik kaagad ako" Nangungusap ang mga matang hinawakan niya ang dalawang kamay ni Laila

"Payag na ako kamahalan, basta ipangako niyo din sa'kin na hindi kayo magtatagal do'n ah," Tugon naman ng katulong

"Pangako, sige aalis na ako at salamat..." At isinuot ang pandong sa ulo

Nang makalagpas si Rhea sa maraming guwardiya na nakaharang sa labas ay itinago niya ang basket sa loob ng kanyang malaking damit at dali-daling naglakad palabas

"Sandali lang—" Pagpapahinto sa kanya ng isang guwardiya

"Saan ka pupunta at bakit ka lumabas?" Mahigpit na tanong nito at nilapitan siya

"Pasensiya na po kayo pero pupuntahan ko po sana ang lola ko. May sakit po siya at wala siyang kasama sa bahay niya," Pagsisinungaling niya

At sa wakas natuto na din siyang gumawa ng palusot, salamat sa mga katulong nilang palagi niyang naririnig kong paano mag-imbento ng mga alibi

"Ganoon ba? Sige pwede ka ng umalis, at bago 'yan. Siguraduhin mong makakabalik ka kaagad—naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"

"Opo—"

Pagkatapos no'n ay dali-dali namang nagtungo si Rhea sa gubat para manguha ng mga bulaklak. Sobrang saya niya dahil makakakuha na naman siya ng bago at mababangong bulaklak

Padaskol na pinutol ng prinsipe ang mga nagtataasang damo na humaharang sa kanyang dinaraanan. Naisipan kasi niyang maglakbay lakbay para iwaksi sa isipan ang gaganaping pagtatagpo nila sa isang prinsesa na pakakasalan niya

"Bwesit! Bakit kailangan ko pa kasing pakasalan ang prinsesang 'yun. Total ang habol lang naman ni ama at ina ay maparami ang lahi namin, kailangan ba talaga 'yun..." Natatawang pagka-usap niya sa sarili

Ngunit napatigil siya sa pagpuputol ng mga nagtataasang damo ng makakita siya ng isang donselyang babae. Kumakanta ito at abala sa pangunguha ng mga ligaw na bulaklak

Pinakatitigan niya ito ng mabuti

At parang naakit siya ng makita ng tuluyan ang mukha nito. Napakagandang babae, at ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang nilalang para itong diyosa na inaakit siya sa taglay nitong ganda

"Sino ka?" Nawala ang panandaliang kuru niya ng magsalita ang dalaga

Napangisi siya

Akala niya ay hindi siya nito napapansin, at Parang kanina pa siya nito nakikitang nakamasid sa kanya at ngayon lang nakapagsalita

"S-sino ka, at anong ginagawa mo dito—" Parang takot na tanong nitong muli sa kanya

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Anong ginagawa ng isang napakagandang donselya dito sa gubat at nangunguha ng mga ligaw na bulaklak..."

Napaatras naman ang dalaga ng humakbang siya papalapit dito

"H'wag kang lalapit sa'kin..." Napapailing siyang patuloy pa ding lumalapit dito

"Wala ka bang kasama binibini? Halika sasamahan kitang manguha pa ng mga bulaklak sa kabilang ibayo—" Tugon niya

Akmang tatakbo na sana ang dalaga ng mahawakan niya ang isang kamay nito

"Saan ka pupunta," Sabay hila sa dalaga at mahigpit itong niyakap sa likuran

"Ano ba bitawan mo ako!" Nagpupumiglas na saad nito

"Hindi pwede, kailangan kita ngayon—" Sagot naman niya at nagsimulang punitin ang damit nito

"Naka-uwi na ba si Rhea?" Nag-aalalang tanong ng Hari sa kanyang mga guwardiya at pabalik balik ang lakad sa malaking bulwagan

"Hindi pa po kamahalan—"

Napatigil ang Hari sa pabalik balik na lakad nito

"Anong hindi pa? Dumaan ba siya doon kanina, ano? Sagutin mo ako!" Bakas sa mukha ang galit at pag-aalala na hinawakan ng Hari ang guwardiya sa kwelyo nito

Hindi sumagot ang guwardiya at nanatili pa ding tuwid ang tayo at diretso ang tingin sa malayo

"Noyus, tama na 'yan. Kailangan nating mahanap si Rhea ngayon—baka ano ng nangyari sa kanya. Kanina pa siya nawawala

