webnovel

Sa Dulo, Walang Tayo (One Shot)

Teen
Ongoing · 7K Views
  • 1 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Hindi man tayo ang itinakda ng tadhana para sa isa't isa, masaya pa rin akong dumaan ka sa buhay ko.

Tags
3 tags
Chapter 1Sa Dulo, Walang Tayo

Naalala ko pa 'yung dating ako. Masaya kahit nag-iisa. Mag-isa mamasyal. Mag-isa kumain. Mag-isang hinaharap ang problema. Kuntento na ako sa buhay na mayroon ako. Wala na akong ibang hinangad pa.

Hanggang sa dumating ka sa buhay ko. Ginulo mo ang puso't isip ko. Naalala ko nga no'ng mga panahong mga estudante pa lang tayo ng kolehiyo. Pareho tayo ng kursong kinuha. Una kitang napansin no'n no'ng nasa pangalawang semesteryo na tayo bilang first year college. Sa subject kasi na PE. Kailangan natin no'n mag perform. Hindi ko na maalala kung ano 'yung sinayaw natin. Pero tanda ko pa, 'yung kaibigan ko ang iyong nakapareha.

'Yung mga panahon na iyon, sobrang patay na patay ako sa koryanong artista na si Kim Soo Hyun. Napaka-loyal ko sakanya kahit hindi pa nya ako kilala. Ganyan ang kagustuhan ko sakanya.

Sa araw-araw na pag-eensayo natin noon sa sayaw, nawawalan ako ng oras kay Kim Soo Hyun. Hanggang sa sabi ng kaibigan kong iyong naka pareha, may hawig daw kayo. No'ng una, ayokong tanggapin ang sinabi nya dahil para sa akin, nag-iisa lang si Kim Soo Hyun sa buhay ko. Pero, no'ng minsan, palihim kitang pinagmasdan. Hindi ko alam kung napansin mo. Tinitigan ko ang hubog ng iyong mukha. Halos makabisado ko ang kabuuan nito sa sobrang tagal kitang pinagmasdan. At doon ko napansin, magkapareha kayo ng mga mata. May pagka singkit ka rin kasi. At ang iyong mga labi, may kanipisan.

Simula noon, lagi na kitang pinagmamasdan. Kahit mula sa malayo. Hindi ko namamalayan, nahuhulog na pala ang loob ko sa iyo.

Natapos ang unang taon nating sa kolehiyo na hindi mo nalalamang may lihim na pala akong pagtingin sa iyo. Hindi dahil may hawig kayo ni Kim Soo Hyun. Kundi dahil sa ikaw ay ikaw.

Sa pangalawang taon natin sa kolehiyo, nalagas 'yung iba nating kaklase. Pakonti na nang pakonti ang estudyante sa kurso natin. Aminado ako, mahirap kasi ang pinasok nating kurso.

No'ng mga panahong mag-e-enroll nanaman tayo bilang second year college, doon ko nalaman na mayroon ka na palang kasintahan. Nsaktan ako noon. Palihim. Palihim akong nagkagusto sa iyo kaya palihim din akong nasaktan. Nagsama ang lungkot at saya. Lungkot dahil may kasintahan ka na pala. Saya dahil nakapasa ako. Maipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral.

Maganda ang iyong kasintahan. Maputi. Makinis. Magaling kumanta. Magaling sumayaw. Mayaman. Ang kaso, hindi siya nakapasa kaya lumipat siya ng kurso. Sa panahong naging kayo, tinanggap ko na lamang iyon sa aking sarili. Ibinaling ko ang aking atensyon sa pag aaral. Ngunit, ang pagtingin ko sa iyo hindi nawala. Nanatili ka sa puso't isipan ko.

Hanggang sa isang araw, nabalitaan ko na lamang na naghiwalay na pala kayo. Hindi ko alam kung umabot ba kayo ng isang taon. Ikaw daw ang nakipaghiwalay. Hindi ko alam kung tama ba ang nabalitaan ko na ito tungkol sa iyo. Ngunit kahit na ganon, masaya ako.

Pahirap na nang pahirap ang pag-aaral natin noon. Tanda ko pa nga, halos wala na akong oras matulog. Tinubuan na rin ako ng mga tagihawat. Tanda ng aking pagpupuyat kaka-isip.

