webnovel

Sad Ending Stories

This is Short Sad Random Stories. Tagalog languange/ Taglish it depends on the story.

AsteriaLuns · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Dead Body

Genre: Horror

Publish Date: Aug 21 2020

Writer By: AsteriaLuns

PS: This story has MATURE CONTENT, there's sensitive next scenarios won't as detailed as the ones in this characters. This is not suitable for young audiences.

THIS IS CHAPTER IS EXTRA R-16+, READ AT YOUR OWN RISK.

---------------------------------------------------------------

Katherine Sulpricia POV

"kat!! halika rito, ikaw mag deliver ng mga ito dun sa bakanteng lote duon sa dulo. kilala mo naman na kung sino sila diba?" tawag sakin ni lola.

Agad kong kinuha ang ibinigay na supot ni lola sakin. Ang lansa ng amoy hindi ko alam kung anong parte ng baboy o hayup itong ide-deliver dun kala Aling Patring. Pag dating ko sa harap ng lumang bahay nila ay agad na lumabas si Manong Mando.

"oh ikaw pala iha, ayan na ba ang inorder ng aking asawa?" tanong nito sakin at tumango ako.

"oh eto 120 pesos iyan." sabi nito sakin, kaya napakunot noo ako.

"bakit ho may sobrang bente?" tanong ko

"para saiyo yan iha" sabi nito.

"sege ho aalis na po ako" pagpapaalam ko.

"jowa mo pa din iyong babae na iyon?" katanungan nito sakin bago ako makaalis ruon.

"opo Manong Mando." sabi ko, atsaka umalis na ko sa harapan nito.

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad agad sakin ang aking sinisintang binibini na si Azzi Akira. bagohan palang kaming dalawa, tatlong buwan na kaming nag iibigan. Si Azzi ang nanligaw sakin noon. Naging matalik ko itong kaibigan hanggang sa nagtapat ito at nanligaw sakin. Kapag nanliligaw ito naiisip ko na para talaga siyang lalaki, ewan ko ba basta nagulat na lang nung isang araw na may nararamdaman na ako para sakaniya. Kaya agad ko din itong kinomperma at ayun nga sinagot na siya at ipinaalam sa mga magulang at mga kaibigan namin tungkol sa relasyon naming dalawa. Noong una ay hindi payag saamin ang magulang ko dahil maging matalik na magkaibigan kami, at di din nila inasahan na mangyayare iyon. Pero sa handang huli ay sumuko na sila ng dahil sa mga nakikita nila saamin kung gaano namin kamahal ang isa't isa. We are part of LGBTQ and no one can stop us!

"oh babe?" sabi ko

"kadarating ko lang, sinabi sakin na nag deliver ka daw" sabi nito

"oo" sabi ko

"oh mag bihis ka na kaagad at baka hindi na natin maumpisahan ang misa sa simbahan" pumasok kaming dalawa sa bahay at agad na pumunta sa kwarto ko.

"eto suotin mo" sabi niya sakin at iniabot ang nahanap niyang damit na susuotin ko.

Sinara niya ang pinto ng kwarto ko.

Agad kong hinubad ang pang itaas ko, naramdaman kong hinawakan ni Azzi ang dede ko na mayroong bra pa. At hinalikan ako kaagad. Pinipigilan ko ito pero hinsi kinaya ng katawan ko dahil agad niyang sinipsip ang aking utong sa bandang kaliwa. Nakarinig agad kami ng katok sa labas ng kwarto ko. Kaya agad kaming napahinto at agad kong inayos ang bra

"anak bilisan niyo na jan" sabi ni lola.

"opo lola, saglit lang po" sabi ko.

wala na kaming narinig pang boses. Kaya napagpasyahan kong magbihis na. Umalis na kami ng bahay at pumunta sa simbahan para magpasalamat sa ibinibigay ni Jesus saamin. Bago ako umuwi ay hinatid ako ni Azzi rito sa bahay.

"goodnight babe, i love you" sabi nito sakin.

"i love you more, ingat ka babe" sabi ko eito at hinalikan niya ko saaking labi ng ilang segundo. At umalis na ito sa harapan ko.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nakita oo silang naghahain na sila sa lamesa. Tumulong ako sa mga ito.