Humarap naman ang Hari sa kanyang Reyna

"Ito na nga 'yung sinasabi ko Margarett eh, ang sabi mo sa'kin ay hayaan ko siyang manguha ng mga bulaklak sa gubat dahil ligtas naman ang Yahali sa mga masasamang loob. Paano ka nakakasiguradong ligtas nga ang lugar na 'to? Hindi pa nga nakakabalik ang anak natin eh." Nanlulumong sinabunutan ng Hari ang sariling buhok

"Samahan niyo ako sa gubat, hahanapin natin ang prinsesa niyo. Tara na—" At naunang naglakad palabas

Nang matapos gahasain ng prinsipe ng Dya ang prinsesa ng Yahali ay pinainom niya ito ng gamot na pampalimot upang makalimutan na nito ng tuluyan ang mga pangyayaring naganap kanina at ngayon

Napatingin ang prinsipe sa tagong parte ng gubat ng may marinig siyang boses na papalapit sa kanila

"Pasensiya ka na prinsesa, pero mukhang dito na lang—" Huling sabi niya bago iniwan ang prinsesang nakahiga sa damuhan at walang malay

Kanina pa naghahanap sina Noyus kay Rhea at mukhang matatagalan pa silang mahanap ito. Malaki kasi ang gubat at hindi nila alam kung saang dako ito naroroon

"Kamahalan, nandito po si prinsesa Rhea." Tawag sa kanya ng isang kawal na nakasakay sa kabayo at nakatingin sa babaeng nakahiga sa damuhan

Dali-dali naman siyang bumaba sa kanyang kabayo at tumakbo papunta sa kanyang anak

At ng makita niya ito ay naturang napakuyom ang kanyang kamao ng nakahiga ito sa damuhan na walang malay, punit punit ang manipis nitong damit at sa tingin niya ay hinalay ang kanyang anak

Dali-dali niyang itong kinumutan gamit ang kanyang malaking balabal. At binuhat ang anak

Naluluha siya sa nakikita, nagagalit siya at sinisisi niya ang kanyang sarili sa pangyayaring hindi niya inaasahan

"Magbabayad ang lapastangang iyon sa ginawa niya sa'yo Rhea" Puno ng galit na bulalas niya at isinakay si Rhea sa kabayo kasama siya

"Anong nangyari?" Nag-aalalang bungad ni Margarett kay Noyus ng makita nitong buhat buhat ang anak nilang si Rhea

"May lapastangang gumahasa sa anak natin." Walang ka emosyong emosyon na sagot ni Noyus at idineretso ang anak sa silid nito

"Ano? Sino? Bakit?" Sunod sunod na tanong ni Margarett at sinundan anga kanyang Hari na nagmamadaling pumasok sa kwarto ng anak

Matapos mapatingnan nila Noyus at Margarett ang anak sa manggamot ay sunod sunod ang kanilang mga tanong kung totoo bang may lumapastangan sa anak nilang hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising

"Someone raped her..." Bulalas ng manggamot at kinumutan ang prinsesa

"Kung gayon ay totoo ang hinala ko! Sa oras na malaman ko kung sinong gumahasa sa anak natin ay papatayin ko siya—wala siyang puso!" Nanginginig sa galit na asik no Noyus

"Noyus, kumalma ka lang—"

"Paano ako kakalma Margarett? Ng dahil sa mga pesteng bulaklak na iyan ay napahamak ang anak natin?!" Sigaw ni Noyus at lumabas ng kwarto ni Rhea

Napatingin naman si Margarett sa natutulog niyang anak

"Sana ay magising ka na para malaman natin kung sino ang gumahasa sa'yo—"

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" Bungad ng ama ni Augustine pagkapasok na pagkapasok niya sa bulwagan ng kanilang palasyo

"Naglakbay muna ako para iwaksi sa isipan ko ang pagpapakasal ko sa prinsesa—" Wala sa kalagayan niyang tugon at nilampasan lang ang ama

"At saan ka naman pumunta? Alam mo bang nagpadala ako ng sulat sa Hari ng Yahali sa pagpayag mong magpapakasal ka sa anak nila?" Nakasunod na sinabihan siya ng kanyang ama

"Edi mas mabuti kung ganoon—" Sagot naman niya at nagkibit balikat

"Iyan lang ang masasabi mo?"