Napanaginipan pala kita noon. Sa panaginip ko, masaya raw tayong dalawa. Nag-propose ka pa nga raw sa akin. Ikakasal na sana tayo nang bigla akong nagising sa katotohanan. Maaga ang pasok natin noon kaya mabilis akong gumayak. Hindi ako marunong mag make up. Ang gusto ko kasi, mapansin mo ako sa pagiging ako lang. Natural na ako.

'Yung guro nating noon sa major na subject natin ay may pagkatsismoso. Tanda ko pa nga noon na sibihan ka ng ating guro. Na nararamdaman daw niya na may nagugustuhan ka raw sa klase natin sabay tingin sa direksyon ko banda. Noo'y nakaramdam ako ng kaba. Hindi maiwasang magtanong sa sarili. Ako kaya iyon?

Matatapos nanaman ang pangalawang taon natin sa kolehiyo na hindi ko manlang nalalaman kung sino ba ang iyong nagugustuhan. Mabuti na lamang at tinanong ka muli ng ating guro kung may nobya ka na ba. At doon ko nalaman na may nobya ka nanaman pala. Kaklase natin sya. Siya 'yung lagi kong katabi sa upuan. Magkasunod kasi ang apilyedo namin. Akala ko ako 'yun. 'Yung nagugustuhan mo. Umasa pa naman ako. Pero, masaya ako. Kasi nakita kong masaya ka sa piling niya.

Kinalimutan ko 'yung nararamdaman ko sa iyo. Ang buong atensyon ko ay sa pag-aaral. Ang bakanteng oras ko ay nasa silid aklatan lamang ako. Nag-aaral ng mabuti. Dahil alam kong may tamang panahon para sa pag-ibig ko sa iyo. Marahil hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Natapos ang ikatlong taon natin sa kolehiyo na hindi mo parin nalalaman na may lihim akong pagtingin sa iyo. Nakakabit ka na kasi sa puso't isipan ko.

Tanda ko pa, bakasyon iyon. Nagpunta kami noon sa Nueva Ecija upang magbakasyon. Andoon kasi ang aking mga pinsan. 'Yun 'yung panahon na medyo naging malapit tayo sa isa't isa. Hindi sa personal kundi sa text message. Ikaw ang unang nag text noon tanda ko pa. Nagkapalitan tayo noon ng mga mensahe. Alam kong kayo pa noon ng kaklase natin. Kaya nga bawat binibitawan kong mensahe na ipapadala ko noon sa iyo ay akin munang masusing pinag-iisipan. May limitasyon. Alam ko iyon. Aaminin ko, makulit talaga kasi ako. Pero, ni minsan wala akong nabanggit sa iyo na kahit na ano tungkol sa nararamdaman ko sa iyo. Ang tanging alam mo, kaklase ang turing ko sa iyo. Aamin ko, na turn off ako sa iyo ng mga panahong iyon dahil kahit mayroon kang nobya, sinabi mo sa akin na : 'baka masabihan kita ng ilikeyou'. Hindi ako noon natuwa. Mayroon kang nobya, alam mo yan. Ngunit bakit ganoon ka? Doon natigil ang palitan natin ng mensahe. Kahit na may pagtingin ako sa iyo. Ayoko ng ganoon. Hihintayin ko nalang 'yung panahong matino ka na.

Fourth year college na tayo. Kakaunti na lamang tayo. Ito na ang huling taon natin. Nalaman ko nalang din na hiwalay na pala kayo ng kaklase natin. Balita ko, ikaw nanaman daw ang nakipag hiwalay. Noo'y hindi ko alam kung bakit ganoon ka. Nagsabi sa akin 'yung kaklase natin na iyon sa akin. Nagsawa ka raw kaya ka nakipag hiwalay. Totoo ba 'yun? Hindi ko alam pero 'yung pagtingin ko sa iyo. Napalitan ng galit at sama ng loob. Naawa ako sa kaklase natin. Hindi na sya noon makapagpokus sa klase. Tinulungan ko sya. Pinakopya ko sya noon sa quiz natin. Major kasi yun. Ayokong malagasan pa tayo ngayong malapit na nga at ga-graduate na tayo. Ako noon ang pinaka mataas sa quiz at sumunod naman ang kaklase natin. Mababa ang nakuha mo noon. Doon ko naramdaman na wala na akong pakealam pa. Buhay mo iyan. Gawin mo ang gusto mong gawin.

