3 Chapter One:

"Students, kindly proceed to your assigned classrooms.."

Gino-o pastilan! Sa wakas! Fourth quarter naaaa!

Am happiie!

Pumunta na ako sa third floor kung nasaan ang classroom ko. Wait. Ano pala yung number ng classroom ko!?

Shunga ka kahit kailan Ara!

Binuksan ko selpon ko. Mag babackread sa gc. Backread is life!

"Room.... 312? Oki-ay shuta ka!" nagulat ako sa biglaang pag hablot ng selpon ko.

"No cellphones allowed while students are in school. Your name?"

Gago! Tsansing ata to eh!

"Duh? Sino ka ba?" tanong ko dito.

Ako ang future mo yiiii

Kaharutan level: 101%

"SSG officer. Now, can I take your name?"

"Krass mo ako no?" prankang sambit ko dito

"Are you a freak or something? Pumili ka. Guidance or ibibigay mo pangalan mo?" halatang inis na tono niya

"Ikaw muna. Ano pangalan mo? Full name ser."

Halatang napipikon na siya sakin.

Loh. Ayaw ko lang mag patalo eh.

"Fine. Its Kyle Furetsero."

At eto na ang line ng maharot na Ara!

"Im Inara Briella Furetsero." patay malisya kong sambit.

"Are you making fun of me?"

"Kelan pa ginawa ang kasiyahan dude?"

"What the..."

"Hell." tuloy ko sa sasabihin niya

"I have no time for this young lady."

"Alam mo bang late na ako dahil hindi mo pa binibigay selpon ko?"

"Come with me. Now."

"Itatanan mo ako? Lohhh di pa ako ready!"

"Putangina..." bulong nito

"Di ako nag mumura Ser."

Scam Ara! Puro ka mura sa utak mo!

"Lets take it easy Miss. Give me your name, and ill give your shitty phone."

"Kanina ka pa inlis ng inlis. Kano ka ba?"

"Pota. Isang tanong nalang. Pag di mo pa sinagot di na babalik cellphone mo."

"Abay sanaol binabalikan. Tsar! Inara Brielle Lina. Search mo sa fb. Tas friend request ka ha? Jokkk!"

"Whatever." sabi nito at inabot saakin ang selpon ko

"See yu around Pisot!" sabi ko at tumakbo na sa classroom ko. Narinig ko pa ang mahinang pag sumpa niya saakin habang patakbo ako.

Naabutan ko pa ang oras. Di ako late. Teacher namin late huehue.

"Araaaaaaaa! Pakopyaaaaaa!" sigaw ni Elizabeth saakin.

"Agang ke buraot. Ano nanamang kokopyahin mo?"

"Yung ano.. Sa english yung sa make your own sentence."

"Madami non sa google. Sakin pa talaga ah? May wifi na nga kayo tapos.. May tama ka ba sa utak?"

"Andyan na si mamm math!"

Shunga. Maam math pa nga.

"Tanga! Maam selya yon!" patong pa ng bobang classmate namin.

"Luh? Diba Chlea yon?" Tanong ng top one namin.

Bahala kayo dyan.

Nag simula na ang klase. Syempre nakikinig ako di katulad niyo duh.

Natapos na ang tatlong subjects namin. Break time na. Ang paborito niyong subject shuta sanaol. Ako kase badtrip sa break time. Alam niyo kung bakit? Kase pwet niyo may raket BWHAHAHAHAHAHAHAHH-

"Ara dapat nag pabili nalang tayo kay Danilo. Tingnan mo siksikan oh! Ano to? Sardinas? Eh mas maluwag pa ata sa loob ng sardinas kesa dito eh." Reklamo ni Elizabeth.

"Edi don sa baba. Baka wala ng tao don. Tapos na breaktime ng mga grade seven. Tara." yaya ko dito

"Hala. Diba bawal mga grade nine don?"

"Ninja tayo. Remember?"

"Buset kaaaa!"

Bumaba na kami. Dahan dahan ang bawat hakbang. Nag iingat sa bawat bintanang nadadaanan. Maka pigil hininga amp.

Sige lang. Imaginin niyo lang.

Lakas maka action ampupu HAHAHA.

Nakarating na kami sa canteen. Buti nalang at walang pakealam mga crew dito. Wait crew ba tawag don? Among us Pfft.