Napahinto siya sa pag-akyat sa hagdanan at tiningnan ang ama na nasa baba

"Bakit? Ano bang gusto niyong marinig?" Nang-uuyam na tanong niya sa ama at nagpatuloy sa pag-akyat

Isang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa din nagigising si Rhea, nag-aalala ng husto ang kanyang mga magulang dahil sa matagal na itong hindi nagigising

"Kumusta na siya, anong meron at bakit hindi pa nagigising ang anak namin?" Bungad ni Noyus sa manggamot ng makalabas ito sa kwarto ni Rhea

"May masama at magandang balita akong sasabihin sa inyo Mahal na Hari at Reyna. Si prinsesa Rhea ay malabo pang magigising dahil may ipinainom sa kanyang gamot na pampalimot at ang magandang balita ay nagdadalang tao ang anak niyo..." Pang-iimporma nito na ikinagulat nila sa narinig

"B-buntis ang anak ko?" Wala sa sariling reaksiyon ni Noyus

Naramdaman naman niyang napahawak sa braso ang kanyang Reyna

"Oo, at isang buwan na siyang buntis. Sa tingin ko ay magsisilang siya na hindi pa din nagigising—ang masasabi ko lang ay pakibantayan siya at alagaan ng mabuti." Bilin ng manggamot sa kanilang dalawa

"Salamat sa impormasyon" Wika ni Noyus bago pa umalis ang manggamot

Napatingin naman ang kanyang Reyna sa kanya

"Buntis si Rhea, anong gagawin natin Noyus?" Nag-aalalang usal ni Margarett

"H'wag kang mag-alala Margarett. Aalagaan natin ang anak natin hanggang sa magsilang siya at hanggang sa magising siya—" Sagot naman niya sa kanyang Reyna

"Kamahalan may sulat po na galing sa kaharian ng Dya—" Ulat ng isang katiwalang Chief Guard nila

"Ganoon ba, sige pakilagay na lang ang sulat sa pribadong silid ko—" Utos ni Noyus sa kanyang mapagkakatiwalaang Chief Guard

Nagsalubong ang kilay ni Noyus ng tuluyan ng mabasa ang sulat sa kaharian ng Dya

Liyag Haring Noyus at Reyna Margarett,

Gusto kong ipaalam sa'yo na ang aking anak—si Prinsipe Augustine ay ipagkakasundo ko sana sa iyong nag-iisang prinsesa.

Kung mararapatin ay gusto namin ng kabiyak ko na maka-usap kayo ng sarilinan sa susunod na araw ng Septiyembre.

Bumabati,

Haring Calex

Napabuntong hininga si Noyus at napatingin sa bintana ng kanyang pribadong silid, kung papayag siya at ang kanyang Reyna na ipakasal si Rhea sa anak nitong si Augustine matatanggap kaya ng mga ito ang katotohanang nagahasa ang kanyang anak at nagdadalang tao ito sa dugo ng lapastangang nilalang

"Gusto ng kaharian ng Dya na ipagkasundo ang anak natin sa anak nila? Bakit?" Naguguluhang bulalas ni Margarett sa kanyang asawa

"Hindi ko din alam, basta ang sabi nila sa liham ay gusto nila tayong maka-usap ng salirinan." Pagpapahayag ni Noyus sa Reyna

"Papayag ka ba sa gusto nila?" Tanong ni Margarett kay Noyus na gustong gusto malaman ang kasagutan

"Wala na tayong magagawa diyan Margarett, ang usapan ay usapan. Kagaya natin ipinagkasundo ka lang naman sa'kin no'ng labing-walong taon gulang ka na..." Malayo ang tinging saad ni Noyus at hindi magawang tingnan ang kanyang Reyna

Para sa kanila ang may mga dugong bughaw ay kailangan ipagkasundo. Kung ang lalaki ka ay ikaw mismo ang hahanap sa prinsesa at kapag babae ka maghihintay ka ng panghan para pakasalan ka

Napabuntong hininga na lang si Margarett at hinawakan ang kamay ng kanyang Hari

"Ayoko sanang pumayag pero ito ang tradisyong kailangan natin sundin." Sagot naman nito

"Magandang araw sa inyo Mahal na Hari at Reyna, ako si Haring Calex at ito naman ang asawa ko si Reyna Palmera." Pagpapakilala ni Calex sa harap ni Noyus at Margarett

"Magandang araw din sa inyo, maupo muna kayo—" Pagmamagandang loob ni Noyus sa mga ito

"Salamat,"

"Alam niyo naman siguro kung bakit gusto namin ng asawa ko ang iyong anak. At desididong desidido kami na sila ay mag-isang dibdib sa makalawa ng Septiyembre," Sabi ni Calex kay Noyus

"Oo, nabasa namin ng Reyna ko ang inyong sulat at naiintindihan namin ang nais niyong iparating. Payag kami sa inyong kahilingan pero nais muna naming maka-usap ang inyong anak...."

