7 Chapter Seven

\

\\

...

Nakatangap ng mensahe si Ceith mula kay Luntian. Kung matutuloy raw ang lakad ni Haring Daniel, siya ay mapapahamak. Kaya binabalaan ni Ceith si Haring Daniel, "Kamahalan, may lalakarin ba kayo bukas? Nakatangap po ako ng impormasyon na kung matutuloy ang lakad niyo bukas, kayo ay mapapahamak."

Sabi naman ng kamahalan, "Ganun ba? Sige, si Heneral Olantre na lang ang ipapupunta ko doon."

Inutusan ng hari na si Heneral Olantre na lang ang hahalili sa kanya. Hindi batid ni Heneral Olantre na ito lamang ay isang patibong. Pero, sinunod pa rin niya ang hari.

Nang napadaan siya sa kagubatan, sinalakay ng kampo niya ng mga kalaban. Marami ang nasugat at nasawi. At napatay sa enkuwentro na iyon si Heneral Olantre.

Masama ang loob ng hari nang nakatangap siya ng masamang balita. At nung gabing iyon, siya ay naglasing. Nakita siya ni Ceith. Inalalayan niya ito.

Paanyaya pa ni Haring Daniel, "Halika rito. Samahan mo akong uminom, Latinus."

Taka naman ni Ceith, "Hindi po Latinus ang pangalan ko."

Sabi naman ni Haring Daniel, "Ikaw na aking magaling na espiya. Pangangalanan kitang Latinus. Ikaw na ang hahalili kay Heneral Olantre bilang kanang kamay ko."

Natuwa naman si Ceith sa naging pasya ni Haring Daniel.

***************

Dumating ang araw, naisagawa ang plano ng hari na salakayin ang kastilyo ni Reyna Nayadah. Natalo nila ang kalaban, pero nakatakas naman ang reyna. Nagsaya si Haring Daniel at ang kanyang mga kasama na kabalyero. Sila ay nagdiwang sa kastilyo sa nakamit nilang tagumpay.

Sabi naman ni Ceith kay Haring Daniel, "Napakatalino niyo po talaga. Sa bawat pagsalakay niyo sa inyong mga kalaban, napatumba niyo agad sila."

Sagot naman ng Hari, "Latinus, gagaling ka rin sa pakikipaglaban katulad ko. At higit pa roon, baka isa ka pang maging mahusay na pinuno. Maganda ang pamamaraan mo. Pero, hindi pa rin tapos ang laban na ito. Meron akong kaibigan na dapat kong isalba."

Nagtataka naman si Ceith kung sino yung kaibigan na tinutukoy ni Haring Daniel.

\

\\

...

-END-

avataravatar
Next chapter