"anak bago ka nga pala kumain ipa deliver mo nga tong mga manok kala aling patring." utos ni ina sakin.

"kanina lang ay kakadeliver ko lang inang ah" sabi ko ng pagkakuha ng supot.

"malakas sila kumain ata kaya araw araw ay laging iyan ang inoorder saatin" sabi ni lola.

"ano ho ba ito?" katanungan ko.

"fresh blood ng baboy at laman loob ng baboy iyan. sabihin mo 200 iyan lahat huh" sabi nito

"para saan naman ito?" sabi ko

"ipa deliver mo na dami mong katanungan eh" sabi ng kapatid ko na si Tarquin napaka epal talaga kahit kelan.

"epal ka masyado" sabay batok ko rito at tumakbo na palabas ng bahay para hindi na niya ako mahabol dahil napilay ito nung nakaraang linggo lang dahil sa pagba basketball.

Agad akong pumunta sa bahay nila aling Patring. Madilim na dahil anong oras na ng gabi kami nakauwi ng girlfriend ko. May mga ilaw ilaw kada kanto ng street at dahil wala ilaw sa kalsada kundi sa gitna at dulo lang ay kinakailangan kong gumamit ng lampara dahil mahirap maglakad sa dilim. Nang makapunta na ako sa harap ng bahay nila ay agad akong kumatok ng ilang beses ngunit walang nagsalita o lumalabas man lang. Kakatok na sana ako uli ng biglang umawang ang pintuan.

"nakabukas ang pintuan" mahinang sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at tumingin tingin sa paligid. Nakarating ako sa kusina nila aling patring. At inilapag ko ang supot na hawak ko kanina pa. Nauuhaw ako, gusto kong makiinom ng tubig kaso mukhang walang tao naman. Kaya agad akong pumunta sa tapat ng kanilang ref. May naamoy akong malansa at nakakita ng nga dugo at laman loob sa loob ng ref, mga nakakalat ito at nakakita ako ng puso! parang puso ng tao. Nakakita din ako ng utak ngunit maliit lang. Nandidiri ako kaya agad kong sinara ang ref at feeling ko ay masusuka na ko sa nakita ko.

"anong ginagawa mo riyan iha?" rinig kong tanong ng taong nasa likodan ko kaya agad ako napalingon.

"ikaw ho pala, aling patring. ayan na ho ang inorder niyong pagkain. nakabukas po kasi ang pinto kaya pumasok na ko kanina pa po kasi ako tawag ng tawag sa labas." pagdadahilan ko.

"ah ganon ba, pagpasensyahan mo na ah. may inaayos lang sa itaas. heto ang 200 iha" sabi nito sakin at inabot ang bayad.

Nagpaalam na ko na aalis na ako. Pagkarating ko sa bahay ay hingal na hingal alo pagkarating ko sa loob. Nakita kong kumakain na sila.

"oh bat hingal na hingal ka riyan?" tanong ni lolo.

"wala ho, tumakbo lang po ako. bakit hindi niyo man lang po ako hinintay?" tanong ko.

"ang tagal tagal mo kasi" umepal na naman si Tarquin. Bineletan ko ito.

"oh siya, kumain ka na rito at baka maubasan ka ng ulam" sabi ni mama.

---------------------------------------------------------

"inimbitahan nga pala tayo sa bahay ni Xandra Alistair​​, dun daw tayo mag sleep over sakanila tutal sasusunod na araw na ang kaarawan niya" sabi ni Aya Cei.

"oh sege ba" pag payag ko

"isasama mo pa si kat?" tanong ni Arci Couraguex sakin.

"oo naman, bakit?" tanong ko

"hay nako, isasama pa yun" Shy Dwayne.

"oo nga, alam mo namang magkagalit pa din silang dalawa ni xandra at yang si kat" sabi ni Arci.

"hayaan niyo na" sabi ko

"oh anong pinag uusapan niyo jan?" bungad na pagpasok ni Jake dito sa room.

"secret" sabi ni Shy sabay irap kay Jake.

"secret secret pang nalalaman gusto mong halikan kita jan?" sabay nguso ni Jake palapit ang mukha sa mukha ni Shy at sabay ilag naman ni Shy rito kaya nagsitawanan kami.