Nagkatinginan naman ang Reyna at Hari ng Dya bago tumingin sa kanila

"Pasensiya na, pero hindi namin kasama si Augustine ngayon. Nagpa iwan siya sa palasyo para ito ay pangalagaan habang wala kami—" Rason naman nito

Napatango tango naman si Noyus

"Naiintindihan ko—" Sagot ni Noyus at tumayo na sa pagkakaupo

"Mahal na Hari nais sana naming makita ang inyong anak, kung papayagan niyo kami"

"Iyan din sana ang sasabihin ko. Sumunod kayo sa'kin, ipapakita ko sa inyo ang anak naming si Rhea." Wika ni Noyus at naunang naglakad sa mga ito

Nakita niya pang nagkatinginang muli ang mag-asawa at bakas sa mga mukha nito na naguguluhan

"Ito ang anak namin," Pagpapakilala ni Noyus at Margarett kay Rhea na ngayon ay nakahiga pa din sa kama at mahimbing na natutulog

"Totoo nga ang sinasabi ng mga tao, maganda nga ang inyong anak. Ngunit kung hindi niyo mamasamain, anong nangyari sa kanya—may sakit ba siya?" Si Palmera naman ang nagtanong

"Wala siyang sakit. Nawalan lang siya ng malay dahil sa may nagpa-inom sa kanya ng gamot pampalimot pagkatapos siyang gahasain, isang buwan na din siyang buntis at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa siya ng manggamot  na palaging nagpupunta dito para tingnan siya, ngayong nalaman niyo na ang katotohanan. Papayag ba kayong ipakasal ang anak namin sa nag-iisang anak niyo din." Pagsasalaysay naman ni Margarett

Mahabang katahimikan ang namutawi sa kanilang apat

Batid ni Noyus at Margarett na nagdadalawang isip ang dalawang may dugong maharlika. At 'yun ang kinakatakutan nila na baka tanggihan ng mga ito ang nabuong desisyon at baka isabi sabi pa sa mga taong nakatira sa labas

"Papayag pa din kami, sige mauuna na kami at baka madisturbo pa namin ang pamamahinga ni Prinsesa Rhea" Pamama alam ni Calex sa kanila

"Salamat at naintindihan niyo ang kalagayan ng aming anak. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay—" Sagot naman ni Calex sa sinabi ng mga ito

"Kumusta ang paglalakbay galing sa Yahali ama at ina?" Salubong ni Augustine ng makita ang kanyang ama at ina na kakapasok lang sa kanilang malaking bulwagan

"Mabuti naman anak ko—" Sagot naman nito at inilagay ang maleta sa mahabang sofa

Tiningnan naman ni Augustine ang kanyang mga magulang para alamin kung may nalaman ba ang mga ito sa anak ng Hari at Reyna sa Yahali pero mukhang ayaw sabihin ng mga ito sa kanya

"Anong nalalaman niyo sa anak ng Hari at Reyna sa kaharian ng Yahali. Sabihan niyo ako tungkol sa prinsesang pakakasalan ko para naman makilala ko siya kahit kunti." Kampanteng pagtatanong niya sa mga ito at bumaba sa hagdanan

"Ipangako mo muna sa'kin anak na hindi ka aatras sa desisyon dahil na napapayag ka na namin." Sabi naman ng kanyang ina

"Sige mukhang nakakawili naman ang balitang masasabi niyo sa'kin. Spill the beans—" At printeng umupo sa upuan na naka pwesto sa gitna

"Ang pangalan niya ay Rhea at labing-walong taon gulang na siya, nag-iisang anak nila Haring Noyus at Reyna Margarett. Sinabi sa amin ni Noyus ang galagayan ng Prinsesa at hindi pa ito nagigising hanggang ngayon." Pagpapahayag ng kanyang ama

Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig

"Anong ibig mong sabihin sa hindi pa nagigising?" Tanong pa niya sa ama at matiim itong tinitigan

"May gumahasa daw sa kanya at pinainom ng gamot pampalimot, buntis ito ng isang buwan at sa pagkaalam namin ay magsisilang ito ng hindi pa din nagigising....." Sabi pa nito

Naestatwa siya sa narinig

Kung gayon ay ang babaeng 'yun pala ang pakakasalan niya tapos ginahasa niya pa sa kagubatan. Napakalaki niyang mangmang!