"Eto po at eto. Mag kano po?"

Ililibre ako ni Eliza. Lagi naman. Wala bang mag sasanaol dyan?

Nag ingat naman kami ulit ni Eliza papunta sa taas. Syempre success. Ako pa ba?

Nang makarating kami ay umupo na kami sa upuan namin. Nag chismisan kami sa mga walang kwentang bagay. Pero isa lang ang naka pukaw ng pansin ko.

"May pini-em kase ako na lalaki. Tas hinarot ako, syempre dahil protected with rp acc edi pinatulan ko. Ngayon nanliligaw na sakin. Libre lang mag sanaol. Mag sanaol kana." naka ngiting kwento nito saakin.

"Huh? Eh saan naman yang manliligaw mo nangaling?" takang tanong ko dito

"Hoy sizzt! Nakikinig ka ba? Ansabi ko may rp account ako! Tapos don ko sya nakilala. Lutang lang?"

"Malay ko sa rp rp na yan. Ano ba yan?"

"Buset ka! Di mo alam? So wala kang rp account?"

"Pakealam ko dyan." sabi ko at kinain yung biskwit na pinabili ko. Hmmm. Iced Jem Biscuit? Yan lagi pinapabili ko eh.

"Alam mo girl? Bumalik ka sa pagiging tamod."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tangina netoh. Nasa school kami juskoo

"Gaga! Yung bunganga mo pigilan mo nga!"

"Walang alam sa world amp. Di kilala BTS. Tas di Alam yung blackpink. Nung tinanong kita kung ano yung blackpink sabi mo kulay na nag combine? The heal. Tas di mo din alam yung rp?! Mehgad! Balik ka sa pagiging sperm kapatid."

"Masasampal ko na yang bunganga mo. Pag may nakarinig sayo dyan yari ka. Tsaka di naman mahalaga mga ganayang bagay na sinasabi mo." depensa ko

"Pakeo bijj. Gawa ka ng rp acc. Masaya yon pramis."

"Eh? Pano ba kase?"

"Gonna teach ya layter"

Dumating na ang teacher namin. Naging abala kami ni Eliza dahil sunod sunod nanaman ang pag habilin ng projects at assignments. Buti nalang kapitbahay ko itong bruhang to. Napag tutulungan namin lahat ng school works. Sanaol(2)

Natapos na ang lahat lahat ng sub. Uwian na syempre, di na kami gumagala kung saan saan ni Eliza. Baka mapatay kami ng mga inang reyna namin.

"Sizzt wala bang practice? Bukas ba ulet?" Tanong ni Eliza

"Wala daw. Madami daw kase ginagawa si Leanard kaya di tayo matuturuan. Tsaka madami ding assignment kaya oks lang."

"Akin na selpon mo." Biglaang sambit nito

Abay ano nanamang balak netoh?

"Para san naman?"

"Tanga! Gagawa tayo ng rp mo remember?"

"Sa gitna ng daan?"

"Mamaya busy na tayo. Kaya pag sabayin na naten habang nag lalakad tayo. Akinaaaa!"

Iniabot ko sakanya ang selpon. Pag ako talaga napahamak sa acc na yan. Tanginars wag na sya kokopya saakin.

"Uhmm. Ano pangalan mo dito? Wag real name ah? Dapat fake."

"Gusto ko Ara pa din."

"Inara? Shemay madaling mahahanap RA mk noh!"

"Ra?"

"Hay bat ba wala kang alam sa world? RA means real account. Hayysst."

"Malay. Arabrielle nalang."

"Ang lapit naman. Wala na bang iba?"

"Wala. Bakit? May naiisip ka ba?"

"Waley. Ano apilyido mo dini?"

"Hmm. Mah nabasa ako sa libro kanina. Aerith. Yun nalang."

"Girly ng name! Kaderder."

"Para nga di mahalata diba?"

"Oki payn!"

Tinapos niya na lahat ng infos. Mamaya ko nalang bubuksan yang account na yan...

Sa una akala ko wala lang ang tinatawag nilang RP accounts. Pero ng tumagal ako. Di ko akalain na may epekto ito saakin...

____________________________________

VOTE, COMMENT AND SHARE!

avataravatar