"You're invited guys don't worry" singit ni Xandra na kararating lang.

-----------------------------------------------

"Inaantok na ko kaagad" sabi ko

"Anu ba yan kakatapos lang natin kumain oh" sita naman kaagad ni Shy sakin kaya napataray tuloy ako rito.

"Asan na ba ang mga boys bat ang antatagal nila? Atsaka yung jowa mo asan na ,Kat?" Tanong ni Arci sakin.

"Ewan ko ba dun sabi niya mala-late siya sa pagdating eh" sabi ko.

"Gabi na oh baka di na yun pupunta" sabi ni Aya

"Pupunta yun may isang salita yun" sabi ko sakanila.

"Saglit nga lang tignan ko kung andun na sila sa pintuan" sabi ni Xandra.

Maya maya ay nakapunta na ang mga lalaki ngunit si Azzi ay wala pa din hanggang ngayon anong oras na. Habang kami natutulog ng mga barkada ko sa bahay nila Xandra ay nakaramdam ako ng gusto kong umihi sa baba. Nang bumangon ako ay sinilip ko silang lahat na natutulog na pati ang mga lalaki, ngunit si Elishia ay wala rito at si Xandra din. Magkapatid kasi ang dalawa. Napagpasyahan kong bumaba na sa ibaba para umihi medyo kalayuan din ang C.R nila sa may kusina pero mas malapit ang kusina sa hagdanan nila.

Pagkatapos ko mag C.R, ay nakarinig ako ng may umiiyak sa iaang pintuan rito sa ibaba, pinagbabawalan nila kami na huwag pupunta sa kwartong iyon dahil kwarto daw iyon nila aling patring at manong mando. Pero dahil sa curious ako, napagpasyahan kong dumeretso ruon at buksan ngaonti onti ang pintuan nito dahil hindi siya nakalock. Sumilip ako at nakakita ng isang lalaking nakahiga sa isang lamesa at punong puno ito ng dugo sa katawan wala na ang isang paa nito. Nanlaki ang mga mata ko, tinakpan ko ang aking bibig at pinagmamasdan pa rin ang patay ng katawan ni manong mando. Nakita kong nilapitan ni aling patring ang katawang ito at may hawak na kutsara, itinusok ito sa mga mata ni manong mando at kinuha ang mga mata at kinain ng walang alinlangan nakita ko ding lumapit sina Xandra at Elishia. May hawak na kutsilyo ang mga ito at may bahid ng dugo. Bakit nila ginawa yun? mga halimaw ba sila! natatakot ako.

onti kong sinara ang pintuan pero tumunod agad ito, kaya inalis ko kaagad ang gamit kong tsinelas at tumakbo sa taas para magpanggap na natutulog. Ayokong maging isang biktima na papatayin at kakainin nila. Hindi ko alam na magagawa ni xandra to saamin. Lalo na sila aling patring, isusunod kaya kami? sana ay hindi. Nang makahiga na ko sa pwesto ko ay agad akong nagtakip ng kumot. At nagpanggap na natutulog. Maya maya ay nakarinig ako ng iilang hakbang papunta rito saamin. Nakarinig naman agad ako ng isang boses ng tao kundi si Arci.

"bakit gising ka pa?" tanong ni Arci rito.

"wala naman, bat nagising ka?" tanong ni Xandra.

"kasi feeling ko maiihi ako rito. samahan mo ko umihi" sabi ni Arci kay Xandra.

Maya maya ay nakarinig uli ako ng mga halbang papalayo sa kwartong ito. Magkasama silang dalawa, kinakabahan ako para kay Arci dahil wala kong magawa para iligtas siya dahil natatakot ako sa maaaring mangyare sakin. Nakarinig na naman ako ng hakbang papalayo sa kwarto. Kaya napasilip ako kung sino ang umalis ng kwarto uli, kundi si SUJICO SUPREMACY. Sana walang mangyareng masama sakanila.

"hoy gising na! Kat?" rinig kong tawag sakin at mayroong timatapik sakin para gisingin ako kaya napamulat ako.

"ano ba yun?" tanong ko, at umaga na pala.