"A-ano? T-teyka, naguguluhan ako. Ang sabi mo ay buntis siya ng isang buwan sa ngayon? Hindi, hindi ko matatanggap iyan—binabawi ko na ang sinasabi kong pagpayag sa kasal" Tanggi niya

Kahit siya pa ang ama ng dinadala nito ay hindi niya ito aakunin o aangkinin—at kapag pumayag siyang magpapakasal dito baka mabulilyaso pa siya pag nagkataon

"Ano? Hindi ba't pumayag ka na? Ang usapan ay usapan Augustine. At hindi mo iyon pwedeng baliin—gusto mo ba kaming mapahiya sa harap ng maraming tao?!" Bulyaw ng kanyang ama

"Sana ay hindi na lang ako umuo, hindi ba kayo nag-iisip? Buntis siya tapos ako ang tatayong ama na alam naman natin na hindi sa akin? Nag-iisip ba kayo?" Pagpapaintindi niya sa mga ito

Pinagkaila niya ang kanyang anak para sa kanyang kaligtasan hindi pwedeng malaman ng mga ito na siya ang ama ng dinadala ng prinsesa. Dahil sa oras na malaman ng mga ito na siya ang puno't dulo ng pagkawalan ng malay ng prinsesa ay tiyak na ipapapatay siya kahit prinsipe pa siya sa lugar nila

Ayaw niyang mapugutan ng ulo!

"Basta ayoko, binabawi ko na ang kasunduan" Matigas na pagkakasabi niya at dali-daling nagpunta sa kanyang silid

"Ano ng gagawin natin Calex?" Nag-aalalang tugon ni Palmera

"H'wag kang mag-aalala Palmera—kukumbinsihin ko ulit si Augustine na pakasalan si Rhea. Panghawakan mo sana ang sinabi ko—"

Walong buwan na ang nakalipas ay nagsilang na si Rhea at lalaki ang kanyang anak. Hindi na inisip ng mga magulang ni Rhea ang sulat na ipinadala ng Hari sa kaharian ng Dya ang pag-atras ni Prinsipe Augustine na pakasalan ang kanilang nag-iisang prinsesa

Nakakalungkot mang isipin ay naaawa si Noyus sa kanyang anak at sa kanyang unang apo dahil sa ilang araw at buwan na nakakalipas ay lumalaki na ito

"Lolo, kilala mo ba ang papa ko?" Inosenteng tinanong siya ni Rezso ang kanyang pitong taon gulang na apo

Pinantayan naman ni Noyus ang tangkad nito at sinuklay suklay ang napakaitim nitong buhok

"Pagpasensiyahan mo na apo ang Lolo ah, pero hindi ko kilala ang papa mo—" Pagpapaliwanag niya sa kanyang apo na mababakas sa tono ng pananalita ang awa

Muli ay naluluha na naman si Reszo sa narinig

"Gusto kong makilala at makita ang papa ko Lolo, nasaan na ba kasi siya..." At tuluyan na nga itong umiyak sa harapan niya

Pinahiran naman ni Noyus ang mga malalaking luha na nagsipatakan sa mata ng kanyang apo at hinagod hagod ang likod nito para tumigil na sa pag-iyak

Hindi niya kayang sabihin ang katotohanan na nagahasa ang anak niya at ito ang bunga sa ginawang kalapastanganan ng lalaki kung sino man siya

Maski ang anak nila si Rhea ay hindi din nila ito sinabi ang katotohanan, sapat na sa kanilang mag-asawa na nakalimot na ito at hindi na magawang alalahanin kung saan nanggaling si Reszo

"Anak Reszo? Bakit ka umiiyak?" Malumanay na lumapit si Rhea sa anak niyang pinapatahan ng kanyang ama

"Umiiyak na naman siyang nagtatanong sa'kin Rhea, kapag nagkakasalubong kami ng apo ko o 'di kaya sa Lola niya ay palagi niya kaming tinatanong kung sino at nasaan ang ama niya—" Malungkot na tugon ng ama kay Rhea

Tiningnan naman ni Rhea ang anak na hilam sa luha ang mukha dahil sa kakaiyak nito

"Anak Reszo, si Papa mo ay naglalakbay sa malayong malayong lugar at hindi ko pa alam kung kailan siya makakabalik sa atin." Malungkot na sinabihan ni Rhea ang kanyang anak na si Reszo

"M-mama, hindi na po ba siya babalik sa'tin? Iniwan na po ba niya tayo?" Humihikbing tanong nito sa kanya

"Hindi ko alam anak, hindi ko alam."