Nang mga panahon din na ito, unti-unti nararamdaman kong nagkaka gusto na ako sa iyong kaibigan. Tuluyan ka na ngang nawala sa isip ko. Lagi kong napapansin ang iyong kaibigan. Matalino sya at mabait. Sa katunayan, masaya pa sya kasama. Nakakasama ko siya noon sa silid aklatan. Nagtatanungan sa mga pinag-aaralan. Marami rin akong natutunan sakanya. Salamat sakanya.

Bago pa magtapos ang unang semester noon, isa tayo sa mga sumali sa quiz bee. Tanda ko nga, dito muli bumalik pagtingin ko sa iyo. Kasama din natin noon 'yung kaibigan mo. Dun ko napatunayan na mas gusto kita kaysa sakanya. Ibig sabihin, gusto ko rin ang iyong kaibigan.

Pare-parehas tayong walang naiuwi noon. Natatawa pa nga ako dahil wala naman akong matinong review kung bakit ako ang isinalang sa quiz bee na iyon. Ngunit, masaya dahil naranasan ko. Nang mga panahong ito ko rin nalaman na may bago ka nanaman palang nagugustuhan. Third year siya. Transferee. Matalino. Maganda at mabait. 'Yun ang tingin ko sa nagugustuhan mo kahit hindi ko siya kilala.

Tanda ko pa nga na medyo kinilig ako sa text message mo noon kung naka uwi na ba ako? Ginabi kasi ang uwi natin noon galing sa quiz bee. Nagbiyahe ba tayo ng pagkatagal noon dahil buong rehiyong dos ang sumali. Pero, hindi kita agad nireplyan noon dahil napa-isip ako. Na baka nagkamali ka ng pinag sendan. Kasama kasi natin noon 'yung kaklase natin na ex mo. Napaisip ako na baka sakanya talaga iyon at nagkamali ka lamang ng pindot. Gayunpaman, nag reply ako. Hindi ko natiis ang sarili ko.

Huling semester na pala. Malapit na matapos. Ngunit, hindi mo parin alam na ako'y may lihim na pagtingin sa iyo. At sa iyong kaibigan. Mas lalo akong napalapit noon sa kaibigan mo. Mabilis kasi sya tumugon sa mga tanong ko tungkol sa pinag-aaralan natin. Madami akong natututunan at dun ako humanga sakanya. Sa kaibigan mo.

Hanggang sa muli kang nagparamdam sa akin. Madami ang nangyari. Bakit? Kung kailan matatapos na. Dito. Umamin ka sa akin. Na may gusto ka sa akin. Naguluhan ako sa iyo noon. Hindi ko pa noon alam na may namamagitan parin pala sainyo ng transferee. Binigyan ko kasi ng chance 'yung sarili kong mahalin ka. Nasaktan ako nang malaman kong may namamagitan parin pala. Pinigilan ko 'yung sarili ko na 'wag mahulog sa iyo.

Naalala mo ba? No'ng mga panahong humihingi ka ng payo sa akin dahil medyo nagkakalabuan na kayo ng transferee. Pinapanigan ko 'yung transferee. Parehas kasi kaming babae kaya naiintindihan ko sya. Nagkaayos kayo. Nagpanggap akong masaya kahit ang totoo nasasaktan na ako. Masakit pero walang luha ang gustong tumulo mula sa aking mga mata.

Patuloy parin 'yung pagiging malapit natin noon sa isa't isa pero nililimitahan ko ang aking sarili. May isip din kasi ako. May pangarap ako at hindi ikaw iyon. Kundi ang makapasa sa board exam.

Dumating 'yung panahong tuluyan na nga kayong nagka malabuhan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon. Nasaktan ako. Hindi ako nakaramdam ng tuwa. Kasi nasaktan ka. Gusto kong magka-ayos at balikan pa kayo noon.

Simula noon ramdam ko na sa akin mo na ibinaling ang atensyon mo. Napatanong ako sa sarili ko noon. Gano'n ba kabilis iyon? Alam kong mali kaya dineretsa kita. Sinabi ko sa iyo na gawin mong tama ang proseso ng paglimot mo. Na wag mo akong gamitin. Hindi ko alam pero parang nasaktan kita dahil ang sabi mo hindi gano'n ang intensyon mo. Matagal ding wala tayo noong komunikasyon. Tanda ko pa, malapit na ang pasko noon. Taong 2015.