"nawawala sina Arci at Sujico" sabi ni Shy.

"huh? bakit nawawala? baka naman umuwi na" sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko at humikab pa dahil sa antok anong oras na din kasi ako nakatulog.

"tumawag na kami sa mga magulang nila pero wala pa daw akala nila kasama natin sila pero nawala na sila" sabi ni aya.

"wala! hindi namin makita" sabi ni krei, mukhang kakauei lang nila rito hinanap nila ata sila arci.

"bakit naman mawawala mga yun" sabi ko.

"baka bumili lang" sabi ni jake.

"baka nga" sabi ni shy.

-----------------------------------------------

Makaraan ng ilang araw ay wala kaming balita tungkol kala arci at sujico na nawawala pa din hanggang ngayon. Nagkayayaan na naman ang mga tropa na mag celebrate ng kaarawan ni Shy sa bahay nila xandra. Si azzi naman ang gf ko ay di daw uli makakapunta dahil di ito pinayagan. Nandito na naman kami kala aling patring ang nanay ni xandra. Nabalitaan din namin na nawawala si manong mando kahit ang totoo ay wala na ito dahil pinatay nila! papano nila nagawa yun? sariling pamilya nila iyon. Nanatili lang akong tahimik sa mga nakita ko sa araw na nawala sila arci at sujico.

"oh cheers!" sabi ni shy na lasing na lasing na. Ayaw kasi nito mag celebrate sa bahay nila dahil di ito pinayagan na maglasing kaya nagsinungaling siya sa mga magulang niya.

"cr lang ako guys" paalam ni shy.

"oh kiss mo na kasi" sabi ko kala krei at aya.

magkasintahan silang dalawa at matalik na kaibigan ang mga ito.

"buti na lng pinayagan tayo ng magulang ni xandra noh" sabi ni jake sakin.

"oo nga eh" sabi ko.

maya maya ay wala ng shy na bumalik. pero nakatulog kami sa sobrang lasing. magkayakap pa sina aya at krei habang natutulog ang mga ito. babalik na sana ako sa pagtulog ngunit may narinig at nakita kong bumikas ang pintuan at iniluwal nito sina aling patring, xandra at elishia. Ang ikinagulat ko ay may hawak silang mga patalim.

"guys gising!" sigaw ko sakanila, si jake ay nagising pati na din si Loire Demonice Lúst Eleison.

"ang ingay mo naman bess" sabi ni loire sakin.

"anong ginagawa niyo jan?" tanong ni jake sakanila.

"hindi sapat samin ang mga laman ng mga hayup. mas gusto namin ang mga laman ng tao" sabi ni aling patring.

"anong pinagsasabi niyo?" sabi ko

"kami ang pumatay at kumain sa mga kasamahan niyo" sabi ni xandra

"gago ka ba?! bakit mo ginawa yun!" gigil na sabi ni aya halatang nagising.

"taena niyo! mga halimaw kayo!" sigaw ni krei.

"wala kaming pake kung ano pa ang sabihin mo ang gusto namin ay makain na kayo" sabi ni aling patring.

"hindi kami masarap" halatang natatakot na si loire.

"edi papasarapin hahahaa" sabi ni elishia ang kapatid ni xandra.

"wagg!! wagg kayong lalapit!" sigaw ko.

Nagsama sama kami ng barkada habang papalapit na sila aling patring. Sinugod ni krei si xandra pero nasaksak kaagad ni xandra ito pinagtulungan nila at pinagsaksak ng hawak nilang patalim. Wala ng hininga si krei pero patuloy pa din sa pagsasaksak ang mga ito. Tumigil din sila.

"sino naman kaya ang isusunod?" xandra

"mahall!!!!! bakit niyo pinatay si krei!!! mahal gising plss!!" sigaw na umiiyak ni aya, pinipigilan namin siyang pumunta sa kinaroroonan nila krei pero nakatakas ito sa pagkakahawak namin kaya agad itong lumapit na umiiyak pero maya maya ay sinabunutan ni xandra si aya at ginilitan ng leeg. Tumalsik ang mga dugo. Napaiyak na lang ako sa mga nakikita ko.

"tama na!" sigaw ni loire.