"Pa? Anong kaganapan dito at bakit niyo ako pinatawag?" Naguguluhang tanong ni Rhea sa ama na nakaupo sa upuan nito at nakaharap sa napakalaking mesa

"Pinatawag kita, kayo para pag-usapan ang planong pagpasa ng korona at pangalan ng Yahali." Tipid na sagot ng ama sa kanyang anak

Hindi na lamang sumagot si Rhea bagkos ay dahan dahan siyang umupo sa nirerespetong upuan nito

"Ngayong nandito na kayong lahat, nais kong ipahayag sa inyo na ang nag-iisa naming anak si Rhea ay nais kung ipalit sa aking pwesto bilang bagong pinuno sa kahariang ito." Anunsiyo ng kanyang ama na ikinagulat ng iilang mga dumalo

"Bakit naman kamahalan?" Tanong ng isang biskonde sa kabilang ibayo ng isla

"Dahil natuklasan kong karapat dapat lang na humalili ang aking anak na umupo sa aking nirerespetong trono, at hindi lang iyan—unti unti niya na ding natutunan ang mga tungkulin bilang isang Reyna" Pagmamalaki ng kanyang ama at tiningnan siya

"Nakakatuwang marinig iyan kamahalan—" Sagot naman ng erl

Napasandal na lang si Rhea sa kanyang upuan at napabuntong hininga na lamang

Tanggap na niyang siya ang kokoronahan ng kanyang ama at hindi siya pwedeng tumanggi dito dahil nakasalalay sa kanya ang lahat

Sa pagsapit ng ikalawang gabi ay ginanap na ang koronasyon, kinakabahan si Rhea ng makalapit siya sa kanyang ama na nakatayo suot ang kumikinang na korona na nakapatong sa ulo nito

Nang makalapit siya ay yumukod muna siya at tiningnan ang ama

"Ngayong nandito na ang lahat. Inaanyayahan ko kayong saksihan ang koronasyon na ito, ngayong gabi ay masisilayan natin ang paglipat ng Hari sa kanyang pangalan bilang tagapangalaga ng kahariang ito. Rhea Samante, ang nag-iisang anak ni Haring Noyus at Reyna Margarett ikaw ay pinapayagang mamuno sa Yahali dahil sa iyong angking talino at pagiging responsable sa bawat galaw at tungkulin—ngayong gabi ay malaya ka ng makakagawa ng iyong sariling batas" Anunsiyo ng taga kunseho

"Ako si Rhea Samante anak ni Haring Noyus at Reyna Margarett, pinapangako kong aalagaan ang Yahali sa abot ng aking makakaya at pinapangako ko sa aking sarili na hinding hindi ko ipagpapalit ang kahariang ito sa aking kasiyahan." Panunumpa niya sa harap ng maraming tao

Humarap naman siya sa kanyang ama at bahagyang yumukod pagkatapos ay dahan dahan namang inilipat ng kanyang ama ang korona nito sa kanya

"Binabati kita Rhea" Nakangiting tugon ng kanyang ama

"Maraming salamat po Papa—"

Pagkatapos ng koronasyon ay gumawa sila ng isang pagtitipon dahil sa matagumpay na pangyayari. Magarbong kantahan at sayawan ang namayani sa kanilang malaking bulwagan at inaamin ni Rhea na masaya siya para sa Yahali

"Mama may nakilala po ako doon sa labas, bagong kaibigan ko po siya—" Tuwang tuwa na saad ni Reszo

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na h'wag kang makikipag-usap sa mga estranghero. Baka nangunguha iyan ng mga bata at ipagbili sa mga pirata kapalit ng limpak limpak na pera at kayamanan..." Pangangaral niya sa kanyang anak

"Pero mama mabait siya, prinsipe siya at nanggaling siya sa kaharian ng Dya—" Pagtatanggol ng kanyang anak sa estrangherong kakakilala pa lang nito