Pero, ikaw ang unang nagparamdam noon. Ang sabi mo sorry dahil hindi mo matiis. Na namimiss mo na ako. Linggo iyon tanda ko pa. Mabilis akong tumugon noon. Nagtanong kung bakit hindi ka nagalit. Nakapagbitiw kasi ako ng salita na wala manlang akong pruweba. Ang sabi mo naiintindihan mo ako.

'Yun 'yung panibagong simula natin. Alam kong mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba kaya pinigilan ko ang aking sarili na wag mahulog sa'yo.

Sabay tayong nagtapos. Masaya ako kasi konti nalang. Malapit na ako sa pangarap ko. Sa graduation natin, nakita ko dumating 'yung transferee. Masaya kayo. Parang isang tunay na pamilya talaga kayo. Kasama sa litrato niyo siya. Sa panahong iyon, napaka daming kong tanong sa iyo. Akala ko kasi wala na kayo. Wala nang namamagitan pa sa inyo. Kaya nga kita tinanggap sa buhay ko. Pero bakit ka naglihim. Na nagkaayos na pala kayo. Na masaya na kayo uli. Alam kong hindi mo napansin ang lungkot ko sa pagdating niya. Abala ka kasi sakanya. Mabuti na lamang at kasama ko ang mga magulang ko. Do'n ko na-realize na sila ang talagang true love ko.

Pare-parehas tayo noon na naging abala. Sabay sabay tayong nag-review. Lumuwas tayong Manila upang makipagsapalaran doon. Parehas sana tayo ng review center kaso lumipat ka. Tinanong kita. Ang sabi mo kasi may nakita kang mga senyales. Tinawanan pa nga kita. Pero kahit magka iba tayo ng review center, magkalapit tayo ng boarding house. Kaming mga babae sa ikatlong palapag. Kayong mga lalaki naman ay sa unang palapag.

Sa pagiging abala ko noon sa pag rereview, nakalimutan ko ang nararamdaman ko sa iyo. Mas lalo kasi akong napalapit sa kaibigan mo. Parehas kami ng review center. Ang gaan sobra narin ng loob ko sakanya. Pero, alam kong may nobya ang kaibigan mong iyon. Madalas din kaming tinutukso noon pero do'n ko naramdaman na kaibigan lang ang turing ko sakanya. Parang kuya ko na siya. Madalas din kasi noon na wala 'yung katabi ko sa review center kaya tinatabihan niya ako. Hindi ako nakaka-concentrate nun kasi kinukwentuhan ako. Hanggang sa nasanay naman ako. Masaya pala talagang kasama ang kaibigan mo.

Natapos ang review at board exam. Hindi mo parin alam na nagkaroon ako ng lihim na pagtingin sa iyo. Nagkaroon. Pakiramdam ko kasi ng mga panahong ito, wala na akong nararamdaman pa sa iyo. Na kaklase. Dating kaklase nalang tingin ko sa iyo.

Umuwi na tayo noon sa ating probinsya habang naghihintay ng resulta. Dito mo tinuloy ang nasimulan natin. Tapos na ang exam kaya wala na akong ibang iisipin pa. Tuluyan na nga kitang tinaggap sa buhay ko. Binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon.

Tanda ko pa may bagyo noon kaya wala kaming kuryente. Samantalang kayo, meron. Ikaw ang unang nagbalita sa akin na pumasa ako. Tayo pumasa. Pati ang kaibigan mo at ang ex mo.

Tuloy tuloy ang naging pagtanggap ko sa iyo. Hanggang sa naramdaman kong, naghahabol parin sa'yo ang ex mo. Naging magkaibigan kami no'n ng ex mo dahil sa pag-rereview. Tinanong kita kung may gusto ka pa sakanya no'n. Ang sabi mo, wala na talaga. Na kaibigan na lang. Dun ko inutos sa'yo ang bagay na sabi mo ni minsan hindi mo pa nagawa. Ang magsabi. Na aminin mo sa ex mo ako na ang gusto mo. Alam kong nahirapan ka pero ginawa mo parin. Kaya naman, kinausap ko rin ang ex mo. Hindi ko sinabi sa iyo ang buong pinag usapan namin. Samantalang ikaw, sinabi mo. Dito ka rin umamin. Na dati ka pa palang may gusto sa akin. Na bago pa naging kayo ng kaklase natin, may gusto ka na sa akin. Naging tanong tuloy sa akin kung ako nga talaga noon pa, bakit naging kayo ng kaklase natin? Hanggang ngayon. Tanong pa rin sa akin.