"tama na kapag nakain na namin kayo" sabi ni aling patring.

lumapit si xandra saamin, nakatutok ang kutsilyo sakin. tatakbo na si xandra papunta sakin ngunit humarang si jake kaya siya ang nasaksak.

"jake!!!!" sigaw namin ni loire. halatang nagulat si xandra sa nakita kaya agad itong lumayo at pumunta sa tabi ng kaniyang ina.

"jake! pls " sabi ko

"kat? mahal na mahal kita kahit pa si azzi ang pinili mo. magpa-paalam na ko sayo" sabi ko.

"jake naman eh!" iyak kong sabi, ex ko si jake. si azzi ang naging sandalan ko noong nakipag break ako kay jake dahil nakita kong nambabae ito.

"sorry, plss wag moko iwan" pagmamakaawa ko onti onting pumikit ang mga mata nito.

di ko naramdaman na nakalapait na si xandra kay loire at hinablot nito ang buhok.

"iyo na siya inay" sabi ni xandra at ibinigay ang buhok ni loire. nakita kong tinali nila si loire na umiiyak at patuloy pa din sa pagmamakaawa. nakita ko ding binalatan nila ng buhay itoa may gilid ng pintuan. ako na lang ang buhay sa tropa. hindi ko na alam ang gagawin ko.

"iwan mo na siya!" sigaw ni xandra

"hindi ko kayang iwan si jake! tigilan mo na ko!" sabi ko

"hindi kita titigilan! isa ka pa! wala ka ding kwentang tao." sabi ni xandra sakin at sinabunutan ako kaya napatingala ako sakaniya.

"mamamatay ka din at magkakasama kayong dalawa sa impyerno"

agad kong sinuntok ang ari ni xandra kaya napabitaw ito kaagad sa buhok ko. tatakbo na sana ako palabas sa kwartong ito ngunit bumungad sa harapan ko si elishia. sinunggaban niya ako ng kutsilyo kaya nagkasugat ako sa bandang braso. pero hindi ko yun inalala gumawa ako ng paraan para makalaya o makatakas sakanila.

"at san ka pupunta" sabi ni elishia.

sinipa ko ang tyan nito at inagaw ang patalim na hawak nito at sinaksak sa bandang puso kaya napabitaw ako sa hawak kong patalim kahit hindi ko gustong gawin yun. Tumakbo ako papuntang hagdan di ko inasahan na magkakamali ako ng hakbang kaya paikot ikot ako sa hagdan hanggang dun sa ibaba. tumayo ako kaagad kahit na paika ika ako at binuksan ang pintuan palabas ng bahay. Ngunit si azzi ang bumungad sa harapan ko. niyakap ko kaagad ito.

"oh ikaw pala azzi, masyado ka atang late" rinig kong boses ni xandra sa may likodan ko.

"ano?" tanong ko kaya agad akong bumalikwas sa pagkakayakap kay azzi.

"ayoko na, nakakasawa ka na kat. hindi kita makontrol at ang dami mong kasalanan sakin. isa din ito sa pinlano namin nila xandra na patayin kayo dahil lahat kayo ay may atraso samin. Kinawawa niyo kami noon bago mo ko jowain kat! natatandaan mo bang ginawa mo kong aso nasunod sunuran sainyo ni jake! naging third wheel at aso niyo ko! peste! di ko nga alam kung bat ml ko pinatulan siguro ay nakonsensya ka pero wala na kong pake saiyo at sainyo dahil wala na kayo para sakin! kailangan mong mamatay kat! napakawalang kwenta mong tao! magkita kita na lang tayo sa impyerno! tandaan mo hindi kita minahal at pinlano din naming akitin si jake para maisagawa ang planong patayin kayong dalawa lang naman ang papatayin eh nakisama pa mga hayup mong tropa" sabi ni kat, nakaramdam ako ng tumusok sa tyan ko. ramdam ko ang pag agos ng dugo. tinaas pa ni azzi ang pagkakasaksak sakin kaya humaba ang hiwa.

nakaramdam akong may humawak sa ulo ko, at may patalim akong naramdaman sa leeg ko at onti onting nawawalan ako ng hininga at nagbla- black at blurd ang aking paningin.

"paalam, mahal" huling salitang binanggit ko.