Hindi niya maiwasang tingnan ang anak

Bakit ang dali lang para dito ang pagtakpan at ipagtanggol ang lalaking 'yun. Sino ba siya

"Reszo, nandito ka lang pala—" Sulpot ng isang lalaki sa harapan nila

Napatingin siya sa lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Mestiso ito at sopistikado, matangkad at wari niya ay marunong din itong mamuno kagaya niya at mapatingin ito sa kanya ay parang nakaramdam siya ng takot at pagkabahala ng magtagpo ang kanilang mga mata

"Magandang gabi sa iyo kamahalan," Bati nito sa kanya at yumukod bilang pagrespeto

"M-magandang gabi din sayo—" Sagot naman niya

"Mama pwede po ba kaming maglaro ni Prinsipe Augustine kahit sandali lang, sige na po..." Pangungulit ng kanyang anak

"Sige, pero h'wag kang masyadong maglaro baka atakihin ka na naman ng hika dahil sa sobrang pagod." Bilin niya sa kanyang anak

"Opo—" Sagot nito at humawak pa sa kamay ng Prinsipe daw at hinila ito papalayo sa kanya

"Mama pansin ko lang po, may pagkapareha po kami ni Prinsipe Augustine." Palatak ng anak niya na ikinahinto niya sa pagtutupi ng mga damit nito

"Paano mo naman nasabi iyan anak?" Nakangiting tugon niya dito

"Kasi po napapansin kong itim din ang buhok niya kagaya ng sa akin 'di ba kulay ginto naman ang sa'yo Mama? Tapos ang mata niya ay matingkayad ang pagka kayumanggi—" Dagdag pa nito na parang kinabisado talaga ang mukha ng lalaki

Napa-isip siya

Kung tama ang hinala niya sa prinsipeng iyon ay 'yun ang aalamin niya

"Anak, makinig ka sa'kin. Hindi lang naman siya ang may itim na buhok at matingkayad na pagka kayumanggi na kulay na ng mata" Pagpapaintindi niya sa anak

"Pero mama—"

"Reszo h'wag kang makulit. Sige na matulog ka na—" Pagpapatuloy niya sa kanyang anak

"William, paki imbestigahan ka nga 'tong si Prinsipe Augustine." Utos niya sa Chief Guard ng kanyang papa

"Masusunod kamahalan" Walang pag-aalinlangang sagot naman ni William at tinanggap ang puting polder

"Kailangan ko 'yan ngayon," Habol salita niya dito

"Anong inutos mo kay William?" Napalingon siya ng makita niyang nandoon pala ang ama niya sa kanyang likuran

"Papa, kanina pa po ba kayo diyan?" Nginitian niya ito

"Napadaan lang naman ako dito" Tugon ng kanyang ama

"Inutusan ko lang po siya na paimbistigahan si Augustine."

"Iyong kalaro ng anak mo kagabi?"

"Opo—"

"Bakit?"

Napabuntong hininga siya ng sunod sunod na ang tanong nito

"Para kasing hindi mapalagay ang loob ko kapag malapit siya sa'kin, para kasing nakita ko na siya dati. Basta hindi ko matandaan..." Bulalas niya dito

Nang magtama kasi ang mga mata nila ni Augustine kagabi ay parang natatandaan niya na nagkita na sila nito pero hindi niya lang maalala kung saan at kailan ang eksaktong lugar at panahon na  nagkita sila

"Tama ang iyong ginawang hakbang anak. Tunay nga na may nalalaman ka na sa pagiging Reyna, ipagpatuloy mo lang 'yan" At tinapik ang kanyang balikat

"Ano na? May nakalap ka bang impormasyon?" Bungad niya kay William ng dumating na ito

"Meron po—" Sagot naman nito at inilatag sa mesa ang puting polder na pinadala niya kanina

Agad niya iyong binuklat at binasa ang mga detalye tungkol kay Augustine

Augustine Yngel Sy'yski

February 16, 1997

23 years of age

Prince of Dya

The only son of King Calex Sy'yski and Palmera Salvatore

The Great Ruler of Dya Empire

Has three heirloom including:

The land of Course, the island of Dolly, and the soul of Truism

A fugitive of a case rape—

Nasapo ni Rhea ang sariling bibig ng mabasa ang kaso nitong panggagahasa, at ngayon niya lang naalala ang pangyayaring ito din ang nanghalay sa kanya