Nagpasya akong magtrabaho sa Manila. Ang saya nga kasi sabay sabay tayong nag-apply. Ikaw. Ako. At 'yung ex mo. Buti nalang no'n sinama ko 'yung isa nating kaklase. Para naman may partner ako.

Una kayong nakapasok noon sa trabaho. Samantalang kami ng ex mo, wala parin. Kaya nga nagpasya na 'yung ex mong mag pribinsya na lang. Ako naman, napagod narin kaya nagpasyang mag probinsya narin. Ang kaso, biglang may kumontak sa akin. Na natanggap ako sa trabaho.

Dito tayo talagang nag simula. Lumalabas tayo every weekend. Masaya ako na kasama ka. Alam kong napapansin mo iyon. Naging sobrang malapit tayo sa isa't isa. Dahil sa malupit mong paraan, napaamin mo ako. Na tuluyan na nga akong umibig sa iyo.

Hindi tayo. Hindi ka nanligaw. Pero, mahal natin ang isa't isa. Mahirap kasi wala akong pinanghahawakan. Hindi ko rin alam kung may balak ka pang ligawan ako.

Habang tumatagal nararamdaman kong masyado ka nang kampante kasi alam mong may gusto na rin ako sa iyo. Gayunpaman, hihintayin ko nalang 'yung panahong magkakaroon na ako ng karapatan sa iyo. Alam mo namang, magaling ako maghintay. Marunong akong maghintay. Sa hinaba ba naman ng panahon, ngayon pa ba ako susuko?

Gusto kong paniwalaan na hanggang sa huli, ikaw at ako lang. Na hindi ito isang imahinasyon o kathang isip.

Ngunit, matapos lamang ang ilang buwang masasayang araw natin, nagkalabuan tayo. Umamin ka sa akin na hindi mo kaya isuko ang anuman na mayroon ka para sa akin. Nasaktatan ako. Sobra. Ngunit, naiintindihan kita. Sinubukan ko ilagay ay sarili ko sa sitwayson mo. At sa totoo lang, hindi ko rin kaya isuko ang bagay na iyon. Magkaiba kasi tayo ng relihiyong kinagisnan. Hindi ko kaya isuko ang relihoyong meron ako at gano'n din ikaw. Hindi dahil ito sa pride natin sa isa't isa. Kundi ito'y dahil magkaiba ang pananaw nating dalawa.

Mahirap mang tanggapin ngunit kailangan natin maghiwalay ng landas. Ang sabi mo pa sa akin, kailangan natin ng cool off. Napaisip ako. Sobrang pinag-isipan ko ang desisiyon ko. Nagdesisyon akong tapusin na lang natin ng tuluyan. Na kahit pagkakaibigan, hindi ko rin kayang maibigay pa. Para kasi sa akin, mahirap kasi mamuhunan kung alam kong malulugi ako sa bandang huli. Na wala ring tayo sa huli.

Mabilis ka rin namang sumang-ayon sa aking desisyon. Aaminin ko, umasa ako na hindi ka papayag at ipaglalaban mo ako. Ngunit narinig ko ang pinakakinatatakutan kong sagot. Ang iyong pagpayag at tuluyan natin paghihiwalay ng landas.

Nahirap akong malimutan ka. Sobra akong na-stress at na-diagnose pa akong may acute gastritis. Dahil iyon sa kakaisip ko sa nangyari sa atin. Ang akala ko, excitement lang ang naramdaman ko sa iyo. Ngunit sa palagay ko, totoo kitang minahal.

Hindi man tayo ang nasa dulo, masaya pa rin ako na nakilala kita sa buhay ko. Ang masayang ala-ala natin ay hinding-hindi ko makakalimutan. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Naranasan kong maging masaya. Naranasan kong masaktan. At higit sa lahat, naranasan kong magmahal ng totoo.

You May Also Like

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
4.7
303 Chs
Table of Contents
Volume 1

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT