webnovel

Chapter Twelve

\

\\

...

Sa hardin, kung saan masayang nagmemeryenda sina Prinsesa Nayadah at Mystica. Napansin ng prinsesa na umuusbong ang mga pulang rosas sa paligid.

Sabi niya, "Kita mo nga naman. Ngayon ko lang napansin na umuusbong ang mga magagandang rosas sa aking hardin. Bihira lang itong mangyari."

Sumagot naman si Mystica, "Malamang napapanahon ngayon ang pagusbong ng mga rosas."

Tumingin sa kanyang ang prinsesa, "Hindi kaya ikaw ang may gawa nito?"

Nagulat naman si Mystica sa kanyang sinabi, "Ngunit hindi ako isang makapangyarihan na pantas para gumawa ng milagro, Mahal na Prinsesa. Isa lamang akong dayong alahera na gusto makipagkalakaran sa iyong nasasakupan. Bakit mo naman nasabi iyan?"

At nagsalita ang prinsesa, "Sapagkat kawangis ng iyong ganda ang dating reyna ng kaharian na ito?"

Nagtataka si Mystica, "Sino ang dating reyna na tinutukoy mo?"

At isinalaysay ni Prinsesa Nayadah ang tungkol sa kuwento ng dating reyna, "May napupusuan si Haring Felipe, walang iba ang anak ng makapangyarihan na pantas. Sila ay nagpakasal at biniyayaan sila ng napakagandang sangol na pinangalanan nilang Monica. Ngunit, namatay sa pagkapanganak ang reyna. Hindi naglaon, nakalimutan na ng hari ang kanyang sinisinta. Nagpatuloy siya sa pamamalakad ng kaharian. At inisip niyang makakabuti kung hindi na lang niya sasabihin sa kanyang anak ang tungkol sa kanyang ina."

Hindi alam ito ni Mystica ang kuwento sa kanyang namayapang ina.

At nagkainteres siyang malaman, "May dati ka bang larawan ng reyna ng iyong tinutukoy?"

Sumagot ang Prinsesa, "Wala. Lahat ng alaala ng pamilya ni Haring Felipe ay pinasunog ko na. Pinapatay ko na rin ang kaawa-awang paslit. Matapos patayin ng asawa ko ang dating hari."

Hindi makapagpigil si Mystica sa kanyang nararamdaman na pait. At gusto niya kunin ang kutsilyo sa mesa para saksakin ang prinsesa. Gagawin na sana niya iyon, ngunit sa isang iglap lang ay may tumama na palaso sa dibdib ng prinsesa.

Nabahala si Mystica. Tumawag siya ng mga kawal, "Mga kawal! May mapangahas na nagtangka sa ating prinsesa. Tulungan niyo ako!"

Inalalayan niya ang prinsesa nang bumagsak ito sa lupa. Tila mukhang matapang ang lason na nasa palaso kaya mahinang-mahina na ang kalagayan ng prinsesa.

Huling bilin pa niya, "Nagsinungaling ako. Buhay si Reyna Aurora. Akala mo hindi kita mamumukhaan. Suot mo ang kuwintas na minana mo pa sa iyong ina."

At nalagutan na siya ng hininga.

Nung gabing iyon, habang pinaglalamayan si Prinsesa Nayadah. Pumuslit muna si Mystica at nagbihis ng panlalaki para hindi siya makilala. Pumunta siya sa piitan at doon niya hinanap si Reyna Aurora.

Nakita niya doon si Reyna Aurora na nagiisa sa piitan. Mahinang mahina na ang kanyang katawan. Subalit natatangi pa rin ang kagandahan.

Itinakas niya si Reyna Aurora. Sakay ng isang kabayo, dumaan sila sa gubat kung saan napapalibutan ng mga matataas na kahoy ang ilog.

Tinanong siya ni Reyna Aurora, "Sino ka? Bakit mo ako dinala rito? Papatayin mo ba ako?"

Hindi kumibo si Mystica. Gamit ang enkantasyon, binuksan niya ang portal. At napadpad na sila sa palasyo ni Azkaban.

Natuwa si Reyna Aurora sa pagkakita nila ni Azkaban.

Sabi pa ni Azkaban, "Mahal na Reyna, akala ko matagal na kayong patay."

Sabi naman ni Reyna Aurora, "Akala ko hindi na ako maliligtas. Salamat sa estranghero na ito at dinala niya ako sa iyong tirahan."

Tinangal ni Mystica ang kanyang talukbong sa ulo.

Nagpakilala siya, "Hindi ako isang estranghero. Ako ay isang babae. Ako si Monica, ang anak niyo kay Haring Felipe."

Nagulat si Reyna Aurora, "Diyos ko po! Buhay ka! Ang sabi sa akin ng nasira kong asawa ay patay ka na. "

At niyakap siya ni Reyna Aurora.

Sinabihan si Mystica ni Azkaban, "Dumito ka muna, Monica. Mukhang mapanganib kung babalik ka sa kastilyo ni Duke Remingham. Baka ipapatay ka pa nila, ngayon na nakalaya na ang iyong ina."

Sabi naman ni Mystica, "Huwag kayo magalala sa akin. May iba akong binabalak. Pupuntahan ko ang kastilyo ni Haring Daniel. At hihingkayatan ko siya na pagplanuhan namin ang pagsalakay sa kastilyo ni Duke Remingham."

Nabahala naman si Reyna Aurora, "Hindi ba mapanganib ang iyong binabalak, anak?"

Sagot naman ni Mystica, "Huwag kayong mag-alala. Meron akong kaibigan na naninilbihan kay Haring Daniel. Matutulungan niya ako. At siya rin ang pumatay kay Prinsesa Nayadah."

Inalok naman siya ni Reyna Aurora, "Sasamahan na lang kita kay Haring Daniel. Bilang patunay na ako ay buhay at ligtas. At siya ay maniwala at makumbinsi sa iyong naiisip na plano laban kay Duke Remingham."

\

\\

...

-END-

Next chapter