Nanginginig ang mga kamay na ibinaba niya ito at napapikit ng mariin sa nabasang detalye

"Mama, pwede po ba akong makipaglaro kay Prinsipe Augustine." Ng marinig niya ang pangalan ng lumapastangan sa kanya ay bigla na lang uminit ang dugo niya

"Hindi pwede, may hihilingin sana ako sa'yo Reszo kung pwede sana ay h'wag ka ng makipagkita og makipaglaro kay Augustine. Pagbibigyan mo ba ako?" Malumanay niyang saad sa kanyang anak

Ang kaninang masayang mukha ni Reszo ay napalitan ng pagkalungkot

"Pero bakit naman Mama? Gusto ko pong kalaro si Prinsipe Augustine dahil Papa mo siya—" Napanganga siya sa narinig

"Hindi. Hindi mo siya Papa Reszo, masama siyang tao masama siya!" Tugon niya sa kanyang anak

"Hindi Mama! Mabait po siya!" Umiiyak na sagot naman nito at tumakbo papalayo sa kanya

"Reszo!" Tawag niya dito pero hindi man lang siya nito nilingon

"Ikaw! H'wag ka ng magpapakita sa anak ko!" Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya si Augustine

"Bakit naman Rhea? Anak ko naman si Reszo 'di ba?" Nakangising bulalas nito

Naramdaman niyang nanunubig ang kanyang mga mata

"Walang hiya ka, ang kapal ng mukha mong angkinin ang anak ko! Ginahasa mo ako! Hayop ka, mamatay ka na!" Umiiyak na sabi niya at pinagsusuntok si Augustine sa dibdib nito

"Hindi ko naman kasi alam na ikaw din pala ang prinsesang pakakasalan ko" Malumanay na sagot naman nito at hinuli ang mga kamay niya

"Walang hiya ka Augustine! Kinamumuhian kita, bakit ikaw pa ang naging ama ng anak ko. At ngayon ang lakas ng loob mong magpakita pa dito?"

"Patawarin mo ako Rhea—"

"Hindi ka karapat dapat na patawarin. Dahil lapastangan ka! Wala kang puso!" Sigaw niya dito at kulang na duro duruin niya ito

"Patawarin mo ako Rhea." Ngayon ay nakaluhod na ito sa harapan niya at nagmamakaawang patawarin siya

"Kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa'kin. You just take an advantage of my weaknesses Augustine kaya patawarin mo din ako sa nais kung gawin sa'yo.... Dakpin niyo siya" Utos niya sa mga kawal na nakapwesto lang sa kanyang likuran at naghihintay na utusan niya

Dinakip naman ng mga kawal sa Augustine at dinala sa loob ng palasyo kung saan siya parurusahan

Libo libo ang mga taong dumalo para masaksihan ang pagpupugot sa ulo ni Augustine at desididong desidido talaga si Rhea na parusahan ito salang panggagahasa sa kanya at hindi iyon sapat na makita niya pa itong buhay

Sa kultura at tradisyon nila, sila lang ang makapangyarihan na magpatupad ng parusang kamatayan sa kanilang kapwa

Wala silang pinipili mapatulad man ito sa kanila ay pinaparusahan din nila

"Mga kapatid, ngayon ay masasaksihan natin ang tagpong ito. Ang Prinsipe ng kahariang Dya ay pinaparusahan ni Reyna Rhea dahil sa salang panggagahasa sa kanya" Anunsiyo ng taga kunseho at hinawakan ang lubid ng gilotina

Nakita niya pang napakuyom ang dalawang kamao ni Augustine at napapikit ng mariin

At ilang segundo lamang ay binitiwan na ng taga kunseho ang lubid dahilan para dumausdos ng sobrang bilis ang talim pababa sa leeg ni Augustine

Napapikit na lamang siya

At naramdaman niyang natahimik ang lahat, hindi niya magawang buksan ang dalawang mata ayaw niya itong makitang pugot ang ulo

Tumalikod siya at palihim na pinunasan ang mga luhang nagsi unahan ng nagpatakan

Masaya siya dahil nabigyan na ng hustisya ang paghahalay sa kanya ni Augustine, masaya siya dahil hindi na siya mahihirapan pang alalahanin ang kanyang nakaraan at higit sa lahat hindi niya pinagsisihan ang ginawang hakbang para parusahan si Augustine ng kamatayan...